Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
M e l l o Jun 2019
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang ating kwento.
Hindi ko din alam kung kaya ko bang ikwento.
Pero eto ako kahit ayaw ko sige pa din sa pagsulat, inilalabas lahat nang nakatagong kwento,
mga alaala mga pagkakataon na pilit kinakalimutan ng utak pero ayaw lumimot ng puso.
Ganun na lang ba palagi?
Tila lagi na lang nagtatalo yung puso at isip pagdating sayo?
Ang swerte mo naman puso’t utak ko gumugulo pero ako ba sa’yo ay ano?
Tatlong taon.
Tatlong taon na ginugulo ng pangalan mo ang mundo ko.
Na tila ba parang ayaw kang bitawan ng sistema ko.
Siguro ay dahil nasanay na ako.
Ano pa bang magagawa ko? Eto talaga yung totoong nararamdaman ko. Pero ano?
Tatlong taon din na binabalewala mo. Baliw na yata ako.
Ayaw ko na.
Pagod na ako.
Dahan dahanin ko na yung paglayo ko sayo.
Oo.
Lalayo ako at pipilitin kong umahon mula sayo.
Ang pagmamahal kong ‘to nagpapalubog sa sarili ko.
Kailangan kong bumangon at sa pagkakataong ito hindi na ako iiyak.
At kailanman hindi na bibisitahin ang mga alaala mo.
Tama na.
Sa pagkakataong ito ay ako naman.
Papahalagahan ko na yung sarili ko na sinayang ng ilang taon sayo.
Babawiin yung mga luha sa pamamagitan ng pagngiti sa paparating na mga araw na ito.
At unti unting kakalimutan ang pag ibig na binasura mo.
Mahirap sa simula.
Pero pipilitin ko.
Lahat ng puyat ko sayo babawiin ko sa pagtulog sa darating na mga gabing din ito.
Eto na yung huli.
Eto na din ang bagong simula.
Nang bagong ako.
jerely Jan 2016
Guni-guning nababalot ng hiwaga
sa aking utak ito'y pumipigil, gumugulo,
di maipaliwanag ang mga
nakaukit na ala-alang
Nang minsa'y ikaw ay inibig sa tuwing natatanaw ang langit na kay
tamis pa sa mga chokolateng
paborito ****
kainin tuwing ika'y nalulungkot.
Sa mga araw na nagdaan.
Sa maghapong nakaabang pa
sa pag-iintayan sa jeep
Oo parati namang naghihintay
ang puso ko sa'yo.
Di ba?

Sa traffic na nanamanhid na ang paa sa kakaabang kung kailan o saan ito patutungo
Kung may patutunguhan
pa ba na maging tayo?
O Isa na lamang ba itong
guni-guni sa aking isip.
Alam kong paasa ako. Oo paasa ako.
Asang-asa ako sa'yo na parang tanga.
Oo inaamin ko Tanga ako!
tanga ako!
tanga na kung tanga.
Pasan ko na naman lahat.
Di ba?

Nagdurugong,
Tagos. Tagos na tagos pa sa aking pusong biniyak ng mga samu't saring bakit na lang hindi naging tayo?
O mas madali pa bang patayin na lang
ang mga pusong minsa'y nasugatan na
sa hindi makatulog na gabi.
Sa mga namamagang mata sa kaiiyak
Sa kakaisip kung mahal mo ako o
kung minahal mo ba talaga ako?
O may iba na bang
nagmamay-ari ng iyong puso?

Guni-guni, ako'y litong-lito
dahil parati ****
ginugulo ang araw-araw ko
Halos mabaliw na nga ako
sa kakaisip sa'yo eh
Hindi nga ba't heto ako,
baliw na baliw sa'yo.
Di ba?
Na baka sakaling mag milagro
ang kapalaran
Na baka balang araw
baka balang araw ay
kaya mo rin akong mahalin
gaya ng pagmamahal ko
sa'yo higit pa sa buhay ko.
Higit pa sa mga luhang ibinigay ko
Higit pa sa mga salitang binitawan ko ngayon.

Oo guni-guni
parati ka namang nandyan di ba?
bumabalik. Lahat na lang. Paulit-ulit.


Oo guni-guni ang hirap hirap **** matanggal
Sawang-sawa na ako sa'yo.
Pero ang tanong.
Hindi ka ba napapagod?
sana'y tirhan mo rin ako kahit konti.
Ayoko na,
tama na.
this is actually a spoken-word poem
I was inspired by this Spoken-word artist name: Juan Miguel Severo!!!
hanep lang ang mga works niya!!! tagos sa puso! chos! :)

(p.s. if i have my spare time i'll try to translate this in English but for me its so good in tagalog/tula)

jerelii
12.21.15
Copyright
President Snow May 2017
Pinangako ko noong gabing
Lumisan ka at akoy iyong iniwan,
Na hindi na muli ako maglilimbag
Ng kahit anong kanta o tula
Na naglalarawan ng mga nararamdaman ko sayo

Ngunit heto ka nanaman
Biglang lumitaw mula sa kawalan
Muling pinaparamdam ang dapat di ko na maramdaman
At muling ginugulo ang tahimik ko nang isipan.

Pinangako ko na hindi na muli ako magsusulat
Ngunit heto ako ngayon,
Nangangati ang mga kamay na muling humawak
Ng ballpen at gawin ang bagay na matagal ko nang kinalimutan—na hindi pa naman pala

Muling inilimbag ang mga sakit
Muling isinumbong sa papel ang mga hinanakit
Muling nagbabakasali na sa aking pagsusulat
Muling maghilom ang mga peklat

At sa wakas sa dinami dami ng kalyo
Na aking natamo
Sa aking mahabang pagsusulat,
Muling naghihilom ang mga sugat

Muling kakalimutan ka
At kapag biglang naalala
Muling maglilimbag at magsusulat
Susubok makalimot muli sa lahat
Lol.
VJ BRIONES Dec 2015
ayan ka na naman,
babalik at aalis ng hindi nagpapaalam.
tila ginugulo mo ang aking isipan,
ano ba nag problema mo.
pwede bang tigilan mo na ako.
sige, magalit ka.
ibuhos mo ang lahat ng nararamdamn mo.
Para kang ulan
Biglang dadating At aalis biglaan
Hindi alam kung kailan
Hindi mo mapipigilan
"Isinulat ko ang tulang ito nung bumabagyo samin. Wala akong magawa, painum inom ng mainit na kape kaya naisulat ko ang piyesang ito."
Lev Rosario Oct 2021
May sanggol na buhat-buhat ng isang babae
Naka teletubbies na T shirt
Maikli ang buhok, maputi ang mukha
Mataba ang mga braso

Ang dalawang anyo ay nakaupo
Sa isang silid
Nakangiti ang babae
Ang sanggol ay nakatingin sa kawalan
Buka ang bibig ngunit
Walang boses na lumalabas

Ano ang kanilang patutunguhan?
Alam ko kung saan.

Ano ang kanilang mga kasalanan?
Alam ko kung ano.

Ano ang kanilang mga pangalan?
Alam ko kung ano.

May masamang pakiramdam
Sa aking dibdib
Sa pagitan ng mga nangyari
At maaring mangyari
Hindi ko maalis ang aking tingin
Kahit na ako'y nasasaktan
Kahit na gusto kong mawala

Inosenteng bata
Inosenteng bata
Ano nangyari sa iyong pagka-inosente?
Bakit ka lumaki?
Bakit ka nagkasala?
Bakit mo iniwan ang iyong panginoon?
Bakit hindi ka pa magpatiwakal?

Bata, madami kang pagdadaanan
Naaawa ako sa iyo
Mabuti at nakayanan mo
Ngumiti ka, umiyak ka
Ligtas ka dito
Hindi kita pababayaan
Naaawa ako sa iyo

Itinago ko ang letrato
Masyado nang ginugulo ang aking isipan
Theodora, wala kang kasalanan.
Theodora, wala kang kasalanan.
JT Dayt Nov 2015
Ilang taon mo na ba akong ginugulo?
Ilang umaga na ba akong nagigising na litong-lito?
Ilang linggo na bang hindi na gustong dumalo?
Ilang araw na tinatanong ang sarili ko

Ano bang nawawala sa akin at hindi ko matagpuan?
Ano bang kulang at hindi ko mapunuan?
Bakit kahit ilang beses kong subukan
Ang puso ko gusto ka nang sukuan?

Hindi ko kasi kayo maintindihan
Ang daming kailangang gawin at patunayan
Hindi ko makuha ano ba ang dahilan
Kaya ang sarili ko ngayon, nahihirapan

Hindi malinaw eh,
Kasi nga Malabo
Stum Casia Aug 2015
Sana pwede akong patulugin at paganahing kumain ng inyong mga at least.
At least hindi sila naparis sa mga nawala na lang sukat.
At least di sila nakitang palutang lutang sa ilalim ng Jones Bridge.
At least hindi ko na kailangang halughugin ang mga gusgusing morgue

makita lang sila.

At least buhay sila-

nakakulong nga lang,
may kaunting pasa sa tadyang.

Sa totoo lang,

nakakabingi ang inyong mga at least.
Wala itong silbi sa akin sa kasalukuyan.

Parang gabundok na labahing poproblemahin.
Parang lukot na polo na makikita ko sa salamin.

Parang masikip na brief at basang medyas.

It *****.

Hinuhubad nito lahat ng panatag na larawan sa aking isip.
Ginugulo nito ang relasyon ng subject at predicate sa aking mga pangungusap.

It really *****.

Bakit naman kaya ako makukuntentong-
at least buhay sila?

Eh, sa ganitong bansang
ang mga namumuno’y tila 3 for 50 na DVDng ibenebenta sa Raon-

sino ba dapat ang nakakulong?
fallacies Oct 2018
sa araw-araw na di ka nakikita,
na di ka nakakausap,
di ka nakakasama.

sa araw-araw na naglalakad mag-isa,
iniisip-isip ka,
hinahanap hanap ka
ang iyong
presensiya.

sa araw-araw na dumaraan,
sa aking harapan.
panibagong mga araw na siyang,
aking pinipilit na silayan.
hinahanap yung araw
na muli akong sisikatan
ng iyong araw,
ng iyong liwanag,
na siyang magbibigay ng init
sa nanlalamig kong kalamnan.

sa araw-araw na ginugulo ako
ng aking isipan, kung ano
na nga ba ang lagay mo;

ayos ka lang ba?

sana naman oo.

kumain ka na ba?

sabihin mo na oo.

masaya ka ba?

oo? o baka hindi rin siguro.

pero tandaan mo,
nandito lang ako.
nandito lang ako sa mga panahon,
na sa tingin mo wala nang tutulong sayo.

nandito ako sa mga oras na kailangan mo,
ng isang tao na handang makinig sayo.

nandito ako, handa nang makinig sayo,
sa lahat ng iyong mga kwento,
sa lahat ng iyong mga pagod at problema.

sige, sabihin mo sakin at makikinig ako.

dahil nandito na ako,
handa nang makinig sayo,

nandito na ako,
patuloy na maghihintay sayo;

at nandito na ako,
patuloy na magmamahal sayo.
Prince Allival Mar 2021
( MAHAL PARA SAYO TO )
UNTITLED 🥴

Sa araw-araw na di ka nakikita,
na di ka nakakausap, di ka nakakasama.
sa araw-araw na naglalakad mag-isa,
iniisip-isip ka,hinahanap hanap ka lalo
ang iyong presensiya.

Sa araw-araw na dumaraan sa aking harapan.panibagong mga araw na siyang aking pinipilit na silayan.hinahanap yung araw na muli akong sisikatan ng iyong araw, ng iyong liwanag,na siyang magbibigay ng init sa nanlalamig kong kalamnan.

Sa araw-araw na ginugulo ako ng aking isipan, kung ano na nga ba ang lagay mo;
ayos ka lang ba?sana naman oo.
kumain ka na ba?sabihin mo na oo.
masaya ka ba? oo? o baka hindi rin siguro.

Pero tandaan mo,nandito lang ako.
nandito lang ako sa mga panahon,
na sa tingin mo wala nang tutulong sayo.
nandito ako sa mga oras na kailangan mo,
ng isang tao na handang makinig sayo.
nandito ako, handa nang makinig sayo,
sa lahat ng iyong mga kwento,
sa lahat ng iyong mga pagod at problema.

Sige, sabihin mo sakin at makikinig ako.
dahil nandito na ako, handa nang makinig sayo,
Nandito na ako,patuloy na maghihintay sayo
at nandito na ako,patuloy na magmamahal sayo.
Euphrosyne Feb 2020
Ala una
Alas dos
Alas tres
Dilat ang mga matang
Gising na gising
May nakatingin?
Mga namumulang mata
Na umaaligid
Hindi lang sa kwarto
Pati sa panaginip,
PArang papaTAYin ka sa sakal
sa oras na pipikit,
Dadaganan ka
Sa oras na nagdidilim,
Ano ba mga ito
Hindi NAman kayo ginugulo
Wala AKOng gusto
Hindi ko kayo kailangan ngayon
Sino ba kayo
Wala akong ginawa
Gusto ko lang matulog
Ng mapayapa,
Tulong
Tulong
Tulong
Hindi ko kayang mahayo
Mga demonyong umaaligid
Ilang gabi na silang
Bumabalik
Hindi ko na kayang mapatagal
Mga nakikita
Mga nararamdaman
Mga demonyo
Baka gusto nilang
Ako nalang ang mawala?
May isa pang mensahe. Kapag may problema ka wag **** sarilihin magkwento ka.

— The End —