Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Feb 2020
Sandaling natigil ang aking mundo
Nang ikaw'y biglang naglaho
Damdami'y hirap na hirap
Tila lahat ng pinagsamaha'y isa na lamang pangarap

Ako ba'y nilimot nang tuluyan?
Iniwan akong nasa kalungkutan
Nang sa iyo'y aking nalaman
Sa iba'y hinanap ang kasiyahan

Noo'y pagmamahal ay sagana
Sa isa't isa'y nag-aalala
Ngunit kahit ikaw'y naglaho
Pag-ibig sa iyo'y di nagbabago
Written by
MarieDee
252
 
Please log in to view and add comments on poems