Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"katarungan" poems
Boom! Pagsabog! Na sa aking dibdib ay kumabog! Ang isip at kaluluwa ko'y nabubulabog! Ito nga ba'y himig ng kapayapaan o himig ng digmaan? Isa akong musmos na batang---- naninirahan sa isang bayan, Dito ako lumaki at nagkaroon ng pangalan, Bayang Marawi ang lupang aking sinilangan, Isang bayang tanyag sa kaunlaran, Ngunit ngayo'y nagiging usap-usapan sa t.v, radyo at maging sa pahayagan. Hindi ko malilimutan ang gabing nagdaan, Gabi!--- ng ika-23 ng Mayo ang nagpinta sa aking pusong sugatan, Isa ako sa mga nawalan ng magulang, at saksi sa karahasan na walang katapusan, Hudyat ng pagguho ng pag-asang aking pinanghahawakan. at habang aking pinagmamasdan, Isa-isang nabubulagta at dugu-an, Ang aking mga kamag-anak at kaibigan, at sila'y.....wala na----- wala ng malay at nakahandusay. Wala akong magawa kundi ang tumakbo ng tumakbo, kumarepas ako ng takbo.....ng isang napakabilis na takbo.... nanginginig sa takot...pagod na pagod... humihingal.... Iyak ng iyak at nagsusumamo at habang ako'y papalayo ng papalayo-------- Naisip ko: "Saan ako patutungo?" "Sa mga pangyayaring ito sino ang namumuno?" Sila ba'y mga Muslim o Kristiyano?" Ngunit maging sino man sila---- Sila'y hindi santo na may pusong bato, Dahil sila'y pumapatay ng kahit na sino, at ito'y hindi makatarungan at makatao. Ang sakit....Oo ang saklap...ang bayan na naghahatid ng kaunlaran, Ngayon ay nabubura at nag-iiwan ng isang malagim na ala-ala, Nagsisilbing aral sa tuwina at nagpa-paalala, Na kinakailangan ng isang may malinis na adhikain at tapat sa tungkulin ang namamahala. Ano nga ba ang hatid ng kaguluhang ito? Kaginhawaan o Kahirapan? Kabuhayan o Kamatayan? Ang katotohanang ito'y-------- Isang malagim na karimlan! Pagluha para sa aming mga kabataan, Crestine Cuerpo at pagmamaka-awa para sa darating naming kinabukasan, Oo.....masakit ang mawalan, Ngunit kailangan kong maging matapang, Dahil ako'y isang Pilipinong handang lumaban, Kaya't sigaw ko Pagbabago! Katarungan! Sa mga kinauukulan: Nasaan? Nasaan? ang inyong pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan? Kung sa isip at puso niyo'y para lamang sa pera at kapangyarihan? Kapatid... Kapuso.... Kabarkada.... at Kapamilya....... Gumising ka ang lahat ay may-----hangganan.
0
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 6:36 AM UTC
Tinig Ng Isang Batang Marawi

Continue reading...
62
Ako ay isang pulis, Natangal sa Serbisyo dahil sa paniniwala kong mali ang naging paghusga sa aking pagkatao, Naglingkod sa bayan ngunit nauwi ang aking paghihirap sa hindi tamang pagpataw ng parusa, Sa aking serbisyo, Sa aking pagkatao, at sa pangalan ko. Kayat nagawa ko ang desisyong ito, Wag niyo akong sisihin dahil tao lamang ako, Nasasaktan at humihingi ng katarungan sa sistemang di makatarungan ang dahilan, Sino ba naman ang matutuwang mapagbintangan, sa mga krimeng pinaniniwalaan kong di naman ako ang may kagagawan? Mga turista ang aking ginawang pananga, Dahil di naririnig ng binging sistema ang mensahe ng sarili nilang mamamayan, Kayat sila ang napili ko upang maintindi ako at magawan ng paraan, Bitbit ko ang aking baril, Hawak ko ang aking kutsilyo, Ngunit wala akong balak na gamitin ito upang masimulan ang pagkakagulo, Isa lang naman ang hiling ko, ANG MAPANSIN AKO NG BULOK NA SISTEMANG PINANGALINGAN KO.
0
Aug 24, 2010
Aug 24, 2010 at 3:46 PM UTC
In Mendoza’s Mind...
Ang bansang pilipinas sadyang magtatagumpay Kung nanunungkulan dito,mahinaho't malumanay, Matalino't masipag,may prinsipyo sa buhay, Kayang mamuno ng bansa,masigasig na tunay. Ngunit sa kasamaang palad, di natin ito nakamit, Kaya mga mamamayan,para bang nakapiit Mistulang preso nang kahirapan humagupit, Walang kasama sa dusa, walang karamay sa sakit Nasaan na ang pinunong inyong iniluklok? Bakit hinayaan niyang pilipinas ay malugmok Sa kahirapan ng buhay at magmistulang lamok? Palipad - lipad o kaya naman ay nasa isang sulok. Kung minsan ay talagang napapaisip ako Ano ba talaga ang silbi ng gobyerno? Para ba mangurakot at magbalatkayo? At hayaang maghirap ang sariling bansa ko? Kung titingnan kasi nating mabuti sa mata, Pilipinas,ilan nalang ang tanawing magaganda Hirap na mamamayan ang iyong makikita, At mga batang lansangang kumakalam ang sikmura Nasaan na ang pondo ng ating bayan? Bakit naghihirap ang mamamayan? Katwira'y marami daw pinaggagastusan Ang mga departamento ng pamahalaan Isa daw dito ang 4p's kung tawagin Na tumutulong daw sa mga kababayan natin, Pero ang nakikinabang,mayayaman lang din, Sa halip na yung pamilyang walang makain. Bakit katarungan ay hindi makita Sa gobyerno ng bayan kong kawawa? Nasaan na ang mga taong may pusong dalisay, Na sa bayan ay handang maglingkod na tunay? Kung ako ang tatanungin,ang akin lang masasabi, Mga kurap ay laganap at plastic ang marami Tapat na tao'y kanilang hinuhuli At pamamalakad nila ang nais mamalagi Kaya sana sa halalang papalapit, Yung matitino naman ang ating ipalit Mga tapat at di manggagamit At kaunlaran ng pilipinas ang nais makamit..
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 1:41 AM UTC
Untittled

40
Sakdal-lungkot ang mga anak Mo, Inang Bayan; Sinakop na, pinaslang pa'ng mumunti **** katarungan. Humiyaw Ka! Hanggang sa rurok ng sukbo't hinanakit— At sa pagbubukang-liwayway, pag-asa sana'y Iyong makamit: Utak ang puhunan sa di-maarok na mga pag-alsa, kahapon; Ni hindi nabatid ang mga luha't pawis ang sa mukha'y nangaipon, Sa gunita na lamang ba mabubungkal natin ang mga nangagdaan? Kung ang mga salitang sa pluma't papel nalikha'y hindi napangalagaan— Sa paglalakbay Mo, Pilipinas, sa lansangang walang hanggan, Sana maya't maya'y lilipad ka rin muli sa abang kalawakan; Humiyaw Ka! Hanggang sa rurok ng sukbo't hinanakit— At sa pagbubukang-liwayway, pag-asa sana'y Iyong makamit: Pagkukunwari ma'y ni 'di Mo maitatago sa oras ng Iyong pagkabalisa, Sagwil sa bawat pikit-matang kaligayahan ang s'yang Iyong natamasa. Samakat'wid — habang buhay pa si Rizal ngayon ay 'wag nating itatakwil 'Pagkat tayo'y paunti-unting nakakahinga dahil sa kanyang pluma't papel.
0
Oct 19, 2011
Oct 19, 2011 at 5:48 AM UTC
Pluma't Papel
Sa'yo ko ito unang naunawaan. Ang paghalik ng pluma sa Papel ay hindi sapat upang Humalik ang katotohanan Sa katarungan, dahil tangan ng puso ang tinta at talinghagang Nakakubli sa wagas na pag-ibig Sa kapwa at kay Bathala. Ang tinig ng mga batas ay Tinig ng mga sibilisasyon at Rebolusyon ng mga sikmura Laban sa makina, ng makina Laban sa mahika ng salapi at Pighati ng lumang simoy. Nawa, Sa pagimbulog mo sa tugatog ng Himpapawid patungo sa paghahanap Ng katotohon, alalahanin mo ang Mga piraso ng iyong sarili na naiwan sa Akin: "Tanging sa hiwaga lamang ng Pag-ibig matatagpuan ang lalim ng lohika." Ito ang iyong bilin. Ito ang aking habilin.
0
Oct 7, 2013
Oct 7, 2013 at 1:01 AM UTC
Habilin sa Maestro
'Sang gabing walang kasintulad ng dati, nang naglalakad ako sa tabi-tabi: animo'y may sigaw na naulinigan hinanap ko't ng ako'y napatulala      sa 'di makatarungan. Tumulong ako kahit 'no pang mangyari para sa taong walang-awang pinaslang; 'di alam ang gagawin at pupuntahan nakita'y may mataas na katungkulan. At nang dumungaw ako sa paglilitis, nabilanggo'y hindi totoong maysala; dahil lang nga ba sa kapalarang itim o mayro'n lamang s'yang kapit sa patalim? Ngayon nga'y nandito ang pusong sugatan, baon sa kalungkutan dulot ng rehas: katarunga'y 'di pa batid kung nasa'n na, patuloy  na lang ba akong mabubuhay      sa nakatagong saya?
0
Dec 9, 2011
Dec 9, 2011 at 6:20 AM UTC
Katarungan
090716 Sa gunita na lamang ba mabubungkal ang mga nangagdaan? Pagkat sakdal-lungkot at sisi ang mga anak Mo, Inang Bayan. Inalipusta’t pinaslang pa, ang mumunti **** katarungan! Maglakbay ka sa lansangang walang hanggan Lilipad ka rin sa alapaaap at abang kalawakan. Humiyak Ka hanggang sa rurok ng sukbo’t hinanakit Siyang lunas na mabisa sa dusa’t himutok na pasakit. Itaas Mo ang ang noong aliwalas, Taglayin ang silahis ng dunong at sining; Kumilos nang may pagbubuntong hininga’t Iyong lagutin Ang gapos ng Iyong diwa’t kumukulog na damdamin. Sagwil sa bawat pikit-matang kaligayahan Ang natamasa **** pagkabalisa Buhat sa kurtinang manlulupig ng Liwanag. Buhay pa si Rizal at hindi Ka itatakwil Tayo’y hihinga pa’t hahabi sa pluma’t papel.
0
Sep 21, 2016
Sep 21, 2016 at 6:14 AM UTC
Bangkang Papel sa Tag-init
Katarungan nasa'n? Inapakan, dinuraan Ng mga taong niluklok para paglingkuran 'Tong bayan nating lubog, at dugoan Magkano? Sanlibong baryang dinumihan Libong buhay ang tinapos, musmos, at mga naghihikahos Mga nanay na nawalan ng anak, mga batang di pa tapos Droga? Talaga ba? Ang sabi mo ay kayang-kaya? Tatay Digs, pano na? Bat biglang 'di pala kaya? Sanlibong tanong sa bawat buhay na binawi Diyos-diyosang maitim ang budhi Bata, matanda, babae, estudyante Nanlaban daw, kaya niyaring nakatali Bayan kong minamahal, dito na lamang ba? Naka duct tape ang mukha ni inang hustisya May dyaryo, at may nakapaskil na larawang 'WALANG HUSTISYA, WAG TULARAN'
0
Sep 12, 2017
Sep 12, 2017 at 8:20 AM UTC
Sanlibo
#042816 Puputok ang bulkan Poot, pangamba at pag-aalinlangan. Bubuhos ang tubig sa talon Saya, sabik at takot. Guguho ang lupa Paniniguro, pagkapit at pananampalataya. Iihip ang hangin Bagsik, pagsubok at paghihingalo. Sisikat ang araw Pag-usbong, paniniwala at katanungan. Hahawi ang ulap Kinabukasan, katarungan at katiwasayan. Iba't ibang anyo Pabagu-bago, pero yun sila Hindi na natin mababago pa.
0
Apr 28, 2016
Apr 28, 2016 at 10:26 PM UTC
Anyo
Ngayong araw ako'y siyang naatasan Na ipakilala ang ating kaybigan Mahirap sabihin, ang inyo nang alam Kaylangang galing nya'y bigyang katarungan Sikat sadya itong ating kaibigan Pang-showbiz ang dating, pinagkakagul'han Pagkat nang magsabog d’yos ng kagwapuhan Tabo lang dala ko, sa kanya'y "orocan" Ngunit bahagi lang 'yon ng katangian Kung bakit sya'y tunay na hinahangaan Talino at t’yaga ang kanyang puhunan Sa pag-aaral ng buhay, kalikasan Sya'y taong tunay ang angking kabaitan Na dama ng tao, hayop at halaman Sa dami ng kanyang lathalaing-agham Sierra Madre'y nginig, kapag nagtimbangan Palaka, butiki, ahas at butaan Nang dahil sa kanya'y lalong natutunan Lumaki't lumawak ating kaalaman Kung kaya't umani laksang karangalan Alam kong sa bawat uri ng palaka O ibang buhay na sa mundo'y mawala Kasama natin s’yang lungkot na luluha Pagkat magkaugnay ang lahat sa lupa Dedikasyon niya ay dapat tularan Ipakilala s’ya'y isang karangalan Si Arvin Diesmos po, Syentistang huwaran Samahan n'yo akong siya'y palakpakan!
0
Sep 28, 2017
Sep 28, 2017 at 4:54 AM UTC
Pagpapakilala Kay Doc Arvin
Ang salita ng hari ay apoy na nagpapainit sa pugon ng kawalang-katarungan, nagpapakulo sa bituka ng balikong lipunan kung saan ang kampeon ng disiplina ay nagiging kampon ng pagmamalabis, at ang pagtakbo ng hustisya ay nauungusan na ng pagtakbo ng mga nasisiil. At sa gitna ng kaguluhan, sa gitna ng katahimikan ng karamihan, mas lumalakas ang loob ng masasamang-loob, at lalong lumalago ang masasamang damo. Sindilim na ng gabi ang tanghaling tapat, sa panganib na ngayo'y wala nang pinipiling oras at ang buhay na iyong pinagkaingat-ingatan, baka bukas sa kalsada'y isang mantsang pula na lamang.
0
Oct 28, 2017
Oct 28, 2017 at 11:41 AM UTC
Mantsang Pula
Laban para sa bayan Laban sa kalayaan, Laban sa katarungan Laban sa katapangan Naririnig mo rin ba? Ang mga alingawngaw Ng mga tao't bansa, Nais ng makalaya Hanggang kailan mo kaya Lumaban sa kanila? Kalayaan na nais Kailan ba makakamit? Patuloy na lalaban Para sa kalayaan, Huwag maging gahaman Upang walang alitan Minamahal kong bansa Ipaglalaban kita, Anuman ang mangyari Patuloy lang ang laban.
0
Mar 6, 2018
Mar 6, 2018 at 10:39 AM UTC
Laban.
“You live but once; you might as well be amusing.” ― Coco Chanel Sabi sa kanta ni Freddie Aguilar “Habang May Buhay May Pag-Asang Matatanaw” subalit ang pag-asa ay hindi lang dapat na tinatanaw mas mainam kung ito’y ating kukunin at ilalagay sa ‘ting mga kamay. Ang pag-asa ay laging kumakaway kahit tayo ay nasa dilim. Tumawid man tayo sa magkabilang bangin o kahit na hampasin pa tayo ng malakas na hangin, hindi dapat mawala sa ating paningin ang pag-asa na nagniningning. Ganito natin dapat harapin ang buhay kahit ang hirap ay sapin-sapin. Minsan lang tayo mabubuhay at ang buhay ay parang isang tulay na pagkahaba-haba man ay may hangganan din. Subalit mahaba man ito o maiiksi marami tayong haharapin, mga bagay-bagay at mga pangyayari na hindi natin maiiwasan. Mga damdamin na kahit iwasan, pilit ka nitong hahatakin pabalik sa kung saan ang mga ala-ala ay masasakit. Wala kang kawala kailangan na harapin mo ang mga ito. May mga nagbabagang karanasan na hindi mo gugustuhin na balikan pero kailangan mo munang harapin bago mo ito malampasan. Hindi parehas ang buhay, oo, tama yan, gago lang ang naniniwala na Life is Fair. Subalit wala kang choice kailangan mo harapin ang kawalang katarungan nang buhay. Walang dapat na masayang na sandali sapagkat isang araw ang mundong ito’y ating lilisanin. Gawi’ng kaakit-akit at marikit ang buhay kahit masakit.
0
Nov 16, 2017
Nov 16, 2017 at 7:44 PM UTC
KAILANGAN NA HARAPIN
Samo't saring emosyon Tila bulkan na gustong sumabog. Pakiwari niya'y lahat nalang ay kanyang kapintasan. Maririnig ang hibik sa may dapit sulok. Animo'y nagdadalamhati sa sariling sawi. Siya'y pinagsapantaha sa kasalanang di ginawa. Kanyang ipinagbatid nguni't tila sila'y bingi. Umagos muli ang luha sapagka't pakiramdam niya'y hindi sapat. Humiling sa itaas dahil ito'y nararapat. At siya'y hindi binigo at binigyan ng abiso, Isang salawikain na may naglalamang 'Sa mata ng Diyos'. Nagbigay man ng kaginhawaan sa kanyang kaibutoran. Datapuwa't hustisya ang siyang nararapat. Hindi madaling magpatawad nguni't hindi rin madaling makalimot. Darating man ang panahon na siya'y maghilom nguni't hiling niya'y kahit ngayon lang ay siya'y pagbigyan. Sapagka't ang sakit ay nanatiling nakaukit. Kirot na siyang nagbigay nang traumatiko. At upang maibsan ang pakiramdam nilinlang ang sarili at nagbabakasakaling halinhan ang nagbabagang deliberasyon. Maaring marami ang nakakaalam nguni't tila sila'y bingi sa katarungan. Sapagka't sila'y naaaliw sa kasinungalingan. Na siyang nagbibigay sa kanila nang kaluguran. Tanging hiling lamang, na kung sinuman ang tumalima ay hindi danasin ang kanyang pinagdadaanan. Dahil hindi madaling paratangan ng isang kasalanan na hindi naman ginawa. Bagkus, pakinggan at umunawa para sa ikabubuti ng bawat panig.
0
Jul 3, 2022
Jul 3, 2022 at 8:21 PM UTC
'SA MATA NG DIYOS'
Hindi mo mapapatahimik ang mga kumakalam na sikmura Ang mga sumisigaw para sa pagbabago, para sa katarungan para sa ating mga karapatan Maari **** busalan ang kanilang mga bibig, magpanggap na wala kang naririnig O piringan ang kanilang mga mata, magbulag-bulagan sa katotohanan na sa bawat karapatan na patuloy kinikitil at niyayapakan, baka sa’yo na ang susunod Pero sabi mo, ‘bakit pa ako makikisali, hindi naman ako apektado’ o ‘bakit ba sila nanggugulo, wala namang magandang nadudulot ‘to’ Hindi ka sumasama sa laban, dahil ngayon hindi pa ikaw ang nasa loob ng rehas kahit walang kasalanan Hindi pa ikaw ang sapilitang hinuhuli at tinatadyakan sa daan dahil lamang pinaglalaban mo ang iyong kabuhayan Hindi pa ikaw ang nakahandusay sa daan, duguan dahil lang napagkamalan Hindi pa Pero baka malapit na Hihintayin mo pa ba?
0
Feb 3, 2021
Feb 3, 2021 at 3:06 AM UTC
kabayan
Paalam na muna, sinisintang toyò Childhood sweetheart kita, karibal ng tuyô Pero wala sa usapang mayro’ng dugo ng obrerong sa alat mo’y ihahalo. Di ko maatim na sa kanin kong puti Iwiwisik kita, habang may lugami sa mababang sahod, sa dusa’t pighati Kapalit ng yaman ng sa ‘yo’y may-ari. “Bukas na lang kita muling mamahalin” Kung sakaling katarungan ay dumating Kontraktwalisasyo’y tila almuranin Kamandag sa buhay nitong bayan natin. Translation: We’re on a cool-off, Soy Sauce Well, it’s goodbye for now, dear soy sauce brand, unspilled You’re a childhood sweetheart, rival of dried fish grilled But unjustly having lowly workers’ blood spilled It’s not part of the deal, your salty taste concealed It really is just hard to bear to sprinkle you on my white rice, while those who toiled to see you through suffer deeply in wages low, mis’ries undue amidst the wealth, so huge, of those few who own you Love you again, oh tomorrow, maybe, I will, if fortune brings that sweet justice to hands that mill. Contractualization’s a serpent waiting still To our dear people’s life, a venom meant to ****
0
Aug 6, 2018
Aug 6, 2018 at 3:04 AM UTC
Cool-off Muna Tayo, Toyo
Umaalingawngaw pa rin ang mga putok tila tatlong tilaok ng tandang sa madilim na sulok Ilang supot ng pilak kaya ang kapalit May pagbati pa ang mga Hudas, tila pataksil na halik. Magdamag na at maghapong pumapatak ang mga butil ng dalamhati mula sa mga ulap kasabay ng daloy ng aming walang katapusang pag-usal ng “Bakit?          Bakit?                  Bakit?          Bakit?          Bakit?” at impit na buhos ng mga luha mula sa mga dinurog na puso. Kahit si Mariang Makiling ay nakatalukbong ng malungkot, makapal na ulap – mistulang tinabunan ang mga pangarap wala ni pipíng kasagutang maapuhap. Wala, wala, wala . . . Wala akong mahagilap na sagot Tumitibay lamang ang aming paniwala ang bayan ay patuloy ang pagkapariwara ang daluyong ay nasa laot, lumulubog ang bangka Katarungan ay mailap Hinipan man ang kandila Naroon pa rin ang iyong liwanag Madilim man ngayong gabi Gagabay ka sa aming paglalayag Kami na rin ang lumikha ng sagot At iisa lang ang aming alam Pagmamahal mo sa ating bayan kailan man ay hindi malilimutan Lagi at lagi kang pasasalamatan At ang lahat ng iyong marami at magagandang sinimulan Ipagpapatuloy para sa kinabukasan.
0
Dec 4, 2020
Dec 4, 2020 at 8:56 PM UTC
Luksa ang Bayan
"MA, NASA'N Y'ONG MASK?". nagmamadali na 'kong lumabas. may bibilhin lang kasi ako sa 7-11. ba't pa kailangan ng mask? pati y'ong ano- ano'ng tawag doon? AH quarantine pass. bago pa lumabas ng bahay, nasermonan ang atat na mokong. kapiranggot na mga salita ang nag-udyok upang hindi na hawakan pa ang pinto. "mag-ingat ka sa sakit pero mas mag-ingat ka sa mga sundalo na nakatanod sa checkpoint palabas." isang taon na ang nakalipas. 'di na natapos ang pandemya. para pagsabihan ako sa edad kong 'to, tanggap ko na. hindi na 'ko takot sa sakit. ang hindi katanggap-tanggap ay ang maharas at makulong sa kawalang katarungan. kung amoy kalawang ang dugo at 'di sila takot mabahiran, kalawangin sana yaong mga kamay na bakal
0
May 29, 2020
May 29, 2020 at 11:05 AM UTC
quarantine pass
Nakamtan pagiging Doktor ng Batas Sibil Umupong Kalihim ng Katarungan bago magkagulo Sa Hapon napayuko kaya binansagang taksil Upang maibsan kabagsikan ng amo. -12/28/2014 (Dumarao) *Pinuno Namin sa Panahong Tanso Collection
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:25 PM UTC
Hawig ng Hapon (Jose Laurel)