Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagkasira" poems
Malagim ang karanasan ng batang musmos na iniwan ng pagmamahal ng kanyang mga magulang, Mga Magulang na inisip ang sariling kapakanan,Nagmahalan,nagkasakitan humanap ng iba iniwan ang bunga na sanhi ng pagkasira ng buhay ng kabataan, Kelan ba matututong magmahal ng isa ang isang nilalang? Habang buhay bang may masisirang pamilya na nagdudulot ng kalungkutan sa ating pamayanan , Pilit parin bang hahanap ng kaligayan na sisira sa kasiyahan ng sarili **** anak , " Ipinagpalit mo lang ang inaalagaan kong tiwala sa isang nilalang na kung tawagin ay hampaslupa ".
0
Nov 18, 2017
Nov 18, 2017 at 4:41 PM UTC
Pa-mil-ya
Sa hinagpis ni inang kalikasan Tila tayo ngayo'y napaparusahan Sa paglaganap ng epidemya na mahirap lunasan Buong mundo ngayon ay nahihirapan Sa kalamidad at krisis na ngayo'y ating hinaharap Na napakasakit at sadyang masaklap Sangkatauha'y ngayon ay naghihirap Buhay ng isang tao'y kayang mawala sa isang iglap Ngunit kung sa atin ito'y isang salot Sa inang kalikasan ito'y nagsilbing gamot Na tila tayong mga tao ang totoong salot Dahil sa pagkasira ng ating mundo na tayo ang may dulot Naway sana ito'y magsilbing isang aral na ating matutunan Inang kalikasan atin mahalin at pahalagahan Dahil itong mundo'y ating tahanan Kaya dapat lang natin itong pag ingatan.
0
Mar 23, 2020
Mar 23, 2020 at 11:30 AM UTC
Salot ng Mundo
Sa di inaasahang pangyayari Ang nagpabago sa bayan ng Marawi Pagbabagong susukat ng katatagan Makamit lang ang kapayapaan Mahirap man umalis sa tirihan Ngunit mahirap mawalan ng masisilungan Hindi bagyo at hindi rin baha Ang dahilan ng pagkasira Hindi makubli ang takot at pangamba Mga batang mulat sa ingay ng mga bala Mga tanong sa sarili bakit, ito nangyari? Nawa'y makapagsimula muli Mga bayaning sundalo Taas noong tatayo Hindi matitinag ang lahing Pilipino Handang mamatay para sa kapwa Pilipino Taimtim na dalangin Lahat ay kakayanin Tungo sa pag-asa Mamulat,magmulat at makiisa Aking ilalarawan Lugar ng puno ng kasiyahan Pagbubuklod at pagtutulungan Yan ang tunay na katapangan.
0
Nov 16, 2017
Nov 16, 2017 at 9:18 PM UTC
MARAWI
Nais kong humimlay ang tibok ng puso sa saliw ng taludturan Subalit pipi ang mga daliri sa pagdiin sa tipaan. Mga hikbi’y nalulunod sa naiwang bakas naghihingalong daing kalungkutang di-matawaran Para na kitang anak, at maraming salamat Itinuring mo akong tila pangalawang tatay mo rin At sa wika ng sabong, sa lalawigan nating alamat hindi ka na tatyaw, kundi mahusay na talisayin Narating mo ang rurok At iyong hinawakan ang mga alapaap ng iyong malaon nang pangarap Sa musmos **** puso namulaklak ang maliwanag Sa isip na pinagpala nagbunga ng pang-unawa, karunungan at syensya’y para sa madla, ipamahaging parang kawanggawa. Hinahanap ka ng mga kabag na kinatakutan ng iba ngunit iyong kinilala’t niyakap: “Nasaan na si Kuya namin? Bakit di pa dumarating? Tutubusin niya kaming pawa sa panganib ng pagkasira.” Naghihintay mga bundok at gubat May luklukan pa sa yungib kung saan namamahinga ang malayang pangkat. Subalit tahimik, walang sumasagot . . . Puyat ka sa magdamag ng buhay **** makulay at tampok. Hindi ka sumasagot - Naabot mo na pala ang tugatog. Magkaganun man, malayo pa ang layunin Kami’y tutuloy pa sa ating lakbayin Paalam kasama, kaibigan namin. Mga aral na naiwan, laging aalalahanin.
0
Dec 11, 2018
Dec 11, 2018 at 2:25 AM UTC
Paghimlay
Pangyayaring di ko aakalain Ikaw na nakahuli ng aking paningin Anyo **** sa isip ko'y tumanim Liwanag ang dulot sa mundo kong nababalot ng lungkot at dilim. Oras, araw, bwan, taon ang nagdaan Pagtingin sa iyo'y tila nananahan Pag-ibig na nga ba ang nararandaman? O nararapat ang puso'y mag dahan-dahan. Simple lang ang aking hiling Nawa, tinig ng puso ay dinggin Panalangin ng sarili sa mga bituwin Maging kaibigan ka, kahit di na mapa sa aking piling. Ngunit ang isip ay nababahala Sa puso, ito'y naghahatid ng kirot at pagkasira Ang dating dulot ng pag-ngiti, ngayon ay pag luha Bakit ba ang sarili sa iyo'y di nagsasawa? O aking paki-usap sa iyo Sana naman, ako'y pakinggan mo Sa akin nawa ay huwag lumayo Kahit na kakilala mo lang ako. Isip ko'y gulong-gulo Ulo'y di makapag-isip ng diretso Puso'y nangangailangan ng mga payo Tanggapin mo nawa ang pagsusumamo.
0
Jan 26, 2019
Jan 26, 2019 at 7:35 AM UTC
Mga luha sa likod ng aking ngiti