Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maulan" poems
May mga lugar tayo na mahirap sa atin ang balikan Minsan malayo, Minsan maulan, Madalas walang oras. Pero kailangan natin puntahan.                  Ilan lang yan sa mga rason na mas gusto ko nalang isipin                  Para madaling magdahilan.                  Pero kapag puso ang tumawag,                  Kalinga ang nangailangan                  Pag unawa ang nais maging hantungan. Iniisip ko, Ano ba ang dahilan bakit mahirap balikan. Binabalik ako sa katotohanang, Wala na.                                      Wala na ang tao sakin na madalas maghanap.                                           Madalas mangamusta.                                               Madalas magsabing magpataba ka.                         Ang kahit kelan hindi ako tinuring na iba,                  Kahit kailangan na.                                           Marahil ito nga. Dinadala ako sa ibang direksyon, Sa ibang tahanan, Sa tahananang walang ibang tao. Sa tahanang hindi ko na maririnig ang tinig mo. Hindi ko na mahahawakan ang malambot at mapagkalinga **** braso. Wala na ang biro, tawa at masigla **** tinig na nagpapaingay ng paligid.                                         Marahil ito nga, Bumubungad sakin ang isang kahon ng alala Na sa pag ihip na lang ng hangin ko maradarama. At sa ganda na lang ng paglubog ng araw ko na lang makikita. Ang mga tinago kong munting ala-ala
0
Jul 31, 2018
Jul 31, 2018 at 2:13 AM UTC
ala-ala
May mga lugar tayo na mahirap sa atin ang balikan Minsan malayo, Minsan maulan, Madalas walang oras. Pero kailangan natin puntahan.                  Ilan lang yan sa mga rason na mas gusto ko nalang isipin                  Para madaling magdahilan.                  Pero kapag puso ang tumawag,                  Kalinga ang nangailangan                  Pag unawa ang nais maging hantungan. Iniisip ko, Ano ba ang dahilan bakit mahirap balikan. Binabalik ako sa katotohanang, Wala na.                                      Wala na ang tao sakin na madalas maghanap.                                           Madalas mangamusta.                                               Madalas magsabing magpataba ka.                         Ang kahit kelan hindi ako tinuring na iba,                  Kahit kailangan na.                                           Marahil ito nga. Dinadala ako sa ibang direksyon, Sa ibang tahanan, Sa tahananang walang ibang tao. Sa tahanang hindi ko na maririnig ang tinig mo. Hindi ko na mahahawakan ang malambot at mapagkalinga **** braso. Wala na ang biro, tawa at masigla **** tinig na nagpapaingay ng paligid.                                         Marahil ito nga, Bumubungad sakin ang isang kahon ng alala Na sa pag ihip na lang ng hangin ko maradarama. At sa ganda na lang ng paglubog ng araw ko na lang makikita. Ang mga tinago kong munting ala-ala
Continue reading...
31
Ngayong nagdaan na ang isang linggong malamig at maulan, Nagpakita na ang araw, mainit at maliwanag. Alam kong dapat masaya ako pero Paano ako sasaya kung ikaw lang lagi ang naaalala ko? Naiinis ako sa araw, pinapaalala niya ang mga nagdaang linggo, Mga linggong magkausap tayo tungkol sa kahit ano. Mga linggong nakakapagod pero napapawi mo. Mga linggong wala akong maisagot sa papel ko Pero bigla ka nalang papasok sa isip ko, Kasama ng mga sagot na hinahanap ko. Ngunit ngayon, naiisip ko, ano nga ba ang pinagkaiba? Kahit noong tag-ulan, naaalala pa rin kita. Naaalala ko kung paano kita sinasabihang mag-iingat ka At kung paano kita pinaiyak dahil sa isang sala. Naaalala ko rin kung paano mo ako iniwan At kung paano kita hinayaan. Kaya ngayong wala ka na, wala akong magawa Kundi mainis sa lahat ng bagay na nagpapaalala Hindi sa'yo, kundi sa aking mga nagawa Para umalis ka at iwanan mo akong mag-isa.
0
Jul 13, 2015
Jul 13, 2015 at 1:45 PM UTC
Araw at Ulan, Ikaw at Ako
Kasabay ng patak ng ulan Ang luha kong umaagos nang marahan Damdamin ay nasasaktan Panibugho kong di tumahan Bakit ako'y pinagpalit Palagi naman sa iyo ay mabait Minahal kita nang higit pa sa iyong nalalaman Pagmamahal na iyong pinabayaan Ikaw ang aking pinipintuho Kahit sasalungatin ng bagyo Di ako mapapadaig Delubyo man ang maging dulot nito Ang putik sa mga paa kong dumidikit Ay parang pumipigil sa paghakbang Kahit mabubuwal sa daan Patuloy pa rin sa paglakad Sa tuwing iniisip ka Nalulungkot ako't humihikbi Ang pait ng dagat At ang alon ay sampal sa pisngi sapagkat iba na sa iyo ang nagmamay-ari Matalim ang bawat pagaspas ng mga dahon Ang mabanayad na awit ay nagdadagdag ng sakit Habang sa silong nag-iisa Nalulumbay ako nang inaalala ka Ipikit ko man ang mga mata Ay hindi tinakpan na bituin sa gabing maulan Sapagkat maaliwalas gaya ng batis Ang kagandahan mo na nagniningas Kaya pagkatapos ng ulan Sa silong ako'y pabayaan Iniwan mo sa akin ang awitin ng damdamin kong umiibig
0
Jul 16, 2019
Jul 16, 2019 at 9:46 PM UTC
Kasabay ng Patak ng Ulan
Hahawakan ang kamay mo Papatunayan na kaya ko Titimplahan pa rin ng paboritong kape Sa maulan at malamig na gabi. Hahawakan ang kamay Magsisilbing gabay Karerang malapit nang matapos, Naalis na rin ang taling nakagapos. Hanggang sa huli Hindi mo na nga tinapos, mga pangakong kapos. Bumulong ka sa dilim, umaasang ikaw ay mananatili. Ngunit kumiliti ang mga salitang, Hanggang sa muli.
0
Oct 18, 2018
Oct 18, 2018 at 1:06 PM UTC
Hanggang Sa Huli
sayaw, Eriko isayaw mo lahat ng sinabi niyang “mahal kita” na pakiramdam mo’y totoo nung mga panahong umaalis kayo ng isang araw kada-linggo kasi dinadayo ka pa niya sa Maynila sayaw, Eriko iindak mo at isigaw mo sa mikropono ang pabulong niya pa noong unang sinabi, “ako na lang, iingatan naman kita” sa maulan na gabi na ‘yun noong iniiyakan mo pa ang mga pangyayari na kinagigitnaan mo isayaw mo, Eriko itawa mo lang ang sinayaw niya sa sala mo noong gabi na ‘yun mashed-potato lang kuno ‘di ba? halakhak, napamahal ka sa mukha niyang parang pinigang tuwalya noon hindi naman siya guwapo gaya ng lagi niyang sinasabi umaray ka, Eriko nasipa ka ng katabi mo, pero naalala mo lamang ang mga oras na nagsisipa ka ng bato sa Makati habang naglalakad kayo, at kinukwento niya ang pamumuhay niya noon sa malayong lugar, pawis na pawis kayo pero ngiti niyo’y abot langit talon, Eriko palakpak ilang buwan na rin ang lumipas noong huli kayo nagkausap binati mo siya ng maligayang kaarawan, kahit ang araw mo nun ay malayong-malayo sa maligaya, kapos sa saya, kapayapaa’y nahahanap mo lamang pag nandiyan ang barkada kalma, inom ng tubig, Eriko, kawayan ang bote ng alak, pero huwag kang lalaklak hinga, ipanalangin mo na lang na siya’y maging masaya, dahil alam mo naman na iyon ang tama.
0
Mar 29, 2021
Mar 29, 2021 at 9:24 AM UTC
Sayaw, Eriko (Tagalog)
Pinakikinggan lang kita kapag nagkikwento ka Ayaw kong iniistorbo ka kasi nakikita kong masaya ka Pero sa bawat bigkas mo ng mga binuong mga letra, sa'kin iba ang tama Lalo na't iba ang dating ng bawat salita. Masaya ka at nakangiti, Ang sarap **** ipinta. Yung mga ngiti na dati'y sa'kin nagmumula, Sa iba mo na ngayon nakukuha. Yung lambingan natin... sa iba mo na nanagawa. Yung init na kailangan mo pag maulan... naibibigay na ng iba. Gusto ko sanang malimos ng pansin, Buti nalang napakwento ka... Buti nalang may silbi pa akong natira. Di mo lang kasi ata pansin Pero nasasaktan rin ako Nagseselos rin ako... Nagseselos ako. Buti pa siya napupuri mo Buti pa siya pinapansin mo Buti pa siya naipagmamayabang mo Buti pa siya. Pero ayos lang Sino ba naman ako? Ako lang naman to, Yung sinasabi **** mahal mo at ako na nagmamahal sayo... Kaso ako rin ata yung unti-unting kinakalimutan mo. Wala naman akong magagawa kung sabihin **** ayaw mo na. Kung itutulak mo ko palayo Kung pipilitin mo kong lumayo. Dahil oo tahimik lang ako. Pero mahal, nasasaktan ako.
0
Jul 27, 2018
Jul 27, 2018 at 10:59 AM UTC
Tahimik lang ako
Sa gitna ng mga nagtataasang puno Halika't ating langhapin Ang amoy ng mga patak ng ulan Sa mga luntiang dahon ng kagubatan Parating na ang dapithapon Di ba pwedeng manatili ka muna? Kahit sandali lang Tabihan ako kasama ng ingay ng katahimikan Ang tamis ng mga sandaling itinanikala Sa mga ala-alang upos At ang mga sabik na yapos Ng aking mga kamay sa iyong mukha Ang mga paglubog na araw na magkasamang tinignan Kung ako ang iyong tatanungin Gusto ko na lamang manatili Sa mga panahong kasama kang tumatakbo sa ulan.
0
May 24, 2018
May 24, 2018 at 9:46 AM UTC
Maulan na kahapon
Dama ko na ang pagdampi ng sikat ni haring araw At sa araw na ito kakalimutan na ang ikaw Sa bintana'y 'di na muling dudungaw Wala na ang pag-ibig na dating umaapaw. Kung sa umaga'y suot suot ang maskara, Sa gabi'y, naghahanap ng makakalinga. Yakap yakap ang unan Bagay na saksi sa lahat ng aking kasawian. Tumatangis sa gabing maulan Humihingi ng tulong mula sa kalawakan Hanggang kailan matatapos ang aking pakikipaglaban? Sa kalungkutang dala ng nakaraan.
0
Mar 8, 2020
Mar 8, 2020 at 9:52 PM UTC
Maskara(KALUNGKUTANG DALA NG NAKARAAN)
Ang 'yong tinig ang taga pag pakalma sa tuwing puso't isip ay gulong gulo Ikaw ang kapayapaan sa magulo kong mundo Ikaw ang araw na sumisikat sa maulan kong mundo Mga salita **** "nandito lang ako, hindi kita bibitawan" Ang sarap sarap sa pakiramdam na may isang ikaw sa buhay ko Sa'yong piling, luha'y napapalitan ng ngiti Hindi man magawang hagkan dahil tayo'y malayo sa isa't isa Dama ko pa rin ang mga yakap **** pumapawi sa aking lumbay Ngunit ngayo'y nasaan? Tila ba lahat ay nag bago na Muli ko pa bang maririnig ang 'yong tinig? Matutupad ba ang pangakong hanggang dulo? Ang tayo ba'y maibabalik pa sa dati? Ano man ang sagot ng tadhana Tatanggapin Masaktan man o maging masaya Tanging hiling ko lang sa'yo Ako sana'y huwag kakalimutan Lagi mo sanang tandaan na merong ako Na mahal ka at patuloy kang mamahalin Hanggang dulo
0
Nov 25, 2020
Nov 25, 2020 at 6:27 AM UTC
Hanggang dulo
Enero Diez y Siete, Dos mil Kinse Kahit may bagyo, tumuloy sa Leyte Unang tinungo lungsod ng Tacloban Muling nilipad skull cap pagbukas ng pintuan Talagang maulan at mahangin Subalit milyong tao sumalubong parin Kanyang idinaos Banal na Misa Kasama ang mga biktima ni Yolanda Huling tinungo ang pook ng Palo Nananghalian sa tuluyan ng Arsobispo Doon din nakasalo mga nasalanta ng Yolanda Mas malapitang nakisalamuha sa kanya Mga pinaslang ni Yolly puntod binasbasan Iba pang kaawa-awa hinandugan ng tirahan Suot ang dilaw na kapote Biniyayaang material at ispiritwal ang Leyte. -01/18/2015 (Dumarao) *Pope Francis Fever Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:42 PM UTC
Ikatlong Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas