Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
astrid Feb 2019
6th of december, 2018.

“Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.” Madalas kong naririnig ‘yan, palagay ko’y ikaw rin. Pero kung iisipin, napakarami nating mga taong natatagpuan na nakatakda ring umalis. Ang ilan ay babalik, ang ilan ay maglalaho na lang. Hindi ko alam kung saan ka riyan nabibilang. Walang pakiramdaman, walang pakialamanan, walang pakundangang naghahanap ng mga bagay para pilit kang makalimutan. Gigising ako nang nakangiti, masaya, at ang nasa isip ay
“kakalimutan na kita,” ngunit kahit kailan ay hindi ‘yan nagkatotoo. Ang pag-asang makaahon sa ‘yo ay palabo nang palabo. Sa bawat gabing nagdaan, napapatanong ako kung saan na naman ako nagkamali. Saan na naman ako nagkulang? Saan na naman ako kinapos? O baka naman sumobra? Paikot-ikot ang mga mata sa lugar kung saan tayo huling nagkita. Saan mo ako iniwan? Pareho tayo ng pinupuntahan, pero hindi ko na alam kung paano pa babalik. Hindi kita mahagilap; ang tanging palatandaan ko para makabalik ay hindi ko na mahagilap. Dahil naglaho ka sa isang iglap. Hindi ko na alam kung paano pa babalik. Dahil hindi pa kita nakikita.

Ilang eskinita lang naman ang pagitan nating dalawa. Nariyan ang mga tricycle para mahatid akong muli sa bahay ko. Nariyan ang mga dyip na pupwede kong masakyan para lang mapalayo sa ‘yo. Tayo’y palaging nasa ilalim ng parehong langit, aalis at uuwi sa iisang lugar ngunit hindi man lang kita makamit. Pareho ng sinasakyan, pareho ng mga dinadaanan. Iisa lang naman ang mga pinupuntahan natin, ngunit ang araw-araw kong biyahe ay naging ikaw na ang destinasyon. Nagbabakasakali lang naman akong baka matupad mo ang aking imahinasyong hindi ko na batid pa ang limitasyon. Sa bawat pag-alis ko ay nananalanging magkita tayo sa lalong madaling panahon.

Ngunit hindi ko pa rin alam kung paano babalik. Alam ko ang ruta, alam ko ang sasakyan. Ngunit ako mismo ang nagpupumigil. Dahil hindi mo ako tinutulak palayo. Hindi pa man tayo nagkikita, mas gugustuhin ko nang hilain mo ako paalis sa kung saan mo ako iniwan. O baka ang presensya mo lang ang hiling kong masilayan, para tuluyan na akong makalakad paalis sa piling mo. Hindi ko naman mapapantayan ang babaeng nagdala sa ‘yo sa tahanan mo— ni hindi ko nga alam kung paano umuwi sa dapat kong uwian. At sa bawat biyaheng sinusulong ko, hindi ko man lang naisip na baka mali ang daan na tinatahak ko. Iba pala ang langit na pinagmamasdan mo sa umaga, kahit ang mga bituing nais **** titigan sa gabi. Iba pala ang sinasakyan **** dyip sa bawat pag-uwi. Iba pala ang eskinitang napapadparan mo. Iba pala ang langit na sinisigawan mo ng pangalan niyang kaakibat na ng apilyedo mo. Iba pala ang inuuwian mo.

Pasensya na, tanga ang kasama mo. Mali, hindi mo pala ako “kasama” dahil kahit kailan ay hindi ka naman sumama. Hinayaan ko ang sariling maligaw sa mga mata mo. Hinayaan kong mawala ang isip sa mga salita **** nadadala ako sa ibang dimensyon ng mundo. Hinayaan kong magwala ang pusong binuhay mo— na bibitawan mo lang din pala, dahil masyado itong magulo. Ngayon lang ako nakalabas at hindi na muli pang magtatago, ngunit niligaw mo ako. Pasensya na, gagapangin ko pa ang sarili ko palayo sa ‘yo.

Hindi ko maintindihan kung paanong ako’y napadpad sa ‘yo kung hindi ko pa nasisilayan ang mga mata **** mapanlinlang, na kung saan ay nagpahatak pa rin ako— delikado, at muntik pa akong mabaldado. Huwag na sanang pahintulutan ng mundo na pagtagpuin pa tayo, dahil kung sakali ay baka hindi na ako umalis. At baka samahan pa kita kahit saan ka man papunta, kahit sa piling niya pa. At lalong hindi tayo isang halimbawa ng “Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana”. Inaantay ko pa lang ang matagpuan kita, upang makaalis na ako.
m.r.
Taltoy May 2017
Pagkakamali, pagkabigo,
Pagkakasala, pagkatalo,
Lahat siguro ng di mo gusto,
Marahil ugat nito.

Iyo nang binaon sa nakaraan,
Hinukay muli sa kasalukuyan,
Para ano? pagngilayan?
Tapos? may makukuha ka ba d'yan?

Bakit ba ganyan tayong lahat?
Parating sinasabing di sapat,
Ano ba talaga ang batayan?
Saan ang iyong basehan?

Walang perpekto sa mundo,
Yan ang tandaan mo,
Di lahat maitatama mo,
Di lahat ng nangyayari ayon sa gusto mo.

Kaya nga tanggapin mo nalang,
Wala nang iba  pang paraan,
Sapagkat iyan ay nagtapos na,
Huwag mo nang balikan pa.

Pagsisisi? nakakain ba yan?
Ano pa silbi ng salitang yan?
Yan? magpapapaliwanag ng katotohanan,
Isasaksak sa kokote mo ang 'yong kamalian.

Dahil ikaw mismo ang may alam,
Kung saan ka nagkamali at nagkulang,
Kung saan ka sumobra at nagpabaya,
Ikaw na ang sa sarili mo'y humusga.
Words pop and I wanna write them.
Ysa Pa Aug 2017
Kung may isang daang tula
Mga tula para kay Stella
Mga tulang sinasaad at nilalathala
Ang puso at mga nadarama
Na nagmula sa isang binata

Isang emosyon, isang daang tula
Para sa kanyang tanging sinisinta
Nais ko ring magsulat, lumikha
Hindi isang daan, kundi isa
Isang may isang daang salita

Mga salitang sana'y sapat na
Hindi ko gustong sumobra pa
Kaya tanging hiling ko talaga
Na kasabay ng mga salita
Maubos na ang aking nadarama

Tinakdang bilang ay nalalapit na
Ngunit bakit iniisip parin kita
Isang daan na, tama na
Pagod na akong mahalin ka
Pagod na ako maging tanga
Oo hype rider na hahaha
G A Lopez May 2020
Tila totoo ang aking sapantaha
Pag-ibig mo'y nasa kaniya na
Dati'y nasa akin pa
Ngayo'y nanlilimos kahit tira tira.

Lokohin man ang sarili
Sabihin mang hindi na ikaw
Hindi mabibilang sa daliri
Ang patuloy na pag-alala sa iyo sa araw araw.

Tila totoo ang aking sapantaha
Sariwa pa sa aking mga ala ala
Noong tayo'y naguunahan sa pagbibisekleta
Tayo lang dalawa sapagkat tahimik ang kalsada.

Sumobra ako sa patakbo
Dahilan upang matumba ako
Inalalayan at nag-alala ka ng husto
Pagkatapos no'n ay sabay tayong humalakhak dahil sa katangahan ko

Araw-araw mo akong pinapaligaya
Sa mga mensahe **** nakakatawa
Hindi tayo nagsasawa sa isa't isa
Iyon ang aking sapantaha.

Ganoon tayo kasaya
Kahit isaw at kwek kwek lang ang meryenda
Hindi nasa meryenda ang aking kasiyahan
Nasa taong kasama ko na gusto kong maging kasintahan.

Ang sarap balik balikan
Mga panahong buo pa ang ating samahan
Kay bilis lamang magbago ang ihip ng hangin
Kasabay no'n ay wala ka na pala sa akin.

Tila totoo ang aking sapantaha
Hindi dapat ako masyadong nagtiwala
Sa katulad **** magaling magpatawa
Dahil isa lang pa lang biro ang lahat ng iyong ipinadama.
L S O Jul 2015
Mahirap maging mahalaga.
Mahirap kasi mahal ka na sana,
sumobra lang ng tatlong letra.

Sabi nila, lahat ng sobra, masama.
Yun siguro ang kwento ng buhay mo.
Hindi ka kulang. Hindi ka rin sapat.
Sobra ka.
At hindi ka nila kaya.

— The End —