Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pasasaan" poems
naaalala ko pa no'n diretso sa tindahan ng turon pagkatapos ng ating klase kwentuhan hanggang matapos ang hapon 'pag madilim na ang kalye sinasabayan ka sa pag-uwi mapalayo man sa'king bahay kahit galit na naman si nanay agad kang tinatawagan paglapat ng likod sa higaan dinadaan pa sa assignments marinig ko lamang ang iyong boses gumigising ng maaga kahit lunes ay ganado't handa makita lang ang iyong mukha. ilang taon pa ay inamin ko na. hindi ko alam kung bakit masakit maging kaibigan lang kahit sa pagkakaibigan naman nag-umpisa ang lahat... pero ayos lang basta ikaw maghahangad pero maghihintay ayos lang basta para sa'yo masasaktan pero 'di sususuko pasasaan ba at baka doon din tayo mapunta pero kung talagang hindi 'di pa rin aalis sa'yong tabi basta ikaw...
0
Oct 27, 2018
Oct 27, 2018 at 5:30 AM UTC
BASTA IKAW (UNANG KABANATA)
Dati ang alam ko lang na kwento ay ang Biag ni Lam-ang. Pero nung nakilala kita at nagkaroon tayo ng sariling kwento, Dalawa na ang alam ko. At ang isa doon ay "bahagi na lamang". Bahagi na lang ng "ikaw at ako". Nang wala nang "tayo". Bahagi na lang ng dating "dalawa" ngunit ngayon, "mag isa na lang ako". Bahagi tayo ng "isat-isa" ngunit ngayon, Bahagi na lang tayo nang nakaraang "tapos na". Mga masasayang araw na biglang nabago Tawanang biglang naging iyakan. Dating di mapaglayo pero ngayon mas piniling magpakalayo layo. Oo naging bahagi tayo ng pag kakaibigang nauwi sa pagkaka-ibigan. Mga dating sabay lang sa hapag kainang nauwi na sa sabay sa pagtulog at sa pag gising sa umaga. Oo naging bahagi tayo ng mga masasayang umaga, gabi at mga dapithapong magkasama. Maririnig satin ang tawanang akala mo isang buong tropa un pala tayo lang dalawa. Naging bahagi tayo ng lungkot ng bawat isa. Problema at mga alitang walang kwenta. Natuto tayong huwag sumabay sa galit ng bawat isa. Pero nasaan na? Tila ang pag babago ay nauwi na sa wala. Bagay na hindi mo man lang nakita. Mga problema na kahit marinig mo ng paulit ulit ay tila isang kantang masarap pa sa tenga. Mga bagay na gustong gusto **** ipinagwalang bahala. Oo mahal natin ang isat isa pero hindi na ng kasing mahal natin ang bawat isa. Mahal na lang natin ang mga sarili natin. Nandito na lang tayo kasi takot tayong makasakit ng damdamin. Pero ang hindi natin alam mas higit na masakit ang "hindi natin alam" at kilala ang "sino ako sayo" at "sino ka sa akin. "Ano tayo noon" "Ano na tayo ngayon". Huhupa din ang sakuna, pasasaan at mahahanap din natin ang "tayo" sa piling ng iba. kung kelan, hindi ngayon baka sa ibang panahon.
0
Jul 22, 2019
Jul 22, 2019 at 7:11 AM UTC
Tayo lang Dalawa

Continue reading...
40
Isang lubid na kung saan nagsimula ang lahat Naroon ang mga kamay nating nakahawak Kasabay nito ang marahan **** paghatak. Ramdam ko ang mariin nating pagkapit Mula nung unti-unti tayong sa isa't-isa'y nagkalapit Ngunit masyadong magaspang ang lubid Nanaisin kong bumitaw na lang sa ngawit at manhid. Nagkamali ata tayo nang kinuha Tingin ko nakalaan ang lubid na ito para sa iba Sapat na yung nakilala natin ang bawat isa Bitawan na natin ang katagang "akala natin tayo na para sa isa't-isa" Mas mabuti nang ganito Mas mainam kung bibitaw na tayong pareho Pasasaan pa't doon din naman tayo tutungo Kung saan ang ikaw at ako ay nasa magkabilang dulo. Bumitaw na tayo...
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 8:58 PM UTC
"Lubid"
Kapag natuyo na ang ilog , Hintayin mo ang mga ulap ... Pasasaan ba 't mumunti **** daigdig Tatahan ang hinagap sa paghagilap ! Patingala ka man na masdan ako O kahit pa tanawin mo ako ng payuko Magmumula lagi sa kaliwa Aking simula patungo sa kabila , ikotin mo man ang iyong tingin pakanan Manunumbalik ako tulad ng isang orasan At sabik muli ako sa iyong masid sa lagusan, at tanging gabay lang ay hangin na may bahagdan... sa umagang may lamig kapagdaka ' y init At kapag ang ibaba nga ay nag-aalumpihit Ang kaitaasan ay napapasailalim Wari ay kabiyak ng kabibing walang lihim Bukas-palad mo akong minamalas at sinasalamin Habang tikom-bibig kitang tinatalastas at pinaparinggan Nang walang ibang ibig sabihin... Hanggang pawang totoo lamang ating anihin ! Kaya naman paulit - ulit ko itong binabalikan Dahil sa araw-araw mo akong Mahahagkan Gamit nga ang Lente ng iyong minamahal na sining.. Kapit lamang sa tuwina ako sa iyong paglalambing !!! Sapagkat ikaw nga ang magiliw kong siyentipiko Na may hawak ng tubong pansuri ng aking laboratoryo ! Pasasaan ba 't mumunti **** daigdig , Tatahan ang hinagap sa paghagilap ! Kapag natuyo na ang ilog , Hintayin mo ang mga ulap !!!
0
Dec 31, 2022
Dec 31, 2022 at 2:29 PM UTC
" L a m i n a "
nagkaro'n ng kahulugan ang pananatili para sa mga pinagkaitan ng liwanag hindi ba maaaring kanlungin mo ang lahat? o manganak nang manganak mula sa sugat? gano'n ba kadaling hukayin ang pangarap at kuning muli at alisan ng tatak? paano lilingon nang walang luhang papatak? hindi lamang pagtalikod ang pamamaalam o pagpahid ng mansanilya sa pusong nilamutak at sinasagasaan pasasaan ay lilisan, ngunit bakit hinayaan **** mangyari nang mabilisan? walang daan, walang paraan, kung paano ngingiti ang isang kaibigan.
0
Mar 17, 2018
Mar 17, 2018 at 11:32 PM UTC
Dating Isko