Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinapasaya" poems
*Sawakas! Nahanap na kita. Ikaw na kaya akong pasayahin sa tuwing ako'y nalulungkot, Ikaw na kayang tiisin ako, Ikaw na dahilan ng pag ngiti ko araw-araw, Ikaw na hindi ko kayang mawala, Ikaw na minahal ko ng sobra, Ikaw na mahal ko, Kumulubot man ang aking mga balat, kamay mo pa rin ang kahawak kamay hanggang sa huli, Pumuti man ang aking mga buhok, ikaw pa rin ang kasama sa pag tanda, Manghina man ang aking tenga, papakinggan ko pa rin ang boses **** tila himig ng isang alpa na kay sarap pakinggan, Sabi nila kung nahanap mo na raw ang taong para sayo, babaliktad ang sikmura mo at bumilis ang pag tibok ng puso mo nanghina ang tuhod mo, mukhang mali ata sila. Dahil hindi mo nabaliktad ang sikmura ko dahil inayos mo lahat ng mga mali saakin, at lalong lalo na hindi mo napa bilis ang tibok ng puso ko kundi napabagal mo at na palakas mo ang mga tuhod ko na pagod na sa kakahintay sa wala. Pero eto na, dumating ka na. Wala na akong hihintatin pa dahil, andito ka na. Andito na yung taong makakasama ko habang buhay, Andito na yung taong papakasalan ko balang araw, Andito na yung taong kasama ko bumuo ng isang pamilya, Andito na yung taong tumupad na mayroong "Forever" Andito na yung taong kaya akong tiisin kahit nasasaktan na siya ay patuloy pa rin akong minamahal, Andito na yung taong tinupad ang "Tayo lang hanggang sa huli", Andito na yung taong mahal ko, Andito ka na. Mahal patawad sa mga hindi ko pag alala, Patawad sa hindi ko pag lapit, Patawad sa hindi ko pag tiis, Patawad sa hindi ko pag paramdam sayo na mahal kita, Patawad sa mga katangahan ko, Patawad sa lahat, Hindi ko tatapusin ang tulang ito sa patawad kaya sige.. Mahal salamat dahil isa ka sa mga patuloy na sumusuporta saakin, Salamat dahil kinaya mo akong tiisin, Salamat dahil minahal mo ako noong mga panahon na hindi ko kayang mahalin sarili ko, Salamat dahil lagi kang andiyan para sakin, Salamat dahil kahit hindi tayo nag uusap ako pa rin ang mahal mo, Salamat dahil ipinaramdam mo sakin na mahal mo ako, Salamat dahil pinapasaya mo ako araw araw, Salamat dahil may "TAYO".*
0
Mar 27, 2017
Mar 27, 2017 at 10:14 PM UTC
**Tayo**

Continue reading...
34
Noong una tayong magkita ramdam ko ang kaba, Hindi ko maipaliwanag kung bakit nga ba, Mga ngiti **** puno ng ligaya, At ako'y balisa sa sobrang saya, Sa wakas, Nakilala din kita, Walang araw na hindi mo ako pinapasaya, Lumipas ang ilang buwan, At para bang may kakaiba akong nararamdaman, Hindi ko alam, hindi ako sigurado, Pero parang totoo, Ako'y nahuhulog na saiyo, Gusto kong magtapat sayo, Pero inunahan mo ako, At sinabe **** "Gusto kita" Akala ko wala ng karugtong mayroon pa pala, "Pero may mahal na akong iba."
0
Nov 12, 2018
Nov 12, 2018 at 1:06 AM UTC
PAASA
Sa bawat paghakbang ng paang maputik, anaki'y malugmok ang katawang impis. Hindi iniinda ang ngawit ng bisig, sa bawat paghampas ng pulpol na karit. Mata'y pumapait sa agos ng pawis, di ramdam ang init sa katawang manhid. Sa bawat pagbuhos ng mumunting bagsik, tila sumasaliw sa pintig ng dibdib. Tinig ng sikmura'y parang humihibik, lalong gumagatong sa hapo at sakit. Pilit pinapawi sa tuwing iihip, ang simoy ng hanging tila umaawit. Sa gitna ng hirap na pinagdaanan, ang tanging hiling sa Poong Maykapal. Nawa'y didiligan ang sangkalupaan, at binhi'y tutubo't ang punla'y mabuhay. Sapagkat sa munting pawis-magsasaka, sanlibong sikmura ang pinapasaya. Ang tinik sa paang nakapanghihina, Sanlibong katawan ang pinasisigla. Ginaw ng tag-ulan at init ng sikat, hindi iniinda kahit naghihirap. Para may mahain sa mumunting hapag, at pagsasaluhan na mayroong galak. Ang iba'y inisip kung anong lutuin, ngunit sa kanila'y mayr'on bang mahain. Ito ba ang buhay, Diyos na mahabagin, ang mga nagtanim salat sa makain? Ganito ang buhay ng may gintong kamay, na puno ng lipak, marumi't magaspang. Subalit malinis ang pusong tinaglay, bisig ng daigdig, sa pagod nabuhay. Sila ang bayaning dapat na purihin, sandata'y palakol, tumana'y suungin. Sa bawat pagpatak ng pawis sa tanim, katumbas ang bungang gumigintong butil. ©Raffy Love Canoy |May 2019|
0
May 29, 2019
May 29, 2019 at 8:24 AM UTC
Gintong Kamay
Isang araw nang matanong kita Mahal mo ba talaga Isang tulad kong di naman masaya Nakakagulat pa nga't nandyan ka Laging nasa tabi Na kahit umaga man o gabi Pinapasaya ako Mga matang inakip ang buong isipan ko Kaakit akit na salita binitawan mo Nang di mo napapansi'y Madalas kitang isipin Kaylan ma'y di nagbago Pangakong tinago Mga kasalanang naglalaho Unti unting nagagago ng tadhanang di natin mabago-bago kaylangan bang pahirapan bago makuha ang gusto katulad ng simpleng pagharap sayo marinig ang salitaang oo o ano mang salitang pwedeng makuha Para masagot mo ng totoo
0
Nov 23, 2015
Nov 23, 2015 at 3:41 AM UTC
Totoong kaylangang malaman
Palagi na lang ganito ang ikot  ng buhay ko; maniniwala sa kasinungalingang sinasabi ng puso, pinipilit magpakatatag kahit walang kasiguraduhang ang katotohanan ay sadyang totoo, lumalaban sa sakit na kailanman ay hindi na malulunasan, pilit pinapasaya ang puso sa kalungkutang matagal nang naipunla, at nagbabakasakaling ang katiting na pag-asa ay magkatotoo pa. Saksi ang buwan sa bawat pag-iyak ko. Saksi ang araw sa bawat pag-ahon ko. Saksi ang hangin sa bawat buntong-hininga ko. at saksi ang Panginoon sa bawat pighati, kirot, dalamhati, pangungulilang napakabigat sa puso ko. Nananalanging sa bawat paggising ko ay bagong simula, Sa bawat paghinga ko ay panibagong buhay pa, Sa bawat pagpikit at paghinga ko ay nakaapak pa rin ang mga paa ko sa lupa, na sana... maliban sa Panginoong nakikinig palagi sa akin ay may isang taong handang samahan ako sa hirap o ginhawa.
0
Jul 28, 2018
Jul 28, 2018 at 1:31 AM UTC
Sana
Isa kang manunula na karapat-dapat magmahal at maging masaya. Isa kang tula Na may angking ganda Na minsan ay hindi maintindihan Kung hindi nilalaan ang oras upang pag-isipan Minsan pinupuna ng iba Dahil hindi sila nito pinapasaya Hindi nila alam Paano mahalin ang tula Tanggapin ang lahat ng tayutay at salita nito Na hindi na kailangan ng kapalit o salitang panibago Wag kang makinig sa kanila Ikaw ang tula at manunula Ikaw ang may hawak ng sarili **** istorya Ikaw ang magdedesisyon sa bawat salita, linya o stanza Yakapin mo ang sarili **** ganda Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa iba Ako’y tanging nagbabasa lamang Nagmamahal at nagsusuporta Kung kakailanganin **** humiram ng ilang salita mula sa akin Wag kang magdalawang-isip na ako’y kausapin Alam kong balang-araw, malayo ang iyong mararating Kung hindi ka naniniwala, magtiwala ka lamang sa akin
0
May 18, 2020
May 18, 2020 at 9:58 AM UTC
Kaibigan ko,
Naranasan ko ang magpaubaya sa taong minahal ko ng subra-subra. Hindi dahil sa hindi ko siya kayang ipaglaban ngunit hindi ko kayang habang buhay ipaglaban ang taong may mahal ng iba. Hindi ko kayang isugal ang buong pagmamahal na alam kung sa huli ako parin ang malulugmok. Masakit mag let go pero mas masakit kung mananatili akong uhaw sa pag-ibig na kailan man ay hindi maging akin. Ang tanging hangad ko lang ay mahalin ako ng pabalik pero siguro nasa maling tao ako ngayon upang maranasan ang ganitong sakit. Ang sakit lang na pinaubaya mo ang isang taong nagpapasaya sayo. Pero napagtanto ko na anong saysay kung pinapasaya ka nga niya pero hindi ka naman minahal. Minahal nga pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing sa iyo.
0
Feb 28, 2021
Feb 28, 2021 at 2:34 AM UTC
Magpaubaya
laging andyan pag kailangan ng kasama pinapatawa,pinapangiti na parang walang nakakakita pinapasaya dahil ayaw makitang malungkot **** mga mata ngutin hirap **** pasiyahin pag sya na ang iyong problema minahal kita ng palihim habang ikaw ang may ibang kapiling nakikitikim ng kaunting saya at lambing dahil sa huli, di kita matawag na "akin" pero andito lang ako pag kailangan mo handang pasiyahin ka hangat kaya ko kahit umulan o bumagyo pupuntahan ka kahit hangang sa huling hinga ko mahal kita, yan lang ang masasabi ko, kahit na kaibigan lang ako para sayo...
0
Mar 13, 2019
Mar 13, 2019 at 5:36 AM UTC
Kubli (A.M.A)
Hi this is my spoken poetry that I made, I'm not a professional, So by the way I hope you like it. If you like this poem dont forget to like and share love you mga marupok. 😊 Maaari bang mahagkan ko ang mahigpit na yakap mula sayo, maaari ko bang sabihin na nasasaktan ako dahil ang hirap tanggapin ang hirap pilitin yung sarili na kalimutan ka dahil ang sinasabi ng puso ay ilaban pa Kung maaari ko lang sanang ibalik ang nakaraan nakaraan na tayong dalawa ay magkasama at masaya pa nakaraan na sabay nating pinaplano ang pangarap ng bawat isa sabay nating tinatapos ang ating takdang aralin ang sarap ibalik pero malabong mangyare ulit Ang sarap umasa pero nakaka-sakit na, ang sarap balikan pero ang hirap kalimutan, ang daming pwedeng balikan pero pano kung ako nalang ang na pag- iwanan paano kung ako nalang pala ang lumuluha paano kung masaya kana sa iba na pupuno ng tanong ang isipan na pupuno ng tanong, tanong na paano, paano na ako paano ako sasaya ng wala ka At kahit alam kong may iba kana kahit alam kong ang sakit na kahit alam kong pagod kana patuloy ko parin nilalaban ang lahat pinipilit kong sumaya sa iba pero hindi ko magawa dahil ang saya na gusto ko ay wala sakanila kundi nasa taong gusto ko ngunit iba na yung gusto at iba na yung pinapasaya Sabi saking sarili na kaya ko nang wala kana, kaya ko nang mag-isa kaya ko nang titigan ka na kaya ko na, pero lahat pala nang yun ay kaya kong bigkasin ngunit hindi ko kayang gawin dahil patuloy parin akong nahihirapan, patuloy parin akong lumuluha Sana maaari mo parin akong mahalin Sana maaari parin kitang pasayahin dahil alam kong darating yung araw na makakaya ko nang wala ka at kaya ko ng sumaya nang hindi ikaw ang kasama.
0
Mar 12, 2023
Mar 12, 2023 at 12:53 PM UTC
Maaari ba?

55