Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mapapantayan" poems
Nang una kitang makita mahal na kita Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka na pa lang iba Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan Ako’y nanalangin na sana’y mahalin mo rin Upang di na masaktan ang puso kong nagmamahal din Alam kong Diyos ay mabait at aking hiling ay tupdin Kaya paggising sa umaga’y ikaw na aking katabi Ngunit isang araw nalaman mo Ang mahal mo ay may iba nang kasama Tumakbo ka at sa aki’y nagpunta Di alam ang gagawin Di rin alam ang sasabihin Sa aki’y panaginip lamang ang lahat ng nangyayari Ngunit paggising ko sinabi mo Mahal mo na ako at ako’y iyong-iyo sa buong buhay mo Ako’y nagulat sa iyong inasal Ngunit sa kabilang banda di mapapantayan ang sayang nadarama Pagka’t tayong dalawa ay iisa na
0
Aug 11, 2011
Aug 11, 2011 at 3:17 AM UTC
Pag-ibig ko sa'yo aking Kaibigan
Tatakpan ko ang aking mata,
 Upang katotohana'y hindi makita,
 Saki'y wala ka na,
 Tumakbo ka papunta sa iba,
 Pilit kitang hinabol,
 Ngunit walang napala hanggang sa mahapo,
 Ang liwanag nang kahapon,
 Bigla na lang naglaho,
 Pirmeng nakatingin sa lupa kung may bakas ba, Ngunit sa kapal ng dilim mistulang bulag na. Nasasaktan ngunit kailangang manahimik,
 Para bang sa lalamunan ko'y malalim na tinik,
 Takpan ng ngiti ang pait,
 Tanggapin kahit na sobrang sakit,
 Kahit ano namang sigaw ang ipilit,
 Hindi mo rin naman maririnig,
 Himutik ng puso ay patatahanin ko,
 Mananatili na lamang pipi upang hindi na makagambala pa sa'yo. Minsan kong narinig sa mula sa iyong bibig,
 Mga salitang nagbigay ng ngiti na hindi madadaig,
 Hindi mapapantayan ng kahit na sino man,
 Ngunit nang lumisan ka noon ko natutunan,
 Ang mundo ko'y tumahimik,
 Wala ni kahit anong imik,
 Hindi parin mapakali pero nangungulila sa'yong halik,
 Haplos at yakap mo'y di na madadama pa, 
Labis na katahimikan mistulang bingi na.
0
Apr 12, 2016
Apr 12, 2016 at 5:10 AM UTC
Bulag. Pipi. Bingi.
Nitong nakaraan, naging nostalgic ako sa mga new year na nagdaan, mga new year nung bata kami, and sa new year na dadating pa. Oo sobrang saya ngayon, hindi rin naman mapapantayan ang saya! Pero alam ko na iba na siya. Ibang-iba na siya―kasi noon, kumpleto pa kami at wala pang nawawala samin. Kumpleto pa ang mga lolo at lola namin. May mga fireworks display, sinturon ni hudas mula sa kanto hanggang kabilang kanto. Isinasampay pa ung sinturon ni hudas sa katawan namin tapos magppicture kami, may trumpilyo, luces tapos isusulat ang pangalan sa daan, maging yung ray-gun na paputok meron din. May mga pagkain pang nakalagay sa la mesa dahil naghahanda ang mga lola. May ham, tinapay, hot choco, at kung ano-ano pa na pati mga kapitbahay namin doon din kumakain salo-salo ang lahat! Meron din sayawan sa kalsada mga 90's na tugtugan "don't cry" sa gitna ng kalsada. Habang sinasalubong ang taon, we played this game na "thankful for 2022, and looking forward in 2023" with cousins and titos and titas while drinking wine and alcohol til we drop. Ang saya mapakinggan yung mga bagay na pinagpapasalamat nila at mga bagay na nilo-look forward nila lalo yung mga things they share about our family. It means so much na pare-parehas kami na support sa isa't-isa at ramdam yung pagmamahal sa bawat isa. Sabi ng isa kong tita, darating daw yung time na baka maiba na dahil siyempre magkakapamilya, career, ibang paths to take, na baka yung iba di na mag new year sa Clemente. Pero sabi niya sila ay nandiyan pa din dahil yun ang gusto nila. Oo alam ko pwedeng mangyari dahil na-experience ko na sa mga kaibigan ko. Dati palagi kaming magkakasama tuwing new year at pasko. Mahal namin ang isa't-isa na kung pwede nga lang palagi kaming magkakasama. Pero siyempre iba-iba kami ng mundong ginagalawan at tinatahak, may lumipat ng bahay, may mga pamilya na din kaya bihira na lang din kami magkasama sama. Nakakamiss! Hindi ko alam ang future, pero sana lahat kami nandito pa din magkakasama, isang buong pamilya na magkakasamang haharap sa panibagong taon habang nabubuhay kaming lahat! Masaya ako na na-experience ko ang pasko at new year sa Tondo! Marami akong ipinagpapasalamat hindi lang sa 2022, kundi magmula 1992! Alam ng puso ko kung ano yung mga bagay na yun hindi ko maisa-isa, basta alam ko masaya lahat at grateful ako sa family na ibinigay sa akin ni Lord. Hindi man kami mayaman, madami man kaming pagkakaiba-iba, pero solid mahal namin ang isa't-isa. Looking forward to 2023 and more! **
0
Jan 3, 2023
Jan 3, 2023 at 2:05 AM UTC
New Year 2023

Continue reading...
6
Masarap pakinggan Hiyaw nyo ng aming pangalan Pag suporta na kahit sino ay hindi mapapantayan Kami ay nagpapasalamat sa inyong lahat Sa lahat ng inyong sakripisyo't oras Sa aming pag usad Humihingi kami ng konting agwat Pagkat kami'y nagigipit Sa masikip na daan't hindi maka usad Sana kami ay intindihin Pagkat kami ay tao din Humihinga't may buhay rin
0
Jan 28, 2019
Jan 28, 2019 at 12:19 AM UTC
Artist
patak ng ulan sumasabay sa ihip ng hangin panahon na hindi mo inaasahan mga pangyayaring bigla na lang dumarating sa ulap na nangingiusap ang tanging alam ay kung ano ang laman ng nararamdaman puso ba ang paiiralin o ang utak na nangingibabaw mga pinagdaanan **** karanasan ito ba ay magsisilbing liwanag sa kalagitnaan ng dilim? o hanggang dito na lang ba sa paghahanap ng kapalaran sa buhay, na parang kay tagal mo man itong inaasam-asam na makamit muli tagumpay ang matitikman sa mga labing nag uuumapaw sa kasiyahan at sa busilak **** puso na kay lambot pa ng isang monay na hindi mapapantayan ng kung ano mang yaman na hindi matutumbasan ng kung ano-anong bagay ikaw ay bukid tanging yaman tapat at totoo sa sariling bayan huwag **** kalilimutan ang iyong kinagisnan
0
Oct 8, 2018
Oct 8, 2018 at 7:02 PM UTC
ang iyong kinagisnan
Ako'y nagulantang sa birong binitawan, Mga katagang hindi ko inaasahan, Mga katagang, "kung pwede tayo nalang", Mga katagang sinabi mo ng pabalang. Dalawang magkasunod na gabing ika'y nakausap, Ano pa bang hihingin ko sa mga ulap, Ano pa bang biyaya ang aking makakalap, Ano pa bang kasiyahan ang aking mahahanap. Dalawang gabing nakatulog ako ng maligaya, Dalawang gabing ngiti ang dala sa aking mukha, Dalawang gabing kahit biro lang ang laman, Dulot ay ligayang di mapapantayan.
0
Dec 20, 2017
Dec 20, 2017 at 5:21 PM UTC
Biro sa pangalawang pagkakataon