Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
cosmos Feb 2017
Hindi ko kasi alam
kung saan ako lulugar
Ako na ba talaga
Siya pa rin yata

Sabi mo kasi wala na
Pero sa iyong bawat salita
Nakikita ko siya
Nandiyan pa siya

Natatakot kasi ako
Na mahulog para sayo
Mahulog at hindi masalo
Dahil yakap yakap mo pa siya

Sabi mo kasi napapasaya kita
Ngunit laging may lungkot
Sa iyong mga mata
Namimiss mo lang yata siya

Tama ba'ng ituloy pa ito?
Baka sa dulo'y wala ring tayo?
Baka sa dulo'y ako na lang?
Ayoko nang masaktan

Hangad ko lang naman
Ang iyong kasiyahan
Sinusugal ang aking kabuuan
Laging nagtatapang-tapangan
Pinapairal ang katangahan

Sigurado ka ba sa iyong nararamdaman?
Kasi hindi ko na alam
Kung saan ako lulugar
Baka isang araw
Sa aking pagmulat
Wala ka na at sabay na ulit kayong naglalakbay

Ingatan ko daw ang aking puso
Pero bakit tila
Mas mahalaga sa aking
Buuin ang sa iyo
Habang unti-unting gumuguho
Ang puso ko
Domina Gamboa Jun 2014
Aking kaibigan, ako'y pakinggan,
Aking lihim iyo nang malalaman.
Ngunit iyong ipangako, walang magbabago,
Pagkatapos nito, magkaibigan pa rin tayo.

Hindi mo alam, ako'y may tinatago.
Hindi mo alam, ikaw ay aking gusto.
Hindi mo alam, natutuwa ay ako.
Hindi mo alam, may paghanga sa'yo.

Hindi mo alam, napapasaya mo ako.
Sa simpleng pagbati, sasabihin ay "hello!"
Hindi mo alam, sa tuwing lilingon sa'yo,
Aking tiyan, ay puno na ng paru-paro.

Sa araw-araw na tayo'y magkasama,
Ang aking mga ngiti'y hanggang langit pa.
Ngunit minsan ikaw ay aking nakita,
Hawak-hawak mo pa kamay ng 'yong sinta.

Alam ko, tayo ay magkaibigan lang.
Ngunit bakit sa dami ng nilalang,
Ikaw ang nagpunan sa buhay kong puwang.
Sana pag-ibig mo ay akin na lang.
Friendzoned
Miss Emma Writes Jul 2019
Kay tagal kong hinintay itong araw na 'to,
Marahil matagal tayong di nagkatagpo,
Siguro ito na yung tamang pahahon para sabihin ito,
Gulong-gulo ako hindi ko na alam ang gagawin ko.

Maingay na lansangan,
Mga taong nagsisigawan,
Sobrang gulo ng kapaligiran,
Pero ako patuloy na blangko ang isipan.

Mahal, hintayin mo ko,
sandali na lang to,
huwag ka munang umalis,
sana man lang kahit ngayon ako'y iyong matiis.

Mga tatlong kanto pa ang layo ko sayo,
Maaari mo ba kong mahintay pa, mahal ko?
Paumanhin kung napatagal ang pagdating ko,
Hindi ka na tuloy nahintay ng mga kaibigan mo.

Pero eto na ilang hakbang na lang malapit na ako,
Isa... dalawa...
dalawa...
Pero teka...
Bakit parang hindi ka masaya?
Bakit parang nadismaya ka pa?

Sa puntong yun hindi ko talaga alam.

gutom.
pagod.
uhaw.

Kaya't sabi ko sa sarili ko gusto ko nang bumitaw,
Pero mahal... ayoko pang umayaw,
Baligtarin man ang mundo ang hahanapin ko'y ikaw parin at ikaw.

At habang papalapit na ako,
Mas naaninag ko na ang mukha mo,
Tama nga ako,
Hindi ka nga masaya sa pagdating ko.

Pero nung niyakap mo ko at humingi ka ng tawad...

Hindi ko alam kung anong unang babagsak,
Ako ba o yung mga luha sa mata ko na nag-uunahang pumatak.

Sa bawat sandaling iyon di ko talaga alam ang sasabihin ko,
Hindi ko na alam ang gagawin ko,
Kaya ayun... hinayaan ko na lang tumulo ang mga luha ko,
Hinayaan kong ang mga mata ko ang magsalita para sa nararamdaman ko.

Pero sabi ko sa sarili ko, " Gusto ko pa... Kaya ko pa naman."

Kaya nung niyayakap mo ko,
Alam mo kung ano naramdaman ko?
Alam mo kung ano tumatakbo sa isipan ko?
Hindi ko kakayanin kung ibang tao na ang yayakapin mo ng ganito.

At sa pagkakayakap mo,
Mas naramdaman ko na mas gusto ko pang kumapit sayo,
Naramdaman ko na hindi ko kayang mawala ang taong to,
Kaya napatigil at napaisip ako,
Bakit nga ba ako kumapit sayo?

Kasi... Mahal kita.

Mahal Kita.

sa kung paano mo ikwento ang mga bagay na gusto mo,
sa kung paano mo tingnan ang mga mata ko,
sa kung paano mo napapasaya ang araw ko,
sa kung paano mo hawakan ang mga kamay ko sa harap ng maraming tao.

Mahal kita.

At sa tuwing kausap kita,
Ngiti sa mukha ay hindi maipinta,
Marahil ang boses mo ay parang musika,
Kaya't puso'y laging naaalala ka.

Lilipas ang mga araw at buwan,
Tayo ay magkakatampuhan,
Mga tao'y magsisilisan,
Pero ako, dito lang ako di kita iiwan

At sa mga oras na ito alam kong hindi pa huli,
Mahal, may itatanong ako at sana ay pag isipan **** mabuti,
Pag isipan **** mabuti dahil alam kong hindi ito madali,
Mahal, pwede bang ikaw na ang aking una't huli?



12/27/18
ps. It was made for my one great love, but we broke up.
Eugene Aug 2016
Ilang buwan pa lamang ang nakakaraan,
Mula nang ika'y aking makilala't naging kaibigan,
Pero pakiramdam ko'y matagal na kitang kilala sa aking isipan.

Sa bawat mensaheng naipapadala ko,
Sa bawat katagang naibabahagi ko,
Ay ang mga ngiting sumisilay sa mga labi mo.

Napapangiti mo ako.
Napapasaya mo ako.
Unti-unti ay nabighani mo na ang natutulog kong puso.

Nais kitang makita pero hindi pa ngayon.
Nais kitang mayakap pero sa tamang panahon.
Nais kitang maka-usap pero sa totoong pagkakataon.
inggo Feb 2016
Paanong napapasaya niya ako?
Kahit ang ginagawa niya lang naman ay mag exist sa mundo
Sa usapang hindi tumatagal ng tatlumpung segundo
Madalas ay "hi" o "hello" lang ang nasasabi ko
Ang tatlumpung segundo ay naging ilang minuto
Ang "hi" o "hello" ay naging maikling kuwento
Samahan mo pa ng ngiti niyang nakakatunaw
At mga mata niyang bubuo ng iyong araw
Dati ay nangungupahan lang siya sa isip ko
Ngayon ay malapit na ata siyang manatili ng permanente dito
Kapag nagtagal pa siya bahay na ito
Posibleng i-offer ko sa kanya ang mas magandang bahay sa aking puso
Sa loob ng bahay sa aking puso
Ay may hagdan na gawa sa aking binti patungo sa alapaap
Mga silya na may sandalang gawa sa aking balikat
At kama na gawa sa aking mahigpit na yakap
carapher Sep 2015
Tangina
ba ang bilis mo akong pasayahin?

Kada araw
na di ko na kayang mabuhay
alam ko kailangan lang kita.
Ano ba.
Kaya't kung pwede lang
wag na wag kang titigil
sa pakikipagusap sakin
kasi
kada araw yan
yung inaabangan ko.

Iba rin kasi
epekto mo sakin eh,
di ko alam kung bakit
pero
mas nakakaadik ka pa sa teleserye at mas masayang panoorin at subaybayan.

Pwede bang maglakad tayo
sa walang  destinasyon?
Magsalita ka lang
at mananahimik ako
dahil gustong-gusto kitang
nagsasalita.

Bakit mo ba ako
napapasaya
ng walang kahit anong ginagawa?

Kung mahal nga kita,
tigil tigilan mo ako,
kasi ayokong
nagmamahal.
tagalog
MarieDee Nov 2019
Sa simpleng sulyap nagsimula ang lahat
sa pagdaan ko'y ako'y hinanap
numero ko'y iyong pinagtanong tanong
nakuha mo ito at ako ngayo'y puro tanong
kung paano at kanino mo ito nakuha
ngunit ikaw'y puro kaila
sa umpisa pa lang ay may hinala
na sa kaibigan natin mo ito nakuha
pero heto ka at puro tanggi
hanggang sa huli ito  rin ay nasabi

sa pangungulit ko'y ikaw'y napaamin
na sa akin daw ikaw'y may pagtingin
noong una'y di makapaniwala
para sa akin lahat ay bigla-bigla

mga mensahe mo ang bumubungad sa umaga
di ko namamalayan, ako'y napapangiti mo tuwi-tuwina
maya't maya'y nangungulit
pagkikita natin ay iyong ipinipilit

sa iyo ako'y nakipagkilala at nakipagkamayan
pakiramdam ko ikaw'y tila kinakabahan
sa pagkikita natin ikaw'y biglang nahuhulog
tuwang tuwa at pintig ng puso'y kumakabog

bigla-bigla ikaw'y nagpaparamdam
sagot ko'y gusto **** malaman
katanungan mo'y pinagisipan
pakiramdam ko'y ang gaan-gaan

ikaw'y sinagot at nagkatuluyan
ang araw na ito'y di malimutan
nakipagkita ka upang sa sagot ko'y makasigurado
dahil sa ang akala mo ako ay nagbibiro

pagdampi ng iyong mga labi sa aking kamay
ang sa pagmamahalan nati'y naging patunay
walang araw ang di mo ako napapasaya
sa aki'y ikaw ang nagbibigay sigla
halos araw-araw gusto natin makita ang isa't isa
pero hindi maari, pagkat  mainit tayo sa mata ng madla

walang kasingsarap mga nakaw **** sulyap
hindi man natin maikukubli
o kay saya ng mga nakaw na sandali
mahirap man ito sa atin
pero lahat ay gagawin at kakayanin
pag-iibigan nati'y di sasayangin
Nix Brook Dec 2020
Gusto kong makalimot
Gusto kong kalimutan lahat
Lalo na yung masasayang alaala
'Yun yung mas masakit, mas gumuhit
Kung paano ka naging sanhi ng aking pag ngiti
Ngayo’y katumbas kung gaano kahapdi

Bumalik ka sa simula
Tignan mo kung gaano ka
kasaya pag kasama siya
Kung gaano ka niya napapasaya
sa walang kwentang bagay
Alalahanin mo siya,
siya lang yung kayang
mag pangiti sayo ng tunay

Isipin mo lahat ng plano n'yong dalawa,
lalo na ngayon, kung paano makakamit
Iba siya,
kasi   s i y a
yung naging tahanan mo
noong mga oras na naging palaboy ka
Sydney Nov 2020
Kapag hawak niya ang mga kamay ko, ikaw ang iniisip ko

Kapag sinasabi niyang mahal niya ako, ikaw ang naaalala ko

Kapag tinitignan niya ako, mukha mo ang nakikita

Kapag tumatawa siya, tawa mo ang aking naririnig

Ginusto niya 'to, pero tanga ako

Kasi hinayaan ko siyang masaktan

Oo, napapasaya niya ako. Pero ikaw pa rin talaga! Pinapaasa ko siya kada araw na lumilipas

Sinungaling ako, sinungaling din siya. Sinungaling ako kasi sinasabihan ko siya ng mahal ko siya, kahit ang totoo ay ikaw pa rin

Sinungaling siya kasi kunwari ayos lang siya, kunwari hindi siya nasasaktan

Hindi ako karapat dapat sa kanya, pero hindi ko alam kung paano tapusin

Ayokong tapusin kasi mahal ko na 'ata siya
Ang mundo ay parang entablado
Tanghalan ng sari-saring talento
Mga manonood dito napapasaya
Naaaliw at namamangha sa kakayahan ng kapwa.

-01/11/2015
(Dumarao)
*Ang Mundong Pook Collection
My Poem No. 311

— The End —