Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Xian Obrero Jun 7
Sa pagkagat ng takipsilim isa lang ang natatangi kong hiling,
nawa'y sa agad na paghiga ay siyang agad ring mahimbing.
'pagkat ako'y sabik na ng labis na muli kang makapiling—
hintayin mo aking sinta, sa tagpuan natin ako'y darating.

Sa napakalaking puno tayong dalawa'y nagtagpo
Tila nag-uusap ang ating isip at puso kahit hindi kumikibo,
hindi ako makapagsalita sa kadahilanang dinadaga ang aking puso..
Sa pagsalubong mo sa akin, niyakap kita at hinalikan sa iyong noo.

Mga luha mo'y nagsitulo mula sa'yong napakagandang mga mata,
wala akong ibang nagawa kundi titigan ang iyong napakaamong mukha..
Sadya namang hindi natin masukat ang kaligayahang nadarama,
Hiniling ko na sana ang oras na iyon ay hindi na matapos pa.

Muli sana akong lalapit para muli kang yakapin,
ngunit sa aking pagkahimbing kinailangan ko nang gumising.
Huwag mag-alala, aking sinta 'pagkat muli akong darating...
sa aking susunod na mga panaginip ang oras ay atin nang susulitin.
tryhard May 16
daw hindi magpakita
sa akon ang katuyo
diri sa dulom
daw ako man kadumdom
sa pila ka tion
nga ako gapanago

hindi na pagpugsa
ipiyong ang mga mata
kay wala man pinagbag-o
kung ako bulag
sa kalipay o sa gugma

na-anad na sa lamig
sa ulunan nga basa
gadugay lang ang mga tuig
ako lang diri gyapon isa

talagsa na lang gid
katilaw sang pahuway
basi di ko gutom amo kabudlay

gihulid ko na ang pala
di gyapon ko katulog

makutkot na lang ko asta ma-aga
thinking of maybe doing an english translation of this.......
Angel Nicole Apr 13
Noong nasa bahay tayo, mag ka tabi at naka higa sa kwarto. Kinuha ko bigla ang kamay mo at nilagay sa dibdib ko, banda sa puso ko at ang sabi ko “ito, sayo lang to” sana tanda mo pa, kahit lasing tayong dalawa.
Tuesday

4/14/20
Angel Nicole Apr 13
Sige, mag paulan ka lang. Hanggang sa may lumapit sayo at pasilungin ka sa kulay dilaw niyang payong. Aalagaan ka niya na parang kuting na inabando na sa lansangan. Ipaparamdam niya ang pag mamahal, at makakalimutan mo ang pait ng nakaraan. Bubusugin ka niya ng pag mamahal, ilalayo ka sa kapahamakan at kung umulan nanaman at narinig mo ang bawat patak mula sa bubong na inyong sinisilungan, yayakapin ka niya ng mahigpit, pupunasan ang bawat luha na pababa mula sa marikit **** mga mata. Hahalikan ka ng bahagya at ibubulong na “Huwag kang matakot, hindi kana mag isa at hindi kana muling mag iisa.” Kasama mo siya sa lahat ng ulan, kulog at kidlat.

Kasama mo ako, at wala akong balak maging panandaliang silungan mo, kung maaari lang ay manirahan ka sa tabi ko.
Monday
4/13/20
Angel Nicole Apr 13
You were once my flower that i could easily touch and adore.

Now you’re my moon, all i can do is admire you from afar.
Monday

4/13/20
Angel Nicole Apr 12
Sandali
bago ang paalam
maaari ko bang
hawakan ang
mainit **** kamay
panandalian?

Sandali
bago ang huling sulyap
maaari ko bang
kabisaduhin ang
makinang **** mata
at ang ngiti ****
maganda?

Sandali
bago ang huling salita
maaari ko bang
kabisaduhin
ang iyong boses
na pampakalma
sa tuwina?

Sandali
bago mamaalam
maaari ko bang
maramdaman
ang bisig ****
gustong tirhan?

Sandali
bago lumisan
maaari bang
mag dampi ang
ating mga labi?

Sandali
bago ang huling
sandali
maaari mo bang
alalahanin ang
mga pinag daanan?

Manatili kahit nahihirapan.
Monday

4/13/20
Angel Nicole Apr 12
Gawin mo akong silungan, dito ka muna habang di pa tumitila ang ulan. Baka pwede rin na manatili ka sa silungan, kahit tumila na ang ulan?
Waiting shed ka ghorl? de jok lang

Sunday
4/12/20
Angel Nicole Apr 12
JDV
Baby, i can see my whole life in your eyes..
Please don’t go

Sunday
4/12/20
Angel Nicole Apr 12
Hindi ko na kailangan tumingala, matignan lang ang magandang kalangitan.
Kita ko na sa mga mata mo ang tala,buwan at kalawakan.
Sunday
4/12/20
Next page