"magsisilbi" poems
“Naaalala mo pa ba ako?”
Iyan ang pangungusap na maaaring itanong sa’yo ng mga laruan mo noong iyong kabataan.
Mga laruang naitabi’t nakalimutan na at maaaring nasa talampas na ng mga bagay na malapit nang mailagay sa tapunan.
Mga nagsilbing matalik **** kaibigan noong ika’y talagang nangangailangan.
“Naaalala mo pa ba ako?”
Tanong na hindi mahirap sagutin ngunit sakit lamang ang maibibigay.
Naalala mo man ngunit hindi na nabigyan ng pansin at tuluyan nang nawalan ng taglay
Tanong ng mga laruan mo na tuluyan nang nakalimutan at hindi na nabigyan ng hanay
Kung ang mga laruan mo ay makakapagsalita, ano kaya ang sasabihin nila sa’yo?
“Kaibigan, naalala mo pa ba noong tayo’y magkasamaa? Noong ako at ikaw lang ang natatanging tao sa mundong ating tinatayuan. Noong araw araw pag uwi mo galing sa paaralan ay hahanapin mo agad ako at kakausapin. Hindi napapansin na ako ay pinaglalaruan mo lamang. At iyon ang natatanging silbi ko. Isang laruang posibleng mapalitan pag nakahanap ng katapat na mas karapat dapat… Masakit maging laruan.”
Siguro nga hindi nakapagsasalita ang mga laruan. At iyon ang tanging rason kung bakit sila naimbento; para magsilbing panlibang sa mga naiinip. Pagdating ng panahon ay itinakda silang ipamigay o kaya nama’y kalimutan na at itabi sa isang madilim na kahon ng walang hanggan.
Ang mga laruang minsann nang itinakda na maging panangga sa kainipan. Masakit maging laruan.
Pero bakit ako na hindi laruan ay napapatanong na rin? “Naaalala mo pa ba ako?” Kasi minsan nagtataka na ako kung pumapasok pa ba ako sa isip mo. Tuluyan na ba akong nawalan ng taglay na hindi mo na ako maihanay sa oras **** mamahalin? Alam ko na hindi ako itinakda na maging panangga sa kainipan pero bakit ganoon na ang aking nararamdaman? Tuluyan na nga bang nakalimutan? Ako na natatanging andyan tuwing ika’y nangangailangan, ngayon naging laruan na di man lang masulyapan.
Masakit maging laruan
Masakit mapaglaruan
Masakit na gumawa ng sakripisyo kung hindi mo rin naman ito bibigyan ng pakinabang. Kung magsisilbi lang ako na libangan tuwing iyong kailangan. Mahirap umasa sa mga bagay na matagal nang hindi nagpapakita. Pero kahit na minsa’y napapatanong narin ako… Nagbubulag-bulagan ako dahil… Mahal kita
Mahal kita kahit na matagal mo na akong itinambak sa kahon kasama ang mga papeles na mayroong mga walang saysay na salitang nakalimbag.
Mahal kita kahit na ginawa mo akong laruan sa panahon na ika’y nangangaliangan.
Mahal kita kahit na ni isang sulyap ay hindi mo ko mabigyan.
Mahal kita kahit masakit na.
Pero minsan, napapatanong na rin ako;
Naaalala mo pa ba ako?
Dec 17, 2016
Dec 17, 2016 at 9:18 AM UTC
Ngayon ang araw na ang tagsibol ay naging taglagas
Nagmistulang mga banderitas na may kani-kaniyang pahiwatig
Ang mga balitang may madalamhating panimula.
At kung ito nga ang katapusan ng isang mandirigma
Sa kahon at sa lilim ng Malacanang,
Ay dito ko rin nais magsimula ng aking pagtaya.
Ginuguhit ko sa aking isipan
Ang paulit-ulit na malalaking tuldok
At ang kani-kanilang dugtugngan
Na tila ba hindi lamang sila kabahagi ng kabuuan
Ngunit ang kanilang kabuuan ay sya ring kabahagi
Sa pinagtagpi-tagping mga kalahok ng kasaysayan.
Natatandaan ko pa noong elementarya,
At sa tuwing bubuksan ang aklat ng nakaraan
Ay tila magiging mga itak na matutulis ang mga pahina nito
At sabay-sabay na susugod at lulusob
Na para bang mga manlalayag sa panibagong misyon nito.
At kahit pa, kahit pa gustuhin ko mang manatili
Ang mga imahe sa realidad
Ay wala naman akong kakayahan
Para pigilan ang tadhana sa pagkitil
Ng kanilang mga pinaglumaang orasan.
Ngunit sigurado akong ang mga mukhang nililok ng panahon
Ay magiging katulad din ilang pahinang ipinapangkalakal
At doon sila'y magpapatuloy ng panibagong yugto
Ng mga kwentong hindi man maiukit sa kasaysayan
Ay magsisilbi namang pamana
Sa henerasyong may iba nang ipinaglalaban.
Hindi man ito ang sinasambit kong katapusan
Ngunit sa pagitan ng magkaibang panig at paniniwala
Ay balang araw itong maisasara na may iisa ng pamagat.
At marahil bukas o sa makalawa'y
Sabay-sabay din tayong magbunyi
Sa umagang hindi na lulubog pa magpakailanman.
Jun 26, 2021
Jun 26, 2021 at 12:53 AM UTC
mahal, kailan ka huling ngumiti?
ngiting tunay at hindi pinilit,
mahal, kailan ka huling tumawa?
tawang kay lakas at nakakahawa.
mahal, alam kong mabigat na naman
mabigat muli ang iyong nararamdaman,
sa araw-araw hinihiling **** sana'y gumaan
hindi mo alam kung gaano mo pa katagal makakayanan.
mahal, narito ako sasamahan kita,
'wag nang matakot pa, hindi ka na nag-iisa
ako'y magsisilbi **** pahinga,
ako ang s'yang magiging tahanan,
kaya mahal, tumahan na.
Oct 3, 2021
Oct 3, 2021 at 8:33 AM UTC
Nangungusap ang mga mata
Kasabay ng paglagas ng mga utal-utal na salita
Walang kuwit, walang tuldok
Pilit na binubuksan ang mga pusong nililok ng galit at tampo,
Walang katapusan ang kani-kanilang mga pangungusap.
Nababalot tayo ng hiwaga
At ang ating mga puso'y napupuno ng mga lasong
Sinulsi ng kirot ng kahapon.
Lumipas na --
Nilipasan na tayo ng ilang mga umaga
Napuno na tayo ng mga agiw sa paghihintay.
Iniisip natin sa kung papaanong paraan ba
Maihahayag ang mga palamuti sa ating imahinasyon.
Paano ba natin masasabayan ang lumalagablab na galit?
Na ibinubuhos sa atin gaya ng may kumukulong tubig sa takure.
Paano nga ba tayo mananataling walang pakiramdam
Hanggang matapos ang delubyo ng poot at paghihiganti?
Umiiwas tayo sa hanging mapanakit
Ngunit tila ba hinahabol tayo kahit tayo'y nakapikit na.
Walang hikbi at walang kamalay-malay tayong minamanipula
Ng mga pagkakataong tumutukso na tayo'y talunan na.
Ngunit sa lahat-lahat ng mga ito'y
Pipiliin nating tumayo pa rin
Bitbit ang ating mga bandila
At kahit pa sa ating pananahimik
Ay kusang sisigaw ang mga tala para sa atin
At mas magliliwanag pa ang mga ito.
Ang mga makakapal na ulap
Ay makakaya na nating hawiin
At magsisilbi itong palatandaan
Na tayo'y hindi magpapalupig
Sa dikta ng tadhana at panahon.
Pipiliin pa rin nating maging tama
At ang lahat ng mga pasakit ng nakaraan
Ay magsisilbing pabaon natin
Sa kinabukasang henerasyon.
Kaya ko, kaya mo --
Kakayanin natin,
Kaya natin, kasama ang Panginoon!
Aug 10, 2021
Aug 10, 2021 at 10:39 PM UTC
Sa mga gabing tahimik kinakausap ko ang iyong natatanging larawan at sa aming paguusapan na
i-kwento ko sa kanya ang aking nararamdaman mga lihim at mga masasaya nating mga ala-ala dahil sa paraang ito alam kung papakinggan mo ang aking mga tugon at mga panalangin
ngunit bakit sa tuwing Hawak ko ang nag iisa **** larawan napakaraming "Bakit" na gumagambala, mga tanong na naghahanap parin ng kasagutan sa aking isipan.
At kung sakali man na masagot ang aking mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Kung sakali man na mapakinggan ang aking nga tugon at mga panalangin sana handa kana sa mga hamon ng buhay at Higit sa lahat sana handa kana sa nabuo nating pagmamahalan. At wag kang magaalala maniwala ka na "Mahal kita". Dahil kung mahulog man lahat ang mga bulalakaw sa kalawakan hinding hindo ako hihinto sa paghiling. At kung hindi na lumiliwanag ang buwan at ang mga bituin ako ang magsisilbi **** liwanag sa gabing madilim at sa gabing ikaw ay nag iisa. Hindi ako magsasawang ipaalala sayo kung gaano ka kaganda hindi ako titigil sa pagsabi sayo na mahal kita kahit na sa bawat pagbanggit ko sa mga salitang ito ay sakit ang naaalala mo. Ngunit pasensya na kung hanggang salita nalang ako sa nag iisa at natatangi **** larawan na hawak hawak ko ngayon at hindi na kayang hawakan pa ng nagdurugo kung mga kamay
Jul 17, 2018
Jul 17, 2018 at 10:21 AM UTC
Sinabi ko na sa lahat ng dilim ako ang magsisilbi sa’yong buwan
Buwan na magbibigay ng liwanag sa malulungkot **** gabi
Gabi kung saan ikaw ay pagmamasdan kahit ano’ng mangyari
Mangyaring hindi ako mawawala dahil mananatili sa’yong tabi.
Ngunit kahit ako ang buwan mas pinili mo ang araw
Araw na gusto mo dahil sa liwanag niyang hindi ko kayang ibigay
Ibigay ang kakayahan niyang takpan lahat ng itim sa kapaligiran
Kapaligirang nagbibigay buhay sa mata **** mapupungay.
Alam ko na sa bawat pagpikit na gawin ng iyong mga mata
Mga mata na habang nakatingala sa aking mumunting liwanag
Liwanag na saksi sa paggalaw ng iyong labi kasunod ang mga salita
Salita na dumurog sa akin tulad ng mga bituin.
Apr 22, 2021
Apr 22, 2021 at 9:48 AM UTC