Sa dilim ng silid, tahimik ang gabi,
may kandilang baliktad, sindi sa labi.
Ginintuang dahon, galing sa gubat,
hinog sa sikat, sa palad pumapat.
Lumilipad ang ulap sa loob ng bungo,
hangin na may halakhak ng panibagong mundo.
Mata’y naglalakbay sa gitna ng walang daan,
habang ang oras ay natutunaw sa kawalan.
May bulong sa hangin, tunog ay musika,
bituin ay sumasayaw sa sariling eskima.
Di lahat ng apoy ay may layong sunugin,
minsan ito’y gabay para di maligaw sa dilim.