Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kinis" poems
Anak ng poocha naman o oh Sa lahat naman ng ayaw ko... Anigma pasubali...fliptopan ba'to Pooja' una pa lang pinagsabihan na kita, Pero ngayon... malamang magtanda ka na!!! Unang banat.. wala akong ganang mag ingles Nakakawalang galang ka! Hinde naman sa naiines Hinde na lang talaga kasi ako makatiis Sa pigura **** pagkakinis-kinis Kahit tuwalya wala ka man lang tapis Daig mo pa nakatihayang ipis Pasalamat ka walang pambura dala kong lapis Kundi aabutin ka sa 'kin ng walang humpay na daplis Sa patuwad **** nakalilis Landas ko'y nalilihis. Pangalawa..hinde pa ito ang huli... ayoko sanang maging arogante Sa lubot **** mala elepante... Ambot sa imo wag kang makampante Sa postura **** naka bra lang at panti Naturalmente 'pupusta pa ako ng mil bente Magsusumbong ka...magagalit ang mga higante mapapagbigkas ka sa iyong linguwahe 'lintek lang ang walang ganti Hinde ako intelehente... dati lang akong ahenteng galante. anong gusto mo diamante o brilyante hahaha!! nganga!,, parehas lang yun impertenente!!! Pangatlong banat, .... ito ang tutuo Pinoy Ako!!! Purong tagalog den ako... Pero kung iinglisen mo ako.. Then go ahead..english-san na 'to...ehheemmh,,, =Do you understand the word that coming out of my mouth You're some kindda liberated there in the south Don't sample me (huwag mo akong subukan) ...perhalps change me'''' (ibahin mo ako) YOU CAN NOT EYES ME ANYMORE!!! (hindi mo na ako kayang mata-matahin) i will "the rich zoo" you! ("diretso"-hin na kita)= Hey What's up Pooja Sweety? Nose bleed??? I don't care if i look scary To you i'm not being pity' Real talk''' ...i'm not heavy But you won't be able to carry This trash talk of my tongue full of messy Even your closest bessy In your ass..shall be freaky Mabuti pang nag selfie ka ng wacky !!!!! I'm sure .....you gonna be pretty!!!! Garantisado.....Madlang b-side...tuwa pa nila so plenty ......TIME ;)
0
Dec 13, 2015
Dec 13, 2015 at 6:25 AM UTC
Happy writing! (FlipTop audition) w/punch line

Continue reading...
52
ang huling pagkikita ay hindi mo man lang napansin. minsan kang nasilayan sa ilalim ng mga bituin. ilang buwan naghangad na ika'y makapiling; kailan ka kaya mapapasaakin? ang nais ko lang naman ay magkakilanlan - magkita, magka-usap, maging magkaibigan. limutin mo na ang iyong nakaraan, gawing ako ang iyong kanlungan. sa bawat gabi na ika'y pinapakinggan, pagsidhi ng damdamin ay 'di maungusan; sakit at pagod ay maiibsan kung hanggang sa pagtulog ay ikaw ang pinagmamasdan. pagmamasdan ang mga matang hapo, ang mga gitarang sira ang capo, ang amoy ng kape mula sa hininga mo, pati ang paghilik **** nasa tono. ang iyong damit na babad sa pawis, at ang iyong sapatos na kumikinang sa kinis; kung sa umaga'y bubungad ang ngiti **** kay tamis ay hindi ko kailanman gugustuhing umalis. at sa lahat-lahat ng kaya kong ilista, habang ang lapis sa papel ay nabubura na; sisimulan ko sa pangalan **** may pitong letra hanggang sa kung paano ka tumatawa. isusunod ko ang mga singsing sa iyong daliri, habang ang buhok mo'y hindi na mahawi. sa bawat galaw **** aking tinatangi, at ang ala-ala mo'y patuloy na mananatili pagkarupok ng puso ay lalong sumisidhi. kapag ika'y nakikita, kulang nalang ay tumili, maraming nagtataka kung bakit ikaw ang napili, ngunit mahal, alam kong hindi ako nagkamali. ang pagmamahal kong lubus-lubusan, tila apoy na sinilaban; sa'yo inialay ang bawat laban, ngunit umuuwi akong laging luhaan. kung gaano ko man gawing mahaba ang tulang ito, mayroong ibang nagsusulat para sa'yo. kahit ipilit ko pang gandahan ito - hindi ko matutumbasan ang gawa ng nanalo. at kahit magbilang pa ako ng bawat patak ng ulan, na maaari namang bilangin nalang kung ilang beses akong luhaan; dahil sa katotohanang hindi ako ang lulan ng puso **** kay sarap sanang gawing tahanan. oo, alam ko. hindi ako nagkamali. dahil patuloy akong magmamahal kahit sa iba pa ako maitali; patuloy kitang sisintahin sa bawat gabi na ika'y natatanaw mula sa aking mga hikbi. aking sinta, ikaw ang aking mundo, mabura man ng hangin itong monologo, mabaliktad man ito ay hindi magbabago, at kung mangyari'y sana'y ako na ang iyo.
0
Feb 22, 2018
Feb 22, 2018 at 6:14 AM UTC
pitong letra

nakaw lang ang mga sandali ngunit tayo'y nakangiti kahit hindi ma'y magkatabi sa puso ko ika'y mananatili sa iyong buhok na manipis, sa balat **** kay kinis ang iyong tangkad na hindi labis at ang iyong nakakabighaning ngiti sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang gaya mo, walang maihahambing sa aking huwad na buhay, isang ikaw ang dumating kinulayan ang aking buhay, isang kang luningning ngunit ang tadhana nati'y hinatulan emosyon ko'y hindi napigilan ako'y nawala, sa ere ika'y binitawan lubos na nagsisisi, ba't ka nga ba pinakawalan? sa mga panahong lumipas ilang beses mo na akong binigyan ng tsansa ngunit sa sarili' ako'y nagdududa na baka maulit ang aking mga nagawa sa panahong ika'y muling mahagkan buo na'ng puso't isipan ika'y hindi sasaktan't iiwanan ngunit ang kapatawaran mo ba'y aking matatamasan? nawa'y sa aking paghilom, ay nariyan ka pa hihintayin kita't tayo'y magsisimula mapaglarong tadhana ginawa tayong taya nawa'y tayong dalawa ay tuluyang makawala
0
Jan 2, 2022
Jan 2, 2022 at 10:58 AM UTC
Untitled
Ulap sa lupa ang maputlang buhok Sing kinang ng pilak, sing pilak ng usok Isang obra maestrang handog ng Panginoon Sagisag ng nakalipas na halos isang daang taon Sa balat malinaw ang mga lumipas na panahon Tigib sa pinong linya at kulubot Sa mukha nama’y walang kolorete, alahas o pulbos Kasing kinis ng balat ng masintahing musmos Sa mga mata’y nakalubog ang karanasan at karunungan Naipon ng mga pagkakamaling pinagdaanan At ang mga tala sa langit, bumababa sa lupa Napunta ang kinang sa mga matang minsan nang lumuha Ang gaspang ng buhangin sa palad ay ipinasa Marka ng walang katapusang pag-aalaga Sa kanilang buhay ay alumpihit, pagod Upang tayo ay mabuhay ng malugod. Lahat ng sugat, pagod, galos, at kulubot Ito’y pagmamahal ni inay na walang pag-iimbot Sana’y maunawaan mo ang nakikita ko Sa puting buhok at gaspang ng palad kagandahan ay totoo
0
May 9, 2019
May 9, 2019 at 12:12 PM UTC
Sa Kagandanhan ng Puting Buhok
Maganda ka, walang pinipiling oras, araw at panahon. Kariktan mo'y patuloy sa pagkinang sa gitna ng kanilang mga alinlangan, matalim na mga tingin bitbit ang panghuhusgang natatakpan ng pagkabulag sa tunay na kahulugan ng kagandahan. Mga katagang nararapat sa iyo, maganda ka! walang naman, minsan at dahilan. Tuwirang pagsambit ng maganda ka at walang pagdadalawang-isip, sa kabila ng iyong kulay, hugis, taas, tuwid, kinis at iba pang basehan ng gandang naglipana, na inaakalang tunay na depinisyon ng ganda. Maganda ka, higit pa sa mga araw na pakiramdam mo ay may mali sa iyo at kulang ka. Mas pinaganda ka ng iyong mga kakulangan, mas binigyan ng kulay at nadepina ang tunay na kahulugan ng ganda sa iyong mga mata, sa tuwing pinapaulanan ka ng kanilang mga salita'y hindi ka nagpatinag. Maganda ka, dahil ikaw ay ikaw. Hindi sukatan ang paningin at bibig ng kung sino man.
0
Sep 6, 2021
Sep 6, 2021 at 9:53 AM UTC
Maganda ka
Magising ka sa ganda ng umaga ba Pero babe, mas maganda ka parin, Tara kain gud tayo, kainin ko yang ngabil mo at inumin ko katas mo, At kung gutom ka rin, pwede mo man kainin tung pandesal ko, kung gusto mo samahan mo na rin konti ng bear brand ko, Labas tayo mamaya, ang kinis ng ulap pero mas kinis man kamay mo babe oy, Gusto ko tikman talaga ba yung mala marshmallow mo gung kutis, Pero, hintay muna tayo ha hindi paman gud lunch, Pag alas dose na ay pwede na kita kainin ay este pwede na tayo kumain, Ano gusto mo kainin? Yung mga egg meal o yung akin? San rin tayo magkain? Sa lamesa or sa bed natin? Mahirap man mag pili babe oy Gusto ko sa sala pero bad man gud ba, Di man gud yan tinuro nila mama Dapat man daw na kainin kita sa lamesa, Baka gusto mo dessert? Busog ka na ba babe? Baka pwede na tanggalin yang skirt? Naka feel pa kasi ako ng crave, Kain tayo ng pina sosyal-sosyal sa dinner Yung may pa wine-wine tayo, Yan lang gud kailangan natin Basta bukas ha ikaw naman ang cleaner.
0
Sep 6, 2018
Sep 6, 2018 at 10:56 PM UTC
Course Meal