Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pupuno" poems
Meron akong labing-isang daliri Ilang beses kong binilang noong bata pa ako, sinigurado kung labing-isa nga ba talaga at nagtataka, nagtatanong kung bakit may sobra pang isa. Meron akong labing-isang daliri May kanya-kanya silang mga kwento. Labing-isa, Hindi ko alam kung biyaya ba 'to o sumpa Hindi ko alam kung bakit ako naiiba Hindi ko alam kung paano ko ba 'to itatago sa mga tao Sabi nila, suwerte daw 'to, magiging mapalad daw ang buhay pag-ibig ko, yayaman daw ako. Sabi nila, okay lang daw maging iba Sampu, Nakilala ko ang pagaalinlangan at inggit, Umupo sila sa magkabilang balikat ko, Hindi na sila umalis simula noon, Hindi ko sila pinaalis. Halos buong buhay ko, nanatili ako sa katahimikan, Hindi ako magsasalita hangga't walang kakausap sa akin, Hindi ko itataas ang kamay ko sa klase kahit alam ko ang sagot. Maghihintay ako na tawagin ang pangalan ko, na may pumansin sa akin, Maghihintay na may pupuno ng katahimikan ko. Kung sisiyasatin mo ang utak ko, Mabibingi ka sa dami ng boses na hindi ko napalaya. Nakakulong, sa kani-kanilang mga selda, Kanilang susi ay nawala na, Umaasa na sila'y mahanap at magamit para masabi ang mga dapat nasabi Siyam, Tsaka ko lang nalaman ang halaga ng mga salita, Kung gaano sila katalim, Kung gaano sila katamis, Kung gaano sila kapait. Kung gaano sila nakakapagpabago ng isang tao. Walo, Wala pa ring tumatawag ng pangalan ko. Wala pang pumupuno ng katahimikan. Pito, Hindi ko na alam kung may tatawag pa ba, Kung may makakapuno pa ba, kung ilang salita pa ang makukulong hangga't sa buong katawan ko'y maging selda ng sigaw, pait, inggit, pagmamahal, rason, at galit. Anim, Sinubukan kong unang mag salita, Magkwento tungkol sa buhay ko, sa nararamdaman ko. Pero parang walang nakarinig. Hindi ko alam kung mahina ba boses ko o hindi lang nila ako napansin, o kung pinili ba nilang hindi ako pansinin o kaya wala lang talaga silang **** Simula noon, nakinig na lang ako. Kaya ikaw, oo ikaw na may storya Ikwento mo yung mga naaalala **** nangyari sa'yo noong bata ka pa Yung mga bangungot mo, yung pinakanakakahiyang, pinakamasaya at pinakamalungkot na mga sandali ng buhay mo, yung una **** naramdaman ang kiliti sa puso mo noong naintindihan mo kung ano ang pag-ibig, Ituring mo akong talaarawan mo, Pakawalan mo yung mga salitang tinago mo nang nagalit ka. Iiyak mo sa akin lahat ng luha na hindi mo nailuha nang iniwan ka. Itatago ko 'to sa pagsara mo, at papakinggan kita muli sa pagbukas. Papakinggan kita. Papakinggan kita. Sana pakinggan mo din ako Lima, Nananahimik at nakikinig pa din ako. Apat, Mananahimik na lang ako. Tatlo, Sa katahimikan ko, Nakalimutan ko na kung paano magkwento, Nakalimutan ko na kung paano umiyak Nakalimutan ko na din yata kung paano magsalita. Dalawa, ... Isa, Natuto ako sumulat ng tula, Nakahanap ng makukwentuhan, Naramdaman ang saya nang makatapos ng isang piyesang may parte ng mga salitang nakulong at nakalaya muli. Nagkaroon ako ng matatakbuhan sa katahimikan. Nagbabakasakali na maalala ko ulit kung paano umiyak, kung paano magkwento muli, na may makikinig na sana sa akin. Nagbabakasakaling maalala ko ulit kung paano magsalita. Meron akong labing-isang daliri, Hindi ko pa rin alam kung biyaya pa rin ba 'to o sumpa.
0
May 29, 2016
May 29, 2016 at 2:42 AM UTC
Labing-Isa

Continue reading...
84
'Kay raming pagpipilian Subalit ikaw ang napuna. Maari ka bang maging paksa? Paksa sa lilikhaing tula. May sukat man o malaya Ayos lang basta may tugma Tugmang di lang sa salita Kundi maging sa gawa... Puro na kasi ako simula Baka lang naman ikaw na Ang pupuno sa aking tula Upang nilalaman nito tuluyang magawa.
0
Mar 7, 2019
Mar 7, 2019 at 6:00 AM UTC
Paksa
Umahon ang buwan mula sa kanyang pagtulog. - sabik na sabik sinagan ang sanlibo't isang nayong naghihintay sa kinang niya. Madilim at malamig; makapal ang mga ulap sa langit. Higit ang pagnanais sa kanyang pagdampi. At siya'y lumiwanag. Kumislap. Ang kinang ng sigurado sa alon-along pagtatanong-tanong. Ang nag-iisang tiyak sa langit ng duda. Buong gabi niyang niyakap ang mga pueblong hitik sa pangamba. Winalis ang takot na dala ng langit na obskura. Buong gabi niyang tangan ang bawat pulgada ng bahala. Hanggang sa bumangon ang araw mula sa kanyang paghimbing - sagisag ng kanyang muling paggilid. Sa gilid. Sa gilid ang kanyang pedestal. Ano ang laban sa kinang na hatid ng araw? Lunduyan ng liwanag, sastre ng pagtitiyak. Sa gilid ang kanyang pedestal. Pagkat alam ng buwan na iba ang kislap niyang hatid - kinang na kikinang, ngunit 'di maglililimlim. Kinang na pupuno lamang sa langit ng dilim; sa gilid ang kanyang pedestal. Pagkat iba panghabambuhay na paghalik sa pandaliang pagtangan; na iba ang gusto sa kailangan.
0
Sep 12, 2016
Sep 12, 2016 at 12:28 PM UTC
//
Pag ibig Kanya-kanyang depinisyon Kanya-kanyang eksplinasyon Isang uri ng salamangka Na makakapagpapabago ng lahat Makapagbibigay ng dapat at sapat Pero hindi lahat ng dapat ay kailangang maging sapat Dahil kailanman ay hindi naging sapat ang lahat Maghahangad ng iba Maghahanap ng ibang kasama Pero gayunpaman ay wag kalilimutan Na ang pag ibig ay pag ibig parin Kahit ito pa ay paiba-ibahin O kaya nama’y balibaliktarin Bawasan mo man o buuin Pag ibig parin Pag ibig Ito ang tuwa sa isang libo **** luha Isang porsyento sa ilang daang libo Ito ang kahulugan sa bawat salita ng diksyonaryo Ito ang nagbibigay pag-asa sa bawat gising mo Ito ang magtuturo sayo Na ang sakit at pait ay hindi bagay na dapat **** katakutan Hindi bagay na dapat **** sukuan O kaya nama’y dapat **** kalimutan Dahil ang pag ibig ay ang lakas sa bawat paghina Ang kagustuhang tumayo sa bawat pagsuko Ang pagsulong sa bawat pag urong Ang simula sa bawat katapusan At ang katapusan sa bawat simula Dahil ang katapusan ay hindi masama Ito ang simbolo ng tagumpay Ang simula ng simula Pag ibig Ang magbibigay ng sagot sa bawat tanong Sa ano, bakit at paano Ang pupuno sa bawat kakulangan mo Pupunan ang pangangailangan mo Ito ang tulay sa bawat pagitan Malakas, matibay, mapagkakatiwalaan Sapagkat ang pusong puno ng pag ibig Ay malakas, matibay at mapagkakatiwalaan Ito ang magkumukunikta sa dalawang magkaibang mundo Kahit na sino at kahit na ano Kahit na ano pa ang kasarian mo O kahit na ano pang kinabibilangan mo Sasagipin ka nito sa pagkalunod Sa pag iisa Sa mga panahong akala mo’y wala ka nang kasama O kaya nama’y kinalimutan ka na Yayakapin ka At nang hindi manlamig at mamanhid ang iyong kaluluwa Pag ibig Di ka nito huhusgahan Tatanggapin ka kahit ano ka man Dahil kailanman ay wala itong batayan Kahit ano pa man ang iyong pinaniniwalaan Dahil pag ibig lang ang may konsepto ng pagtanggap Pag unawa at walang halong pagpapanggap Ito ay puro at dalisay Hindi pinapahina ng panahon At sa halip ay lalo pang pinapatibay Ito ay mas malakas pa sa bawat pagsubok Mas mataas pa sa pinakamatarik na bundok Pag ibig Ito ang produkto ng konseptong positibo ng pluma at panulat Ng tuno at liriko Ng imahinasyon Ng respeto at pagpapahalaga Umibig at ibigin Sabihin kung ano ang laman ng damdamin Sayo, ano ang pag ibig?
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 9:50 PM UTC
Ano ba ang Pag-ibig ?

73
Kausap ka. Tungkol sa kanya. Alam naman natin na sinasaktan ka lang n'ya, at nasasaktan mo lang ako. Bawat mura ay puri, bawat reklamo ay bati, bawat salitang lumalabas sa iyong bibig ay akin na lamang ding kinakain, nilulunok hanggang sa hindi na malasahan ang pait dahil tamis naman ang hatid sa iyo sa mga payong sasabihin. "Ganyan lang talaga sa isang relasyon," "Intindihin mo na lang" at "lalambingin ka rin non." Mga katagang eksakto sa mga gusto **** marinig, ngunit hindi malaman. Mga katagang pupuno sa mga paglalambing n'ya, pilit na pinaiintindi sa'yo na ayos lang s'ya at mahal ka pa rin n'ya. Pilit na ipipilit na sa relasyon ay ganito, sa relasyon ay ganyan, mistulang kay tagal na talagang umiibig at sanay na sa relasyon. Na kung iisiping mabuti ay sanay lang naman ako masaktan, katunayan, sugat na nilatayan at hinampas pa ng kay diin, parang ako na gumagawa ng mga paraan para kayo ay pagbatiin.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:57 AM UTC
payo
Sana ikaw na nga ang matagal ko ng hanap Sana ikaw na nga ang pupuno sa buhay kong kay saklap Sana ikaw na nga si "the one" Sana, ngayon walang iwanan Bigla kong naisip Puro lang pala ako sana Di pala talaga tayo ang nakatadhana :(
0
Aug 27, 2015
Aug 27, 2015 at 10:29 PM UTC
Sana
Susunduin kita, baka maghintay ka nang kaunti Darating ako, baka pawisan pa at naiihi Wala pa akong kotse kaya sa jeep tayo sasakay Pero sa buong byahe natin, ‘di ko bibitawan ang iyong kamay. Kakain tayo kahit saan sa may Maginhawa Tapos magbibiruan habang malakas na tumatawa Sobrang bundat tayong pareho uuwi At may mga tinga man, pareho tayong nakangiti. Ihahatid kita kahit saan ka pa nakatira Kahit inaantok na ako, baka nga tulugan pa kita Pero hindi ko gagawin yun hanggat hindi pa kumakalso Sa manipis ko ngang balikat ang napakaganda **** ulo. Hindi perpekto ang mga panahong kasama mo ako Hindi kumpleto ang ako na kakilala mo Ikaw kasi sana ang pupuno sa aking mga kakulangan Kaso kinompleto ka na niya. At hindi mo na ako kailangan.
0
Jan 11, 2018
Jan 11, 2018 at 12:57 PM UTC
Kompleto
Kailan kaya tititigil, hihinto, mawawala? Ang mga Gabriela na ating nakikilala? Isang ideya na kay hirap tapusin, kitilin, hawiin, Nasa looban ay may markang nagdiin. Nawa’y patuloy nga ating paglakas, Nang sa susunod ay wala sa isip ang pagtakas, Bagkus ay kapayapaan at kaliwanagan, Ang pupuno nang higit sa kaisipan. Kung malamig lamigin, Kung mainit mainitan, Basta sa susunod ay may kumot, Pamaypay nang mahanganinan. Magbabago rin pagkat mawawala ang mga Gabriela, Paglahong walang pasabi ngunit may ganda, Sa langit natin lahat ay natutuwa, Nahanap na. Nahanap na.
0
Oct 29, 2018
Oct 29, 2018 at 12:35 PM UTC
Ang patuloy na pagdami ng Gabriela sa buhay na ito
Hi this is my spoken poetry that I made, I'm not a professional, So by the way I hope you like it. If you like this poem dont forget to like and share love you mga marupok. 😊 Maaari bang mahagkan ko ang mahigpit na yakap mula sayo, maaari ko bang sabihin na nasasaktan ako dahil ang hirap tanggapin ang hirap pilitin yung sarili na kalimutan ka dahil ang sinasabi ng puso ay ilaban pa Kung maaari ko lang sanang ibalik ang nakaraan nakaraan na tayong dalawa ay magkasama at masaya pa nakaraan na sabay nating pinaplano ang pangarap ng bawat isa sabay nating tinatapos ang ating takdang aralin ang sarap ibalik pero malabong mangyare ulit Ang sarap umasa pero nakaka-sakit na, ang sarap balikan pero ang hirap kalimutan, ang daming pwedeng balikan pero pano kung ako nalang ang na pag- iwanan paano kung ako nalang pala ang lumuluha paano kung masaya kana sa iba na pupuno ng tanong ang isipan na pupuno ng tanong, tanong na paano, paano na ako paano ako sasaya ng wala ka At kahit alam kong may iba kana kahit alam kong ang sakit na kahit alam kong pagod kana patuloy ko parin nilalaban ang lahat pinipilit kong sumaya sa iba pero hindi ko magawa dahil ang saya na gusto ko ay wala sakanila kundi nasa taong gusto ko ngunit iba na yung gusto at iba na yung pinapasaya Sabi saking sarili na kaya ko nang wala kana, kaya ko nang mag-isa kaya ko nang titigan ka na kaya ko na, pero lahat pala nang yun ay kaya kong bigkasin ngunit hindi ko kayang gawin dahil patuloy parin akong nahihirapan, patuloy parin akong lumuluha Sana maaari mo parin akong mahalin Sana maaari parin kitang pasayahin dahil alam kong darating yung araw na makakaya ko nang wala ka at kaya ko ng sumaya nang hindi ikaw ang kasama.
0
Mar 12, 2023
Mar 12, 2023 at 12:53 PM UTC
Maaari ba?

55