Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Candice Mar 2016
nagsimula sa simpleng kamustahan,
nagkakilala't nagkamabutihan,
'di inakalang lalalim,
ang pag-iibigang akala'y tunay.

dumaan ang ilang araw,
umaga, tanghali at gabi,
ikaw ang tanging kausap,
laging sa isip kahit 'di man matanaw.

habang tumatagal ay,
palalim ng palalim ang nadarama,
puso ko'y patay na patay,
sa'yong pagkataong ubod ng ganda.

ngunit sa isang iglap,
wala pang dalawang kurap,
ako'y iyong nilisan,
at 'di na binalikan.

'yun pala ikaw ay,
may iniirog nang kay tagal,
'di mawari ang nadama,
ako'y tila nasaktan.

akala ko ay ika'y akin,
'pagkat ako'y paga-ari mo,
akala'y parehas ng nadarama,
'yun pala'y nagkamali lamang ako.

kailan kaya kita malilimutan,
at 'di na iisipin pa,
inalay na pagmamahal,
akala'y masusuklian na.
Tagalog poem.
041716

Naakit ako sa linyang pahalang at patayo,
Mga detalyeng pinira-piraso.
Sabi ko sa sarili: saulo ko na ang istilo Mo
Pero sa bawat pahina'y nabibighani pa rin ako.

Hindi ko alam kung kaya ko,
Magtiyaga man ako pero hanggang kailan kaya?
Kung maglalaan ako ng sentimo sa araw-araw,
Ako'y pulubi pa ring manlilimos Sayo
Sasahod at maghihintay.

Masisilayan ko ang pundasyon
Ang mga bakal na kinalawang
Sa bodegang inimbakan.
Pagkat malayo pa ang byahe,
Bagkus sinelyuhan ng langis
Ang may tagas ng pagbabago.

Ang halo ng semento, ni hindi naging pribado
Nasa hulog ang mga poste
Gaya ng minsang banging tinalunan ko.
Ako'y malaya sa pagsilip
Ng paglapat ng palitada sa tigang na kahong sementado.
Ramdam ko ang gaspang ng kahapon,
Ang kurba ng mga bakal na di patitibag
Sa kaibuturan ng pundasyong timplado.

Ilalatag ang sahig na papagpagan sa araw-araw
Ihahalik ang mga paa nang may pagpapakumbaba
Huhubarin ang saplot nang kalingain ang lupa
At ihihimlay ang mga paa't mamamahinga.

Pagmamasdan ko ang mga kahoy na malapad
Isang dipa, dalawang dipa at higit pa
Mapapatingin sa langit na hubad sa bituin at buwan.
Ang bubong na siyang sasaklolo sa umuubong baga
Mga kahoy at bakal na matibay
Sasalo sa bigat ng orasyon ng klima.

Bubuksan ko ang bintanang may iba't ibang pagkapinta
Ni hindi pumapalya ang eksena na bumubusina sa umaga
At sa gabing hamog ang yakap sa dilim,
Kagat ng niknik, siyang sining sa maalat kong balat.
Tanging kumot ng grasya,
Pantago't pantapal sa pagkataong nilalagnat.

Nakakaakit ang plano, maging itsura nito
Kaya nga magtiya-tiyaga ako,
Hanggang sa masilayan ang tunay na disenyo.
Hindi lang ako ang lalaban sa presyo,
Oo mahal nga, ganyan ang pagtingin Mo
Tataya ako, pagkat kliyente lang ako
At alam kong linya Mo yan,
Ikaw ang aking Arkitekto.
Taltoy May 2017
Ina
Kay tagal nating nakasama,
Sa katunayan, mula pa noong umpisa,
Hindi byo kami tinalikuran,
Magkagulo man, di nyo kami iiwan.

Kayo ang aming naging ilaw,
Upang ang daang ito'y matanglaw,
Aming sandigan at karamay,
Lalo na sa mga pagsubok nitong buhay.

Di kakayanin ng kahit anong kalatas,
Matumbasan ang sakit na inyong dinanas,
Kahit ilang beses pa magpasalamat,
Sa mga sakripisyo nyo'y di sasapat.

Ngunit ganyan nga naman talaga,
Sa kasalukuya'y wala pa kaming magagawa,
Ngunit sana, sa paglipas ng panahon,
Umiba ang direksyon ng mga alon.

Kasalukuya'y kami'y hanggang "salamat",
Upang bigyang halaga ang pinagdaanan n'yong maalamat,
Mga bagay na kayo at kayo lamang ang makapagbibigay,
Katulad nitong tinatamasa naming buhay.

Kaya sana tanggapin nyo itong aming handog,
Galing sa'ming mga pagkataong kayo ang humubog,
Ang aming pasasalamat na tunay,
Para sa inyo, mga inang walang kapantay.
Happy Mother's Day!!!!
081721

Pikit-mata kong inaaninag ang liwanag
Na dumarampi sa aking mga pilik-mata
Habang bahagyang nagbabadya ang pagsirit
At pag-agos nang marahan
Ng pawis na pilit kong ikinukubli
Sa bawat pagtiklop ng hapon.

Walang oras o segundong hayag
Sa kung papaanong paraan ba aahon ang Araw
Na tila ba kaytagal kong hinintay na bumangong muli.
Ni hindi ko magawang lumapit
Sa mga sinag nitong hayagang yumayakap sa akin
Na para bang nais Nitong hingahang muli
Ang buo kong pagkatao.
Hinahagkan ang bawat pagbugso ng aking pulso
Buhat sa kawalang ulirat sa katotohanang
Minsang kumatok at pinagbuksan.

Nagbigkis ang lahat ng mga mandirigmang
Walang ibang hiling
Kundi sumapit ang takdang araw
Na ilang beses binuhol-buhol sa kalendaryo
Gaya ng pag-aabang sa muling pagsindi’t pag-ulan
Ng mga bulalakaw sa langit
At may iba’t ibang kapaliwanagan.

Nagliwanag naman ang kurtinang nagbibigkis
Sa hagdanang patungo sa kaluwalhatian
At sa pastulang aking minsang sinuklian
Ng Kanyang mga balak
At pinagtaniman ng mga binhing nagbunga na ngayon
At akin nang inaani nang may galak.

Dumudungaw sa lente ng aking mga mata
Ang aking pagkataong binihasan ng liwanag.
At tunay ngang ang mga luha'y papawiin
At wala nang ibang maibibigkas pa kundi
Papuri't pagsamba sa tunay na nagmamay-ari
Ng kaluwalhatiang habambuhay na aakap
Sa panibagong mundong nagtapos na ang kadiliman.

"Bubuksan Ko ang kalangitan,
Maging ang buong kalawakan,
Masilayan mo lamang ang laan Ko para sa'yo.
Tamasahin mo ang kabuuan ng Aking presensya
At ang pag-ibig Kong alay na inihanda ko para sa'yo.
Ang piging sa Aking pagsasalo'y hayag sa buong sansinukob
At ang lahat ay nais Kong makapiling sa Aking pagbabalik.
Ang hamon ng buhay ay siya ring susubok sa'yong katapatan
Kaya't wag kang matakot na waksian ang mga kamaliang
Iyong kinasanayan at ika'y magpasakop sa Aking kaluwalhatin.
Ang lahat ng Iyong mga narinig at nakita'y magliliwanag
Sa pagsapit ng itinakdang oras..
At sa iyong paghihintay ay patuloy kang lumakad
Sa landas kong laan para sa'yo.
Patuloy **** ipalaganap na ang Aking kaharian
Ay bukas para sa lahat,
At ang dugong dumanak
Buhat sa Aking bukod-tanging Anak na si Hesus
Ay siyang nakasuklob sa'yo sa iyong laban.
Tanggapin mo ang regalo Kong Banal na Ispiritong
Syang gagabay sa'yong mga pasya't
Magbibigay kaliwanagan sa mga bagay
Na tanging pang-langit lamang.
Ikaw, kayong mga tinawag Ko'y sama-samang humayo,
Ipalaganap n'yo ang liwanag sa madilim na sansinukob..
At sa Aking paghuhusga'y gagawaran Ko
Ang lahat ng aking mga anak
Na hanggang sa huli'y nanatili, nagpasakop
At kumilos ayon sa Aking mga Salita't mga utos.
Ang pag-ibig Ko'y sa iyo.."
solEmn oaSis Dec 2015
sa
pagta-
tapos
ng aking
panimula,,,
hinde ko talaga
alam kung
kayo'y magtitiwala,,,
dahil hinde pa
ito ang wakas
ng unang YUGTO.**
Sa panahong,,,,minsan
kailangan nating MAGKALAYO
mga puso't isipan ay
pilit-muling IPAGTATAGPO
kung saan at kailan,,,,
siya nawa,,,,TADHANA ANG BAHALA!!!
" Ikaw Sila Tayo Ang Mga Bantayog Ayaw Yumabang "
mga pagkataong may pusong busilak
nagbibigay sa kapwa ng may galak
BATID NI BATHALA
regalo ang gantimpala



friends......less than
5 DAYS b-4 X'mas
supil ~~~ twirl
five-letter word
© copyright 2015 - All Rights Reserved
[8 of 12 marked voices of a dozen clusters of letters]
the real spirit of Christmas
is not all about those gifts
underneath that fine trees!
We must open our hearts
more than opening those presents!
Angel Mar 2018
Walang tigil ang luha
Walang tigil ang dusa
Tila parang parusa

Sa mahabang panahon
Piniling magtago
Magtago sa isang pagkatao
Pagkataong walang hintong,
Sumisira ng aking isip at puso

Ngunit ikaw ay bumalik
Pinasalubungan ng yakap at halik
Tila isang panaginip
Ang mayakap kang mahigpit

Ngayon ay piniling magbago
Dahil sa iyong pangako
Na tayo ay magkasama hanggang dulo

Sa gabing ito
Walang nang gumugulo
Hindi na nalilito
Alam kong hindi ka na muling lalayo
moon-kissedstar Mar 2018
Panigurado'y walang makakaintindi nito,
Ngunit ito lahat ang laman ng puso ko-
Iniyak, sinigaw ko na'ng lahat,
Hanggang masiyahan nang sapat
At mawala ang sakit ng pusong tapat.

Luha't boses ay ubos na,
Marahil sa pait ng pag-ibig ay bumigay na-
Itong puso't pagkataong sana'y nararapat
Sa pagmamahal **** sa akin ay dapat.

Masaya ako sa piling mo,
Nagsasaya ka sa piling niya-
Mahirap ngunit kinakaya,
Basta't makasama lang kita.
110221

Bakit nga ba pilit nating sinusugatan ang ating mga kamay?
At hinahayaan nating ang ating dugo'y masayang
Sa pagluha nito, hanggang sa maubusan na rin tayo ng hininga.

Ikinukubli pa rin nating ang ating mga sarili
Sa garapon ng ating pagkataong
Kailanma'y walang ibang magbubukas ng sagradong pintuan
Kundi tayo't tayo pa rin naman.

At paulit-ulit tayong humihinga sa ilalim ng makakapal na ulap
At sabay na lalanghap ng umuusok na pangambang
Ibinalot sa apoy na lagim ang tanging ipinupunla
Sa ating mga pusong wala pa noong kamalay-malay.

Tinutukso tayo ng mga sitwasyon upang tayo'y magpaubaya
At magpa-anod na lamang sa mga kumunoy na hihila sa atin pababa.
Ang ating mga halakhakan noong kabataan
Ay mga pangarap na sabay na iginuhit sa buhanginan
Ay tuluyan nang binura ng dagat na tila walang pakiramdam.

Gustuhin man nating umahon nang sabay
Ay kailangan may isa sa ating unang bumitaw at unang umahon.
Hindi na nga natin kayang sumabay sa isa't isa
Ngunit sana'y ang nasa unahan,
Siya rin ang unang mag-abot ng kanyang kamay
Para sa isang nalulunod pa.

Napapagod ako ngunit matapang kong hinaharap
Ang mga pagkakataon bagamat wala akong kasiguraduhan.
At sana sa panahong panatag na ang mga pusong
Naligaw sa sariling mga pasya't pangarap
Ay masilayan nating muli ang pagtahan ng mga matang
Buong buhay na lumuluha't nanlilimos ng pagpapatawad.

— The End —