Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
jia Feb 2021
sa pagnakaw ng tingin,
atensyon mo ay bumaling.
hindi mo ba pansin?
malas ko, sayo pa ako nahumaling.

habang minamasdan ang buwan
na humimlay sa tapat ng araw na sikat,
tanging nasabi ko na lang ay ewan
at lumaki na lalo ang agwat.

kahit asamin ko na maging akin ka,
ipasasalo na lang lahat sa hangin.
walang ibang salita kundi baka,
nararamdamang dapat itapon na sa bangin.

kaya't sa paglaya ng buwan
sa araw na maliwanag.
maging akin ka man,
mahirap mabanaag.
alexa play luna by udd
Paulit - ulit na sinasambit ang salitang mahal kita
Pareho pa ba tayo ng nadarama?
Tila ika'y nanlalamig na
Mayroon na nga bang iba?

Ako'y handa nang palayain ka
Ramdam na tila wala na talagang halaga
Nawa'y makita kitang masaya sa iba
Iyo na rin sanang bitawan ang puso kong pagod na
Para sa mga taong handa nang lumaya
Ako'y nakatitig sa kawalan
Iniisip ang laman ng iyong puso't isipan
Ni hindi mo na ako magawang tingnan
Ikaw pa ba ang aking unang minahal?

Sana'y linawin ang tunay na nararamdaman
Kung ako pa ba ang iyong minamahal
Nang magawa ng palayain pusong nasasaktan
Maari na bang lumayo at tumahan?
Para sa mga taong kinalimutan
At handa nang lumaya sa sakit ng kasalukuyan
eyna Mar 2018
Isang manunulat,
Isang panulat,
Humanda para sa gyera,
Ito ay labanan gamit ang mga letra.

Hindi papaawat,
Nakahandang sumisid sa dagat,
Walang pakialam sa kahahantungan,
Buhay ay ilalaan.

Lilikha na mga kataga,
Panigurado itong maiiwan sa puso ng madla,
Ano nga ba ang pakay?
Alisin sainyong mata ang tamlay!

Uubusin ang bawat salita,
Na posibleng tumugma,
Sa sakit,
Pait,
Galit,
Hinanakit,
Ng bawat taong sa rehas ay nakapiit.

Isang manunulat,
Isang panulat,
Humanda para sa paglaya,
Huwag hahayaang muling tumulo ang mga luha.
Ito ay para sa mga tao/manunulat na nais kumawala sa pagkakabihag mula sa kalungkutan.

— The End —