Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maiiwang" poems
Pagod na ko sa kakasulat. Hindi ka naman ata namumulat Sa sakit at hinagpis na iyong dala. Na sa puso ko'y nagsisilbing bala. Mapapatawad pa ba natin ang isa't isa, Sa mga sala nating nagawa na nagpatung-patong na? Kailanman hindi ito napunta sa aking hinuha Na tayo maiiwang may agwat at sirang-sira. Kaibigan, ako sana'y patawarin Sa pagpayag sa mga bagay na maaaring sumira satin. Patawarin mo sana ang pusong nagmamahal Na sumira sa pagkakaibigan nating kay tagal. Nalulungkot, nasasaktan ang puso ko sa ideya Na ang minsan kaibigan ay isang estranghero na. Patawarin ako sa pagbibigay ng hinagpis Sa iyong kaluluwang takot at puno ng pagtitiis. Kaibigan, ito'y hindi pagmamalabis Ang tanging hiling ko lang ay huwag kang tumangis Sabihin mo lamang kung ika'y nasasaktan na Huwag kang mag-alala, handa na kong iwan ka. Kung ang pagkakaibigang ito ay hindi na masasalba Sabihin mo lang, wag nang magdalawang isip pa Dahil sa pagtakbo ng oras, lumalaki lamang ang lamat Unti-unting nababasag, nasisira ng hindi naman dapat. Kaibigan, sana'y sabihin mo Kung gusto mo pa bang ipagpatuloy ito. Pagkakaibigang puno ng tawanan Nagapos ng pangakong walang iwanan. Pagkaibigang pinahahalagahan Hindi sinasadyang masira at mayurakan Sa paglipas ng panahon Nagbago na ang noon at ngayon Ngunit umaasa pa rin ako Na hanggang sa dulo'y magkaibigan pa rin tayo
0
May 5, 2016
May 5, 2016 at 4:24 AM UTC
Kaibigan ng Kahapon
Paglisan Pinangangambahan kong lubos na malaman kung meron nga bang pangalawang buhay, saan kaya ako tutungo? gagala kaya ang aking diwa o baka makukulong ito sa naaagnas at walang buhay kong katawan habang buhay. ang dinanas na sakit kaya ay lilisan na parang alikabok na hinipan sa mesa? , o magiging tanikalang bakal na nakagapos sa aking kaluluwa. Sa pagkakahimlay ko, may dadalo kaya?, kung may dumalo man,ano ang pakay nila?, narito kaya sila upang pintasan ang aking kasuotan?, o pintasan at hamakin ang halaga at disenyo ng aking kinahihigaan? Narito kaya sila upang lumasap ng kape at tinapay kasabay ng pagpitik ng baraha sa mesa? o sadyang dadalo lang upang patagong magdiwang sa tuwa sa aking pagkawala?, Natatakot akong malaman. Nangangamba ako sa hindi pagiging handa sa pagdating ng araw na ito, hindi sa panghihinayang sa aking mga maiiwang mahal kundi ang pagsisisi na aking dadalhin sa bigong pag-usal at pagpaparamdam kung gaano sila kamahal at masabing ako ay lilisan na sapagkat ang pinakamasakit na paglisan ay ang mga pagpapaalam na hindi nasabi at hindi naipaliwanag.
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:16 PM UTC
Paglisan
ARMAS MO'Y PANALANGIN. Bago natin hangarin ang pansarili hiling, Hingin na bawat isa'y makabangon at gumaling; Sa gabay Nya, walang maiiwang nakabitin Pagkat ang DIYOS ay mas higit pa sa bituin. Mataimtim na dasal ang mainam na gawin. Isuko sa kanya ang lahat ng masamang gawain; Talikuran at wag na nating ulit-ulitin Ang Kanyang utos ay di dapat balewalain Normal lang matakot, pananalig mo'y wag hawiin Boung pusong pananampalataya - Sya'y purihin; Huminahon at sa kanya tayo'y manalangin Handa syang makinig, naghihintay lamang sa'atin. Simpleng pagsubok lamang ito kung tutuusin Kung sa kanya ang tiwala mo'y hindi bitin; May dumating mang hadlang at ika'y sirain Itanim sa isipan - armas mo'y panalangin.
0
Mar 20, 2020
Mar 20, 2020 at 6:39 AM UTC
Armas mo'y Panalangin
Kakalimutan ang wakas Walang maiiwang bakas Ng panandalian **** pag-alis Sa puso kong tumatangis. Maghihintay ako Sa muling pagbalik mo Walang alaala ng mga pangako Na natiling nakapako Kaibigang aking mahal Patuloy akong magdarasal Lilimutin ang kahapon Wag lang akong itapon.
0
Mar 14, 2016
Mar 14, 2016 at 5:23 AM UTC
Apatnapu't Isang Salita
Ako ba'y sinusubukan nanaman? Tumigil na ba ang dating tumitibok? Hindi mo kasalanan, binibigay mo na lahat Pero ako ang maiiwang wasak, Nasusunog at manhid; kapag Nagtapos ang kalokohang 'to
0
Sep 8, 2015
Sep 8, 2015 at 5:32 AM UTC
Laro
UUWI KA NA Ilang buwan ang hinintay ko sa iyong pagbabalik Tinitingnan ang itsura sa salamin kung paano ako maging sabik Siguro'y magliliwanag ang paligid Na tila'y matinding saya talaga ang iyong hatid Sa iyong pagbabalik sa lugar kung sa'n ka nanggaling Matutupad na kaya ang matagal kong hiling? Uuwi ka na At ako'y sabik na sabik na Sa iyong pag-uwi bitbitin mo ang mukhang puno ng saya Ipakita mo sa lahat ng ika'y talagang nagbalik na Uuwi ka na Mararamdaman ko na naman uli ang kaba Ang malakas na tibok ng puso kong masaya Na tila'y ang paligid ay hindi ko na alintana Dahil tinatanaw ko na ang iyong mukha Ano kaya ang aking magiging reaksyon? Ako ba'y tatakbo o magtatago? Ako ba 'y kakabahan o masisiyahan? Ako ba'y mabibigla o matutulala? O baka naman, sa pagbalik mo, ako'y muling masasaktan at maiiwang sugatan. Ako na'y kinakabahan sa pag-iisip na ika'y babalik na Nalilito at di ko mawari ang nadarama Baka ito'y magiging dahilan ng aking di pagtahan Kasabay ng aking pagkasabik, ako din ay nangangamba Na baka ang puso ko'y dudurugin mo pa Na kaya dahil ka bumalik para muling saktan ang puso kong sirang-sira na Tinitingnan ko ang paligid Hinahanap kung saan kita posibleng mahagip Doon ba sa lugar kung saan kita unang nakita O baka sa lugar kung saan ko nakitang kasama mo sya? Uuwi ka na At sana'y sa iyong pag-uwi Ako'y mapapansin mo na Mali Uuwi ka na Pero hindi sa akin Kundi sa piling nya
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 6:56 AM UTC
Uuwi Ka Na
balang araw sisikat ang araw at masasabi **** naglagpasan mo ang hindi mo inakalang matatapos balang araw maghihilom ang iyong mga sugat kahit man may maiiwang bakas ng mapait na kahapon balang araw may magpupunas ng iyong mga luha gamit ng panyong ibinigay sa'yo kung sakaling gusto ulit ng iyong pusong sumigaw balang araw mararanasan mo kung gaano kasaya ang magmahal ng buo at tapat at masasabi **** hindi ka na malas sa larangan ng pag-ibig at balang araw makikita mo ang iyong sariling nakangiti habang naalala ang dapithapong iyong tinalikuran at dinaanan
0
Jun 22, 2019
Jun 22, 2019 at 6:14 AM UTC
dapithapon