Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Nov 2017
kagabi isang kagaguhan
na naman ang namagitan
may yelo ang puswelo
may adobong pato
na nakalagay sa plato
mabuti na lang at walang bato
na dala itong si Nato
panay ang tagay nitong si Egay
baso'y winawagayway
parang hindi nangangalay
tapos dumaan si Inday
buhok n'ya ay nakalugay
nagpatuloy ang tagayan
hanggang madaling-araw
ang bote nakatayo pa
pero ako bagsak na
hindi ko na namalayan
nang ako'y manlupaypay
at nawalan ng malay
nalunod ako sa bula ng serbesa
nahilo sa usok ng sigarilyo
kaninang umaga akoy lulugo-lugo
matapos ang isang gabing kagaguhan
Louise Feb 14
Minsan, may kaibigang nagsabi sa akin,
“Mas mabuti talaga ‘pag
nilalabanan ang sakit.”
Taon ang lumipas, sinabi rin ng kaibigan,
“Minsan mas mabuti na lang
pag nilalabanan ang pagmamahal.”
Hindi niya sinambit, hindi ng kanyang labi,
ngunit alam ko rin naman ang kanyang ibig.
Hindi ito pangangamba o pag-aatubili,
sadyang kanyang dibdib ay hindi ko kabig.
Bakit tila ganito ngayon ang radyo?
Walang awit, tanging tinig.
Bakit iba yata ang ihip at pihit nito?
Walang tugtog, ngunit ang sambit;
“Mabuti na rin pala
na hindi ko nakita ang iyong mukha.”
Walang kulog, ngunit may awit;
“Maigi na rin yata na ako na
ang bagong paksa ng luksa.”
💗 Valentine’s day 2025 edition 💗
2/3 💌💌
solEmn oaSis Sep 2024
Ganito Ang talento ng tinaguriang gagamba,
Ang Sabi ng iba Sila ay kakaiba
dahil nga sadyang
Ganyan Sila kahit
Hindi nasa manila.
Nag - aabang lang ng bibisita
Kahit nga ba bibihira
Ang may maggala
ay tiyak maaantala
Kapag napadpad sa animo'y ala bang tahanan na tahasang walang hagdan
Ngunit kabit-kabit eh
Ang kawit ng madidikit na bahagdan ng bawat hiblang malagu na.
Ni Ang hari ng kagubatan ay di siya nais magambala

Malaglag man sa Muntinlupa
Kagyat Silang ia-Angat Dami man ng hadlang,
tutulay lamang
Ang gagamba gamit Ang
sapot at mga galamay...
Ganon pa man Bigte man Ang  pagtanaw ng Leon at tigre sa maliit na nilalang ...
Naka- Tungko lamang Ang kanilang matalim na pangil at angil
pagkat sa loob-loob nitong mababangis at hayok sa laman
ay mapag aalaman---
Ano nga naman
Ang kanilang mahihita
na Karne sa naglalambiting mga galamay
Wika nga sa payo ng dayo
Tinawag Silang Gagamba
sapagkat Ang sino Mang tao
sa kanya'y gagambala
Walang dudang mapapatingala
muna bago yumuko

Mabuti pa daw Ang mangilag
na Lang Sila sa maliliit na nilalang
O di kaya'y maige pa mangilog at magbaka sakali dun sa may Sapang Palay magawi at nang mapawi Ang Kalam at uhaw sa may kawayan .

Sabi naman ng iilan mabuti pa Ang dalanghita mula pa sa pagkabubot nito Hanggang sa maubod na nga sa pagkahinog ay masasabi na talaga namang may asim pa .
Lalo na para sa mga nagda
dalang-tao na minamatamis
ang pangangasim ay iyon ang prutas na ipanlulutas sa kanilang pananaghili .

Sa madaling salita
Ang magaling na Balita
Kakailanganin pa Ang pakpak
Kahit pa mag taingang-
kawali Ang lupa...
Dahil Ang tinutukoy ko sa aking pamagat ay walang iba kundi Ako !
At Ang munting Gagamba Ang siyang maituturing Kong Dambuhala

Kaya nga Ang paniniwalang imbes
trabaho Ang siyang lalapit sa akin...
Yaong mga sapot na bahay Ang
siyang dapat Kong hagilapin...
Kasi nga Ang mga spider web kung tawagin sa ingles...
Ay Ang siyang Lunas na walang dahas upang maging Isa sa kanila !
Silang mga empleyado na dati rin namang Isang sawi
Hanggang Ang mga hain na pain
sa magiging bitag na hayag
ay may kaakibat na kabalikat
Upang mapagtagumpayan Ang mapusok na pagsubok...
Nang sa gayon ay matupad Ang layon niya sa kaniyang mga kanayon na ...
Maging Isang sakdal
sa pagiging kambal
ng papremyo at Tropeyo !
Habang ninamnam
nang mainam
Ang pakiramdam
ng Isang uhaw at Kalam
kahit lumabag pang magpaalam
sa lahat ng nais niyang mahiram
...ay daglian namang mapaparam
Itong Nag-Alab Kong liyab
Mula pa sa dating pasaring
Hanggang mahirang
na Isang....
wagi
Bella Feb 2018
Sa mga oras na lumipas, nasayang at nawala
Mabuti siguro kung di na natin ito ikabahala
Madami mang ala-ala
Unti-unting nauuwi sa wala
Gusto ko tanongin kung bakit
Kaylangan ba talaga maging ganito kasakit?
Kaya ko bang maging masaya?
Kaya ba kita makitang malaya?
Ang inakala nating walang hangganan
Mauuwi din pala sa iwanan
Salamat sa ka-onting oras nating pagsasama
Kahit ganon ang pagmamahal mo ay aking nadama
Sana di mo ako sinaktan
Dahil kahit anong pilit ko di na pwede ipaglaban
At sa mga araw na lumipas
Ang pagibig ay di padin kumu-kumupas
Siguro nga tama na....
Paalam kasi.... tapos na.
shy soriano Mar 2019
Una kang makita ang puso  ko'y mayroong ibang naramdaman.
Naramdaman kung tumibok muli ang puso kong ito sa isang taong Hindi ko lubusang Kilala. Hindi ko aakalain tatamaan sayo dahil isa ako sa mga taong Hindi naniniwala sa " love at first sight " Ngunit ng Ika'y nasisilayan sa pang araw-araw hindi ko namalayang nahuhulog na pala sayo ng lubusan sa mga Matatamis **** ngiti sa maaliwalas **** mukha di nakakapag takang nabihag mo ang puso ko. Unay nahihiyang lumapit sayo nakuntento sa palihim na pag sulyap .Hanggang sa nag ka lakas ng loob na ika'y kausapin at doon na nga nag umpisa sa wakas ikaw at ako'y mag kaibigan na  lalo akong Humanga sa taglay **** kabaitan kaya't di napigilan sabihin sayo ang aking nararamdaman Labis ang kaba sa pagkat ako'y natatakot  aminin sayo ang aking pagtingin sapagkat baka ako'y iyong iwasan. Pero nanaig pa din ang kagustohang aminin sayo ang nararamdaman Ika nga "Mas mabuti ng sinubukan kisa sa hindi "  Salamat at dika lumayo salamat at di ka nag bago salamat sa mga panahong masaya ako kausap ka  sa mga biruang halos umiyak na sa kakatawa itong mga ala-alang binuo nating dalawa akin  dadalhin  salamat hanggang sa muli nating pag kikita Mahal kong kaibigan.
#Pagmamahal #Pagsubok #inspirasyon #ala-ala
JOJO C PINCA Nov 2017
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
isang araw hahabulin mo ang 'yong hininga,
pero sa tulin nito hindi mo s'ya aabutan.
magdidilim ang iyong paligid
magsasarado ang iyong mga mata
at hindi kana kailanman gagalaw.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
mabubura ang lahat ng iyong ala-ala,
mabuti man o masama lahat mawawala.
kahit ang panaghoy ng naglalamay
na saiyo'y nagmamahal hindi mo na
madidinig lahat maglalaho.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
maganda man o panget ang iyong
mukha't katawan sa bandang huli
kakainin lang ito ng mga bulate.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
kahit nasa taas ka ay h'wag magmataas
pagkat sa huling hantungan sa lupa'ng
tapakan ka rin mababaon.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
isang singaw sa ibabaw ng lupa,
isang bulalakaw sa kalawakan
isang bula na nakalutang sa sabaw
at isang kisapmata sa libong pangitain.
Amelia Feb 2021
Kumusta?
Kukumustahin pa ba?
Hihintayin ka ba?
Meron pa ba?
Nasa akin ba?

Respeto.
Sa gagawing mga desisiyon
Sa bawat saya at lungkot
Sa lahat ng sumulpot
Sa ikabubuti o ikalulugmok

Hahayaan kita!
Maghilom ang mga sugat
Mapagod kakukwento’t kakahalungkat
Maghanap ng ikaliligayang tapat
Matagpuan ang sarili, maging sapat

Maaaring
Magkatagpung muli bilang magkaibigan
Magbalik sa dating nadaramang handa naman
Maging estranghero’t magkalimutan
Sa malayo masubaybayan.

Ako’y nandirito;
Sa dinami rami ng pwedeng mangyari
Dumaan man sa lubos na pighati
Alalahanin **** mabuti
Pag-isipan **** maigi

Kaya ko na..
Tanggapin, panindigan
Patawarin, kamtan
Harapin, sundan
Hanapin, malaman
Chop suey mind all the way
Ice Oct 2018
Pag buhay ka people keep on talking how useless you are as person. They don't realize your worth unless your dead. It's funny how we live in that kind of society. Kahit anong gawin mo or ipakita mo para patunayan na "you can do it" wala rin. That's why most of the people are trying to commit suicide, suffering from a depression and they think that they are alone. Kasi sa bahay pa lang nila wala na. Kaya umabot sa punto na once na Hindi nila kaya they come up to a decision na mahirap manggawin ay ginagawa nila para makatas sa kalungkutan. That's the time where they realize your worth like "Matulungin at saka mabuti naman yung taong yan."
MarieDee Dec 2019
Sa bawat agiw na nakikita
ay aking naaalala
ang mabuti nating pagsasama
noong tayo'y bata pa

Madalas **** sabihin sa akin
na ako'y iyong pakamamahalin
kahit anong bagyo ang dumating
pag-iibiga'y iyong sasagipin

Ngunit sa pagdaan ng panahon
tila ikaw'y nagbago
Ang pagtingin mo sa aki'y naglaho
na parang nillimot ang kahapon

Puso ko'y nagtaka
anong nangyari't pag-ibig ay nawala?
Ang dati nating pagmamahalan
mauuwi lang ba sa pagkakaibigan?

Tinanong sa sarili kung anong dahilan
at nawala ang ating pagmamahalan
Ako ba'y may pagkakamali?
iniwan mo ako't siya ang pinili

Hanggang ngayo'y umaasa
ang pusong iyong sinugatan
na kahit minsan ay maalala
kahit bilang isa na lang kaibigan

Heto nga at bumalik ka nga sa aking piling
ngunit pag-ibig mo'y naging malamig
At ngayo'y hinihiling
buksan muli ang aking pag-ibig

Ngunit sa pagdaan ng panahon
di ko pa rin malimot ang kahapon
Ang ating mga suyuan
sa panahon nang ating kabataan

Kahit na ako'y mayroong iba
puso ko'y hinahanap ka
Naririnig ko ang iyonh tinig at himig
parang inaalala ang ating nakaraang pag-ibig

Kailanma'y di ka malimot, aking giliw
hanggang ngayo'y sa'yo pa rin nababaliw
ang pusong kahit iyong sinugatan
narito pa rin at umaasang di mo iiwan
Maria Leslie Apr 5
You straighten my weakness inside.
You color the empty heart.

Your face is my hopes that I can start working again.
Your eyes is my dreams that I started to plan again.

My smiling rose
My spring, my joy, my sun
My river of wine, my heaven
My life, my being, my world
My sun of beauties
My friend, my secret, my jewel
My musk, my amber, my treasure, my love, my shining moon

You don't know how you changed my sad and dark heart into the world of happy and gave life and light.

You opened my heart and I let you in
You don't know how joy I am to see your eyes and your face
You don't know how you brightened my darkness

You woke up my sleeping heart
because of you I don't want to wake up again
if I lose you too I want to go back to sleep

You entered my dark and sick heart
in my feelings it seems like you are a sun
that is blazing with light
and I feel good to feel the warmth of your love
But if you are gone
it seems like everything has disappeared
like a storm
everything is destroyed
by the whip of feelings that
If love is too much it can separate us

Too much love is almost sacrifice my life.
I loved you so much that I would die loving you so much.

It would be better for me to die than to lose you
But to sacrifice my tears and sadness without you than to hurt you so much
Caused I can't be with you.

I love you but I choose to live.

How long will I wait
When will I see your eyes and smiles again
When will I see your light again

The light you brought to my life I will never see in anyone else because it is only from you
that I inherited this light in my mind and heart.

It’s happy today because your light is there
but tomorrow you'll leave me again
I'll cry again in the dark
I don't want to cry anymore
I'm tired of being sad
How can I be happy without you
You are the light and my sun.


******


"𝔸𝕟𝕘 𝔸𝕜𝕚𝕟𝕘 𝔸𝕣𝕒𝕨"

Itinutuwid mo ang aking kahinaan sa loob.
Kinulayan mo ang walang laman na puso.

Ang iyong mukha ang aking pag-asa na muli kong inspirasyon
Natagpuan ko sa iyong mga mata ang aking mga pangarap na muli kong sinimulan na mag Plano.

Ikaw ang nakangiti kong rosas
Ang Aking tagsibol,
aking kagalakan,
Ang aking araw
Ang Aking ilog ng alak,
aking langit
Ang aking buhay,
ang aking pagkamulat,
ang aking mundo
Ang aking araw ng mga kagandahan,
Ikaw ang kaibigan ko
Ang sikreto ko,
Ang hiyas ko
Ang mukha ng kinang ko
Ang kayamanan ko,
Ang mahal ko,
Ang bituin ng buwan sa lahat ng dilim

Hindi mo alam kung pano mo pinaligaya ang puso ko at binigyan ng buhay at liwanag ang malungkot at madilim kong mundo.

Binuksan mo ang puso ko
nagpapasok ako
Hindi mo alam kung gano ako kasaya ng makita ang mga mata mo
Ang image mo ang aking inspiration
Hindi mo alam kung pano mo niliwanagan ang aking kadiliman

Ginising mo ang natutulog kong puso
dahil sayo ayaw ko ng magising pa

kung mawawala ka rin pala sa akin gusto ko nalang bumalik ulit sa pag kakatulog

Pinasok mo ang madilim at may sakit kong puso
sa aking damdamin tila isa kang araw na nagliliyab sa liwanag
Ang sarap damhin ang init ng iyong pagmamahal
Ngunit kung mawawala ka
parang naglaho ang lahat
na tila ba naging isang bagyo ang lahat
nasira sa hagupit ng damdamin
na sobra kung magmahal na makakapag hiwalay sa atin

Sobra kung magmahal na halos ialay ang aking buhay.
Sobra kitang minahal na ikakamamatay ko ng labis na pag ibig ko sayo.

Mas mabuti pang mamatay kaysa mawala ka
nag sasakripisyo ako sa aking mga luha at lungkot na wala ka kaysa ang masaktan kita ng labis dahil hindi kita makasama.

Mahal kita pero pipiliin ko rin ang sarili.

Hanggang kailan ako maghihintay
Kailan ko ulit masisilayan ang iyong mga mata at mga ngiti
Kailan ko ba ulit makikita ang iyong liwanag
Ang liwanag na dala mo sa buhay ko hindi ko na makikita pa sa iba
dahil sayo lang ito namanang liwanag sa isip at puso ko.

Masaya nga ngayon dahil nanjan ang liwanag mo
pero bukas lilisanin mo na ulit ako
Paluluhain nanaman ako sa dilim
Ayaw ko ng umiyak
Napapagod na ako maging malungkot
Pano ba maging masaya na wala ka
Ikaw ang liwanag at ang aking araw.
Written: 9.11.2024
Prince Allival Mar 2021
Sana buhay pa rin ‘yung konsepto ng pagiging superhero nu’ng mga bata pa tayo.

‘Yung mga panahong masaya nating ginagaya si Superman o si Wonder Woman. Kunwari may kapangyarihan tayo at hangad nating makapagligtas ng mga tao. ‘Yung kaya nating buhatin ang mabibigat na bagay o ‘di kaya’y lumipad lagpas sa mga ulap.

Sana hindi ‘yun nawala.

Sana naniniwala pa rin tayo sa mahika, o sa himala, o sa mga pantasya na bumuo sa’ting pagkabata. Na kahit nadaragdagan ang mga taon sa buhay natin, hindi natin malimutan na tayo’y mga bayani sa’ting mga sarili —

Na nakakapagligtas pa rin tayo ng ibang tao sa pagiging mabuti, na kinakaya nating buhatin ang mabibigat na pagsubok at pighati, na kaya nating liparin ang mga pangarap nating mas mataas pa sa mga ulap.

Sana kahit kabisado na natin ang totoong mukha ng mundo, may bahagi pa rin ng pagiging bata sa’ting puso — mamangha pa rin tayo sa mga bagay, at kasabikan pa rin natin itong buhay.
Bella Jul 2019
Isa dalawa tatlo
Mag unahan tayo sa dulo
Kung May mahuhulog
Ay Walang sasalo
Apat Lima anim
Nagiiba na ang takbo ng mundo
Nahuhulog na yata ako sa iyo  
At Unti unti ko ng ginugustong sumuko
Sa laban na ito
Na nakakalito
Ano ba ako sayo?
Gusto ko yung totoo para habang papalapit pa Lang ay makakalayo na ako
Dahil habang lumalayo
Mas lalong lumalabo
Mas lalong nagiging komplikado
Mas lalong lumalamig ang pagtrato mo
Habang ako nakakapit sa mga Baka sakali ko
Natatakot ako
Dahil umpisa pa lamang ay atin ng idiniin
Na bawal mahulog
Dahil hanggang kaibigan lang tayo
Pito walo siyam
Nagiiba na ang ihip ng hangin
Mas lumilinaw na sa akin ang salitang magpakailan man ay Di ka na mapapasakin
Kaya ko pa ba?
Kasi yung taong gusto ko
May gusto ng iba
Kaya’t mas mabuti siguro kung ako’y lilisan
Lahat ng nararamdaman ay akin ng iiwan
Para nadin mawala ang mga “Baka sakali”
Na gumugulo sa isipan ko
Para nadin matauhan At matuto na ako
Sampu
Paalam
Ito ako ngayon sa harapan mo
Nagsasabing ako na’y susuko
Lumipas ang Mga Taon,
Sa sulyap ng isang mata,
Mga sandali ng kalungkutan,
At ang kagalakan ay lumipad.

Mga taong mahal ko,
Dumating na at wala na,
Ngunit hindi tumigil ang mundo,
At nagpatuloy kaming lahat.

Hindi madali ang buhay,
At ang mga pakikibaka ay naroon,
Napuno ng mga oras na mahalaga ito,
Mga panahong hindi ko lang pinansin.

Nakatayo ako sa sarili ko,
At natagpuan ko pa rin ang aking daan,
Sa ilang gabi na napuno ng luha,
At ang bukang-liwayway ng mga bagong araw.

At ngayon sa katandaan,
Ito ay naging napakalinaw,
Mga bagay na nalaman ko na mahalaga,
Hindi kaya kung bakit ako narito.

At kung gaano karaming mga bagay,
Na pinamamahalaang kong bumili,
Hindi kailanman kung ano ang gumawa sa akin,
Mas mabuti ang pakiramdam sa loob.

At ang mga pagkabahala at takot,
Ang araw na iyon ay sinaktan ako,
Sa katapusan ng lahat,
Gusto lang mawala.

Ngunit kung gaano ako nakaabot,
Sa iba kung kinakailangan,
Ay ang tunay na panukala,
Sa kung paano ako nagtagumpay.

At kung gaano ko ibinahagi,
Sa aking kaluluwa at puso,
Sa huli ay,
Ano ang naghiwalay sa akin.

At kung ano ang talagang mahalaga,
Ang aking opinyon ba sa akin,
At kung o hindi,
Ako ang pinakamahusay na maaari kong maging.

At gaano pa karaming kabaitan,
At mahal na maipakita ko,
Bago sabihin sa akin ng Panginoon,
Ito na ang oras ko.
Jun Lit Sep 2021
Pilit hinahabol ng gunting-pamugot
ang tanging dugsong na duguang pusod,
huminto’t tumigil, piniringang may-takot
ang pangalan ng saksi sa mga sagot -
pusod, di-makita, hila ng sanggol na supót,
nag-anyong kabayo, takbo nang takbo
ngunit di abutan, kawatang kangkarot,
akmang tatakas sa malupit na bangungot  
mabuti’t nag-iwan ng aklat, Gat Patnugot,
at tila ebanghelyong liwanag ang dulot -
kapag namulat ka’y mahahawi ang ulap at ulop
Kay sarap lumayang tila tsokolateng malambot.
Translation:

Nightmare

The scissors appeared running, relentlessly
after the bloodied umbilical cord - the only
remaining link, pausing, stopping worriedly
blindfolding the name of the witness to the answers –
the navel-umbilicus, concealed, trailing the infant
uncircumcised, disguised as a horse, galloping, trotting,
but unable to catch up, with the thieves running,
attempting to escape from this nightmare so dreadful
but the Hero Author-Editor luckily left a book, eventful
and like biblical epistles to the heathen, giving light
clearing clouds and fog as your eyes open bright.
How sweet it is to be free, like choco mallows delight.

Written as a response to San Anselmo Publications' Martial Law Weekend Poetry Challenge; inspired by an image depicting the book "The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos" by Primitivo Mijares, a scissor covering the name of the book's owner to whom the author wrote a dedication, a horse figurine and a chocolate marshmallow - all on a table in a corner of some room.
Gothboy Feb 2020
Hinayaan ang sariling anurin nang oras
Hinayaan ang puso mag hilom ang butas
Hinahayaan ko nalang sarili ko
wala din naman may pake
Paka hulog nalang sa bangin
paka lunod sa dagat
masakit iwan lamat
parang nag luhod sa asin

Gustong harapin ang problema
pero baka di pwedi
Ang problema kasi ang sarili

Lulutasin sana
Tatapusin sa isang bala

Inom nang lason sana isahaan akoy bulagta
ikakamatay palang lason yung lason na salita

Salitang binitawan
mga tao sa paligid
Di ko maiwasan
mga taong mapili

Mga perpekto
Gustong itama matagal nang tama
kunting mali mo lang
masakit na salita sayo tatama

Kaya mas mabuti pang patayin mabilisan saksak O baril sa mukha
kesa patayin dahan dahan sa masamang salita.
AMF Ardena Oct 2018
Para kang basura na hindi itinapon sa basurahan
Hindi mo alam kung irerecycle kpa ba o pababayaan na talaga
Mabuti pa yung basura na nasa tamang lalagyan
Alam nya na hanggang doon nalang
Ikaw na pinabayaan, binatawan kung saan
Walang maypakialam kung sino man ang dumaan
Umaasa ka paring pupulutin at gagamitin ngunit ang totooy ikaw ay sadya ng tinalikuran.
#trash #dumped #basura #pinabayaan
15 Kaylapit nang gumabi
Si Alyna ay pauwi

16 Tangan sa kamay niyang pareho
Mga uling sa sako

17 Tila pagdilim ng langit kaybilis
At ang babae’y nakarinig ng bungisngis

18 At sumambulat sa daraanan niya
Isang tiktik na nakatawa

19 Akma siyang dadaluhungin
Upang siya ay kainin

20 Mabuti nalang at sa ‘di kalayuan
Binatang si Birio sila’y nasulyapan

21 Kaagad siyang sumaklolo
Tiktik ay itinaboy palayo.

-07/16/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 171
Jamxsky Mar 12
Up
Pagod na 'kong humagilap,
Mabuti pa'y ibulong sa alitaptap,
Ang kompiyansang di mahanap,
Baka sakaling ito'y kumislap.
For those who are struggling to find inner confidence, just a reminder that you can find it along the process; always remember that as long as there is an open door for improvement, don't hesitate to enter.
Jasmine Jun 2024
nakita ko ang mga litrato mo kasama ang mga kaibigan mo
minsan napaisip ako kung bakit hindi mo ako kayang pagbigyan
kung bakit ayaw **** bumiyahe ng ilang kilometro papunta sa akin
at napag-isipan ko ng mabuti na tapos na pala tayo
nasa ibang pahina ka na kung saan hindi na kita maabot pa
kaya bakit bumalik ka pa kung iiwanan mo nanaman ako ulit?
Maligayang kaarawan "Happy Birthday to me"
Ihanda na ang pulutan, baso, yelo at empe
Imbitado ang lahat pati ang mga LGBT
Kahit walang pang regalo pwedi makipagparty
Pero bago ang inuman ay ating pagsaluhan
Ang masarap na pagkain dito sa hapag-kainan
Mayroon cake, palabok at macaroni salad
Lumpia at tinolang manok na may tanglad
Dahil minsan lang 'to sa isang taon dumaan
Kaya sulitin na ang handaan at kasiyahan
Habang sinasabayan ng birthday song sa videoke
Akin nang paputukin wine na nasa bote
Kinabukasan maraming platong huhugasan
Pero ang alak 'wag na nating ipagpaliban
Kung sa babae, disiotso ang debuhan
Pagsapit ng kinse, ako na ay twenty one

Ako'y bente uno na ang bilis ng panahon
Parang kailan lang ano? Dumedede sa tsupon
Gatas sa kahon 'pag madaling araw tinitimpla
At ang iniinom na gatas ay mula pa sa ina
Ako'y nag evolve sa itsura, boses at katawan
Ang manuod ng bold ay hindi maiiwasan
Uminom ng alak, magpausok ng sigarilyo,
Kumain, koljak, magmahal at magtrabaho
'Di na natin magagawa 'pag sa mundo tayo'y nawala
Kaya gawin ang nararapat habang may buhay pa
Kahit ang oras at buhay sa mundong ito'y mahalaga
'Di natin alam kung kailan tayo mawawala
Ako ang bida't kontrabida at tema sa aking kaarawan
At wala ng iba kaya diretso lang ang kantahan
'Di na mahalaga kung gaano kagara ang handaan
Mahalaga naidaos ng maayos at 'di nakalimutan

Sa paglipas ng panahon kasabay ng pagtanda
Oras at lakas na naipon unti-unting humihina
Ang dating mga kababata isa-isa nang nawawala
Pagbabagong nagaganap dapat laging handa
'Di maikakaila isa sa mga the best na okasyon
Ipagdiriwang ang kaarawan kahit saanman lokasyon
Tawid dagat ang pagitan kahit walang imbitasyon
Matikman lang ang pagkain iyon ang intensyon
'Di pa tapos ang misyon natira iyong balutin
Kasama ang kutsara sa loob ng pagkain
Lahat uuwing busog mula sa biyayang hinain
Mahalaga nakatikim kahit walang regalo sa akin
Madagdagan ng edad ay okay lang sa akin
Dahil hindi ko naman kaya itong harangin
Mabuti pa rin sa kapwa aking hangarin
Para sa buhay lagi tayong pagpalain

— The End —