Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Peanut Jul 2015
Ayoko nang bumalik sa reyalidad,
Bagamat naroon ang mga taong
Nanakit sa akin.

Ayoko nang bumalik sa reyalidad,
Dahil sawa na akong masaktan ng
Paulit - ulit.

Dito na lang ako sa aking mundo,
Mundong aking nilikha,
Mundong kung saan ako ay masaya,
Dahil ako lang ang naghahari,
Naghahari at nag-iisa.

Ngunit kahit ako ay nag iisa,
Ang mundo ko rin ay para sa iba
Para sa kagaya ko na nagdusa sa isinumpang reyalidad

Malaya kang makakapasok sa aking mundo,
Malayang gawin ang lahat,
Bagamat hindi kita sasaktan,
Malaya karing makakalabas sa aking mundo,
Kung balak **** subukan ulit ang reyalidad,
At pag ikaw ay nasaktan muli,
Bukas parin ang aking mundo,
Upang may masilungan, may maiyakan

Basta ipangako mo lang sa akin,
Wag mo rin sana ako saktan,
Ang mundo ko ay sa iyo rin,
Sa iyong-iyo nang walang hanggan.
Ikaw, gusto mo ba sa aking mundo? Tara!
Para sa taong inapi ng reyalidad
Crissel Famorcan  Oct 2017
Paalam
Crissel Famorcan Oct 2017
Mahirap makipagsabayan sa mga bihasang makata
Animo'y kabisado ang bawat tugma ng bawat letra
Batikan sa pagbuo ng ibat't ibang klase ng akda
Nagkukuwentong mahusay ang bawat gawang tula
Mahirap makipagsabayan sa katulad nilang mga batikan
Lalo na para sa mga katulad ko na isang baguhan
Bakit ba ako magsusulat kung wala namang magbabasa?
Bakit pa ako magsusulat kung wala namang magpapahalaga?
Ano bang pakinabang ang makukuha ko sa pagsusulat?
Meron nga ba? O baka nag-aaksaya lang ako ng panulat?
Kaya nga siguro dapat ko nang iwanan
Ang mundong minsang nagbigay sa akin ng kasiyahan
Kailangan kong tanggapin na kahit kailan,di ako magiging katulad nila
Mahusay bumigkas at sumulat ng tula
Kabisado ang lahat ng tugma at tayutay
Na sa akda nila'y maaaring ilagay
Napakahusay!
Walang katulad.
Kapag nabasa mo'y mawawala ka sa reyalidad
Siguro nga mananatili na lamang akong nangangarap
Pagkat di ko maabot ang tulad nilang  sing taas ng ulap
Kaya paalam.
Salitang di ko sana gustong bitawan pero hinihingi ng pagkakataon,
Para makatakas ako kahit paano sa malungkot ko na sitwasyon
Alam kong sa pagdating ng panahon
Matatagpuan kong muli ang aking inspirasyon
Magsusulat akong muli,pero hindi pa ngayon.
Pluma  Mar 2015
Inang Bayan
Pluma Mar 2015
Kaya Mo Ba Akong Panagutan?



Nilason mo ako ng iyong mapanlinlang na balat-kayo.
Pinaniwala sa mga mapanuksong katagang pagbabago.
Hinayaan ko ang labi **** puno ng kasinungalingan,
Na dungisan ang aking minamahal na bayan.


Naging biktima ako sa kulungan **** puno ng promiso,
Isang harding pinamamahayan ng mga bulaklak galing sa impyerno.
Ako’y bingi’t takip-mata sa reyalidad ng iyong tunay na pagkatao.
Mistulang manikang salat sa kasarinlan; kumukubli, nagtatago.


Ginawa mo akong biktima ng iyong kasakiman!
Mga anak ko’y ginamit mo para sa iyong makasariling kaligayahan.

Isa kang malaking hipokrito sa sarili **** lipunan!
Labis na Kinasusuklaman, Higit na Kinamumuhian.
What if our country (Inang Bayan) could actually talk?
alvin guanlao Nov 2010
gusto kitang maniwala
sa mga sasabihin kong salita
ang luha ay ubos na

kalungkutan ko'y nasasabik
gustong magbago at umagos sa pisngi
at hinding hindi maabutan ng bagsik
ang mga tainga **** nagkukunwaring bingi

tuyot sa kailaliman hanggang kaibuturan
o hangin wag mo akong hipan
baka di ko kayanin dala **** ginaw
lamigin ang aking gabi habang ang utak ay natutunaw

ang pagpikit ay gumagarantya sa sariling mundo
walang makakaalam at makakapasok kundi ikaw at ako
magdidilim sa tawag ng reyalidad papunta sa kamang lundo
aking panaginip, bakit hindi kita mailagay sa isang sako?

sa isang buntong hininga madarama ang tinik
sakit na dulot ng panghihinayang at di madaan sa wisik
tinatanong ang sarili kung saan nagkasala
maglalaho ka pala, bakit wala man lang babala?

gusto kitang maniwala
sa mga sasabihin kong salita
ang luha ay ubos na
akin ito
Vincent Liberato Apr 2018
Hinahaplos ko ang mga hita mo
Ayaw kong matapos ang araw na 'to,
Sapagka't ang sarap ng ganito
Puno lang ng ligaya sa piling mo

Inaabot ko ang diwa mo
Inaabot mo rin ang diwa ko
Nararamdaman natin ang bawat isa
Sinusulit lang talaga ng may kusa

Isipan ay malabong mabalisa
Binubulong sa'yo ang mga salita
Mahal kita sa puso't gawa
Malayo lang, tila nakakaulila

Idilat mo ang mga tulikap mo
Ngiti ang sasalubong sa'yo
Yakap ang sasalubong sa'kin
Lahat sa'yo masarap lasapin
Jazz Magday Nov 2018
sinampal ng reyalidad
'di tayo magka-edad
eh ano naman?
sambit ng rebelde
basta 'wag ka ng manangis
sayang ang agos ng ilog
may pag gagamitan ka nyan
ako'y malapit na

pagmasdan, mas lumilinaw
ang 'di sukat akalain
unti-unting niyayapos ng panalangin
na minsan magiging akin
at tatawagin, sasabihin
na itong 'di maipaliwanag
natuklasan magyabang
akin, tayo, sabay aaminin

marahil marami nga sila
makitid na lansangan
tila mga pang-unawa
nakahilera ang bawat tanong
kasabay ay pagbugso ng ninanais
huwag mag alala
dalawa ang pag-ibig
nakahain at naghihintay sa'yo

kahit anong talinghaga
sa ating paliwanag,
tayo pa rin ang sampid
gayong pahirapan
ang pinagdaraanan,
magkaiba pa rin ang batid
ganito kapayak ang pag-ibig ko
mahigpit na yapusan; araw araw
simple at dalisay
matagal namamatay

kaya kahit nakakakapos hininga
masaya na ako at naaninag ka
Tagalog
John AD Feb 2018
Napakadaya nang buhay,Kanya-kanyang palusot para tumakas at maglakbay
Nagsinungaling ang tadhana ganun nga ba ang dahilan kung bakit sarado ang bintana
Tunog lang ang iyong naririnig , dahil hindi mo pedeng husgaan ang nasa loob ng kanyang bibig
Nagtataka ka dahil wala kang ebidensya sa mga narinig , Subalit umaatake padin ang mga daga sa dibdib
Nanginginig , dahil di ka sigurado sa tono , tama nga siguro ang hinala ko

Nakakalungkot lang isipin sarili nating kaibigan,kamag-anak,kapatid
Ay nagsisinungaling upang makamit ang kasiyahang dapat talagang ilihim
Ang daya naman dito , gusto ko nalang tumakas dito at ipunas ang mga luha ko
na hindi mo makikita dahil nakatago sa dilim

Balang araw dudungaw nalang ako sa isang butas na gawa sa abaka,
At tatakasan ang ilusyong mundo at maglakbay sa reyalidad
Crissel Famorcan Oct 2017
Madilim ang paligid at umiiyak ang langit
Ibinuhos ko sa tahimik na paghikbi
ang lahat ng kinikimkim na galit
Sa lahat ng humusga at sa aki'y lumait
At sa mga lalong nagpabigat ng bitbit kong pasakit,
Hinayaan kong bumaha ng luha sa munti kong silid
Habang minamasdan ang mga larawan ng nakaraan
Doon sa isang gilid,
Hinayaan kong kumawala
Ang nagpupumiglas na mga luha
Na itinago ko ng panahong napakahaba
Sa loob ng kulungang ako mismo ang gumawa
Kulungang ako mismo ang lumikha.
Tapos na ang panahon ng pagpapanggap
Panahon na upang harapin ko ang reyalidad.


Patila na ang ulan at paubos na ang luha
At sisiguraduhin kong sa pagpatak ng mga huling butil nito lupa,
Ay uusbong ang bagong simula
Uusbong ang bagong "ako"
Sa aking pagtahan ay kasabay ang pagbabago
Sa pagtila ng ulan,muling sisilay ang magandang araw
Na magbibigay ng kulay sa mundo kong kay panglaw
Sa aking pagtahan haharapin ko ang aking kinatatakutan
Sa aking pagtahan haharap akong mas palaban
Sa aking pagtahan muli akong ngingiti
Sa aking pagtahan,kakalagin ko ang tali,
Taling pumipigil sa aking aking paglago
Sa aking pagtahan ay uusbong ang isang bagong "ako"
Sa aking pagtahan,hindi na ako muli pang magpapatalo
Tandaan mo yan: Itaga mo pa sa bato!
aL Jan 2019
Ang pagtuyot ng dilang hindi makapagsabi ng ninanais
Saradong bibig sa maghapon habang ang tulala nama'y mga mata

Hawak ang hiram na pagasang kay nipis
Walang nang gustong bumuhay sa natutulog na diwa

Tahimik na nakikipagusap sa sarili
Ngayon lang nagawa marahil sa reyalidad ay takot

Magbulaybulay na walang kasama
Taon ring iniwasan bago tinanggap ang tunay na sagot

Siguro ay una pa lamang ay alam na talaga ang nilalaman ng puso

Pinipilit lang sa pagtanggi at pagisip upang hindi magsisi at makasiguro
More on head than heart
Kylie  Apr 2020
Pagtanggap
Kylie Apr 2020
Noong araw ng aking pag alis
Hindi maipaliwanag ang pagtibok na kay bilis
Kasabay nang bawat hakbang ng aking mga paa
Ang naguumapaw na takot at kaba

Ngayo’y nakalipas na ang ilang buwan
maraming araw na ang dumaan
Subalit, tila hanggang ngayon
Masyadong mabilis ang pagdaan ng panahon

Pilit na hinahabol ang takbo
Upang makasabay sa mga kasalukuyang tagpo
Ngunit, masyadong mabilis
Hagupit ng pagbabago’y nagmamalabis

Buong akala’y natanggap na
Pero damdami’y nagpapanggap lang pala
Sapagkat sa tuwing sasapit ang gabi
Mananatiling tikom ang mga labi
Habang ang mga luha’y isa-isang pumapatak
At ang mapag panggap na mukha ay dahan dahan nawawasak

Ang mga alaala’y unti unting bumabalik
Na tinatapik ang puso ng isang batang nananabik
Na bumalik sa mga bagay na  nakasanyan sa nakaraan
Kahit na ang susunod na pagkikita’y walang kasiguraduhan

Hanggang kailan mangungulila sa buhay na kinagisnan?
Hanggang kailan hahanap hanapin ang dating tahanan?
Matatanggap pa ba ang reyalidad na hinaharap?
O makakasanayan nalang hanggang sa makalimutan ang hindi matanggap?
John AD  May 2020
Kitil
John AD May 2020
Isa pang rason , Sa pag-usad
Kurbang linya , katamtamang ruta
Tunog ng kampana , ginising ang isip
dati rati sumisilip , reyalidad na ang panaginip

Tinagpi ang pisi , bagwis muling papagaspas
Sanhi ng dahas naakit , uwak ay maghihiganti
Paglubog ng araw , pagsikat ng dilim
Sanay na kong bangkay , Nanghuhusga nalang ako kung sinong mamamatay

Kamatayan ang aking katauhan
Orasa at karit aking sandata
Buhos ng lupa , Kalkulado ka
Sa pagdaan ko , mananaginip ka

— The End —