Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"samahang" poems
Bumalik tayo kung saan... Paano nga ba nagsimula? Nagsimulang ang mga pangamba ko ay mawala, nagsimulang pangamba ay mapalitan ng pag-asa't pagtitiwala. Mga pagluha sa aking mata, ay tila naglaho na Napalitan ng pagtawa, lumbay ay lumisan na. Paano nga ba nagsimula? Mamuhay nang kasama ka Sa mga araw na kapiling ka—- bawat araw ay puno ng galak at pagsinta. Tinuruan mo akong, mamuhay nang may saya Pait ng kahapon ay naitapon na, mula nang ikaw ang makasama ko, sinta. Samahang walang papantay, punung-puno ng buhay! Pag-aalaga ay damang-dama, suporatado ang isa't-isa. Paano nga ba nagsimula? Malalim na pinagsamahan Masasayang ala-ala, na tila hindi maaantala—-     ng kahit anong problema, sa atin man ay naka-amba Magkahawak mga kamay, tayo ay hindi bibitaw. Mga gala at lakad natin, na minsan ay biglaan pa Mga oras na hindi natin alam, kung paano napagkasya. Basta't alam nating... tayo ay masaya—- kahapon man o ngayon, at kahit na bukas pa! Ngunit dumating ang panahon, tayo'y sinubok na ng pagkakataon Masasaya nating bukas ay nagsimula na ngang kumupas Hindi alam kung paano, tayo'y biglang nagbago Tila nalagas na puno, hindi na lumago. Akala ko ba ikaw ay "KASAMA?" Hindi lang kaibigan o basta-bastang kasintahan Kasama sa lungkot at pighati, kasiyahang hindi mawari Pagkatalo man o pagkapanalo—- tayo pa rin ang magwawagi. At ngayon... Bumalik tayo kung saan... Paano nga ba nagsimula? Nagsimulang mawala ang paniniwala na tayo ay para sa isa't-isa Nagsimulang matalo sa digmaan at piniling wag na lumaban? Nagsimulang maglaho ang mga katagang "mahal kita" Nagsimulang magbulag-bulagan sa katotohanang b a k a   t a y o  a y  p w e d e   p a ? Isip at damdamin ay di makaunawa Hirap pagalingin ang sugat na sariwa Sugat na iwan ng ating pinagsamahan Pinagsamahan na akala ko ay aabot sa simbahan Paano nga ba nagsimula? Paano at kailan nagsimula? Nagsimulang matapos ang ating pagmamahalan? Kahit kailan pinangarap ko, maging ikaw at ako—- hanggang sa dulo Paano mangangarap kung ako ay gising na? Gising sa katotohanan na tayo ay w a l a  n a? © LMLB
0
Jan 16, 2019
Jan 16, 2019 at 9:02 AM UTC
Paano Ba Nagsimula

Continue reading...
50
Mahal kong Margaret, Patawad (Higit pa sa Sampong beses ko na tong nagawa Hanggang ngayon di pa maunawa Ang tulad mo sa akin na nag mahal ng kusa Nasaktan ko ng di sinasadya) Alam kong sawa ka na sa paulit ulit na nang yayari, Away bati sa mga bagay na kahit na simple. Walang ibang Iniisip kundi ang puro pansarili, Nagseselos ako bawat sinong makatabi. Marahil pagod ka na, at gusto mo nang umayaw. Ngunit sana ikaw ay magbalik tanaw Humihingi ng tawad, hiling na magbalik ang dating ako at ikaw Maging ako man ang inakalang papawi ng luha sya pa ang unang bumitaw Tanggapin ang alay kong tsokolate at rosas na pula Tikman ang tamis nito, tulad ng pagsisikap kong laging pasobra May taglay na bango ang bulaklak, binabalik ang alaala Ng lumipas, Kalakip ang tula galing sa puso, inukit sa pluma, indinaan ko sa letra. Pakinggan mo sana ang mga daing kong nawalan nang tinig Masdan ng mga mata **** nakapinid,ayaw nang tumititig Muli nating painitin ang samahang unti unti nang lumalamig Bigyang pagkakataong buhayin ang pusong di na pumipintig Alam mo namang lahat ay aking gagawin, Ano mang kaparusahan ay handa ko nang akoin, Sa panong paraan ba ako patatawarin? para lang ANG PANGALAWANG PAGKAKATAON SA AKIN AY IYONG MARAPATIN. *ps. hintayin kita duun lagi 。 1-4pm kada meirkules Makatang humihingi ng tawad, August E. Estrellado
0
Oct 6, 2018
Oct 6, 2018 at 1:33 AM UTC
PATAWAD
tama pa bang kumapit ako o.... mahal sa pagkakataong ito masasabi kong pagod na ako ngunit sa bawat sambit ko nito naaalala ko yung dating tayo yung dating tayo na masaya at walang problema mga pagkakataong tayo'y masayang magkasama mga panahon na hawak mo pa ang aking mga kamay, kasabay nito ang iyong pagkawala at unti unting pagbitaw mahal, hindi na alam san mag uumpisa mahal, pagod nakong umasa umasang maibabalik pa Ang dating samahang hindi na sana nag umpisa mahal, ayoko na.... pero lalaban pa.
0
Oct 9, 2017
Oct 9, 2017 at 6:26 AM UTC
Tama pa ba o Tama na..
Kaya palang palamigin ng salitang "nakakapagod na" ang samahang pinapainit ng araw - araw na pag kikita. Kaya palang palamigin ng salitang "nakakasawa na" ang samahang pinapainit ng maraming palitan ng salitang mahal kita. Kaya din palang palamigin ang samahang binalot ng mga yakap, kinandado ng mga halik, pinainit ng mga pag ikot sa kama at samahang matagal **** Pinaglaban, Pinaghirapan, at inalagaan ng isang salitang kahit kelan hindi sumagi sa iyong isip na bitawan. Kaya palang patamlayin ang relasyong wala kang ibang alam gawin kung hindi punuin ng mga tawanan, biruan at walang iyakan at sigawan. Kapag wala ng tamis, at puro na lang pait. madali na lang sabihin ang salitang, "Sandali lang, hindi pa pala ako handa". Ganon na lang ba kadaling masira, mawala, maglaho ng parang bula.                                            at isang gabi magigising ka                                                                     wala na sya.
0
May 22, 2018
May 22, 2018 at 5:29 AM UTC
12 years
Bumabalik sa isipan ang iskul na kinalakhan Laro, leksyon, kaibigan Mula sa ‘ting kabataan. Sari-saring karanasan Asim, tamis, alat, anghang May gusto mang kalimutan Meron ding binabalikan Lahat ng ‘yo’y nagpayaman Sa ‘ting puso at isipan Nagpatibay ng samahang Saksi natin ang manggahan
0
Nov 10, 2017
Nov 10, 2017 at 11:11 PM UTC
Manggahan