Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Wretched Jul 2015
Ang sabi sakin ni Mama, "Huwag **** ipapagalaw ang iyong katawan. Magmahal ka ng lalaki ngunit wag **** isusuko ang templong iyong inalagaan kung ayaw **** magsisi." Sabay kindat na sinundan ng kanyang mga kiliti. Kung pwede ko lang aminin kay mama na mali siya sa dalawang bagay na kanyang nabanggit (nako, baka namura niya na ko sa galit).
Una. Hindi lalaki ang aking napupusuan.
Pangalawa. Mama, patawad pero naisuko ko na.


Baka ang nais iparating sakin ng aking nanay, "kahit ikaw ay pilitin, HUWAG. At huwag na huwag mo ring ibibigay ng kusa."

Hindi ba? May punto siya. Pero mahal, naaalala mo ba ang gabing umuwi tayong magkasama? Hinawakan mo ang kamay na nanlalamig sa kaba. Pinainit mo ang pakiramdam ng akin ng nadama ang pagyapos mo ng dahan dahan sa aking katawan. Nilakbay ng iyong mga halik ang labi kong nagliliyab sa pagkasabik. Ito na ang pinakahihintay kong sandali.

Nasubok mo kung gaano kabilis kong kayang bumigay. Kasabay sa bagal ng oras habang gumagapang ang iyong mga kamay ay sumabay ang pagkatunaw ng aking mga tuhod. Mga puting kumot namantyahan ng pula. Sabihin na lang nating ito'y ating mga kaluluwa na sinakop ng kasalanang ating nagawa. Langit ay aking narating at nakita. Hindi ito isang pagkakamaling aking pagsisisihan. Hindi mo ko nun kinailangang pilitin dahil buong loob ko itong ibinigay ng kusa.

Ilang beses nangyari. Isa... Dalawa... Ilang beses nasundan. Tatlo... Apat... Lima... Ilang beses nating natagpuan ang ating mga sarili sa parehong sitwasyon. Ilang ulit ng nangyari  ngunit pabago bago ng posisyon. At tulad ng magandang panahon, pagmamahal mo'y nagdilim at naglaho. Pinaglaruan, pinaikot ikot sa iyong mga palad na parang laruan. Leeg ko'y aking natagpuang may nakapilipit na kadenang nangangalawang. Kung gaano kabilis **** nahubad ang nakabalot saking damit, ganun din kabilis nagbago ang iyong isip. Saking mga mata ay hindi mo natagpuan ang langit.

Sabi mo kaya **** mabuhay na mukha ko lang ang iyong tinititigan. Kasinungalingan. Sabi mo ako lang ang iyong kailangan. Nagsisinungaling ka na naman. Ang sabi mo ako lang ang babaeng iyong mamahalin. Sana nga'y nagsisinungaling ka lang. Dahil naialay ko na ang aking kaluluwa, puso't katawan sa mga pangako **** iniwan. Templo ko'y nagiba na ng impyernong sinapit ng damdamin ko sayo. Tama nga si mama. Dapa't ito'y aking inalagaan. Akin ng ibibigay saking sarili ang kalayaang aking kailangan. Akalain ko bang lahat ng ipinangarap ko para sating dalawa hindi ko rin pala makakamtan. Hindi mo kailangang manatili. Hindi kita pipilitin. Buong loob ko itong ibibigay ng kusa. Susubukan kong burahin ang mantyang ibinahid mo sa akin. Ikaw ay aking hahayaan kahit ako'y ginawa **** saktan at iwanang duguan. Mahal, hindi ko magagawang pagsisihan ang nagawa nating kasalanan.
Hoping to perform this piece at Sev's Cafe's Open Mic Night. Looking forward to Celine's performance as well.
Ysa Pa  Jun 2016
Ngayon Pa?
Ysa Pa Jun 2016
Oo ginawa mo na ang lahat
Binigay mo ang higit pa sa nararapat
Bumangon, tumakbo at tumalon ka na
Nagkandasubsob at nagkadapa-dapa ka pa
Tumawid ng bundok at ng mga karagatan
Ikaw ay nalunod at nasaktan
Nagsunog ng kilay, at kinalimutan ang tulog
Hinarap mo lahat at ikaw ay nagpabugbog
Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo
Ngunit ikaw ay nabigo
Masakit, oo! Walang duda yan
Lalo na kung nalahat na ang iyong kakayahan
Nakakalugmo at nakakadusa
Nakakaiyak at nakakawalang pag-asa
Parang pinagsukloban ng langit at lupa
Parang pinagkaitan ng lahat ng mga tala
Mahirap! Masakit! Oo alam ko
Pero hindi pa ito ang huli o dulo
Maniwala ka sakin, mahirap pero kakayanin
Masakit pero hindi imposibleng gawin
Kung kelan nakasuka ka na ng dugo
Tangina! Ngayon ka pa ba susuko?
Lets just say that something happened...
No Name  Mar 2019
survivor
No Name Mar 2019
Kahit mahirap ang buhay
lumaban ka
dahil araw araw may bagong pag-asa
lumaban ka kahit tagilid ka
tanggapin ang sakit
wag kang kukurap
wag kang pumikit
kasi ang hamon ng buhay
ay hindi para sa mga patay
at buhay kapa pre
laban lng
kahit puno ng pasa
kahit ang pagkain ay wala ng lasa
kahit pa lahat ng pinto ay naka sara
tumayo ka kung ikaw ay na dapa
sipain lahat ng mga lata
hanggang dumating ka sa iyung
patutunguhan
patuloy lng sa pag laban
hanggang nanalo kana sa laban.
Anton  Aug 2018
Pansinin mo.
Anton Aug 2018
Magulo talaga ang mundo!
Kapag gusto ka, ayaw mo.
Kapag gusto mo, ayaw sayo.
Pero ang masakit don, mahal mo, mahal ka, pero hindi kayo.

Hindi mo ko sinalo nung nahulog ako.
Hindi mo ko pinansin nung bumagsak ako.
Dapang-dapa na ko, alam mo ba yun?
Pero nung napansin kong paalis ka,
sinubukan ko pa ring tumayo para habulin ka.

Sana hindi na lang kita nakilala.
E di sana hindi ako nagkaka-ganito.
Sana wala na kong iniisip pa.
Ano ba yan? Puro sana!
Ano pa bang magagawa ko e mahal na kita?

— The End —