Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
050916

Minulat tayong may sukli ng kasaysayan,
Saksi sa matinding gisahan ng rekado sa Tahanan.
Pangako'y iniukit ng mga Anak na payak
Nagbabasagan ng plato, nagtitilamsikang tubig,
Pagbili ng lakas ng loob
at talas ng dila sa Pulitikang Tindahan;
Luha't dangal, pawang huling hain
Ng Ama't Ina ng Lipunan.

Nakakangalay makisabay sa uso
Kung nawalay pati ang yupi-yuping puso.
Hindi tayo nagpaampon sa Lipunang mapanukso,
Yakap ang Langit, uhaw lamang sa pagbabago!

Sumisigaw ang damdaming nilusaw ang galit,
Ang pait ng kahapong sinabuyan ng panlalait.
Minsan, sobra ang demokrasya kaya't may kapalit.
Kaya't minsa'y susulong bagkus panay ang subalit.

Hindi natin kayang palayasin ang Ama't Ina,
Kung ngayon pa lang, may mga multong rebelde na.
Hindi natin kayang itaboy ang kamay ng Hari ng mga Isla,
Pagkat tayo'y ibinigkis, iba't iba man ang pananampalataya.
At higit pa sa pulso ng Bayan ang nagluklok sa kanila.
Mainam na ngang masaktan sa una,
Kung saan dunong at talino'y maituon sa pagpapakumbaba.
Masakit sa loob kapag tinatama ka,
At bawat palo't kusang pagdidisiplina.

Kung hindi susundin silang Ama't Ina,
Kung hindi magpapasakop sa babaguhing sistema,
Kung hindi huhubarin ang estadong may ibang klima,
Hinding-hindi bubuhos ang pagpapala.

Umaasa tayo pagkat di natin kayang mag-isa,
Sandigan nati'y hindi na Pulitikang Balisa,
Sana'y pag-iisip ay mabago ng Amang may grasya,
At tayo'y maging bahagi ng paghilom ng bansa.
Pat Sep 2015
Minulat ko ang aking mga mata

Bigla na lang naisip kita

Sana’y sa araw na ito

Kahit saglit lang, maisip mo rin ako

Pilit kong sa daan iwasan ka

Ngunit, maya maya’y nasa harap na kita

Ganito ba magbiro ang tadhana?

Pinaglalaruan ang damdamin, wala nang nangyayaring tama

Nakaraan kong ika’y kasama

Burahin ko man ay hindi mawawala

Tila hangin, ito’y balik ng balik

Iyong ngiti, sa aki’y parang matamis na halik

Kay daming masasayang alaala

Pag mulat ng mata’y ito’y wala na

Lahat ng ito pala’y isa lamang panaginip

Galing sa damdamin, pawang likha

Lamang ng kathang isip
Joyce Nov 2010
Dumaan ako sa Nagtahan
at doo'y nanahan
aking diwang gising
at minulat,
pilit binulag
ng isang dakot
na Asin.
Rumampa sa Laong Laan,
pilit inabangan
ang pagtila,
tila Luha
ang tanging pakinabang.
Tumawid sa Lacson,
nadapa --
bumangon.
Sumakay ng traysikel
sa Ocampo,
pumara sa Crisostomo;
nangapitbahay sa Maria Clara
nagpalamig sa Ibarra
hanggang Simoun,
Quintos, Dapitan.
Hindi ka matagpuan.
Tila silyang marupok
na walang pakinabang;
Tila laway na muntik
masayang
ang paglalakad ng pusong
minsan nasagasaan
noong binagtas ang kahabaan ng Dimasalang.

Umuwi sa Sampaloc,
kumuha ng gamit.
Palihim na naglakad
papuntang Blumentritt.
Pinagpawisan sa pagsakay
sa Recto.
Anong ginagawa ko rito
sa Quiapo?
Isang makipot na sangandaan
kailangang mairaos daanan.
Isang hakbang palayo
sa maputik na Ocampo;
minsan nang bumagyo dito.
Meron pa bang tayo?
Roninia Guardian Aug 2020
Teka, Teka, Teka
Bago ang lahat ako muna'y magsasalita
Ngunit 'di ko batid kung paano magsisimula
Magsisimulang ipahayag kung gaano ako kasaya

Pa'no ko nga ba sisimulan?
Ipahayag sa madla ang inungkat na nakaraan
patungo sa aking magandang kasalukuyan.
Sige na ito na, huwag na kayong mainip pa pagkat akin ng sisimulan.

Ako'y isang malayang indibidwal na puro kasiyahan lamang ang nalalaman, batid minsan ang tama ngunit mas madalas ang kamalian. Hindi alintana kung mayroong masaktan basta ako'y nasisiyahan.

Buhay ay puno ng negatibismo, hindi alam kung paano gawing optimismo, buhay ay parang walang direksyon nakasanayan habang lumilipas ang panahon. Ngunit isang araw nagbago ang lahat ng biglang sa aking mga mata'y may nagmulat.

Minulat aking mga mata para malaman ang tama at
Inaya sa mundong ang sentro ay ligaya; sa una'y lito pa ngunit kalauna'y nakasanayan na, nakasanayan na pagkat Siya ang nagpapaligaya.

Kayraming pagbabago ang dumating sa buhay ko simula pagaaral hanggang sa pagkamit ng pangarap ko, at lahat ng iyon, alam kong Siya ang tumugon pagkat Siya lamang ang nagsisilbing pundasyon.

Kaya't hindi ko makakalimutan ang araw na Siya'y aking mas kinilala, pagkat siya ang dahilan kung bakit buhay ko'y puno ng biyaya. Kaya sa pagtatapos ng tulang 'to, nais ko lamang malaman niyo na ang buhay ko ngayo'y mas naging maayos, dahil ang sentro nito'y walang iba kung 'di ang Diyos! ❤️🙏💯
Randell Quitain Dec 2017
langit 'man ay dumilim,
kunin kahit bituin,
walang makabubura ng gunita,
sa umagang minulat mo aking mata.
leeannejjang Jul 2018
Mga masasakit na salita,
Mga matang nangdidilat.
Minulat ako ng lugar na ito
Sa marahas na katotohanan.

Sa likod ng mga ngiti,
Mga tawanang nakakabingi,
Ay mga tao sinasaksak ka ng palihim.

Mga halimaw na nagkatawan tao,
Mga sungay na nagtago sa talinong may dugo.
Hahawaan ka hanggang ang dugo mo'y maging kulay asul.

Unti unti, dahan dahan
Ang puso mo'y didilim.
Ang boses mo'y tataas,
Ang mata mo'y manlilisik.

Nagising ka,
Humarap sa salamin
At isang halimaw ang iyong nakita.
Naging isa ka na sa kanila.
Marg Balvaloza May 2018
Sariling puso at isipan ay minulat na sa katotohanan
Sapagkat dumating na ang araw na aking kinatatakutan
Siya ay nagpasya na nang tuluyan para ako ay kanyang iwan
Magpapalayang nakangiti kahit puso’y lunod sa  k a l u n g k u t a n

© LMLB
04.20.18
Chit Jun 2020
Nang araw na iyon
Minulat ko ang aking mga mata
Kasabay ng pagsikat ng araw
Sinimulan ko  ang labahin
Kasabay ng pagdilig sa hardin
Sinimulan ko na rin ang pagluto ng Sinigang
Kasabay ng sinaing
Sinimulan ko na rin ang paglampaso sa sahig
Kasabay ng hiling na sana'y hindi na kita isipin.

Nang araw na iyon
May nakalimutan pa ko?

Wala na.

Kasi kahit birthday mo
Hindi ko magawang
Kalimutan.

— The End —