Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
RV Aug 2015
Alayan lamang ng isang sulyap
Ang mga tahimik na patak
Ng ulan sa labas ng aking bintana
(At isantabi muna ang takot na sa anumang sandali ay babangga ang bus na 'yong sinasakyan sa kalagitnaan ng EDSA)
At masdan ang pagbugso ng mga bakas ng ulan sa dulo ng salamin

At sana ay maalala mo ang bakas
Ng isang ulap na nag-alay nanaman ng kanyang sarili.
R.V.


II
And maybe one day you'll realize
That another cloud gave himself away
Again.
081721

Pikit-mata kong inaaninag ang liwanag
Na dumarampi sa aking mga pilik-mata
Habang bahagyang nagbabadya ang pagsirit
At pag-agos nang marahan
Ng pawis na pilit kong ikinukubli
Sa bawat pagtiklop ng hapon.

Walang oras o segundong hayag
Sa kung papaanong paraan ba aahon ang Araw
Na tila ba kaytagal kong hinintay na bumangong muli.
Ni hindi ko magawang lumapit
Sa mga sinag nitong hayagang yumayakap sa akin
Na para bang nais Nitong hingahang muli
Ang buo kong pagkatao.
Hinahagkan ang bawat pagbugso ng aking pulso
Buhat sa kawalang ulirat sa katotohanang
Minsang kumatok at pinagbuksan.

Nagbigkis ang lahat ng mga mandirigmang
Walang ibang hiling
Kundi sumapit ang takdang araw
Na ilang beses binuhol-buhol sa kalendaryo
Gaya ng pag-aabang sa muling pagsindi’t pag-ulan
Ng mga bulalakaw sa langit
At may iba’t ibang kapaliwanagan.

Nagliwanag naman ang kurtinang nagbibigkis
Sa hagdanang patungo sa kaluwalhatian
At sa pastulang aking minsang sinuklian
Ng Kanyang mga balak
At pinagtaniman ng mga binhing nagbunga na ngayon
At akin nang inaani nang may galak.

Dumudungaw sa lente ng aking mga mata
Ang aking pagkataong binihasan ng liwanag.
At tunay ngang ang mga luha'y papawiin
At wala nang ibang maibibigkas pa kundi
Papuri't pagsamba sa tunay na nagmamay-ari
Ng kaluwalhatiang habambuhay na aakap
Sa panibagong mundong nagtapos na ang kadiliman.

"Bubuksan Ko ang kalangitan,
Maging ang buong kalawakan,
Masilayan mo lamang ang laan Ko para sa'yo.
Tamasahin mo ang kabuuan ng Aking presensya
At ang pag-ibig Kong alay na inihanda ko para sa'yo.
Ang piging sa Aking pagsasalo'y hayag sa buong sansinukob
At ang lahat ay nais Kong makapiling sa Aking pagbabalik.
Ang hamon ng buhay ay siya ring susubok sa'yong katapatan
Kaya't wag kang matakot na waksian ang mga kamaliang
Iyong kinasanayan at ika'y magpasakop sa Aking kaluwalhatin.
Ang lahat ng Iyong mga narinig at nakita'y magliliwanag
Sa pagsapit ng itinakdang oras..
At sa iyong paghihintay ay patuloy kang lumakad
Sa landas kong laan para sa'yo.
Patuloy **** ipalaganap na ang Aking kaharian
Ay bukas para sa lahat,
At ang dugong dumanak
Buhat sa Aking bukod-tanging Anak na si Hesus
Ay siyang nakasuklob sa'yo sa iyong laban.
Tanggapin mo ang regalo Kong Banal na Ispiritong
Syang gagabay sa'yong mga pasya't
Magbibigay kaliwanagan sa mga bagay
Na tanging pang-langit lamang.
Ikaw, kayong mga tinawag Ko'y sama-samang humayo,
Ipalaganap n'yo ang liwanag sa madilim na sansinukob..
At sa Aking paghuhusga'y gagawaran Ko
Ang lahat ng aking mga anak
Na hanggang sa huli'y nanatili, nagpasakop
At kumilos ayon sa Aking mga Salita't mga utos.
Ang pag-ibig Ko'y sa iyo.."
shia Oct 2018
nang tayo'y sumilong at hinintay na tumigil ang ulan
sumilang ang panibagong pagbugso ng nararamdaman
mga pasimpleng sulyap na naging malalim na titigan
pagdikit ng kamay na sa huli din ay naghawakan
ang dating may inarte pa sa pagyayakapan
ngayon ang tanging hiling nalang ay ika'y mahagkan
nasanay na ang mga kamay sa kani-kanilang katawan
kung saan-saang bahagi ang nahahawakan
ano kaya ang dahilan?
tikom ang bibig, ang baso'y natabig
mga saloobin na lumalabas dati'y di naman dinig
ang mga mata na tila dagat, nag-iba ang kislap
ako nama'y mabilis na nalunod sa isang iglap
palaisipan pa rin sa akin kung pareho ba ang ating emosyon
ang tambalan nating bahagi lamang ng isang kuwentong piksyon
mother language. idk what to do, i just thought of one person and i said all these. di ko kasi sigurado kung aasa ba ako o magpapaasa.
Jazz Magday Nov 2018
sinampal ng reyalidad
'di tayo magka-edad
eh ano naman?
sambit ng rebelde
basta 'wag ka ng manangis
sayang ang agos ng ilog
may pag gagamitan ka nyan
ako'y malapit na

pagmasdan, mas lumilinaw
ang 'di sukat akalain
unti-unting niyayapos ng panalangin
na minsan magiging akin
at tatawagin, sasabihin
na itong 'di maipaliwanag
natuklasan magyabang
akin, tayo, sabay aaminin

marahil marami nga sila
makitid na lansangan
tila mga pang-unawa
nakahilera ang bawat tanong
kasabay ay pagbugso ng ninanais
huwag mag alala
dalawa ang pag-ibig
nakahain at naghihintay sa'yo

kahit anong talinghaga
sa ating paliwanag,
tayo pa rin ang sampid
gayong pahirapan
ang pinagdaraanan,
magkaiba pa rin ang batid
ganito kapayak ang pag-ibig ko
mahigpit na yapusan; araw araw
simple at dalisay
matagal namamatay

kaya kahit nakakakapos hininga
masaya na ako at naaninag ka
Tagalog
Janey Parcs Apr 2018
Atras. Abante.
Mga paang hindi makampante.


Atras.
Natakot, nahiya.
Nangangapa mula sa paglaya.
Iniipon ang lahat ng lakas
para tuluyang iwan ang bakas
ng nakaraang namaalam na
sa lungkot, pait at sakit
na dulot ng patuloy na pagkapit.

Abante.
Uusad, lalayo.
Uunahan ang damdamin sa pagbugso.
Isang libo’t isang daang duda.
Animnapu’t isang segundo ng pag-asa.
Imumulat ang mga mata
Nangagapa ma'y unti-unting hahakbang
Patungo sa ‘di alam kung saan.

Urong. Sulong.
Palalayain ang damdaming nakakulong.


Urong.
Nag-iisip, nagmumuni.
Tinatantyang muli ang sarili
kung ilalatag na ang lahat ng sandata
at ibubunyag ang mga stratehiya
sa laban ng buhay.
Handa ka na nga ba?
Natuto?
Hanggang saan ka dadalhin ng takot mo?


Sulong.
Lalaban, susugod.
Hindi alintana kung mapagod,
manalo o matalo.
Alinma’y hindi susuko.
Hindi maliligaw ipikit man ang mga mata
sapagka't alam na kung saan pupunta.
Bawat hakbang ay kabisado
Patungo sa kinaroroonan mo.


At ako’y mananatili na...
sa’yo.
Meruem Feb 2019
Ilang taon na rin ang nakalipas,
Mula noong una kong masilayan;
Ang kislap ng iyong mga mata,
Nangingibabaw sa mga ilaw sa daan.

Naaalala ko pa lahat -
Puno ng kaligayahan, kapayapaan.

At ngayon, ikaw at ako.
Tila hindi na magkatagpo.
Sana hindi matangay ng pagbugso,
Itong dinadala ng aking puso.
February 25, 2019 - 03:46

Maligayang kaarawan, bunso. Sayo ko muna ibubuhos oras at atensyon ko. Promise ni kuya may cake ka mamaya.
MM Nov 2019
Pumatak ang ulan, unti-unti

Kasabay ng pagbugso nito ay ang musika na ikaw lamang ang nakakarinig

Sinubukan **** silipin ang mga tala na nagtatago sa likod ng mga ulap

Ngunit ngayong gabi, maging sila ay mailap

Isang awit ang nagwakas at isa pa ang muling nagsimula pero nandito ka pa rin

Hindi pa rin maihakbang ang mga paang tila nagapos sa kalungkutan at pag-iisa

Masyado na ata silang nasanay na walang naghahanap, na walang tumatanggap

Kaya heto’t kahit usigin mo ay hindi bumibitaw sa kawalan na tila walang nakakaramdam kundi ikaw

Wala pa rin ang iyong hinihintay

Titila na ang ulan at maaari ka nang magtampisaw sa naiwan nitong buhay

Ngunit wala pa rin ang iyong tinatanaw

— The End —