Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bihasa" poems
Wika ko ay siya ring wika mo Tayo ay mga kapwa katutubo, Pilipino ang ating sinisimbolo Ano man ang ating kulay at anyo. Wika ay pagkakaisa ng bawat isa Pinagbuklod-buklod ang puso’t diwa, Bukambibig ng maraming dila Sa pagkakaintindihan siya’y itinakda. Wika natin ay dapat na mahalin Hindi natin dapat alipustahin, Ito ay karapat-dapat na galangin Ating ipagmalaki at ating tangkilikin. Wika ay siyang sagisag ng ating bansa Na binuo ng mga mamamayang bihasa, Dilang bihasa sa paggamit ng wika At mahilig sa mabulaklaking salita. Wika ko ay siya ring wika mo Bumubuhay sa ating pagka Pilipino, Pinapatatag ang ating hukbo ‘Yan ang tibay ng Filipino!
0
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:38 AM UTC
WIKANG FILIPINO
Ang monasteryo ay pugad ng dasal ng maya Nasa tono ang plawta, umiirog na nota Ang natatanaw na inakalang bukang-liwayway  ay magandang kasintahan Harana ng kalawakan, nakakabinging bulong alulong ng multo na nanahan Sundin ang pagkabigo Sapagkat ang harmonya'y bihasa sa pagbibilanggo Ang kinikimkim na rosas ay lumulubo Ngunit nakagapos ang mga ugat Nakapanlulumo man ito'y totoo Nabubuhay ang bulaklak sa hardin na nakatago Itigil ang kahibangan ng bahaghari Pagkatapos ng pag-iyak ng kalangitan puso'y nagdadalamhati Kahit gaanong tingkad ng kulay sa himpapawid Malaking imahinasyon lamang ang makisabay sa pana ng anghel Iwaksi ang pagtitibok Ang mga konstelasyon ang patunay Guhit ng relasyon sa hangin ialay Papalayo, hindi mamamatay paulit-ulit na mabibigo Ang samyo ng damuhan ay may kaluwalhatiang hatid Sa paraiso nakasandal ang mga balikat at pighati Malayang pag-iisip, paglalakbay ng diwa Lunas sa damdaming mahapdi
0
Dec 3, 2018
Dec 3, 2018 at 8:05 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #3
Spoken word poetry by: Quencie D.R Puno ang aking isipan ng mga katanungan, Ni hindi ko alam kung may patutunguhan. Hindi ko alam kung paano o saan sisimulan, Kung tatakbo palayo o sayo ay ika'y lalapitan. Eto na sisimulan ko na ngunit nagaalangan, Sa simulang tanungin ang yong pangalan. Nang di naglaon nalaman ko yung katauhan, Di nagtagal tayo ay naging magkaibigan. Aking hihimayin kung gaano kahaba o kaikli, Etong tulang patungkol sayo at pinili. Kung ilang pahina at itatantya kung sakali, Sisimulan ko na ngunit eto ako nagbabakasali. Simula sa  "Ako at Ikaw" ngunit walang tayo, Ano bang pakiramdam ng maging gwapo? Dahil lahat ng niligawan mo iyong napa-Oo. Babe,Mahal at lahat ng tawagan nagamit mo. Balita ko madaming nagkakagusto sayo, May nakahome based na sa puso mo. Nakatres ba? Ilang puntos ba sya sayo? Gusto mo pala maglaro sana sinabihan mo ako. Gusto mo ng one-on-one pero madami pa pala, Kung tutuusin sa mobile legends adik ka na. Paiba iba ka ng character bane,alpha at angela, Inugali mo na pati sa laro kotang - kota ka na. Di kami isang laro pag napagtripan mo na, Di kami dota iffirst blood mo tapos GG na. Di kami coc o lol iiwan mo pag nagsawa kana, Ano bang degree natapos mo at bihasa kana. Patawad!! Kung ginusto kita, Patawad sa mga binitawan'g salita. Patawad kung mahal na kita, Patawad kung ako'y lalayo muna.
0
Apr 19, 2019
Apr 19, 2019 at 3:46 AM UTC
"Patawad"
082021 Mas malalim pa ang gabi Kaysa sa aking mga matang alikabok ang tinta. Ang mga kulisap at kuliglig Ay nagtatagisan ng mga boses At sabay-sabay na nakikipagtalastasan Kung kanino ba papanig Ang buwang hugis pamato sa larong kalye. Sinasabi nilang ang aming lugar ay dating liblib Noong panahon pa ng mga Hapones. Kaya’t nagbakasali akong Kaya ko silang paniwalaan Pagkat ni minsa’y hindi naman ako Nakapagpantig ng mga salitang Nakakahon sa iisang pangungusap. Natatandaan ko pa ngang Sa tuwing tumatanghod ako Sa aming bintana sa umaga’y Sabay ding magsisiingay ang nagtitinda ng taho At nambabato ng dyaryo Patungo sa aming pintuan. Si Inay ay gagayak para sa bagong balita, Habang ako’y gagayahin ang sigaw ni Manong At titikim ng paborito kong agahan at panghimagas. Habang sya’y papalapit Ay kusang malalagas Ang mga pakpak ng kanyang tsinelas At kanyang ilalapag ang papel na inilimbag daw Sa pabrika ng kanyang kaklase noon Na anak-mayaman. Sa isip ko’y nais ko sanang masiyasat rin Ang mga letrang nakatambad sa aking harapan At bigyang buhay ang mga papel At baka sakaling, Maging bihasa rin ako gaya ng iba. Kung sabagay, ang lahat naman ng aking mithiin Ay kusang maglalaho Kasabay ng aking mga panagip. Ang lahat naman ng nasisinagan ng apoy Ay maya-maya ring magpapalamon At magpapaubaya Sa kadilimang bunsod ng panahong May paulit-ulit na panimula’t katapusan. Sabagay, ang lahat nama’y Magmimistulang pandagdag lasa na lamang Sa nanlilomos na alab at nagmimitsang pagpapaalam. Naubos na ang bawat pahina Ngunit di ko man lamang nagawang simulan Ang pangangalap kung nasaan na ba si Itay. Saan nga ba ang aming magiging tagpuan? Saan at kailan nga ba ang hangin Ang mismong sasabay sa aking paghikbi nang walang katapusan?
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 7:23 AM UTC
Pamaypay

Continue reading...
52
siyam na letra ang "mahal kita" dalawang salita na di ko makakaila. hindi man ako bihasa, sa mga matalinhagang salita. nais ko lamang ipadama dito sa maiksing tula. gusto ko ilahad ang hindi mapaliwanag nais nang matapos ang paghihirap. magiipon ng lakas, kahit pwede ito ang maging wakas. pipiliin sumugal at ang puso'y itaya. hindi mo man maibalik ang mga salita. oras at sandali ay akin pang naalala nung buong loob sinambit na "mahal kita" balintataw saking mata agad nadama. nung sinabi mo saaking "pasensya kana". para akong pinilas na pahina sa libro na ikaw ang may akda mga mata'y di na nag tagpo ngiti mo saakin biglang nag laho. masakit pala.. kahit pa handa ka pero ang sabi nga ng iba kung mahal mo sabihin mo panalo ka man o talo.
0
Aug 25, 2020
Aug 25, 2020 at 1:02 PM UTC
Siyam na letra
#112715 #3:15PM Tila swelduhan na ng tulisan Pagkat may hithitan na naman Para sa kaban ng Bayan. May oposisyong yama'y satsat Pribadong sektor ba'y gayundin At may lamat? Tila bala ng hasaan Raketa ng ila'y pudpod na Sa platapormang hilaw. Sino nga ba ang kakaatigan? Sa pula, sa puti nga ba ang asahan? Nakaririndi ang melodiya ng pulitika Bagamat may leksyong ipanauubaya Sino ang patas na Tagapaghusga? Siya sanang mag-arok sa puso ng kokorona. Magsusulputan ba ang paninda ni Juan? Dawit ang aprub at tiwalang busal. Marahil may iilang kaniig sa sambit, At ang batas ay sisirit na may pagtitilamsik Sa huli'y magdududa't iinam na ang pag-iisip. Panaghoy nila'y saradong pang-uuyam, Harap-harapang banggaan at mala-pilahaan. Animo't bihasa na nga ang madla Pagkat tinatalunton ang ikot ng roleta.
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 7:52 AM UTC
E-LEKSYON Na Naman
8 Ang panday na si Birio Ang natatanging iho 9 Mula sa pamilyang gumgawa Ng mga punyal at espada 10 Bilang kaisa-isang anak na lalaki Maagang tinuruan ng gawaing pangmalaki 11 At sa paglipas ng panahon Siya’y naging bihasa sa nayon 12 Kung may magpapagawa ng itak o espada Lumalapit lamang sa kanya 13 Itong si Biriong kay agang natutunan Ang pamamanday sa kanluran 14 Sa pamilya ni Alyna bumabaling Tuwing kinakailangan ang uling. -07/15/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:55 PM UTC
Alabir 2 -Ang Panday-