Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nangyare" poems
Masakit pa rin pala Nang aking maalala Ang unang araw kung san tayo'y nagkakakilala At sinabi mo 'Ate dito ka ba?' Sobrang sakit pa rin pala Nang aking maalala Ang mga salitang nabanggit mo na 'gusto kita' Pero mas lalong masakit nang malaman ko na ikaw ay meron ng iba. Ngunit ako si tanga at di sumuko Dahila ako'y nangako na kakayanin ko Kakayanin kong makita at matiis na meron kang iba Habang ako, ito nagluluksa. Masakit pa rin pala Nang aking balikan itong mga matatamis na alaala Na lahat ay nangyare na sa nakaraan, At kailangan ng harapin ang kasalukuyan Kasi hanggang ngayon, ang sakit sakit pa rin pala. Dahil di ko matanggap na siya ang pinili mo at di ako Pero pangako kakayinin ko, Kasi mahal kita, at iyon lang ang masasabi ko.
0
Dec 2, 2015
Dec 2, 2015 at 5:29 AM UTC
Masakit pa rin pala
Paumanhin sa aking sasabihin dahil ito'y paalam na, Paumanhin dahil ika'y masasaktan sa pangyayaring magaganap, Paumanhin dahil sa kabila ng ating mga pinagdaanan ika'y iiwan ko na, Paumanhin dahil sa bawat ngiting ating pinagsamahan ito'y mababahiran ng lungkot at poot, Paumanhin dahil ang tayo ay magiging ikaw at ako na lamang, Paumanhin dahil ang dating tayo'y hindi na muling babalik, Paumanhin dahil noong nagging tayo ay nasabi kong hinding-hindi kita iiwan, na ikaw ang para sa akin, Paumanhin dahil ika'y makakaramdam ng matinding sakit sa aking pag-lisan at wala ako para ika'y hagkan at yakapin at masabing andito lang ako, At ngayong patapos na ang aking tula nais kong humingi ulit ng paumanhin dahil ako'y magpapaalam na, Hindi ko man mabigyan ng maayos na rason o paliwanag ang aking pag-lisan nais kong sabihin sayo na totoo ang lahat ng nangyare sating dalawa, ang bawat yakap, halik, halakhak maski ang ating pag-iyak ay totoo, Paalam aking binibini.
0
Aug 1, 2018
Aug 1, 2018 at 5:18 AM UTC
Paumanhin at Paalam
“Hayaan mo na lang ako matulog.” Eto ang realidad, Ng mundo, Dahan-dahang pumapalibot sa atin, Ano bang mali sa’kin? Sobrang layo pa ng hinaharap, At hindi ko maisip kung ano ba dapat ko maging. Ano ba dapat **** gawin? Marami nang nangyare, At ano pa ba ang pwedeng maganap? Magkukulong sa sulok, At magmumukmok, Naka-ilang hithit-buga na ng yosi, Baka sakaling makalimot. Naka-ilang bote na ng alak, Pampakalma sa pusong kumakabog. Hindi mo mapigil ang pag-tulo ng luha, Isa-isang nawawalan ng kislap ang mga tala sa iyong mata. Nawalan na ng liwanag ang buwan, At ang araw ay hindi na sikat, Naghalo ang amoy ng dagat at ulan, Sumingaw mula sa mainit na lupa parang naagnas na katawan. Lalabanan ba ang apoy? O hahayaan lamunin ka at matupok? Lalangoy ba kasabay ng mga alon? O handa ka nang malunod at mabulok sa kailaliman? Hanggang sa hindi na ma-iahon. Marami ang nagtatanong, “Mahalaga pa ba ang nakaraan?” Kung ang hinaharap ay nagtatago sa likod ng kasalukyang puno ng kirot at hirap, Hinagpis at galit, Poot at pagkamuhi, At sakit na walang lunas. Mahalag ba ang nakaraan? Maraming pagkakataon na ako ay lumipad, Mula sa kalangitan, malaya ang diwang may pakpak, Naglalangoy sa ulap ng kawalan. Tanaw ko ang sanlibutan, nag-aaway, Nag-papatayan, para sa ano? Lupa? Pera? Para sa diyos na makapangyarihan? Ngunit ang mahabaging diyos ay wala namang pakialam. Wala naman dapat patunayan, Wala naman dapat paglabanan. Rinig mo ba ang ingay mula sa kabilang baryo, Parang mga asong ulol, nagkumpulan at tumatahol. Ako ay naglakad, Saksi ang dalawang paa sa harapang pang-gagahasa ng mga higanteng buwaya; walang umalsa. Natatakot sila. Dahil sa mata ng nakararami, Karahasan ang tama, At hindi ang karapatan ng bawat isa. Marami ng problema ang daigdig, Dadagdag ka pa ba? Iiwasan mo na ba o babalikan mo pa? Pilit lumalayo, Patuloy ang pagtakbo, Ngunit hindi pa rin maabot ang dulo. Hindi malaman kung saan patungo. Dalhin mo ako sa lugar, Kung saan mapayapa ang buhay, At mayroong pag-ibig na tunay. Dahil matagal nang may sindi ang nitsa, Hihipan ko na ba? O hahayaan na lang mamatay ng kusa parang paubos na kandila. Dahil eto ang realidad, Ng mundo, Dahan-dahang pumapalibot sa atin, Ano bang mali sa’kin? Sobrang layo pa ng hinaharap, At pagod na’ko magising, Gusto ko na lamang umidlip at managinip, Patungo sa paraisong ang ihip ng hangin ay malumanay, At ang kulay ng paligid ay pagmamahal na dalisay. “Hayaan mo na lang akong matulog. Kung sa aking pag-gising ay meron paring sakit, hayaan mo na lang akong matulog, dahil pagod na’ko magising.” Hayaan mo na lang akong matulog. Baka sakaling hindi ko na maramdaman ang sakit. Hayaan mo na lang akong matulog. Kahit ilang oras lang, iiwan ko ang mundong mapanakit. Hayaan mo na lang ako. Dahil gaya ng sabi mo, “Sa sobrang hilig mo sa sleep, pwede ng ipalit ang pangalan mo sa salitang *ogip.” Kaya hayaan mo na lang akong matulog, Dahil pagod na’ko magising. At ayoko nang magising.
0
Apr 25, 2018
Apr 25, 2018 at 11:05 PM UTC
Pagod Na’ko Magising

Continue reading...
84
siguro magtatagpo ulit tayo kapag tayo ay handa na para sa isat'isa hindi... mali... tangina ng linyang yun! minahal kita ng buong buo gamit ang tangina kong puso pero hindi mo manlang ako minahal ginamot ko ang sarili ko kahit ngayon ginagamot ko pa at gagamutin ko bukas at gagamutin ko sa isang araw hanggang sa isang linggo sa susunod na buwan hanggang sa isang taon gagamutin kopa ang sarili ko at gagamutin ko pa habang nabubuhay pa ako kaya pakiusap... mga tatlong taon bago matapos ang ngayon kung magkita man tayong dalawa sa tambayan na dati tayong magkasama ay sana wag ka nang lang lumapit ilalabas ang apoy sa iyong pagbati ng "kamusta" sisindihan ang pag-ibig na sumunog sa aking pusong natusta na ginawang abo ng iyong pagmamahal wag ka nalang lumapit... ipagpatuloy mo lang ang iyong paglakad kung saan ka man papunta iniwan mo ako nung sabi ko "teka lang" iniwan mo ako nung sinabi kong "pahinga muna" humiling ako ng panandaliang paghinto sa giyera ng ating mga puso dahil sa walang tigil nating pagaaway na ikaw ay biglang bibitaw dahil sa simpleng bagay iniwan mo ako nung sinabi kong "sandali lang" iniwan mo ako nung sinabi kong "itigil na natin" napagod sa pagtakbo sa paghabol sa nauunang hindi naghintay sumuko sa batuhan ng ako ang tama at ikaw ay mali - - kahit kailan hindi ka magiging sapat para sa akin kahit kailan hindi mo magagamot ang nasirang ako ang nawasak na pag-ibig ang nawalang pagmamahal kahit kailan hindi na mababalik ang dati kahit kailan hindi mo mapapapoy ang abo hindi mo maaalis ang sakit na pinagdaanan nito hindi mo matatanggal ang pilat na naging sanhi mo maitatago mo lang ito magpapanggap na hindi nangyare ito lolokohin ang sarili pakiusap lang.. papakawalan na kita na ito ay hindi panandalian na ito ay panghanggang dulo papakawalan na kita na ito ay hindi biro na ito ay totoo na ito ay ang katotohanang palagi **** isusuka pasensya na mahal.. para sa iyo binigay ko ang lahat alam ko hindi pa yun sapat pero ginago mo ako kaya nagbago na ako kaya pakiusap.. wag mo nang gamitin ang oras hindi makakalimutang ang dilim ng nakalipas hindi mapapaltan ng bagong memorya ang masamang ala-ala hindi tayo magiging handa para sa isat isa hindi tayo para sa isat isa isa kang magandang halimbawa na kailan man hindi ko matututunang paghandaan kung pwede lang ibalik ang nakaraan ikaw ay aking tatanggihan
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:22 PM UTC
tula ni VJ: "hindi tayo para sa isa't isa"

71
"Di na kita mahal, tapusin na natin 'to" "Tama na, di na ikaw ang lamn ng puso ko." Mga salitang huling naring mula sayo At dahilan para bumagal ang ikot ng mudo Masakit , dibdib ko sumisikip ginawa ko lahat pero puso ko iyong winasak ang gulo, bakit ganito? anong nangyare at bigla kang umiba ng landas at sa relasyong ito kumalas
0
Aug 9, 2015
Aug 9, 2015 at 9:41 AM UTC
Masakit
12:37am at nakita ko ang kakaunting lumang litrato ng aking ama sa telepono. Naalala ko ulit ang ala-alang parang nangyare lang kahapon.
0
Jan 11, 2021
Jan 11, 2021 at 11:41 AM UTC
01.12.21
Hindi na aasa, Kase mukhang may bago na. Hindi na mangungulit pa, Kase nakuha ka na nya. Wag kang mag alala, Hindi na magchachat pa. Ngunit mahirap kalimutan ka, Pagkat minahal kita. Ako naman kase talaga yung nauna, Ewan ko lang kung bakit nung dumating sya, Nagkaganyan ka na. Walang 'TAYO' na nangyare dahil lang sakanya. Hindi na mag-aalala pa, Kase masaya ka na. Malungkot man ako mahal ko, Basta't masaya ka, okay na ako.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:19 AM UTC
Hindi na