Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"natigil" poems
Akoy naglalakad sa pulang tela, May naka palibot na bulakalak, Sa gilid ay may kandila, May mga upuan  na kulay pula, May mga batanng naglalakad na sa akiy nangunguna, Isang batang lalaki ang aking nakita, May dalang singsing ang aking hinala, Akoy maraming kasama at silay nakaayos na, May lalaking nakabarong na tila may hinihintay pa. Teka ako ata'y nahuli na sa byahe nila "bakit ako nalang magisa?", Akoy namangha silay nakatitig na, Mga mata'y   nanghihila , Kayat paa ko'y humakbang na. Tila nakaramdam ako na di makahinga, Ako'y nakaputi at may mahabang tela, May hawak na bulaklak, May nakatabon sa mukha. Ayan na ako'y malapit na sa altar na aking pinipilit makuha, Natigil ang mundo ko ng may magsalita "You may now kiss the bride" daw ang aking hinala. Akoy nagulat pagkat ako'y may kaharap, Papalapit ang mga labi na sa aki'y nangungusap, Ngunit may biglang tumawag "Cleo, ika'y gumising na't mag almusal, Buti nalang at ako'y nagising at natigil ang KASAL.
0
Sep 30, 2015
Sep 30, 2015 at 11:09 PM UTC
PANAGINIP
sa bawat minutong lumilipas tila may pagkakataong napakabilis ngunit pasakit dibdib ang pagkabagal Ang paligid ay nagmimistulang kawalan Hindi napapansin sa kahihintay paghintay sa oras na muli kang mangusap paghintay sa pagasang magtatagal lahat paghintay sa katagang "babalik" lahat Lumilipas ang gabing puno ng katahimikan tanging pagbigkas mo lamang ang siyang gigising sa diwa Subalit tila ang paghintay ay walang patutunguhan Hanggang sa unti unting nang sumuko pagasa'y nawala paghihintay ay natigil hiling ay naglaho itigil na ang ilusyong ito.
0
Dec 2, 2017
Dec 2, 2017 at 7:26 PM UTC
Ilusyon
Kung puwede lamang / na siya'y limutin Di na sana noon pa'y / wala ng paggiliw Kung puwede nga lang / itago't ilihim Ang kanyang balaning / umakit sa akin Di sana tuyo na'ng / nunuyong damdamin At ang pagluhog ko'y / noon pa natigil Kung puwede lamang / na di maging dahil Ng kasawian ko / na siya'y ibigin Di sana tapos na / ang kundiman namin At lipas nang lahat / ang aking hilahil Kung puwede lamang / na siya'y limutin Ang sugat ng puso'y / ampat na marahil * Ang panandang / ay tanda ng sesura (caesura sa Ingles)
0
Jul 18, 2016
Jul 18, 2016 at 7:08 AM UTC
Kung Puwede Lamang
Sabi nila sa iyong tahanan ka tatahan Ngunit bakit ay luha ko'y natigil sa piling ng aking kaibigan? Siguro'y dahil ang mga nasa tahanan ay hindi ako naiintindihan Kaya't sa iba ako nakakahanap ng kapayapaan Mga salitang inyong nilalabas Kala ninyo tama nguti ito'y tumataliwas Ito'y nakakawala ng lakas Kaya naman gusto ko nang tumakas
0
Dec 19, 2020
Dec 19, 2020 at 5:36 AM UTC
Tahan sa piling ng iba
at ang pagsusulat ay ang naging pagtakas sa mundong nagpapaka-mundo ngunit bakit tila hindi makapag-isip ng tema ng letra ng tugma na bumebenta ngayo'y parang walang kwenta 'di maitugma sa eksena at para bang ang pagsusulat ay isa na rin sa tinatakasan hindi matapos na kanta librong natigil sa gitna itong tula na pilit kong tinutugma palaging nais magsulat ngunit hindi makahanap ng kabuluhan sa lahat
0
Jul 6, 2020
Jul 6, 2020 at 9:22 AM UTC
kabuluhan
Sandaling natigil ang aking mundo Nang ikaw'y biglang naglaho Damdami'y hirap na hirap Tila lahat ng pinagsamaha'y isa na lamang pangarap Ako ba'y nilimot nang tuluyan? Iniwan akong nasa kalungkutan Nang sa iyo'y aking nalaman Sa iba'y hinanap ang kasiyahan Noo'y pagmamahal ay sagana Sa isa't isa'y nag-aalala Ngunit kahit ikaw'y naglaho Pag-ibig sa iyo'y di nagbabago
0
Feb 16, 2020
Feb 16, 2020 at 1:56 PM UTC
IKOT NG MUNDO