Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
George Andres Jul 2016
PAG-ASA/ISKOLAR NG BAYANG DUKHA
Madilim na sulok,
Kung san nagdurugo ang mga palad habang rosaryo’y hawak
Gunita’y lumipad habang likod’y dumaranak
Naalala ko pa no'y si Inang ingat na ingat sa isang batang mataba,
Matabang pitakang puno ng libo-libong kwarta
Sahod nilang mag-asawa na sa akin lang ginagasta
Para sa tuition ko, para sa pagkain, pamasahe't libro
O inang minamahal ako nang labis
Kung ang buwaya pa kayang tumatangis
Di maantig sa iyo’t tumalilis?
Sa pagligo sa likod ay laging may langis
Langis ng niyog na kinayod ng ‘yong nginig at mapupula nang kamay
Kung sa gabi’y rinig na rinig ko ang iyong pusong lukso nang lukso
Sa ilalim ng kulambong dinusta na ng panahon
Di mo magawang umalis kung dapuan ako ng sipon
Mga lamok na dumadapo di ligtas sa kanyang paglilitis
Sa loob ng tahanan di makitaan itlog ng ipis

Ako ang pasakit ng aba ninyong buhay
Pakiusap, pilitin **** lumakad parin gamit ang 'yong saklay
Hintayin **** mabigyan rin kita ng magandang buhay
Kung pagiging matiwasay ay dahil sa pagkakawalay
Tila di narin kaya ng loob kong patpatin
Sa ideya lamang nito’y tiyak na lalagnatin
O inay! Patawad kung pagod nang tumaas-baba pa aking baga
O Lubid sa inaanay na dingding  na tinitingala
Sa halip ng makikinang at mala diyamanteng mga tala
Huwag mo akong paglawayin sa iyong panlilinlang
Di magagawang sakupin ng depresyon ang tino kong nawawala
Ni ihulog ako nang tuluyan sa mahabaging grasya
Dahil kung sa pag buhos ng kamalasan ay patakan ang huling pasensya
Sa baha na isang pagtaas na lamang ay lulunurin na
At saka lamang ako sa huli'y makakahinga

Isa na akong kawalan na nilagyan ng katawan
Saksakin man, wala na akong maramdaman
Walang kikirot na laman
Walang dugong dadaloy nang luhaan
Sundalong natuyot na ng labanan
Binalot na ng kahihiyan at pagtataka kung mayroon ba akong kakayahan?
Biningi na nga ako ng mga sigaw sa aking isipan

Mas dukha pa akong di makakita pa ng liwanag
Liwanag na sa Bilibid natitikaman miski mga nag-aagawan
May hangin ngunit ako lang ang nalulunod
May dagat at ako lang ang di makalangoy
Mas preso pa akong walang makain nang di hamak
Mata kong bagsak at pula na, tighiyawat na parang sunog at di na maapula
Kakapalan lang ang ipakita ang mukha sa labas
Dahil kailan ba ang mundo'y naging patas sa batas?
Batas ng pag-iral ng matibay na loob
Ito na ang mga taong noo'y tinawag kong ungas
Bumubuhay na ng pamilya't may pambili na ng bigas

Sa loob ng maliit na kwadro
Sapat ang isang upua't mesa at isang kabayo
Sabit pati ang yabang kong diploma sa taas ng orocan
Lukot na resumé sa aking harapan nagmuka nang basahan
Mas tanggap pa sa trabahong pamunas ng puwitan
Ngunit mas higit pa ba ang munting papel kung nasaan aking larawan?
Bakas ng ilang buwang puyat at thesis na pinaghirapan
Salamin ng ninakaw na kabataan, ng inuman at kasiyahan
Repleksyon ng mga desisyong sa nakaraa'y napagpasiyahan

Bakit ako tatanggap ng trabahong mababa pa sa aking kakayahan
Bakit call center lang ang aking babagsakan?
O maging alila sa mga sinliit rin nila ang pinag-aralan?
Piso lang ba  halaga ng lahat ng aking pagsisikap?
Ito ba ang direksyon ng matamis na buhay na sa huli'y inalat?
Madali pa pala ang unibersidad
May kalayaan, oo tao'y mga mulat
Marami umano  ang buhok ng oportunidad
Hatakin man ay nasa harap ang bagsak

Kahapon itlog at pancit canton,
Dala ni nanay noon pang huling dalaw sa aking kahon
Inakalang sa tren isa akong bagon
Sa bilis ng oras ay papadayon
Isang buwan nang matapos na ako
Inakalang ito na ang hudyat ng aking pag ahon
Totoong mundong ganito pala ang paghamak at paghamon
Interbyu sa opisinang may pagka-amoy baygon
Ugali sa trabaho’y ako raw ay patapon
Kaklase sa hayskul aking nakasalubong
Nagsimula sa wala, ngayo’y umuusbong
Eh ilang beses ba ‘yong umulit ng ikatlong taon?!
Di maatim ng sikmura sila'y yumayabong
Habang ako rito sa kumot ay nakatalukbong

Hawak ko ang kwintas na mistulang ahas sa aking leeg
Nawalang pag-asa ng bayang tinakasan
Sasablay ako hanggang sa huling sandali
Kagitingan at kagalingan ang aking pasan pasan
Taas ang kamao habang dama ang gasgas ng tali sa aking lalamunan
Hinding hindi ninyo ako magiging utusan

Ito na ang mga huling salita sa aking talaarawan
Sinimulan kong isulat nang matapakan bukana ng Diliman
Bitbit ang banig at walang pag-alinlangan sa kinabukasan
Tilapiang pinilit sumagupa sa tubig-alat
Hinayaang lamunin ng mga pating na nagkalat
Nag-iisang makakaalis sa aming bayan
Dukhang nakita ang yaman ng Kamaynilaan
Dustang panliliit ang aking naging kalaban
Gabi-gabing basa aking banig sa malamig na sahig
Paulit-ulit sa aking pandinig ang salitang isang kahig!
Sa huli'y ano bang idinayo ko sa pamantasan?
Oo! Oo! Kaaalaman at pag-ahon sa kahirapan
Sa agendang ito ako pala ay tumaliwas
Sa mumurahin ako’y umiwas
Anupa’t sa aking kabataan, naging mapangahas
Ginamit nang ginamit pag-iisip kong nawalan na ng lakas
Sumama sa lahat ng lakara’t laging nasa labas
Tinapos agad-agad mabalanse lang ang lahat
Gabi-gabing sunog kilay pati balat
Waldas dito waldas doon, yan lang ang katapat
Sa huli’y doon na nga natapos ang lahat

Singsing ng pangako sa kanya,
Sa pamantasang sinisinta
Sa kahirapan di niya ako makikita
Bayang yayapusin mala linta

Ako raw ang pag-asa, isang iskolar ng bayang nais maglingkod sa bayan
Oo, naghikaos ang pamilya makalusot lang
Taas ng pinag-aralan, kung sa ibang bayan, sahod lang ng bayaran?
Mamamatay akong may dangal at pagmamataas sa aking kinatatayuan
Tatalon sa bangko't idududyan sariling katawan
Inyo na ang thirteenth month pay ninyong tinamuran!
Patawad sa bayan kong di na mapaglilingkuran!
Paalam sa bayang di pa rin alam ang kahulugan ng kalayaan!
7816
Edited this again for a schoolwork.
Minsan magtataka ka
Sa kung paano nagsimula
Ano ang dulot o sanhi?
Paano ang bukas
Kung ang ngayon ay wala na.


Makitid ang daan
Patungo sa kabilang espasyo
Malayo sa drogang gamot daw.

Naryan ang nars
Ang sekretaryang nanghihina
Mga eroplanong papel
Simbolo pala ng iilang humihinga.

Takot at may kirot
Umuusbong ang sanhing nakakasuka
Mga imaheng kilabot sa sikmura
Walang nakaririnig
Mananatiling pipi't bingi
Kahit sandali, kahit sandali lang.

Itim ang kulay ng pag-asa
Naroon ang pangarap
Naroon ang solusyon
Tila nag-aabang
Sa kakarampot na grasya.
Akala ko may cyst ako, lycoma raw tawag sabi ni Doc pero kailangan pa rin alisin.  Second minor surgery in my life.
Agust D Apr 2020
may isang natutulog sa kalye
walang sala, walang detalye
walang makain, walang tirahan
ngunit ikinulong tila'y makasalanan

"mahirap maging mahirap"
said ng mga matang nagpapaki-usap
nang gayo'y makahanap
ng pagkain sa pamilya'y maiharap

at ang isa'y pinaiimbestigahan
dahil umano sa ilegal na pamamaraan
ng pagtulong sa kanyang nasasakupan
kailan ba ito naging kasalanan?

o, Pilipinas, ika'y binabantaan
patagong tinatangay ang iyong kayamanan
mga anak mo'y pinahihirapan
sa kalagitnaan ng krisis, ika'y pinagsasamantalahan

o, Pilipinas, naliligaw ang iyong landas
ika'y inaapi, inaabuso nang marahas
waring pinaglalaruan ang batas
ng isang nag-aanyong taong hudas

halika't iyong ipaglaban
ang bansang ating sinilangan
basagin na ang iyong katahimikan
at h'wag hayaang manaig ang kasakiman

pakinggan, dam'hin, at tignan
h'wag ka munang lumiban
sapagkat kailangan ang iyong katapangan
sa umuusbong na digmaan
Isang Tulang tungkol sa Politika
Naglalaro tayo,
Pero hindi parang biro.
Mayroong taya,
Pero hindi alam kung sino.
At walang tayo,
Pero sana’y parehas na manalo.

Sisilip ang pusong walang pagkukunwari.
At sa tikas at dunong ng iyong pananampalataya,
Pawang gabay sa nauuhaw na sandali.
Ang baryang sentimo’y itinabi nang kusa,
Pagkat umuusbong ang pagsinta
Sa para sanang taglagas na paghinga.

Nais kong siyasatin ang maamo **** mukha
At ang pagkukumbaba’y batid kong patas at di ulila.
Iyong mga kamay, yapos silang mga uhaw
At ang tula’y binalot ng pakikipaghimagsikan.

Dukha ang pag-ibig ko,
Bagkus hindi mamamalimos.
At sa mala-larong pag-iibigan,
Magwawagi rin tayo.

Sapat na ang nalalabing mga sandali’t
Armas nati’y ibibigkis pa rin sa Langit.
Pagkat hindi lilisanin ang Harding may bukal ng pag-ibig.

Tataya ako’t hindi ka muna gigisingin
Sa himbing ng paghikbi’y, ako’y gapos ng katotohanan.
Sinta, hintay lamang; pagkat matatapos din ang laro
Gigising tayong muli’t bibihisan ng pagsuyo.
John AD Feb 2018
Huwag igaya ang sarili sa mga nakaraang bayani,
Nag aklas laban sa gobyerno para saan? para sa sarili?
Ngayon ang lungkot nang mga nangyayari dapat parin bang manatili?
Kahit san ka lumingon walang tama sa isip nang nakararami

Hinila ka pababa , masaya kaya sila sa kanilang ginawa
O Hindi parin tanggap ng kanilang ulo na wala naman silang nagagawa
Na tama , puro hangad ay kapangyarihan na patuloy umuusbong
at nagiging lason sa isip nang karamihan kaya ang buhay natin ay hindi magkasalubong

Minsan nga napagtanto ko na rin kelangan kong magpanggap
Humihiling na maging masaya sa gitna nang kalungkutan
Kahit na ganito ang sitwasyon sa aming bayan,
Pero ayos lang Kami kaya ang masasayang tao pag dating sa labas nang tahanan

Kaya nga minsan itinago ko nalang ang damdamin sa aking silid
At kahit anong sisid mo o pagmamasid sa aking isip ay hindi mo makakapa ang sinulid
Patungo sa tunay na nararamdaman ko at kung mga tao lang sa ating bayan
ang hindi makaunawa,wala na ba tayong magagawa? at habang buhay nalang silang maniniwala.
Buksan muli ang ating mga mata upang makita ang mali nang ugaling kanya-kanya
Mga punong nagtataasan, mga katawang nangingitim.
Hibla dati sa kahoy ngayo'y sa bato nagbibitin.
Ang tangkad mo ay laging masarap gawing lilim.
Mula noon hanggang ngayo'y di ako makapagpasalin,
Ng mga kasalanan, kahit na iyon ang iyong kinain.
Matagal na ang huling pagsala ko sa kanyang bituin.
Baka't hindi ko na ito kailangang damdamin.
Dahil tila nagkukulang na ang iyong hangin.

Mga dahon **** lapad at kumikinang.
Nanalamin sa lahat ng aninong dumadaan.
Nagpapabahay parin sa iba't-ibang nilalang.
May mararahas. tahimik, at mapaggalang.
Parang ang nagbabagong kulay ng mga bunga **** nakahalang.
May gamot at may lason, pero mayroong pagkaing pang-ahon.
Mayroong pabaon ngunit parang ikaw na ang unti-unting lumalamon.

Umuusbong na mga panahon.
Nakita na ang bukas ay ang kahapon.
Kitang-kita ang daloy ng alon.
Nadating ika'y mahinahon.
Ngayo'y ika'y tagahamon.
Nag-iipon ng lakas at laman.
Habang nagtatapon na ng basura't mangmang.
This poem is written/typed in my native language of Tagalog which is a dialect of Filipino. But it is already the new generation of the language not the old original traditional language. Here is the translation: http://hellopoetry.com/poem/1558592/the-forest-ang-gubat/
013024

Walang ibang saksi
Ng mga binhing kusang umuusbong.
At walang ibang tutugon
Sa walang katapusang paghikbi.

Daig pa ng liwanag
Ang kadilimang baluti sa’king mga mata.
Ngunit tila ba ako’y hindi pa rin handa
Sa mga balang tumatagos sa’king katauhan.

Nauuhaw pa rin ako
Sa mga salitang “Mahal kita”
Ngunit sa bawat pagtagisan ng mga salita’y
Puso ko rin ang kusang lumilisan.

Marahil ang paghilom ay isa lamang panimula
Ngunit sa ngayo’y ang mga pahina’y
Nasa dulo na ng aking katapusan
At paano nga ba muling makasasandal?
Paano nga ba muling magsisimula?

— The End —