Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nababaliw" poems
Tinatamad ako hindi ko magawang tipahin ang tiklado ng aking computer. Inaantok ako malamang kinakapos ng oxygen ang utak ko kaya ganito. Pero ang diwa ko’y gising at gustong sumulat ng tula hindi ito nakatulala. Anong tula ang susulatin ko? Tungkol ba sa’yo at sa pagsinta nating tuyo? O patungkol sa bayan kong minamahal na walang utang na loob sa malasakit ng iba? Ang bayan o ang aking pag-ibig sa’yo alin sa dalawa? Ewan ko nalilito ako. Pareho kayong mahalaga, pareho ko kayong mahal, pero alam ko na pareho din kayong mawawala. Bakit ko sasayangin ang aking mga salita? Bakit kailangan ko pang ialay ang bunga ng aking kaisipan kung sa bandang huli ito ay mawawalan lang ng saysay? Hayaan **** mag-diskurso ako kahit sandali lang mahal ko. Ilan tula na ba ng aking sinulat para sa bayan kong sawi at laging alipin ng mga walang turing at pakundangan, may nangyari ba? Wala naman diba? Walang saysay ang pagliyag ko sa bayang ito na laging lumuluhod at sumusunod sa mga dayuhan. Itong bayan na sa kabila ng kanyang paghihirap at dalita ay laging nangangamuhan at humahalik sa paa ng mga kapitalistang ganid. Ang bayan ng mga taong mahirap paniwalain sa totoo pero madaling bolahin ng mga pulitikong hunghang. Ito ba ang bayan na aking iibigin? at ikaw naman mahal ko Batid mo'ng iniibig kita alam mo yan pero para saan ang aking pagliyag sa’yo kung mawawala ka rin sa akin? Oo naman nasasabik ako lagi sa’yo, gusto kitang yakapin, halikan at makasiping sa buong magdamag hanggang sa bukang-liwayway. Pero hanggang kailan ako mananaginip ng gising at mananabik saiyong piling gayong alam ko na hindi ka naman talaga magiging akin sa habang panahon? Marami ba akong tanong? Pasensya kana ganun talaga ang isang makata, nabubuhay s’ya gamit ang mga salita at tandang pananong. Pero sige magsusulat ako ng isang tula para sa’yo at para sa bayan ko. Magsusulat ako kahit alam kong walang magbabasa nito. Magsusulat ako at aasa na parang hangal, aasa na may babasa at maniniwala sa aking mga salita. Ipapahid ko ang utak at damdamin ko sa papel na tulad sa isang nababaliw. Magsusulat ako dahil tungkulin ko ito, magsusulat ako dahil alipin ako nito, magsusulat ako dahil ito lang ang alam ko at higit sa lahat magsusulat ako dahil ito ang buhay ko. Iaalay ko sa’yo mahal kong marupok at sa’yo bayan kong walang utang na loob ang aking tula kahit inaantok at tinatamad ako.
0
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 1:58 AM UTC
Tinatamad ako

Continue reading...
14
Sabi nila na nakakabaliw daw ang sobrang pagiging matalino. Pero bakit ako? Hindi naman ako matalino pero bakit nababaliw ako. Sayo. Nakakabaliw ka na Putang ina ka. Ang sarap mabuhay sa imahinasyon Ang sarap mabuhay sa ilusyon Sobrang sarap mabuhay sa pangarap. Ayos ba yon? Ayos. Ayos na ako sa buhay ko na gusto lang kita Ayos na ako sa buhay ko na pangarap lang kita Ayos na ako sa buhay ko na makita lang kita. Ayos na ako sa sitwasyong ganito Ayos na ako sa galawang ganito Ayos na ako sa nararamdaman ko para sa'yo. Oo sige sabihin na natin na Nakakapagod din na magkagusto ka sa isang bagay na kahit alam **** hindi mapapasayo. Pero ayos na ako do'n Ayos na ako doon Sa mga bagay na yon Ayos na ako. Kasi ayaw kong masaktan. Ayaw kong masaktan Ayaw kong sabihin na gusto kita Ayaw kong sabihin na pangarap kita Ayaw kong sabihin na ayos na ako makita lang kita Ayaw ko Dahil ayaw kong masaktan. Patawad Dahil sa ayaw kong sabihin lahat ito Dahil sa ayaw kong magkailangan tayo. Patawad Dahil ayaw kong isipin mo na sasaktan lang kita Dahil ayaw kong isipin mo na lolokohin lang kita. Marunong akong umibig Marunong akong magmahal Marunong akong magpasaya Marunong ako ng kung anu-ano Pero hindi ako marunong masaktan At ayaw kong masaktan Dahil naniniwala ako na ang lahat ay may katapusan. Sabi din nila na hindi tayo matututo kung hindi tayo masasaktan. Pero ayaw ko, Ayaw ko, ayaw ko at ayaw ko na masaktan. Patawarin mo ako kung ika'y pinaglihiman ng tunay na nararamdaman. Patawad dahil AYAW KO.
0
Sep 29, 2015
Sep 29, 2015 at 7:32 AM UTC
Ayaw Ko

46
Eto ako ngayon, nakahiga kama ko isipan ay walang laman kun’di ikaw. nababaliw sa bawat senaryo na kasama ka. Ilang beses ko na naisip at na plano ang gagawin sa oras na dumating ang panahon na kailangan gumawa ng desisyon kung pagpapatuloy ba natin ang ating pagsasama. at ilang beses ko na ding nasagot ang sarili na oo. Kase wala lang naman akong hihilingin kung’di ikaw na nag papatibok ng puso ko. Ang taong pumupulot sa mga basag kong piraso, at binubuo ako, gamit ang ginto. Kase ang mga hapon ay may sining na kapag ang isang bagay ay nabasag ang ginagawa nila dito ay ginagamit ang ginto bilang pang digit. Para sa kanila, ang bagay na iyon ay mas maganda at kabighabighani kesa nung eto ay hindi pa nababasag. Ikaw ang ginto na bumubuo sa mga basag kong piraso. Salamat. Mahal kita.
0
May 14, 2016
May 14, 2016 at 2:33 PM UTC
Kintsugi
Araw-araw nagtatanong sa sarili; Sino ba ako para magmahal sa'yo? May karapatan ba akong umagaw sa atens'yon mo? Bakit ba ako ay nababaliw na sa'yo sobra? Dahil ba sa'yong tunay na ganda? Ganda na nakakaakit sa mata at hindi makapakali. Subalit, bakit ba naman o kay lupit ng tadhana? Na ipinagtagpo pa tayo, Kung sa hulihan lang naman ay magsisisi at magdudurusa ng walang nakaka-alam.
0
Aug 12, 2019
Aug 12, 2019 at 1:49 PM UTC
"Ipinagtagpo pero 'di itinadhana"
Sa totoo lang ako'y nabigla hindi ko inaasahan ang biglaang pag galaw mo na halos pakiramdam ko sasabog ang puso sa sobrang bilis ng pag pintig nito na tila ba'y para akong mawawalan ng malay sapagkat hindi ko alam kung ano ang gagawin sa biglaang pagyakap para akong idinuduyan at pinapanalangin na sana'y tumagal at wala nang katapusan ang pagkakataong ito'y kay tagal kong inaasam pero bakit kahit anong hiling ko na tumigil ang mundo pansamantala'y tila ba mas bumilis pa ang bawat patak ng segundo sa relo nababaliw na ata ako sana naman naramdaman mo ang nanginginig kong mga kamay habang dahan dahan kang kumakalas ang puso ko'y unti unti din napipigtas at sa iyong paghakbang paalis at pagtalikod mo na sadyang ka'y bilis wala din akong nagawa kundi ang hayaan kang umalis at sa aking paghakbang paalis sa lugar na kung saan naging saksi ng iyong pagyakap at nakarinig ng mumunting dalangin ko sa maikling oras inaasahan ko na ako'y iyong tatawagin uli hanggang sa pagtulog mamayang gabi sana ay kahit sa panaginip pinapanalangin ko na mayakap kang muli
0
Jul 12, 2019
Jul 12, 2019 at 10:21 AM UTC
Yakap
Binura ang sinalungguhitang alyas Ang nag-alsa na biyas Ang kaya ay katamtaman na hulugbigat Dahil sumunong nang kapalaluan, tumiklop ang tuhod Simulang pagtingin ay noong una na nabighani Nababaliw sa sinundang pag-ibig Sa mala-rosas na labi at mala-kristal niyang mata na may salamin Umaapaw na giliw ay sa kanya nakalaan Kung sumandig man sa ataul ang katawan Mahukay sana ang pinipintuho - bigay ng kalangitan bago mamayapa Kahit mali ang pangkukulam ay gagawin para manipulahin ang manika Mamangha sa mahika na taglay Ganun kung magmahal, kahit balakyut dapat ay tupdin Kumuha ng ilang hibla ng kanyang buhok Tapos isinuksok sa bestida na kahapon niyang isinuot Ginupit at lumikha ng damit ng manika Sinambit ang inkantasyon ng pag-ibig
0
Dec 23, 2018
Dec 23, 2018 at 5:08 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #24
panahong kay init at samot-saring pangyayari ilalabas ang kwaderno't magsusulat ng hirayang bahaghari iba't ibang mukha, ngingiti't tatawa kunwari sa galaw, pananalita, at sa pagsulat ng kamay pagkaguho, pagkawasak, at araw-araw na pagsasablay sa mga bagay-bagay na 'di maiakbay salungat sa sinyales na aking hinihintay biglaang pagkalito, gan'to na ba ang takbo ng mundo? kamay na animo'y tinanggal paang singbikat ng bakal hininga'y laging nasasakal makakawala pa ba sa kasulukuyang estado? nais nang kumalas, sa hindi nakikitang rehas walang depinisyon, wala ring direksyon hikbing palihim, kalungkutan sa takipsilim naliligaw, nababaliw, sa indak na hindi inaral ngunit nakabisa pa rin
0
Jul 11, 2021
Jul 11, 2021 at 4:28 PM UTC
Untitled
Isang  pintuan  ng  mahihiwagang  dekorasyon Palamuti,  anong  nasa  likod  na  impormasyon Sa'yo  ipaglalaan  ang  aking  buhay  na  hiram Nais  balang-araw  ay  tawagin  kang  hirang Di  sapat  ang  aking  tayutay  upang  ang  sagot  ay  dumulas Pangatlong  katok  ko  na  ito't  'di  parin  nagbubukas Ikaw  ay  isang  bugtong  na  nais  kong  matuklas Kung  hinde,  ang  aking  buhay  ay  habang  buhay  na  undas. Ako'y   ligaw  na  kaluluwa,  'di alam  kung  sino Ako'y  ligaw  na  kaluluwa  at  baka  ikaw  ang  paraiso May  pagnanasa  sa  paglapit  subalit  ayokong  maka  abala Ako'y  nababaliw  sa'yo  kahit  hindi  kita  kilala Ang  iyong  ngiti  ay  bukang-liwayway  sa  mundong  mapanglaw At  ang  iyong  buhok  ay  mga  alon  sa  dagat  na  bughaw Kung  kulangin  man  ang  ginawa  ko  na  tula Handa  akong  gumawa  ng  isang  daan  pa Hayaan  mo  akong  lumapit,  sa  kung  nasaan  ka man At  pangako  sa  'yo  ako'y  tahimik  lang Subalit  hindi  titigil  hanggang  mapunan  ang  patlang Pakiusap,  hayaan  mo  akong  umusad  kahit  isang  hakbang  lang.
0
Aug 14, 2020
Aug 14, 2020 at 11:27 PM UTC
Hakbang
Puro isip, walang gawa Puro lito, walang aksyon Puro na lang ba ganito? Ayoko na ng ganito! Masyadong masikip Masyadong maraming ingay Maraming kuda Maraming putangina Masakit sa ulo Nakakarindi ang mga ingay Nakakasawa sila Pero nakakaadik Magulo pero gusto ko Ayokong wala sila dito Gusto ko maingay sila Siguro nababaliw na nga Sinong matino ang gusto nito? Wala sabi nila Matino ako para sa akin Kayo nga ang hindi matino Ayoko sa inyo Gusto ko lang dito H'wag niyo kong kausapin Hindi ako kasapi niyo Malalim 'to Malalim tayong lahat May lalim tayong lahat H'wag niyong hayaang mawala.
0
Nov 10, 2014
Nov 10, 2014 at 1:18 AM UTC
Ingay
Gusto kita, ilang ulit ko ng binigkas ang mga salitang paulit ulit sa isipan ko tuwing umaga sa pagdilat ng aking mga mata, tuwing sasapit ang gabi kayakap ang unan habang iniisip ka Pinipilit itali at ikulong itong pakiramdam Na walang ulit ang pagsabog pero pahapyaw lang. Dahan dahan lang sabi ng puso pero pag hindi na ginamitan ng utak ito’y bigla na lamang titibok ng walang humpay at sa pagtibok nito kasabay ang pagbigkas ulit sayo - gusto kita. Sobra. Ang dami kong tanong, araw araw ako nagtatanong, nagiisip ng bakit, pano, ano? Ano ba talagang tama ko sayo? Pogi ka pero di naman ako mahilig sa pogi. Pangit ba ko, anong mali sakin bakit hindi ko makuha ang iyong pagibig? Hindi ba may mga bagay naman na ayaw natin nung una pero nagugustuhan din sa huli. Ako kaya? Kelan yung oras na ako naman yung gustuhin mo. Gusto ko na malaman, ibigay mo na sakin kasi nababaliw na ko.
0
Feb 25, 2018
Feb 25, 2018 at 7:01 AM UTC
Gusto Kita
Noong nakita ka nung Agosto ako'y nahumaling Sana pala ay hindi nalang ako nagising Manatili nalang sana akong lasing O ikulong ang sarili sa gitna ng apat na dinding Ang puso ko ay nadudurog Habang ang buong mundo ay natutulog Sa gabing ito ay gusto kong masunog Bakit ba pagmamahal ko sayo'y hindi maalog Kaya kong maghintay ngunit huli na pala Ikaw lang ang nasa isip ko ng isang dekada Nalilito, nababaliw, nilalabas lahat sa tula Hindi na ba titigil itong mga luha Ikaw mula noon, ikaw hanggang ngayon Marahil ako ay napag-iwanan ng panahon Kung magiging akin ka ako'y higit pa sa kampeon Ngayon lahat ng damdamin ko'y ikakahon Ano pa ba ang magagawa ko at masyado na'kong huli Imposible naman ako'y iyong mapili Mahal parin kita hanggang sa huli Hanggang sa magkita tayong muli Noong nakita ka nung Agosto ako'y nahumaling Sana pala ay hindi nalang ako nagising Manatili nalang sana akong lasing O ikulong ang sarili sa gitna ng apat na dinding
0
Sep 6, 2018
Sep 6, 2018 at 4:29 PM UTC
Para sa aking bituin at liwanag
Napapaisip Napapatanong Nagtatanto Bakit gising parin ako sa oras na'to Dapat tulog pa ako Bakit nababaliw parin ako Kapag naririnig ko pangalan mo Bakit inaabangan ko parin Makita ang pangalan mo sa cellphone ko Alam ko namang masalimuot Mga problemang di dapat palakihin pa Kilala mo naman ako kaya kong antabayanan ang lahat Basta ikaw at ikaw. 3 am, kausapin mo naman ako Icchat na kita Hindi ko kaya, Hindi ko kayang pigilan sarili ko Pasensya na Hinahanap hanap lamang kita Hinahanap ko ang akap mo Hinahanap hanap ko mga ngiti mo Hindi ko na kasi matagpuan Sa kadahilanang umiiwas ka na saken Ano bang ginawa ko sayo Pinapakita ko lang naman yung totoong ako Minamahal rin naman kita Walang halong kalokohan Walang halong kagaguhan Walang halong katuwaan Seryoso akong minamahal kita Kaso pagod ka na Pasensya na umaasa parin ako Alam kong may nakatago pa sayo Pero hindi na kita pipilitin Dahil masakit Ayokong pumasok sa isipan **** Lumisan nalamang Mahal, mahal kita
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 2:32 PM UTC
Alas tres ng umaga
Sa bawat agiw na nakikita ay aking naaalala ang mabuti nating pagsasama noong tayo'y bata pa Madalas **** sabihin sa akin na ako'y iyong pakamamahalin kahit anong bagyo ang dumating pag-iibiga'y iyong sasagipin Ngunit sa pagdaan ng panahon tila ikaw'y nagbago Ang pagtingin mo sa aki'y naglaho na parang nillimot ang kahapon Puso ko'y nagtaka anong nangyari't pag-ibig ay nawala? Ang dati nating pagmamahalan mauuwi lang ba sa pagkakaibigan? Tinanong sa sarili kung anong dahilan at nawala ang ating pagmamahalan Ako ba'y may pagkakamali? iniwan mo ako't siya ang pinili Hanggang ngayo'y umaasa ang pusong iyong sinugatan na kahit minsan ay maalala kahit bilang isa na lang kaibigan Heto nga at bumalik ka nga sa aking piling ngunit pag-ibig mo'y naging malamig At ngayo'y hinihiling buksan muli ang aking pag-ibig Ngunit sa pagdaan ng panahon di ko pa rin malimot ang kahapon Ang ating mga suyuan sa panahon nang ating kabataan Kahit na ako'y mayroong iba puso ko'y hinahanap ka Naririnig ko ang iyonh tinig at himig parang inaalala ang ating nakaraang pag-ibig Kailanma'y di ka malimot, aking giliw hanggang ngayo'y sa'yo pa rin nababaliw ang pusong kahit iyong sinugatan narito pa rin at umaasang di mo iiwan
0
Dec 5, 2019
Dec 5, 2019 at 1:15 AM UTC
NAGBAGO
Inaasam na makapiling ka Nababaliw tuwing ika'y nakikita Kasabay ang himig ng kanta Ano ba ang dapat madama Lulong na sa mahika at ganda Sa panaginip tayo magsasama
0
Nov 16, 2019
Nov 16, 2019 at 10:09 AM UTC
Makita
Hinahanap Kinakailangan Ninanais Bakit ka ba ganyan Sa tuwing lugmok ako Nasa tabi mo na agad ako Wag mo ako sanayin Kung aalis ka rin naman Hindi dapat pinapatagal Kung lalayo rin naman Kailangan kita Sa araw araw Hinahanap kita Sa araw araw Gusto kita Sa araw araw Umabot na ako Sa langit para sabihing Mahal na siguro kita Kaya huwag kang ganyan Kung mawawala ka rin naman Kung pagbabawalan mo rin ako Kung ipapalayo mo rin ako Nababaliw na ako Wag mo akong iwan ng ganito Hindi ko maadmitihin ito Kahit ako yung gumusto Ginusto mo rin naman Sa bawat tama na nadadama Pakiramdam ko'y niyayapos mo ako Mapapatanto nalang ako bigla, Bakit biglaan ka nalang lumayo Ginawa mo akong gumon sayo, Atsaka iiwanan mo ako Ng mga nakakatakot na alaala Hindi ko na alam kung paano makakatakas dito Subalit ayokong tumakas Kahit mapanakit ka Kahit masakit na Kahit masiraan na ako ng ulo Kahit mukang hindi ko na kaya Ikaw parin ang hahanapin ko Sa araw araw Dahil gumon na ako sayo.
0
Feb 18, 2020
Feb 18, 2020 at 5:26 PM UTC
Fiend