Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"iniyakan" poems
Mahal, Naalala mo pa ba yung mga panahon na puro ngiti at saya? Mga araw na puno ng kwentuhan, asaran at tawanan Na hindi ko malaman Kung saan nanggaling ang mga iyan Naalala mo pa ba kung paano ko lagyan ng ngiti ang iyong mga labi At tila nilagyan ng bituin ang iyong mga mata? Naalala mo pa ba kung paano mo sinabi sa akin na gusto mo ako? Tila hindi ka pa nga sigurado sa nadarama mo Naalala mo pa ba nung tinanong mo ako kung pwede bang manligaw? Tila nanlumo ka pa nga sa sagot ko. At hindi nagtagal, ay unti unti mo din binitawan ang salitang “Mahal kita. Mahal na mahal kita” Dahil ako? Naalala ko pa Naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala Kung paano sinabi sa akin ng kaibigan mo, na gusto mo ako Kung paano mismo nanggaling sa bibig mo, na gusto mo nga ako Kung paano ko binigkas ang salitang “Mahal din kita” Kung paano mo unti unting binabawi ang salitang “Mahal kita” Dahil sabi mo, Sabi mo pagod ka na, ayaw mo na, sawa ka na Kung paano ako nagpakatanga, habang tinutulak ka sa babaeng gusto mo Habang sinasabing “Kung saan ka masaya, duon ako Kahit masakit, kakayanin ko” At naalala ko pa, kung paano mo sinabing “Patawad, mahal pa din kita.” Tinanggap kita. Tinanggap ko lahat ng eksplenasyon at rason mo. Lahat lahat, kahit ilang beses kong narinig na ang tanga ko Dahil tinanggap kita, pero masisisi ba nila ako? Masisisi ba nila ako kung mahal pa din kita? Masisisi ba nila ako kung patuloy pa din akong umaasa na babalik yung tayo? Hindi naman diba? Kasi unang una sa lahat, hindi sila yung nagmahal Hindi sila yung sinaktan at iniwan Ilang gabi akong umiyak Ilang gabi kong iniyakan ang paulit ulit na dahilan Ilang beses akong nagpakatanga sa paulit ulit na rason Ilang beses akong tinanong kung kaya ko pa ba? Kung masaya pa ba ako? Kung pagod na ba ako? Hanggang saan yung kaya ko? At duon ko natagpuan Duon ko natagpuan ang sarili ko Namamahinga sa pagitan ng “Mahal kita” at “Pagod na ako” Pero mahal, masisisi mo ba ako kapag sinabi kong pagod na ako? Masisisi mo ba ako kung sinabi ko sayong gusto kong magpahinga habang minamahal mo? Kung ang gusto ko lang ay ipadama mo ulit sa akin ang nadarama mo? Kung ang gusto ko lang kalimutan ang sakit na dinulot mo? Kung pagod na ako kakaisip sa salitang “kayo”? Kung pagod na ako kakaiyak dahil parang siya pa din ang gusto mo? Kung lagi kong naiisip na baka kaya mo ako binalikan, dahil hindi ka niya gusto? Mahal, wag **** iisipin na ayoko na sayo Wag **** iisipin na kaya ko gustong magpahinga dahil pagod na ako Dahil tulad ng sabi mo, kung pagod na ako, magpahinga ako Kasi mahal, gusto kong magpahinga Para muling madama ang init ng pagibig Na tila ba sa akin ay iyong ipinagkait Muling masulyapan ang mga matang Tila ba hinahanap ako sa libo libong tao Mahal, patawad. Mahal kita, pero pagod na ako Pero hindi ibigsabihin nito ay palayain mo ako Ibig kong sabihin, ipaglaban mo naman ako. Ipaglaban mo naman ako, dahil pagod na ako.
0
Oct 14, 2017
Oct 14, 2017 at 7:54 AM UTC
Mahal kita, pero pagod na ako

Continue reading...
62
Bawat hakbang ko papalayo, parang pasan ko ang mundo, ang bigat ng aking mga paa, at hirap na hirap sa paghinga. Tsaka sumabay ang buhos ng ulan, na parang walang katapusan, sa mga luhang pilit binabalikan ang mga alaalang iniyakan. Pero kailangan ipagpatuloy at sumabay sa daloy ng panahon para maka ahon sa lumulubog na kahapon. At sa muling pagsikat ng araw, handa na ring bumitaw sa mga alaalang pinapasan na akala koy walang hanggan pero yun pala may katapusan.
0
Jul 22, 2018
Jul 22, 2018 at 9:52 AM UTC
Lakad Matatag!
Sa ating pagsakay, tayo'y magkahawak kamay walang bumibitaw, kahit tayo'y psrehong malumbay sa ating pag upo, ika'y hindi nagkasya ako'y nag pa ubaya, upang ika'y lumigaya tayo'y nagkaroon ng tampuhan, na sadyang hindi maiiwasan pareho nating iniyakan, ang ating mga kamalian sa paglipas ng panahon, tila ika'y pinanghihinaan ika'y walang bukang bibig, kundi ang aking mga kamaliang hindi naman ibig Gusto mang magpatuloy, ngunit mukhang hindi na muling liliyab ang apoy Ayaw mang sumuko, ngunit mas ayaw kong ika'y mapako Tama na, ang iyong isinigaw Ayoko na, ang iyong huling hirit Ang iyong mahal kita, ay napalitan ng ayaw ko na Ang ating sumapaan, ay napunta sa wala Para po, hangang dito nalang kami Para po, kami'y hindi na uusad pa Para po.
0
Feb 12, 2017
Feb 12, 2017 at 9:59 AM UTC
Para Po
Ayaw ko sabihin sa'yo itong nararamdaman ko Ayoko magtanong kasi takot ako sa iyong sagot na hahantong sa iyak na pabulong Ayoko magalit kasi ang sitwasyong ito ay paulit-ulit Pero ayoko rin na iniisip mo pa siya Nakaka-insecure kaya Ayoko na ikukumpara ang sarili sa kanya kasi tang-ina ang perpekto niya Ayoko sana magbahagi ng tula pero ito ang paraan maipalabas ang nadarama A aminin ko, masakit Y ung tipong dahan-dahan umaagos ang luha O o, iniyakan ko na naman ito K aya ayoko na sanang malaman mo O kay lang, kasi palaging "okay" naman ako.
0
Dec 20, 2020
Dec 20, 2020 at 7:57 AM UTC
AYOKO
Gusto kita. Sa mga oras na ito Pero hindi sa mga susunod, Maaaring mahalin na kita O pwede ring may iba na ulit akong gusto. Magulo ako, Oo alam ko Pasensya kana kung ganito ako 'Di ko ito ginusto Takot lang ako sa nararamdaman ko Nais ko lang na maging handa. Maging handa sa Panibagong sakit at kirot Na maaari kong maranasan muli Pag nagmahal ako Pero kung sakaling lumalim ang pagtingin ko sa iyo At ika'y aking mahalin Sana 'di pa huli Hindi pa huli ang lahat Dahil ayokong magsisi sa huli. Alam ko na darating ang oras Oras na mapapagod ka, Susuko ka, maghahanap na Ng iba. Ngunit sa kabila ng mga oras na iyon Umaasa akong babalik ka Kahit imposible na. Ilang beses kitang nasaktan Umiyak ka, Iniyakan mo ako. Ang swerte ko. Pero ang tanga ko. Sa haba ng panahon Naghintay ka, Umaasang maging posible Yung mga bagay na imposible Ilang araw, linggo, buwan at taon pa Ang kaya mo? Ayokong dumating ang panahon Na magsawa ka at mapagod ka Pero ayoko din maging makasarili Malaya ako, Malaya ka. Ngunit, Sino ako para pagbawalan ka? Pagbawalan ka na 'wag kang mapagod. Sino ako para saktan ka? Sino ako para mahalin mo ng sobra? Isa ako sa mga taong maswerte Ang swerte ko dahil, may nagmamahal sa'kin. At hindi ko na kailangan manlimos ng pagmamahal sa iba Dahil ibinigay mo na ang lahat. Sobra sobra pa. Gusto kita noon Pati narin ngayon. Ayokong mahulog sayo Kaya pinipigilan ko. Hindi ka mahirap mahalin Pero natatakot ako. Bigyan mo lang ako ng konti pang panahon. Kung kaya mo pa. Konti pang panahon, Para maging handa at Maging buo yung nadurog kong puso noon. Sana lang di pa huli ang lahat. Sa panahon na ako ay handa na. At sa oras na mahal na kita.
0
Feb 5, 2020
Feb 5, 2020 at 3:02 AM UTC
Kailan ako magiging handa?

68
nagbabakasakali lang naman baka naaalala mo pa ako naaalala mo pa ba unang pagkikita kulay ng supil mo'y pula ganda ng iyong mata ang nilaman ng mga dati kong kanta naaalala mo pa ba ako oo sa likod ng 'yong ala-ala na minsan sa buhay mo ay hinagkan ako nilambing hinalikan iniyakan tinawanan at higit sa lahat at ang pinaka masakit sa lahat minahal baka naaalala mo pa ang pagkakulang ng 'yong mga kamay dahil hindi nito hawak ang akin kung gaano kalungkot ang 'yong mga daliri dahil hindi nakapulupot sa akin baka naaalala mo pa na ang laman ng mga mata mo ay ang mukha ko at ang laman ng utak mo ay ako, palagi baka naaalala mo pa na bago ka tamaan ng rumaragasang sasakyan na nagpawala ng memorya at ala-ala mo ay kasama kita sinasambit ang matagal na nating mga pangarap anak, pamilya at iba pa baka naaalala mo pa na bago ka mabunggo ng paparating na ilaw mula sa unahan ng rumaragasang sasakyan sa gitna ng dilim ay pinagdarasal ka na sana 'di magbago ang pagmamahal mo ngayon sa apat na sulok ng 'yong kwarto sa ospital ay di mo ako naaalala limot ang dating ala-ala ang halik ang yakap ang luha ang hikbi ang tawa nagbabakasakaling naaalala mo pa
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:42 AM UTC
headlight
Madaming luha, Madaming luha ang nasayang dahil iniyakan ka. Inibig ka pa rin, Kahit alam kong may mahal kang iba. Handang magpakatanga, Ang isang tulad ko na mahal na mahal ka. Pero salamat nga pala, Don sa mga araw na ako'y iyong pinasaya. Oo ikaw nga ang kasiyahan ko, Ngunit ikaw rin ang kalungkutan ko. Masakit kase mahal na mahal kita, Pero wala lang yon sayo diba? Bukas gigising nanaman ako, Pero walang bago, ikaw parin ang gusto.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:18 AM UTC
Mahal na mahal kita