Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
cj Apr 2019
ang sansinukob ay dinala na tayo sa isa't isa
ang tadhana sadya'y mapaglaro
pero hahayaan ba natin na ang ambon na dala nito'y
hihinto sa ating dalawa?

bilang na ang mga dahon sa puno
ang bawat butil ng buhangin
ang mga natitirang oras, aking irog

ano pa ba ang hinihintay natin
ang muling paglapit sa atin ng sansinukob
o ang pag-ubos ng pasensya ng oras
at nang sa ganon ay nawala na?

o sadyang inaaliw na lang natin ang isa't-isa
sa kalungkutang ating isiniksik sa ating mga kokote
at ipinipilit na isantabi na lamang
ang magiging kwento nating dalawa
zee Aug 2019
unti-unti na lang bang masasanay?
tila nalanta na at wala nang buhay
ang mundo na sabay nating binuo
natutuliro, nababalisa at hindi mapalagay
ang dating mga usapang hindi maubos-ubos
ngayon ay para na lang kandilang nauupos

hindi alam kung paano, bakit at ano ang nangyari
bigla na lang nagbago; wala man lang pasabi.
nawalan na nga ba ng gana ang tadhana sa'tin
o sadyang ito na ang huling hantungan natin?

maaari bang samahan mo akong lumaban at agapan ang ating nararamdamang tinatangay na ng hangin sa kawalan?
akala ko ba'y sabay pa nating pagmamasdan ang marahan na paglubog na araw ngunit bakit tila parang mauuna pa ang ating istoryang hindi pa nga nasisimulan?
kahel Apr 2022
parang sigarilyo.
upos na.
ubos na.
damo na hin duro an 𝘴𝘵𝘪𝘤𝘬𝘺 𝘯𝘰𝘵𝘦𝘴 haak lamesa
takip-takip an kabutang pero dire ak nakakabasa,
han mga pulong nga akon nasurat,
mga letra nga nag buru-balighot ngan nag papaplanat.
waray na gihapon tinta an akon 𝘣𝘢𝘭𝘭𝘱𝘦𝘯 ubos na an paypay han 𝘯𝘰𝘵𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 nga sinurat-suratan hin magka-durudilain nga pangandoy, mga pulong nga ha inop nala natutuman—mga pulong nga karuyag ko unta mabatian—
tikang haimo mga im-im, an katam-is han mga saad nga sugad hin dugos,
an mga hinumduman nga sugad hin daan nga telegrama, nga ha akon kasing-kasing nakahipos.
gintatapo-tapo na an mga surat nga linukot, waray na ka abrihi tikang han kaparong han lanterna han aton gugma.
nga an dagaang nga an hadi akon na aabat, tumaghom na tikang han imo paglakat.
ngan sugad han 𝘴𝘵𝘪𝘤𝘬𝘺 𝘯𝘰𝘵𝘦𝘴 nga buot mag pahinumdom, akon man liwat nangalimtan an pag-lara han gugma,
waray na punto an mga sinurat, ighahapil ko na la ada.
translation

Many sticky notes now clutter my desk,  
Covering the chaos, yet I cannot read the rest—  
The words I've written, the letters that twist,  
Tangled and scattered, lost in the mist.  

My ballpoint is dry, ink all but gone,  
The pages of my notebook, faded and worn,  
Filled with dreams that never came true,  
Words I once longed to hear, whispered by you.  

From your whispers, the sweetness of promises,  
Like honeyed vows I once held as bliss,  
Old memories, like telegrams worn,  
Stored in my heart, weathered and torn.  

The crumpled letters are thrown in a pile,  
No longer opened, no longer worthwhile,  
Like the fading glow of a lantern’s light,  
The love we once shared, now out of sight.  

The warmth I once felt now slips from my hands,  
Fading as you leave, slipping through the sands.  
And just like the sticky notes meant to remind,  
I too forget how love once intertwined—  
The words no longer matter, they simply fall behind.

01.26.25
Jun Lit Dec 2021
Tila namanhid na ang babahaang landas
walang patid ang agos ng luha, habang walang habas
ang malupit na lilik-panggamas -
patuloy ang tila nag-aamok na pagwasiwas.

Kahit mura pa ang uhay
ng nagbubuntis na palay
Namúti na ang katiwala ng mga bunso't panganay:
Walang sinanto ang pakay
ng aninong sumalakay.
Sinimot pati ipa. Ang imbakang burnay
tuyung-tuyô, tila balóng patáy.

Ubos na ang mga ninuno sa Purok
Ang mga inanak at inapo, tila mga but-o ng kapok
nangalat na sa malalayong pook
Hindi na tumalab ang mga erihiyang tampok
Ang lamping ibinalot, balót na ng usok.
Ang binalot na kapirasong pusod, bakas na lamang ng balok.

Karipas na ang binatilyong habol ang mutyang pailaya.
May baon pang pagkain, pagsasaluhan pag nagkita
Ngunit mabilis na napawi ang tanawing kasiya-siya
Ang natapong lomi, natabunan na ng aspalto’t palitada
kasama ng mga bakas nina Utoy at mga kabarkada
sa ilang dekadang araw-araw na pagbagtas, nakasipit at gura
mula sa Baryo Balintawak hanggang Lumang Baraka.
Di na makilala. Wangis ay mistisong pilipit. Ay! Ay! Lipa!
This is the 17th poem in my series "Kapeng Barako" - Kapeng Barako is brewed coffee in Lipa, Batangas, Philippines, often of the 'liberica" variety and roasted traditionally in large metal vats. The series includes poems that focus mostly  on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years. Change is indeed inevitable. However, forgetting the past and/or revising history, will eventually prove quite costly for a country or people, culturally and in many other ways.
reyftamayo Aug 2020
isa pa, itagay mo pa
tatlong ikot na lang ubos na.
hindi malamig,
ubod ng lamig.
iisa lang pala ang tama.
ibigay ang pulutan
doon sa malakas kumain.
pagkatapos nito, isusuka rin.
kahel Jan 2020
Hindi sa wala akong masabi.
Hindi sa wala akong alam.
Hindi sa wala akong pakialam.
Hindi sa 'di kita mahal.
Hindi sa ‘di ako lumaban.
Sa totoo lang,
Hindi lang naman Ikaw ang may mga katanungan,
Ako din, mas madami pa nga ata.
Ngunit 'di ko alam saan 'to hahanapin,
Saan ko 'to pupulutin,
Paano ko ‘to matututunan,
Basang basa na ang aking unan,
Ubos na din ang alak at pulutan,
Pero isa lang ang nasisigurado ko,
Dahil alam ko,
Na ang pupuna dito sa kalungkutan,
Sa bawat oras na nagkagipitan,
Sa pagmamahal na kakulangan,
Ay Ikaw, Alam kong Ikaw,
Na sa'yo ko pa rin makikita
ang tamang kasagutan.
Magsusulat ako hangga't maghilom itong naiwan **** sugat.
reyftamayo Aug 2020
paano ko nga ba kinolekta
ang mga ala-ala?
sa piraso ng bato?
sa piraso ng kahoy o halaman?
siguro sa simoy ng hangin
at lasa ng pagkain?
hindi naman kaya
sa kalampag ng mga musika?
wala nga sigurong batayan
wala ring katapusan ang pagkolekta
ng mga ala-ala
nakagawian ko na itong gawin
noon pa
kaya kahit na ubos na
ang mga bato kahoy at halaman
kahit na said na ang bakas
sa simoy ng hangin
at lahat ng pagkain
manahimik man ang indayog ng musika
hangga't hindi pa nauubos
ang mga naipong lakas
na magdadala ng mga lipas na gunita
ng galit at takot
ng lungkot at tuwa
makababalik pa rin ako
saan man magpunta
Mayda ko nakita-an ha baybayon.
Gin-anod tikang ha hirayo
May sulod nga papel, pinutos hin maupay.
Mga pulong nga puno hin mga pahaliday.

Mahusay an kasurat, sugad hin awit,
Nagpapahayag hin gugma, ha ak' kalag sinmangpit.
An akon kasing-kasing nalipay intawon
Kay an mensahe para man ha akon.

Pero ha ubos han surat, mayda ngaran.
Diri akon.
An surat ha botelya
Para ha akon nawawara nga kalugaringon.
English Translation:

The Letter in a Bottle Washed Ashore

I found something upon the shore.
Washed in from the distant sea,
Inside was paper, wrapped up well.
Words filled with longing, it did tell.

The writing was lovely, like a song,
Declaring a love, to my soul it thronged.
My heart, poor thing, was filled with glee,
For the message, it seemed, was meant for me.

But at the bottom of the letter, a name did lie.
Not mine.
The letter in the bottle,
Was for my own lost self,
Passing by.
Kalawakan Sep 2020
Sa lakas ng pagbuhos ng ulan,
Sabay ang pagbagsak ng mga luha.
Paano nga ba aayusin ang nararamdaman?
Tulong, sino ang nakakaalam?
Masakit na damdamin puno ng pait,
Tulad ng maitim na ulap sa langit.
Lungkot man ang nararamdaman,
Pagtapos ng ulan may liwanag sa kalangitan.
Pag ubos na ang luha papalitan ng ngiti,
Ngunit sana ito'y hindi pilit.
Jun Lit Sep 2024
Tila namanhid na ang babahaang landas
walang patid ang agos ng luha, habang walang habas
ang malupit na lilik-panggamas -
patuloy ang tila nag-aamok na pagwasiwas.

Kahit mura pa ang uhay
ng nagbubuntis na palay
Namúti na ang katiwala ng mga bunso't panganay:
Walang sinanto ang pakay
ng aninong sumalakay.
Sinimot pati ipa. Ang imbakang burnay
tuyung-tuyô, tila balóng patáy.

Ubos na ang mga ninuno sa Purok
Ang mga inanak at inapo, tila mga but-o ng kapok
nangalat na sa malalayong pook
Hindi na tumalab ang mga erihiyang tampok
Ang lamping ibinalot, balót na ng usok.
Ang binalot na kapirasong pusod, bakas na lamang ng balok.

Karipas na ang binatilyong habol ang mutyang pailaya.
May baon pang pagkain, pagsasaluhan pag nagkita
Ngunit mabilis na napawi ang tanawing kasiya-siya
Ang natapong lomi, natabunan na ng aspalto’t palitada
kasama ng mga bakas nina Utoy at mga kabarkada
sa ilang dekadang araw-araw na pagbagtas, nakasipit at gura
mula sa Baryo Balintawak hanggang Lumang Baraka sa Lipa -
Di na makilala. Wangis ay mistisong pilipit. Ay! Pilpinas pala!
The original version was the 17th poem in my series "Kapeng Barako" - Kapeng Barako is brewed coffee in Lipa, Batangas, Philippines, often of the 'liberica" variety and roasted traditionally in large metal vats. The series includes poems that focus mostly  on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years.
This year, I reviewed those of my poems that mention or discuss history. While the original poem actually refers to the forgotten massacres and related events during the latter part of the Japanese occupation (World War II), I came to realize that the events of the Martial Law years seem to have been forgotten also by our people, especially with the recent attempts at historical revisionism.
Change is indeed inevitable. However, forgetting the past and/or revising history, will eventually prove quite costly for a country or people, culturally and in many other ways.
inaagiw Sep 2022
ang tagapagtanggol ay nagising
sa kamang gawa sa basag na bote

stallion—lahat ubos, hungkag

pinagpag niya ang mga kasalanan ng
kahapon at naghanap ng
sigarilyong kaya pang sindihan
solanamalaya Mar 8
kapayapaan paano mararanasan?
kung kapwa mo pilipino
tingin sayo kalaban
kada talikod mo
nagagawa kang pag-usapan
mga taong hanggang dun nalang
at di kayang masabi ng harapan

maituturing bang kapayapaan
ang pakikipaghatakan pababa at walang ibang
ginawa kundi mangialam sa buhay ng iba
mga taong nagsasabing "magpakatotoo ka lang." tapos huhusgahan ka nila?

mga literal na utak talangka
lalo na kayong dumadami, kailangan na ng bangka
maging maliit na "KITA" galing sa dugo't pawis pinupuna.
kailan kaya kayo mauuntog sa bato at sasabihing " ako'y natuto na."

Daig pa ang hukom kung manghusga
ubos ang salapi, sa kakapusta
sa mga kwentong nagpasalin salin sa bibig ng iba.
pati pagiging mapangmata,
ginawa ng katawa-tawa.

paano mo mararanasan ang nais **** kapayapaan?
kung ayaw **** iwanan dati
**** nakasanayan
niluluwa mo pati sarili **** bayan,
nagmamataas kahit wala pang napatunayan.

hayaan mo akong tulungan ka sa iyong kalagayan
pusong puno nang galit kailangan mo nang tigilan
Lawakan mo ang isip at iyong laliman na kahit 'magkakaiba man tayo ng pinanggalingan, ay iisa lang naman tayo ng bansang sinilangan'
09/07/20

— The End —