Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Angel Tomas Sep 2015
Matagal na kitang kilala,
Matagal na kitang nakikita
Minsan nakatayo't paligoy-ligoy
Minsan nakaupo't para bang susuko.

Parati kitang naririnig,
Balita ko'y sikat ka
Minsan sa kababaihan,
Minsan sa iyong kababalaghan

Siguro hindi ko maintindihan
Bakit may kislap sa kanilang mata
At ngiting di maalis sa kanilang labi
Tuwing andyan ka

Kasi nga matagal na kitang kilala
Ilang buwan, taon na nga ba kita
Parating nakikitang nagmumuni-muni
Sa iyong sariling pangarap, alaala

Pero bakit hindi ata kita kilala?
Ako yata'y mali
Sa mga hinalang pasubali
At siguro'y nagbabakasakali

Bakit nga ba sila natutuwa sa'yo?
Bakit ka nga ba sikat sa kanila?
Bakit ganito ako ngayon?
At bakit ako nagsusulat ng isang tula,
Tungkol sa'yo?
Mga tanong sa isipan ko tuwing dumadaan ka dito.
Louise Oct 2016
Ang gabi ay hindi dapat maging kaibigan ng delubyo. Nangangambang baka sa isang sulok ay may nag-aabang na demonyo. O baka sa likod pa natin mismo.
Saksi ang dagat at bundok sa pananaghoy ng bagong umaga.
At sino ang hindi makakaamoy sa pagsabog ng mga tala?
At nasaan ang gabi, ang inaakalang tanging katuwang?
Kasiping ba ng mga pangarap para sa bayan na siya nang nilamon ng digmaan?
Lumuluha ang bawat lawa at nagtatanong ang mga talon; makakaahon pa ba ang nalunod na tuwa't pag-asa ng kahapon?
O baka ang tuwa ay siya na'ng hinigop ng langit. Pinagtatawanan na tayo ng langit!
Sa mga dugong dumanak at ang naglalakasang pagtatangis na tila ba isang bulong sa bingi, tama nga't hindi ko kaibigan ang gabi.
Ganid ang gabi, palaging uhaw at nasisidhi sa kasawian.
Ang ngalan ng may akda ng munting tula na ito ay "delubyo".
Paminsan minsan maaari nyo ring tawaging demonyo.
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, sa sulok ay hindi na magtatago. Haharap ako para tingnan ang bawat isa sa inyo sa mata. Sa dangal. Sa diwa. Sa puso. Sa dasal. At kakalabanin nyo dapat ako gamit ang mga ito... hanggang sa pag-usbong ng bagong umaga.

Pula, bughaw at dilaw laban sa kadiliman.
Nationalista
Hunyo May 2018
Alam mo ba may panahon akong gustong gusto kong
matutong magmahika, yung bang isang abracadabra
ko lang nandito kana. nandito ka. Hindi ko maipinta,
segundo, minuto, oras ikay gusto lagi kasama.

Alam mo ba napawow ako sa sobra **** ganda, kaso
natatakot ako na baka sa isang araw magmagic ka
at bigla ka nalang mawala na tila ba'y alabok at bula.

Syempre pangako sayo, hinding hindi ko hahayaan
na mawala ka, hahanapin kita kahit saan, mabisto lang
kita. Mahal, wag ng tumakas pa.
Dito ka nalang sa piling ko sinta. Pagmamahal ay buo,
di na makukulangan pa. Sayo'y wala ng hihigit pa.
Kaya wala ng paligoy ligoy pa, Mahal na kita.
Hango sa totoong istorya pero hindi kami mahikero't mahikera, tanungin ko na ba si crush kung pwedeng manligaw?
100921

Ilang beses pa ba tayong magpapaliguy-ligoy?
Pagkat sa pagitan ng paghahasik ng dilim
At sa pagsilang ng araw ay doon tayo magsisipag-sulpotan?

Hindi ba tayo mapapagod?
At hanggang kailan ba natin ito kayang ipagpatuloy?
Ganitong estado ng pamumuhay rin ba
Ang nais nating ipagmalaki't ipasa sa ating mga anak?

Pandemya nga lang ba?
O kahit hindi naman gipit
Ay ito na ang pamamaraan natin?
Kaninang madaling araw, may pumasok sa aming bakuran. Malakas ang buhos ng ulan kaya hindi ata namin namalayan. Wala man kayong nakuha ngayon, sana dumating kayo sa puntong hindi na maging madilim ang inyong mga paningin. Sana hindi mangyari sa inyo ang mga bagay na inyong kinasanayang gawin. Sana matuto rin kayong maging patas sa kabila ng hindi pagiging patas ng panahon. At tandan n'yo, hindi lang kayo ang hirap sa buhay.
Eugene Apr 2016
Tinitigan kita,
Mula ulo hanggang paa.
Sinulyapan mo ako,
Ng kakaibang pagnanasa.

Dumapo ang iyong kamay,
Sa aking katawa'y nananalaytay.
Nang labi ko'y dumantay,
Muntik ka nang mahimatay.

Mapusok, umaalab, nag-aapoy.
Bawat damdam'y hindi nagpaliguy-ligoy.
Ninamnam ang panandaliang kuryenteng dumaloy,
Hanggang sa tuluyan nang naglaro ng apoy.
Joe Feb 2020
Hanggang dito nalang.
Dito ko na tatapusin ang lahat
Ngunit ito palang ang aking panimula
Wala nang paligoy ligoy pa.

Ito na ang pagkakataon
Para masabi kong
Tapos na
Wala na
Suko na
Ayawan na

Hanggang dito nalang
Yung saya na meron tayo
Yung lungkot na siyang nagbunga kung bakit hanggang dito nalang
Yung sakit na pilit pinagagaling
Yung pusong durog, wasak at nanghihina, ngunit pilit pinalalakas

Hanggang dito nalang
Wala nang atrasan pa
Ito na ang huli
Wala nang balikan pa

Hanggang dito nalang
Lahat ng karanasan
Maganda man o hindi
Dito na magtatapos ang lahat

Hanggang dito nalang
Hindi na magpapaawat pa
Wala nang bawian
Wala na.

Hanggang dito nalang
Lahat ng sakit
Lahat ng poot
Lahat ng sugat
Sa puso
Tapos na.
Wala na
Suko na
Ayawan na
Dahil hanggang dito nalang.

— The End —