Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sa salamin may pinapahid sa pisngi si Maya
Mga palamuting umaaliw sa paningin ng iba
Paglipas ng sandali'y anyo nga ay nag-iba
Ngunit katotohanan ay di maitatago sa likod ng maskara

May isang taong buong buhay ay naghukay
Inapakan ang lahat upang marating ang tagumpay
Ngunit hininga niya'y napagod na sa kahihintay
Sa huli, siya itong naghukay para sa sariling bangkay

Ngayong araw ay kaawaran ko na
May mga pagkatok, heto't bubuksan ko na
Pagbukas ko'y mga pagbati't regalo ang dala-dala
Sa pag talikod ko'y itak na ang naka-amba

Sino nga ba itong nagkukubli sa pangalan ng iba
At tila ba nagtatago sa mundong alam niya
May nais nga ba siyang ilihim sa paningin ng iba
At patakas na nagtatago sa larawan ng iba?

Ito'y ilang halimbawa na aking nabanggit
Tila nakamamatay na sakit, tulad ng inggit
Na anyo ng bawat isa na kanya-kanyang bit-bit
Na mga Pagkatao'ng tiyak na walang nagpapahigit.
JGA
G A Lopez Mar 2020
Dama ko na ang pagdampi ng sikat ni haring araw
At sa araw na ito kakalimutan na ang ikaw
Sa bintana'y 'di na muling dudungaw
Wala na ang pag-ibig na dating umaapaw.

Kung sa umaga'y suot suot ang maskara,
Sa gabi'y, naghahanap ng makakalinga.
Yakap yakap ang unan
Bagay na saksi sa lahat ng aking kasawian.

Tumatangis sa gabing maulan
Humihingi ng tulong mula sa kalawakan
Hanggang kailan matatapos ang aking pakikipaglaban?
Sa kalungkutang dala ng nakaraan.
HYA Aug 2018
Malaking polo at malaking pantalon
May sapatos pang yari sa mga dahon
Ang itim na buhok na laging buhaghag
Kahit sa suklay, hindi nagpapatinag

Ito ay para sa babaeng kay bagsik
Huwag **** ikahiya ang iyong tinik
Kahit sa sapakan ka mas nasasabik,
Ang mga peklat mo'y huwag gawing batik

Mga bakat ng pakikipagsapalaran
Ng babae na naglalaki-lakihan
Gustong maging isang kataas-taasan
Sa hindi makatarungan na lipunan

Kanyang mga kilay, nagkakasalubong
Tila bang mga mahihirap na bugtong;
Magkakambal na humihingi ng tulong
Ang pagsigaw ay para pa ring pabulong

Bagsik, ako'y may tanong para sa iyo

Napapagod ka na bang maging matapang
O hindi kaya'y sa iyong pagkahibang?
Alam mo, mabuti rin namang umiyak
Dahil ang buhay ay hindi puro galak


'Wag sarilihin ang lahat ng problema
Huwag gawing sandata ang mga bala
Matuto kang magsalita at lumuha
At hindi puro bagsik ang ipakita

Tanggalin mo na ang antipas sa mukha
Tapusin ang pagyuko at tumingala
Ipaglaban mo kung sino ka talaga
Ipakita **** ikaw ay mahalaga

Ipagpaliban ang iisipin nila
Titigan mo ang sariling mga mata
Muli, lumuha ka, bagsik, lumuha ka
Lalangoy din sa tubig ang mga isda

Magpahinga ka kung nakakapagod na
Lumayo kung hindi nakakaginhawa
Pagkatapos nito, lumaban kang muli
Nang merong konsensya’t maputi ang budhi

Ipinagmamalaki ko ang ‘yong bagsik
Ang kamao **** sa hangin humahalik
Ngayon, bagsik, muli kitang tatanungin
Ang antipas, kailan mo tatanggalin?
antipas means mask pala hehe
finally, after 2 months HAHAHAHAH

— The End —