Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"guni" poems
Ibubulong nalang sa hangin,ang bawat pagsumamo Paano ba maipaparating, ang nadarama ng puso lagi kitang inaalala malayo ka man sakin Kelan ba tayo magkikita ang hangad nitong damdamin Sa panaginip nalang makikita matutupad ang pangarap Sa panaginip nalang ang pagsinta duun nalang magaganap Mga pangako at sumpaan paano na matutupad Walang kasiguraduhan kung saan ba mapapadpad Tadhanang mapaglaro, magkalayo at di pinagtagpo Ba't Sadyang mapagbiro kahit may lalim bawat pagsuyo Dating hawak ang ‘yong kamay, ngayon sa guni guni Buhat ng ikaw ay mawalay, nasisilayan sa muni muni Sinagot ma’y marami paring Katanungan Lahat ba ng tanong? wala pa ring kasagutan Kung may dulo ang daan, Saan ba ang hantungan Kung ito’y may hangganan, Ano ba ang pupuntahan Sa kapalarang magkatugma, kahit na isa kang dayuhan Ng pagmamahalang mahiwaga , na tayo ay nagkaunawaan Tunay nga na ang pagibig may isang diwa Tayo’y Itinadhana, Magkaiba man ang ating pananalita Andito lang ako, Malayo parin ang distansya, Naghihintay sayo, Malapit nang mapuno ang Pasensya Dito sa kaganapang di mapapaliwanag ng sihensya Kung ba't ikaw, ikaw ang hinahanap ng konsensya Kahit wala ka..... Di na makapaghintay sa panahon ng iyong pagbabalik Pagkakataong tayo’y muling magkita, ako’y nananabik Minsan pa sanay lumantay ang yakap mo’t mga halik Nang sana ang sigaw ko’y tuluyan nang matahimik *Para sa mahal kong si Reina Ngunit sana maunawaan nya ang tula ko.
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 9:13 PM UTC
“LDR”
Guni-guning nababalot ng hiwaga sa aking utak ito'y pumipigil, gumugulo, di maipaliwanag ang mga nakaukit na ala-alang Nang minsa'y ikaw ay inibig sa tuwing natatanaw ang langit na kay tamis pa sa mga chokolateng paborito **** kainin tuwing ika'y nalulungkot. Sa mga araw na nagdaan. Sa maghapong nakaabang pa sa pag-iintayan sa jeep Oo parati namang naghihintay ang puso ko sa'yo. Di ba? Sa traffic na nanamanhid na ang paa sa kakaabang kung kailan o saan ito patutungo Kung may patutunguhan pa ba na maging tayo? O Isa na lamang ba itong guni-guni sa aking isip. Alam kong paasa ako. Oo paasa ako. Asang-asa ako sa'yo na parang tanga. Oo inaamin ko Tanga ako! tanga ako! tanga na kung tanga. Pasan ko na naman lahat. Di ba? Nagdurugong, Tagos. Tagos na tagos pa sa aking pusong biniyak ng mga samu't saring bakit na lang hindi naging tayo? O mas madali pa bang patayin na lang ang mga pusong minsa'y nasugatan na sa hindi makatulog na gabi. Sa mga namamagang mata sa kaiiyak Sa kakaisip kung mahal mo ako o kung minahal mo ba talaga ako? O may iba na bang nagmamay-ari ng iyong puso? Guni-guni, ako'y litong-lito dahil parati **** ginugulo ang araw-araw ko Halos mabaliw na nga ako sa kakaisip sa'yo eh Hindi nga ba't heto ako, baliw na baliw sa'yo. Di ba? Na baka sakaling mag milagro ang kapalaran Na baka balang araw baka balang araw ay kaya mo rin akong mahalin gaya ng pagmamahal ko sa'yo higit pa sa buhay ko. Higit pa sa mga luhang ibinigay ko Higit pa sa mga salitang binitawan ko ngayon. Oo guni-guni parati ka namang nandyan di ba? bumabalik. Lahat na lang. Paulit-ulit. Oo guni-guni ang hirap hirap **** matanggal Sawang-sawa na ako sa'yo. Pero ang tanong. Hindi ka ba napapagod? sana'y tirhan mo rin ako kahit konti. Ayoko na, tama na.
0
Jan 3, 2016
Jan 3, 2016 at 6:05 AM UTC
Guni-guni

Continue reading...
63
Hindi ka nag iisa. Kataga na nais ko na malaman mo, Sa bawat araw na naisip mo ang salitang, Bakit? Sa bawat pagdurusa na nilamon ka ng iyong isip, At mga guni guni na naglalaro sa mga gabi, Na akala mo ay walang nakaka alala sa iyo, Mag isip ka. Ikaw ay pinagpala, na dumidilat sa umaga. At makita ang liwanag ng mudo, At marinig ang awit ng mga ibon. Wag kang matakot na harapin ang umaga, wag kang matakot sa sasabihin ng iba. May sarili kang buhay, Tulad ng isang ibon na malaya. Malaya kang gawin ang sisnisigaw ng iyong puso, damhin ang bawat yakap ng hangin. At pag masdan ang pag bukadkad ng mga bulakak, Na tulad mo ay may buhay din. Wag kang papatanagay sa iyong isip, At lunurin ka ng mga imahenasyon. Patuloy kang maglakad, At sundin ang bawat tibok ng iyong puso. Maraming nagmamahal sayo, Wag **** hayaan na makulong ka, Sa mga pagkabigo, Dahil ito ang magpapatatag sa iyo. Lumaban ka, Dahil inuulit ko. Sa mundong ito. Hindi ka nag iisa.
0
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 9:28 PM UTC
Hindi ka nag iisa.
guni- guni lang ba? *mayroon akong sikreto nakatago sa kuwaderno nakabaon sa isang pahina doon ako naglabas ng luha basahin ang kuwento ko sa isang eksena sa may puno nakikinig sa iyong mga pangarap habang ako'y naninigarilyo di ko batid kung iyong napansin panay ang titig ko sa iyong labi palaisipan sa aking damdamin kung bakit ba ikay di makatingin sa tuwing akoy nagsasalita malayo ang isip mo sinta nakatulala sa ibang dalaga ang masdan ka'y impyerno na* ako ba talaga ay buhay pa?
0
Nov 17, 2015
Nov 17, 2015 at 10:01 AM UTC
Multo
Sabi nila ngayon ay buwan ng mga makata, mga matatalinhagang salita, mga boses na nilikha Ako ay umaasang batiin mo, sapagkat ang aking mga tula ay bakas ng iyong paglaho Wakas. Maraming sulat na pinadala, sa mga taong hindi kilala, nagbabakasakali lamang ako, na magkamaling sulatan ka 1700 Alala ko pa ang mga araw, na ikay pinagmamasdan, sapagkat ika'y isang gantimpala na hindi ko makakamtan Marahil ako lamang ang naniwala, marahil ako lamang ang saksi, marahil nga'y binuo ka lamang sa aking guni guni Sabi na nga ba! Ako ay kulang, tila rosas na binili lamang sa daan, mula sa batang walang mapagbigyan, ako'y napagdiskitahan *lilipas ang araw matutulog ang gabi* Dahan dahan akong inikot, binuhol nang binuhol, magaantay na lamang sa aking pagsibol bukas, makalawa Ako ngayo'y rosas na sa iba
0
Apr 6, 2016
Apr 6, 2016 at 11:21 PM UTC
Tinik
Wala naman sigurong mawawala, kung Aasa ako sa wala, Guni-guni man ito o hindi. Kundisyon ba ni bathala Ang pagtitiyak, Na mangyari man o hindi, Aasa ako sa bukas? Ngunit nakakapagod na, Gumuguho na ang dating Umaapaw na pag-asa. Mangyari man o hindi Ano bang magagawa? Sino ba ang nagtala...? Aasa ka pa ba?
0
Aug 12, 2012
Aug 12, 2012 at 1:04 PM UTC
Pag-asa
Kasabay nang pagihip ng hangin, Nalagutan siya ng hininga, Sa isang dalampasigan mula sa kanyang guni guni, Sila muling nagkita, Bibigkasin sana ng mga bibig na tumikom, Ang mga salitang sa unan na lamang naibubulong, Ngunit isinantabi na lamang, Nilunok ang lahat, Tinalukuran, Tinakbuhan, Ang mga nakaraang tapos na't di na kailangan pang balikan, Na minsan kang naging akin, Minsan akong naging iyo, Ang diwa nati'y pinagdugtong ng mga labing itinikom, Kahit sa mundong gawa gawa na lamang para sa aking sarili, Hindi ko parin makita, Hindi ko parin mahanap, Di ko parin mailabas, Ang mga salitang sana'y minsan kong sinabi.
0
Mar 19, 2016
Mar 19, 2016 at 1:35 AM UTC
Dagat ng kamalayan
Ang sarap sa labas ayaw mo bang magpahangin? Sa tabi ng ilog may malaking puno, higa tayo sa lilim. Magtatagpo, tatakbo, magtatago. Hangga't umabot sa kwentong kala mo walang dulo. Bakit ayaw mo yatang lumabas? Kasama mo ako ika'y ililigtas. Di kita masisisi kung ang tingin mo sa mundo, Ay puro kasinungalingan, kala mo'y impyerno. Payag naman akong dito na lang maghabulan, Sa apat na sulok ng kwarto tayo'y magtaguan. Ibababa ko ang kurtina, ikaw ang taya. Sa apat na sulok ng kwartong 'to, tayo'y malaya. Bigla akong nagising, wala ng katabi. Narinig kong katok pala ay guni-guni. Biglang tumunog aking telepono. 'Nasa pinto ako' sabi ng boses mo. Payag naman akong dito na lang maghabulan, Sa apat na sulok ng kwarto tayo'y magtaguan. Ibababa ko ang kurtina, ikaw ang taya. Sa apat na sulok ng kwartong 'to, tayo'y malaya.
0
Dec 10, 2016
Dec 10, 2016 at 11:42 AM UTC
Katok
Wala nang piglas sa bakal na gapos Gigil na pangil ‘di pigil pagyapos Poot ay lubusan kong natatalos Kahit patuloy paring minumulto Ng anino ng pumariwarang pagkatao Huwag pong ikukubli mahabaging puso Kahit ako’y salat na sa lakas Dahil sa mga sugat ng nakalipas Huwag po tutulutan na tuluyang malagas Ako’y nakikinig sa pagbasa ng sentensiya Mga tenga’y bukas, piniringan man mga mata Dustain man sa yamot, sa away Mo’y tiwala Talim ng ‘yong dila sa puso tusok Mga aral nito’y pinapapasok Sa bulwagan ng diwang ‘di pa bulok. -11/26/2011 (Dumarao) *sentimental mood
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 9:33 PM UTC
Muni-Muni ng Guni-Guni
Ikaw at ako Oo, ikaw at ako na magkahawak ang mga kamay Ikaw ang lagi kong nakikita para bang ikaw ang bukang liwayway Ikaw ang nagbibigay liwanag sa aking buhay Ikaw Ikaw ang paboritong titigan ng aking mga mata Ikaw lagi ang laman ng aking isipan Ikaw lagi ang nakikita sa umaga hanggang sa pagtulog Ngunit, nakikita mo rin ba ako? Ikaw Oo, ikaw Ikaw na may hawak ng aking mga kamay Ako Ako? Ako na nakatanaw sa'yo na may ngiti sa iyong labi Nakakatawang isipin na sana'y sa akin mo inaalay Natatawa ako sa aking sarili malamang kayo rin Ako lang pala ang nagpapakalunod sa aking mga guni-guni
0
Jan 8, 2020
Jan 8, 2020 at 10:28 AM UTC
Ako Lang Pala
"Posible ba? Posible bang makalimutan ang iyong ngalan? Kahit na hanggang ngayon ikaw pa rin ang naalala pag nakatitig sa buwan Posible ba? Posible bang tumibok pa rin ang puso pag nakita ulit ang iyong larawan kahit  ilang buwan kitang hindi nasisilayan? Posible pa na mag karoon ng ngiti sa aking mga labi at mga problema'y mapawi dahil nasilayan kitang muli. Posible bang mahal mo pa rin ako? Kahit nasaktan ko ang tulad mo? Posible ba ang lahat ng ito? O guni-guni ko na naman ito. Posible bang malimutan ang iyong ngalan kung ikaw palagi ang nasa isipan. Posible bang hindi na tumibok ang aking puso para sayo kung ikaw lang laging sinisigaw nito? Posible bang hindi ako mapangiti pag nasisilayan ko ang iyong mga labi? Posible bang mahal mo pa rin ako kahit may kasama ka ng iba. Posible bang malimutan mo na ang aking ngalan dahil sa kanya  na ang iyong natatandaan at sya na rin ang iyong kasama upang titigan ang buwan. Posible bang mahal mo pa rin ako kahit sya na ang sanhi ng ngiti sa iyong mga labi. Posible ba? Posible bang mahal mo pa rin ako. Baka may konting puwang pa riyan na pinagkukublian ang aking ngalan. Dahil yung sa akin. Ikaw ang parin ang buong nilalaman." -HAN
0
Oct 6, 2018
Oct 6, 2018 at 1:28 PM UTC
Posible ba?
Nauulit daw ang kasaysayan? Sigurado ka ba dyan? Baka naman guni-guni mo lang? At bakasakaling gawa gawa lamang. Dahil di maibabalik ang mga lumipas na oras, Di na ulit mararanasan ang mga panahong nakalipas, Dahil kahit sabihing may pagkakatulad, Alam naman natin kung ano ang katotohanang huwad. Kung kaya, Mauulit ba? Sa tingin ko hindi na, Dahil kahit anong gawin mo, Ang naramdaman mo noon at ngayo'y di magkapreho. Kaya pagyamanin mo ang iyong pinagdaanan, Pahalagahan, ituring na kayamanan, Dahil kahit na di na mauulit pa, Pwede **** balikan at alalahanin ang ligaya.
0
May 1, 2017
May 1, 2017 at 2:35 PM UTC
Mauulit ba?
Hindi sa ayokong maging masaya Hindi sa ayokong makaahon sa lusak na iba ang nagdala Guni guni, pilit pinaniniwala ang sarili yan ang akala nila. May mabuti kang pamilya, ilang daang tropa magandang suporta Sabi ng lipunan, madali lang sumaya, gumalaw ka, sumayaw ka, sumulat ka ng kanta. Hindi nila wari lahat yan ay akin ng ginawa Depresyon ay hindi kathang isip. Minsan parang langgam kukurot sa iyong isipan, madalas sya ay halimaw, lalamunin ka sa madilim **** mga araw. paano paano yan ang tanong nila. mukha ka namang masaya, halakhak ang dala sa tuwing kasama ka nila. ngunit di nila alam, sa likod ng mga biro, ay lungkot ang pinagmulan sa likod ng mga tawa, ay mga sigaw "ang sakit sakit na!" sa likod ng mga talon at palakpak ay mga iyak na di maikubli ng aking kasaralinlan kung pwede lang kung maari lang araw araw hiling ko lang ay makaahon sa kalungkutan kung tatanungin ako ulit, wala kong kasagutan. Hindi sa ayoko ng kasagutan, hindi sa ayoko lunasan. Hindi ko lang talaga maahon ang sarili sa bangungot na patuloy sumisira ng aking laban. Wag nio ko husgahan, sinubukan ko, binigay ko ang kaya ko pero kapag nakikita ko na ang panalo bigla na lang ulit itong lalayo ngaunit hanggang andito ako, hanggat nakikipaglaban ako alam ko sa sarili ko may pag asa pa ako. at ikaw rin! alam kong malalim ang pinanggalingan alam kong ilang beses mo ding sinubukan alam kong palagay mo kamatayan na lang ang huling alas mo MALI Hindi ito ang magpapatumba sayo. Hindi ang halimaw na ito ang tatapos ng laban mo. Sa bawat pagdapa, sa bawat gasgas sa bawat pagsubok ng isa pa lahat yun napagtagumpayan mo na. kung hanggang kelan hindi ko alam ang mahalaga sa bawat araw na binibgyan ka ng pag asa andun ka buhay ka lumalaban ka. Walang tiyak ang bukas pero wag lang mag alala HINDI KA NAG IISA
0
Feb 16, 2021
Feb 16, 2021 at 4:58 PM UTC
HINDI KA NAG IISA

58
Dadalawin kita sa iyong guni-guni Aapihin kita sa lahat ng sandali Nanamnamin ko ang lahat ng 'yong pighati Igagapos ka umaga, araw at gabi Lagi mo na akong kasama sa 'yong tabi Oras mo sa mundo ngayo'y nagmamadali.
0
Dec 4, 2017
Dec 4, 2017 at 11:03 PM UTC
D.A.N.I.L.O.