Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
gift Oct 8
naglalakad sa isang eskinita
walang ilaw, walang makita
nalulunod sa alon ng kadiliman
yan ang imahe sa aking kaisipan

hindi mawari ang galaw ng mundo
kung talagang liligaya pa ang puso
mabuti nalang at ika'y nasilayan ko
sa liwanag pala ay nag hihintay ka sa dulo.
—g.l
another poem dedicated to all my filos out there <3
Tuliro't nakatingala tinatanaw ang mga tala sa langit, iniisip na kung bakit 'di pinilit.
Napagod sa'yong mga palaisipan, kahit bali-baliktarin ang mga pangangatwiran.

Lumisan... sa kinagisnan na tahanan, sa pag-luwas at pag-uwi nahihirapan.
Nangangambang ika'y muling masilayan, hindi alam kung pighati, o galit ang mararamdaman.

Sinabi mo na sa mga bagong mukhang kinilala mo, ako parin ang hinahanap mo. Ngunit sa tuwing gusto kong sulatan ang saradong libro, ayaw mo.

Ayaw mo....

Pero ang gulo mo, at magulo rin ako.
Sa mga sandaling gusto kong sumugal uli, pangit ang baraha mo.
At sa mga oras na ika'y nag babalasa muli. kulang ang barya ko.

Oo, magulo.
Parehas tayong tuliro.
cj Jan 2023
i've grown accustomed to having no one in my room.
i've learned to love the shade of my curtains.
mom gave them to me since i kept waking up earlier than when i should have
and that my eyes adjusts hastily on the light that felt
burning, heating, loathing.

what a span of three years does to a man.
but a force in my subconscious drove my hands and feet
i finally tied my curtains.

i let the dust settle in
like an unwanted foreign aunt on vacation
but i was taught to be hospitable.
the despicable sunlight seeped in fastly
and there was this hug that i felt

like my mom the week before chemotherapy
she always said it felt as if
her mother was looking over.
a guiding hand, she feels.

maybe this is what i was missing in my mornings.

so, i welcomed it.
i'm glad i tied my curtains today.
hindi ko alam saan magsisimula
saan pupulutin ang mga naiwang piraso
ng pagkatao ko
naliligaw, nalilito,
parang lalagyang walang laman
lumulutang at walang patutunguhan
sasakyang walang destinasyon
ibong naiwan ng mga kasama nito
nasaan na nga ba ako?
ba't naliligaw pa rin sa mundong 'to?
kakahanap ko sa sarili ko,
bakit di ko pa rin matumbok kung nasaan ako
Tahimik
Panatag
Walang bumabagabag sa iyong isipan.
Kundi ang mga memorya't mga salitang kaniyang iniwan.
Kalmado
Manhid
Walang nakakaalam ng iyong pinagdaraanan.
tosh Mar 2022
Alam kong wala kana
noong nag makaawa
akong manatili ka.

Alam kong wala kana
noong ang mga ngiti mo
ay hindi na pamilyar sa mata.
April 2020
Next page