Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
ZT Oct 2015
Bakit ba
Ganito sa pinas
Kung saan masyado tayong tutok sa tamang landas

Landas na di naman natatahak
Pagkat lahat ng pangako ng mga naging pangulo ay puro palpak

Ano nga ba ang tamang landas
Palagi na lamang itong bukambibig ng mga taong malalaki ang bibig ngunit maliliit at malalamig naman ang mga puso.

Wagas kung makapagsabi ng tamang landas
Kailan ba magwawakas ang pagpapatag sa tamang landas
Tila masyado nang nabigyang importansya ang paghahanda sa tamang landas
Na naaaksya na ang pera ng ating mga probinsya


Ang mga pangakong napako
Ang mga pulitkong napako na sa pagtahak sa landas na ito
Na tila nakakalimutan na nilang isama ang sambayanan sa pagtahak nito
Ang mga mamamayang pilipino na naubusan na ng lakas
Pagkat wala na halos mailagay sa hapagkainan na bigas
Sa walang katapusang pag taas ng tax upang mabuo at mapatag lang ang sinasabing tamang landas

Mga pukitikong
Masyado nang naging overly attached sa tamang landas
Na tila konting lubak lang kuha agad sa kaban ng bayan... Sa pera ng mga mamamayan.. Upang magpagawa ng bagong daan. Mas matuwid na daan. Wow. Gusto nyo ba ng sapak?


Bakit hindi nalang hayaan ang malubak na daan?
Bakit hindi nalang hayaan ang konting baluktot sa daan?

Basta siguraduhin lang natin na tama ang ating pupuntahan.
Na pagdating natin sa ating paroroonan, paglingon natin ay wala na tayong babalikan dahil wala na tayong naiwan.
Magkaroon man ng galos sa paglalakbay, ang sakit ay kayang pawiin ng haplos ng kapwa pilipinong naging kasama mo sa pagtahak ng daan na tnahak ng bawat pilipino.

Ang kailangan namin ay isang pinuno
Hindi pangulo na ituturo lamang ang tamang daan habang nakasakay sa kanyang mamahaling sasakyan at hindi na namamalayan na kanya na palang naiwan ang mga mamamayan.
Ewan ko ba kung bakit ganito sa pinas. Sana sa darating na eleksyon ay makapili na tayo ng isang pinuno hindi lang basta pangulo
Lanox Nov 2015
Do make it clear if breakfast is included. If not, make a disclaimer: "I am in the belief that you coming over is good. But that somehow this twisted world resulted in someone twisted as me. Who although enjoys the company of someone like you at this hour, cannot accommodate you past sleep. That you can choose to either leave before I doze off, or that in the morning you will readily accept if I can only open the door out for you. You can make yourself coffee. But know that I am wary of being with awake people while I am asleep, as I think you can easily understand."

There are two types of people in the world: the foodies and the cranky ones. I do not intend to be the latter.

Do make sure you expect only as your place can allow. You cannot hope for me to clean up the eye makeup that heavy drinking had caused to drip down my face when what you have is but a cracked mirror and a broken sink. I cannot fix myself up amid your chaos. I would have to look the part. Act the part. Smell the part. You either want me to receive you messy or put you back up. And I know there aren't too many choices, but still. You gotta make one.

Do say only words that you will not choose to forget the next day. Do not make promises of more future promises. Do not paint images of love, kindness, and honesty when we both know our story will only last as long as this night. This is not a contest on who'll be more unforgettable. We both know why we're here in the first place. We both remember too much.

Do consider the possibility that a sleepover may include only sleeping beside each other, but that it does not mean "nothing happened." A conversation can **** me up just as much, perhaps even more, than the real thing. You cannot share to me a universe that you expect me to pretend not knowing the next morning. You cannot accuse me of meddling when you've told me a story of how umbrellas scare the crap out of you and so every time it rains, I remember you. And so every time it rains, I text you, "Where are you?" not in the possessive way others do, but simply to make sure you are somewhere dry and not dying.

Do smile at me the next time I see you, even if we both know we've tried to avoid each other. I, only because I felt you were trying to avoid me first. Even if bitterness starts welling up, please do not look away. You perhaps may have been a mistake, and I may have been yours as well, but we've never been followers of others' ideas of what constitute a tragedy. My love, our love may to them look ugly, but we've agreed their beautiful ***** anyway. Every time they tell me you like a pretty thing, I always think you are being sarcastic. And that only I could see your sardonic point.

[Beer break]

At heto naman ang mga bagay na sana'y 'di mo gawin.

Kung ipagpipilitan mo ang kwarto mo, sana'y siguraduhin mo na mas malinis ito kaysa sa akin. Na 'di ka nakatira sa bahay ng mga magulang mo (dahil maingay ako at matatanda na tayo) o wala kang ibang kasama (sa parehong kadahilanan). Kung tatluhan ang hanap mo't 'di mo naman nakayang sabihin na may ibang babae na pala sa'yong kama ay mas mainam pang makipaglimahan ka na lamang gamit ang iyong mga daliri, mahal.

Wag mo ipagsabayan ang pagkain at ako. Alak at ako, pwede. Ngunit kung ikaw yung tipo na pinagsasabayan ang sarap ng dila't kalamnan, bibigyan kita ng ibang numerong tatawagan. Tayo'y Pilipino't kapag pagkain ang mapag-usapan, kasali ang tuyo, bagoong, balut, at itlog na maalat, mahal ko, seryoso ka bang maihahalo mo ang mga isip-isip na'to sa klase ng almusal na binabalak mo? Je ne suis pas Francais. My kisses will not make you think of food.

Wag mo akong ikalia. 'Di ko ikakahiya anong oras man akong lumabas mula sa'yong tahanan, basta lamang 'wag kang sumalungat kung ang tanging bukambibig ay galing ako sa kanya. Kung ako'y matingnan at mapansin ang biyak-biyak kong puso ngunit bakit nga ba 'di magawang mapalitan, kapag ba'y sinabi kong ito'y dahil sa'yo sana'y 'wag itatwa't angkinin **** minsan kasi'y nabanggit mo na ako . . .

Kaya't kaibigan, 'wag naman masyadong pikon 'pag ika'y na-friendzone, kinakausap ka pa rin naman, diba? 'Wag mo sabihing tunay ngang mas nana-isin mo ang trahedyang dulot ng malisyang 'di nabantayan. 'Wag mo sanang isipin na ang bawat pagpakita ko ng kahinaan ay pagtatawag na bigyang ligaya ang katawan kung masid mo namang lungkot ang siyang nakapaglapit sa'ting dalawa. Walang paghihiwalay sa pagkakaibigan, at kung sasabihin **** wala na tayo'y ipagkakalat ko na minsan nga'y naging tayo, pumili ka.

At ang huli'y sana 'wag **** ipamimigay agad-agad ang sarili mo sa sinuman matapos sa'kin. Madali kang mahalin. Mabilis kang matutunang unawain. 'Di naman sa kita'y ina-angkin. Ang sa'kin lang ay sana'y 'wag **** pagsabayin ang lahat-lahat . . . ng dinarama. Hindi lahat handa na ika'y mahalin ng buong-buo, lalo pa't 'di isa-isa. Tuloy nagmimistulang halimaw sa ilalim ng katre, kahit sa katotohanan nama'y kapareho lang na minsan di'y naging musmos, kapwa walang alam, kapwa nangangapa, kapwa takot, ngunit patuloy pa ring sumusubok.

https://soundcloud.com/lanox-alfaro/the-dos-and-donts-of-1
I wrote this the night before hearing about the Paris attack. I thought of editing the French part out but decided to keep it, as a reminder to myself.
JOJO C PINCA Nov 2017
“Study everything, join nothing”
- The Maverick Philosopher

Hindi naman masamang siyasatin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ating buhay-buhay. Ayos lang na basahin ang lahat ng aklat na gusto mo’ng basahin basta’t makakatulong ito para makamtan mo ang iyong mga hangarin. Ayos lang na sumabay sa hangin o kaya naman ay tumakbo sa buhangin siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhulog sa bangin.

Minsan ka lang mabubuhay at hindi na muling babalik ang kabataan, karapatan mo na pag-aralan ang lahat ng gusto mo’ng mapag-aralan. Hindi mo kailangan na pumasok sa paaralan at magbayad ng pagkamahal-mahal na tuition fee, hindi mo kailangan maki-tropa sa mga bolakbol o kaya naman ay makipag-plastikan sa mga pantas na kung tawagin ay propesor.

Magbasa ka at huwag umasa, hawak mo ang iyong buhay kaya’t hindi mo ito dapat na iasa. Kumasa ka kung kinakailangan upang hindi maging alipin ng sinoman. ‘Hwag mo’ng antayin na turuan ka ng iba, turuan mo ang iyong sarili. Ok lang na maging makasarili basta’t kaya **** dalhin ang iyong sarili. Kumbaga wala naman masama na magsarili gamit ang iyong daliri.

Basta ito lang ang payo ko: ‘wag **** sayangin ang ngayon. Wala sa organisasyon ang tunay na pundasyon. Ang karunungan ay hindi isang donasyon, pinaghihirapan ito tsong. At wag mo’ng sabihin na masyado ka pang bata o di kaya naman ay matanda na’t huli na ang lahat. Walang malambot at walang makunat sa coconut na handang matuto.

Panghuli gusto ko tandaan mo ito. Ang buhay ay hindi isang magandang panaginip hindi rin ito isang masamang bangungot. Ang buhay ay buhay, ganon lang kasimple, ‘wag mo’ng gawing kumplikado. Kung may gusto ka gawin mo, kung ayaw mo naman edi ‘wag. Ika nga walang sapilitan kasi wala ka naman kapalitan ang importante ay matuto ka saiyong bawat ngayon.
Crissel Famorcan Oct 2017
"Ikaw at Ako -Walang Tayo"

Gusto kita, Gusto mo sya
Hahaha nakakatawa
Sa loob ng ilang taon, nagawa Kong mangarap ng gising
At wala akong ibang ginawa kundi Ang humiling
Pero kapag sinusuwerte ka nga naman ---
Teka swerte nga bang mababansagan?
Tng! Ano 'to lokohan?
Ni minsan di ko ginustong maging "Siya" Kasi ako 'to
Pero ikaw? Pinangarap mo?
Hindi ko kailanman hinangad na magustuhan mo dahil sa awa!
Oo! Sabihin na nating nagustuhan mo 'ko --
Pero iba naman ang iyong nakikita!
Hindi ko kailangan ng atensyon mo
Kung gagawin mo lang panakip butas Ang puso ko!
Kung magmamahal ka  din lang naman ,
Siguraduhin mo nang totohanan!
Tng
! Tao ako at may damdamin
Oo! Hindi ko magawang maamin
Na hanggang ngayon gusto kita!
At hanggang ngayon,ikaw lang at walang iba
Pero tng**! Matuto kang makaramdam!
Di porke't nakangiti, di na nasasaktan!
Pinipilit ko lang maging masaya sa t'wing kausap ka
Ngunit sa totoo lang? Bumibigay din ako.
Alam ko namang napaglaruan lang ako ng pagkakataon
Kaya sana naman, matuto kang makiramdam sa sitwasyon,
"Sana nga ikaw na lang"
Oo ! Sana nga ako nalang!
Masakit pakinggan.
Dahil patuloy nitong pinapaalala na kahit kailan,
Di mo ako magugustuhan.
Kase "Siya" at "Siya" pa din ang laman ng puso mo
"Siya" parin Ang nag-iisang tao sa buhay mo
"Siya" pa rin Ang tanging nagpapasaya sayo
At sa kanya pa din umiikot Ang mundo mo!
Nakakainggit "siya" pero kahit kailan,
Di ko nanaisin na magpalit kami ng katauhan.
Mahal ko Ang sarili ko! Ako kaya 'to!
At ito lang ang tanging mayroon ako
Dahil sa mundong ginagalawan natin pareho,
Mayroong ikaw, mayroong ako
Pero kailanman, walang mabubuong Tayo!
RV Mar 2016
Kurap.

Ng isang sandali
Para lamang siguraduhin na
Ating mga haplos sa bawat gabi
Ay hindi isang panaginip

O giliw, o akin
Kumurap muli - kahit paulit-ulit
Kumurap. Pumikit.
Hangga't kakailanganin
Hangga't sigurado na tayo
Sa ating mga hakbangin.

Pero aking giliw,
Alam kong alam natin
Na ang mga umaga natin
Ay hindi na madadatnan na magkatabi.
Pangalawa.

R. V.
KI Feb 2018
'Di sigurado kung alam mo na
Pero kailangang siguraduhin na wala talaga
Hindi naman ito ganon kahalaga
Pero sana'y umabot at iyong madama

Araw ng mga puso
Araw na para sa mga ayaw paring sumuko
Araw na para sa mga handa paring mabigo
Araw na sana'y meroong mga makatakas sa kanilang mga tadhanang nakapako

Itong aking pagtatapat
Gamit ang isang tulang kalat-kalat
Gamit ang isang tula na gawa ng puyat
Hindi dapat, pero sana'y maging sapat

Pero ako'y naduduwag
Pero ayaw na ring makinig sa "wag"
Pano ka nga ba mapapapayag
Kung sariling puso ay walang balak pumalag

Ilalabas na ang damdaming naikubli
Bahala na,  sana hindi ko ito pagsisisihan
Bahala  na, sana'y iyong maintindihan
Handa na ako sa sagot ng pagtanggi
binasa mo? salamat
wala? hay
kapila nadula net ko
nga sign nga hindi ko
na dapat ni isend
Anton Nov 2019
Ang bawat patak ng luha,
ay mahalaga kaya,
mas mahusay na siguraduhin,
kung san mo ito ibubuhos,
                          napakahalaga ng mga luha mo,
sapagkat hindi mona ito mapupulot pa,
at maibabalik sa iyong mga mata,
kaya siguradohin **** nasa tamang tao na.

— The End —