Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tinatanaw" poems
Wala akong alam sa pag-ibig Ngunit nang ikaw ay nahagip Alam kong ikaw na 'king iniibig Binigyan **** katuparan ang panaginip Na dati'y tinatamasa lamang sa pag-idlip Wala 'kong alam sa pag-ibig Bawat hinagpis kong pinunasan ng 'yong palad Ang mga labi **** nagsilbing liwanag na hubad At kulay sa buhay kong mapanglaw Kaya nga sabi sa sarili, ikaw na nga, ikaw Wala 'kong alam sa pag-ibig Kaya hinayaan kong mabulag mga mata kong singkit Na ikaw lang ang tinatanaw, walang pakialam sa sakit Kahit pa nung araw na hindi ka na lumapit Mga taghoy ko'y pilit kong iniimpit Wala 'kong alam sa pag-ibig Kahit malabo na ang pag-iisip Pinilit kong takbuhin ang distansya natin Kahit alam kong walang makukuha ni silip Sa paghabol sa taong ayaw na sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Musmos pa nang ika'y humangos sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Dinamdam ko ang pagtulak mo sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Tinanggap ko lang mga salita **** hagupit Wala 'kong alam sa pag-ibig Tinalo ng luha ko ang ulan ng bagyong mabagsik Wala 'kong alam sa pag-ibig Noon ay akala ko ikaw na ang nangyari sa'king pinakamasakit Wala 'kong alam sa pag-ibig Pinanood lang kita sa pagtakbo mo Nabingi lang ako sa mga pangako mo Marami ring oras ang inaksaya ko sa'yo At mahaba-haba rin ang nasulat kong 'to Ngayong natuto na akong tumayo sa mga paa ko, Ang punto ko lang ay napakawalang hiya mo!
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 8:39 AM UTC
Wala Akong Alam sa Pag-ibig
AKO’Y NAKA TINGIN SA LANGIT SA ITAAS NG BUBONG NAMING PAGKANIPIS NIPIS. TINATANAW KO ANG MGA PUTING HUGIS BULAK NA PAPALAPIT SA ISA’T ISA AT SAKA DUMIDIKIT. KAPAREHO NG MIGHTY BOND NA DINIKIT KO SA SIRA SIRA KONG SAPATOS, KAPAREHO NG KULANGOT NA PINAHID KO SA PADER NG ROOM NAMIN. KASING LAGKIT NG TINGIN MO SA TAONG WALA NAMAN GUSTO SAYO. PARA KA TALAGANG ULAP, KASING GANDA MO ANG ULAP. NAKAKA SILAW SA SOBRANG GANDA. MASAKIT PERO MASAYA. MARAMING TAO ANG DINADAAN KA LANG, YUNG IBA TUMITINGIN AT SABAY AALIS. PERO AKO ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG, KAHIT TIRIK NA TIRIK ANG ARAW. KAHIT MATUYUAN AKO NG PAWIS, KAHIT MABASA AKO NG ULAN, ANDITO PARIN AKO. TINITINGNAN KA SA MALAYO. KAYA KAPAG UMUULAN, MINSAN GUSTO KONG KUMANTA NG “PAIN, PAIN GO AWAY COME AGAIN ANOTHER DAY.” DAHIL AKO, AKO ANG UNANG MASASAKTAN KAPAG UMIIYAK KA. DAHIL SABI KO NGA KANINA UMARAW MAN O UMULAN ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG TINITINGNAN KA AT HANDANG SALUHIN LAHAT NG IYAK NA GUSTO **** IBUNTONG SA ISANG TAO. TANGA PAKINGGAN DIBA? SABI NILA SAKIN BAKIT KO DAW HAHAYAANG MAGKASAKIT AKO DAHIL SA ULAN, BAKIT KO DAW HAHAYAANG TUMAGAKTAK ANG PAWIS KO SA GITNA NG NAGTITIRIK NA ARAW KUNG PWEDE NAMAN DAW AKO PUMAYONG. OO NGA TAMA SILA. NAPAKA TANGA KO. DAHIL MAS GUGUSTUHIN KO PANG MABASA NG ULAN, AT MATUSTA DAHIL SA ARAW KESA HINDI KITA MAKITA. ULAP. KAHIT SAAN NAKIKITA KITA. IKAW? NAPAPANSIN MO KAYA AKO.
0
Feb 14, 2017
Feb 14, 2017 at 11:25 PM UTC
Ulap
Gusto kong maglayag sa lugar na kayang ipahayag laman ng pusong lagalag. Gusto kong abutin ang mga ulap, lumutang sa alalapaap na parang nangangarap hawakan ang mga butuin na parang mga alitaptap. Gusto kong damhin patak ng ulan, magpakabasa hanggang mahimasmasan upang bumalik sa tamang kamalayan. Gusto kong gumising isang araw na may pag-asang tinatanaw kakapit sa bukang-liwayway at di na bibitaw.
0
Feb 13, 2019
Feb 13, 2019 at 8:49 AM UTC
Gusto ko sana.
Nakatingala sa kisame, ala-ala ko'y ligaw Sa dilim ng gabi'y ano pa bang tinatanaw Patalon-talon lamang ang sipat sa guhit ng mga ilaw Isip wari'y walang pagod, lagi na lamang bang ikaw Paikot-ikot ang higa, tila samyo'y naririto Binabalik sa diwa ang lumbay ng paglisan mo Gayunpama'y baon ang tamis ng mga halik Sana'y di na lamang panaginip ang iyong pagbabalik Unti-unti pa'y namumungay, ang mga mata'y nalumbay din Tutungo sa pangarap, susulong na sa lalim Impit na panalangin sa umaga paggising Kaabay na muli, magbabalik sa aking piling
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 11:46 PM UTC
Tula sa Pagtulog
Nakaupo't-nag-iisa, kagaya kahapon sa bintana siya'y nakadungaw Mula sa kanyang silid, mga mata niya'y malayo ang tinatanaw Ang palagi niyang inaabangan ay ang napakagandang paglubog ng araw Sa paglubog nito'y siya ring pagsalubong niya sa gabing walang kasing ginaw. Sa paglipas ng panahon ay nasanay na nga siyang palaging ganoon Ang paglubog ng araw ay inaabangan niya pa rin maging hanggang ngayon Hindi siya nagsasawa at napapagod sa paghihintay buong maghapon Wari'y kakayanin niya ring mahintay ang pagtuyo ng mga dahon. Ang wika niya, "Sa tuwing lulubog ang araw ay naaalala ko siya" Naaalala niya raw ang kanyang sinta at ang taglay nitong yumi at ganda Kasing liwanag rin daw ng araw ang pagkislap ng kanyang mga mata Ngunit isang hapon raw ay bigla na lang itong kinuha sa kanya. Sa labis niyang pagmamahal sa sinisinta niyan iyon Nabatid kong marahil sa lungkot ay hindi siya makaahon Kaya pala ganoon na lang ang kanyang paghihintay sa buong maghapon Sa paglubog na araw pala na nagpapaalala sa kanyang sinta kahit papaano siya'y nakakaahon.
0
Mar 29, 2020
Mar 29, 2020 at 9:54 PM UTC
Ang Paglubog ng Araw
Nalalayuan kaya ang mga ibon tuwing tinatanaw ang malawak na hinagap ng kaparangan? Nasisilaw pa rin kaya sila sa bukang liwayway kahit mula pagkamulat ay iyon ang kinagisnan? Nasasaktan pa rin kaya sila sa ganda ng paglubog ng araw at ang angking kawalang pagkakatulad ng bawat isa? Natatakot pa rin kaya sila sa halik ng dilim kahit ang gabi ay nangangakong magdala ng lamikmik? Kay rami ko pang nais itanong sa mga ibon, kay bigat ng patong sa munti nilang mga pakpak. Paano magtatanong ang isang hamak na bulaklak sa kagitingan ng mataas at malayang agila? Kay rami ko pang balak ibulong sa mga maya, kung may pangarap man sila, ihahalik ko sa hiraya. Ngunit anong magagawa ng isang payak na talulot sa ilalim ng langit at sa ibabaw ng gumuguhong mundo?
0
Apr 30, 2025
Apr 30, 2025 at 12:16 AM UTC
Ang Pugad
“You live but once; you might as well be amusing.” ― Coco Chanel Sabi sa kanta ni Freddie Aguilar “Habang May Buhay May Pag-Asang Matatanaw” subalit ang pag-asa ay hindi lang dapat na tinatanaw mas mainam kung ito’y ating kukunin at ilalagay sa ‘ting mga kamay. Ang pag-asa ay laging kumakaway kahit tayo ay nasa dilim. Tumawid man tayo sa magkabilang bangin o kahit na hampasin pa tayo ng malakas na hangin, hindi dapat mawala sa ating paningin ang pag-asa na nagniningning. Ganito natin dapat harapin ang buhay kahit ang hirap ay sapin-sapin. Minsan lang tayo mabubuhay at ang buhay ay parang isang tulay na pagkahaba-haba man ay may hangganan din. Subalit mahaba man ito o maiiksi marami tayong haharapin, mga bagay-bagay at mga pangyayari na hindi natin maiiwasan. Mga damdamin na kahit iwasan, pilit ka nitong hahatakin pabalik sa kung saan ang mga ala-ala ay masasakit. Wala kang kawala kailangan na harapin mo ang mga ito. May mga nagbabagang karanasan na hindi mo gugustuhin na balikan pero kailangan mo munang harapin bago mo ito malampasan. Hindi parehas ang buhay, oo, tama yan, gago lang ang naniniwala na Life is Fair. Subalit wala kang choice kailangan mo harapin ang kawalang katarungan nang buhay. Walang dapat na masayang na sandali sapagkat isang araw ang mundong ito’y ating lilisanin. Gawi’ng kaakit-akit at marikit ang buhay kahit masakit.
0
Nov 16, 2017
Nov 16, 2017 at 7:44 PM UTC
KAILANGAN NA HARAPIN
Ako'y bibitaw na, Puso'y napagod na sa pagkapit Pahinga na muna sa lahat ng sakit Kahit na marami paring dahilan para ipilit. Wala na rin namang patutunguhan Kahit sabihin kong mahal parin kita. Wala na rin silbi ang lumaban, Lumaban sa gyerang uuwi kang laging talunan. Akala ko'y walang hanggan pero bakit heto ngayon sa dulo Ikaw ay lumayo, pag-ibig ay biglang huminto. Lahat ng tiwala'y napalitan ng hinala, Lahat ng pangarap natin ay bigla nalang nawala. Minsan kailangan mo ring gawin ang mga salitang "bitaw na". Kasi lahat ng mabibigat, gumagaan kapag binibitawan. Pero paano ka aayaw sa bagay na gusto mo pa? Paano mo bibitawan ang kamay na gustong laging hawakan? Paano ako bibitaw?, Kung sa bawat minuto, bawat oras, bawat araw ay laging ikaw. Paano ako bibitaw? Kung sa bawat sulyap ala-ala mo ang tinatanaw. Paano ako bibitaw?, kung mahal ko parin ay ikaw.
0
Oct 25, 2018
Oct 25, 2018 at 10:27 AM UTC
Paano ako bibitaw?
Tuliro't nakatingala tinatanaw ang mga tala sa langit, iniisip na kung bakit 'di pinilit. Napagod sa'yong mga palaisipan, kahit bali-baliktarin ang mga pangangatwiran. Lumisan... sa kinagisnan na tahanan, sa pag-luwas at pag-uwi nahihirapan. Nangangambang ika'y muling masilayan, hindi alam kung pighati, o galit ang mararamdaman. Sinabi mo na sa mga bagong mukhang kinilala mo, ako parin ang hinahanap mo. Ngunit sa tuwing gusto kong sulatan ang saradong libro, ayaw mo. Ayaw mo.... Pero ang gulo mo, at magulo rin ako. Sa mga sandaling gusto kong sumugal uli, pangit ang baraha mo. At sa mga oras na ika'y nag babalasa muli. kulang ang barya ko. Oo, magulo. Parehas tayong tuliro.
0
Jun 5, 2024
Jun 5, 2024 at 8:52 AM UTC
Tuliro
habang naririto ako nakatingin sa karagatan nakasalampak sa buhanginan alaala mo ang tinatanaw nadadarang ako di sa init ng tirik na araw kundi sa simoy na ibinubulong ng 'king pusong nangungulila sayo
0
May 31, 2015
May 31, 2015 at 2:51 AM UTC
sa buhanginan
UUWI KA NA Ilang buwan ang hinintay ko sa iyong pagbabalik Tinitingnan ang itsura sa salamin kung paano ako maging sabik Siguro'y magliliwanag ang paligid Na tila'y matinding saya talaga ang iyong hatid Sa iyong pagbabalik sa lugar kung sa'n ka nanggaling Matutupad na kaya ang matagal kong hiling? Uuwi ka na At ako'y sabik na sabik na Sa iyong pag-uwi bitbitin mo ang mukhang puno ng saya Ipakita mo sa lahat ng ika'y talagang nagbalik na Uuwi ka na Mararamdaman ko na naman uli ang kaba Ang malakas na tibok ng puso kong masaya Na tila'y ang paligid ay hindi ko na alintana Dahil tinatanaw ko na ang iyong mukha Ano kaya ang aking magiging reaksyon? Ako ba'y tatakbo o magtatago? Ako ba 'y kakabahan o masisiyahan? Ako ba'y mabibigla o matutulala? O baka naman, sa pagbalik mo, ako'y muling masasaktan at maiiwang sugatan. Ako na'y kinakabahan sa pag-iisip na ika'y babalik na Nalilito at di ko mawari ang nadarama Baka ito'y magiging dahilan ng aking di pagtahan Kasabay ng aking pagkasabik, ako din ay nangangamba Na baka ang puso ko'y dudurugin mo pa Na kaya dahil ka bumalik para muling saktan ang puso kong sirang-sira na Tinitingnan ko ang paligid Hinahanap kung saan kita posibleng mahagip Doon ba sa lugar kung saan kita unang nakita O baka sa lugar kung saan ko nakitang kasama mo sya? Uuwi ka na At sana'y sa iyong pag-uwi Ako'y mapapansin mo na Mali Uuwi ka na Pero hindi sa akin Kundi sa piling nya
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 6:56 AM UTC
Uuwi Ka Na
Nakita ulit kita, sa minsan natin tinambayan. Unang beses kitang nakasama sa pansamantalang paglayo natin sa kanila. Unang beses kung saan nakalayo tayo at nagpakasaya. Pansamantalang naiwan ang puso Habang tinatanaw papalayo. Ng bigla kong makilala, alaala na lang pala ang kumaway saakin mula sa malayo.
0
Apr 17, 2018
Apr 17, 2018 at 1:56 PM UTC
Stop over
Pumatak ang ulan, unti-unti Kasabay ng pagbugso nito ay ang musika na ikaw lamang ang nakakarinig Sinubukan **** silipin ang mga tala na nagtatago sa likod ng mga ulap Ngunit ngayong gabi, maging sila ay mailap Isang awit ang nagwakas at isa pa ang muling nagsimula pero nandito ka pa rin Hindi pa rin maihakbang ang mga paang tila nagapos sa kalungkutan at pag-iisa Masyado na ata silang nasanay na walang naghahanap, na walang tumatanggap Kaya heto’t kahit usigin mo ay hindi bumibitaw sa kawalan na tila walang nakakaramdam kundi ikaw Wala pa rin ang iyong hinihintay Titila na ang ulan at maaari ka nang magtampisaw sa naiwan nitong buhay Ngunit wala pa rin ang iyong tinatanaw
0
Nov 14, 2019
Nov 14, 2019 at 12:46 AM UTC
kulimlim
22 Mula takipsilim ng kabayanihan Sila Alyna’t Birio’y nagkagustuhan 23 Lumipas ang mga araw at nagkakilala pa Nang lubusan ang dalawa 24 Loob mas lalong napalapit Tulad ng mga tinginang malagkit 25 Ang dalaga na ang naghatid mismo Nang mga uling sa bahay nina Birio 26 Binigyan si Alyna ng pulseras Gawang hikaw, singsing at kwintas 27 Pag-ibig naglulubos umapaw Kasalan na ang tinatanaw 28 Ng mga kaanak ng magkasintahan Madali ring nasang-ayunan. -07/16/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:57 PM UTC
Alabir 4 -Pag-iibigan-
Kanina habang kumakain ako sa Jollibe ng spaghetti at yum burger, naka dungaw ako sa bintanang pader, tinatanaw ko ang labas at mga tao at motoristang dumadaan. Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, Dala ng madilim dilim na ulap sa langit, Bigla bigla nalang magbubuhos ng pait yung langit. Hay....habang bumubuhos ang malakas na ulan, tanaw ko ang malayo na parang nalulusaw na imahe. Ang lalim ng iniisip ko, siguro ganito talaga kapag umuulan, Hindi lang naman siguro ako yung ganito. Gayun pa man di ko napag tantong tulala na pala ako, Yung tipong hawak hawak ko nalang ang yum burger Tapos nakalimutan ko narin nguyain ang nasa bunganga ko, Sampung segundo ang lumipas wala akong imik, Dalawampung segundo ang lumipas, Ganun parin ako, tumatanaw sa malayong walang imik, Tatlong pung segundo ang nakalipas, Bigla akong napaiyak, Yung luha ko ay sumasabay sa pag buhos ng ulan. Wala akong pakialam kung may naka tingin sa akin o wala, Ang alam ko lang gusto kong umiyak..... Kaya pwede niyo akong pag-bintangang baliw, Sapagkat umiiyak ako, akala ko dahil marami akong problema, Hindi lang pala dahil may problema ako, Ang alam ko umiiyak rin ako Sapagkat sa kabila ng lahat ng problema ko, Andiyan ang Panginoon sa Buhay ko. At yun ang lubos na ikinagagalak ng puso ko. PS. Ang malayang tula na ito ay gawang imahinasyon, pero literal na umiiyak ako habang isinusulat ito...  Sa mga may pinagdaraanan ngayon, Kaya natin ito. Kapit lang kay Kristo.
0
Oct 3, 2022
Oct 3, 2022 at 4:56 PM UTC
Bida ang saya.