Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nanabik" poems
Sino ka nga ba't sa bawat panaginip Ikaw ang laging nakikita, Mistulang tinatanong sa akin sarili kung bakit naroon ka. Pinagmamasdan ang iyong kagandahan, na ngayon tila'y nakakalimutan ko na. Kalakip ang istoryang ubod ng saya, Hindi magkubli ang pag-ngiti ng aking mata. Subalit sino ka nga ba? Alam mo bang hanggang ngayon hinahanap pa rin kita? Sino ka nga ba't halos may ilang buwan kitang hinahanap? Laging tinatanong sa aking sarili kung "Bakit nga ba?" Sino ka nga ba? At sana'y makita na kita? Kahit bilang isang estranghero, estrangherong hindi mo kilala. Sino ka nga ba't bakit ako'y nanabik sa iyo pag-dating? Ngunit kung ikaw ay mananatili laman sa aking panaginip itatanong nalang sa hangin, "Sino ka nga ba? at sa akin panaginip ay hindi ka ma-alis".
0
Mar 10, 2018
Mar 10, 2018 at 7:52 AM UTC
Sino ka nga ba?
Simulan natin sa katapusan nang taon, Naging dahilan nang araw-araw kong pagbangon, Naalintana ang palagiang paglamon, At uminit ang Pasko nang kahapon. “Napakaganda nang buhok mo”, aking bati, Para sa minimithi kong binibini, Pagmamahal mo’y sa akin’y biglaang sumapi, Noon ko ipinagdarasal na makita kita’ng parati. Humingi nang payo kung kani-kanino, Upang manatiling aktibo’t ‘di mablangko, Bagama’t ang kinauukalan mo’y malayo, ‘Di nagtagal, nagkaroon na din nang “tayo” Araw-araw magkausap simula noong ikalabing-walo nang Enero, Nagpatuloy hanggang Pebrero pati Marso, Kadalasang naiisip kapag nag-iisa sa kwarto, Hanggang sa eskwela, daanan, lansangan, lungsod, barangay’t baryo. Naputol man ang ating koneksyon, Hinding-hindi ka mawawala sa ‘king imahinasyon, Ipinagbawal man upang turuan nang leksyon, Sa araw-araw ang pag-ibig mo’y aking binabaon. Pinaghigpitan man’y iginagalang ko Ang desisyon at pagmamahal nang mga magulang mo, Sa ika-dieciocho ka pa daw pwedeng magka-novio, Nag-atubili, sumagot ako nang “opo”. Lahat daw nang inaantay at pinaghihirapan, Ay mayroong napakalaking kahalagahan, Kahit alinma’y sakit ay aking ginampanan, Upang sumunod lamang sa natatanging kasunduan. Kaya nandito ako ngayon, Na may pagmamahal at may mga pagtitiis na naipon, Nanabik sa pangako nang kahapon, Sa pangakong uuwi ka sa iyong selebrasyon, Ngayong ika-siyam nang Pebrero, Nais kong malaman mo na pag-ibig ko sayo’y ‘di magbabago, Nag-intay, nagtiis, nahirapan, ngunit ‘di napagod, Dahil umaapaw ang pagmamahal mula labas hanggang ubod.
0
Jun 4, 2018
Jun 4, 2018 at 9:36 AM UTC
Dieciocho (Eighteen)
Simulan natin sa katapusan nang taon, Naging dahilan nang araw-araw kong pagbangon, Naalintana ang palagiang paglamon, At uminit ang Pasko nang kahapon. “Napakaganda nang buhok mo”, aking bati, Para sa minimithi kong binibini, Pagmamahal mo’y sa akin’y biglaang sumapi, Noon ko ipinagdarasal na makita kita’ng parati. Humingi nang payo kung kani-kanino, Upang manatiling aktibo’t ‘di mablangko, Bagama’t ang kinauukalan mo’y malayo, ‘Di nagtagal, nagkaroon na din nang “tayo” Araw-araw magkausap simula noong ikalabing-walo nang Enero, Nagpatuloy hanggang Pebrero pati Marso, Kadalasang naiisip kapag nag-iisa sa kwarto, Hanggang sa eskwela, daanan, lansangan, lungsod, barangay’t baryo. Naputol man ang ating koneksyon, Hinding-hindi ka mawawala sa ‘king imahinasyon, Ipinagbawal man upang turuan nang leksyon, Sa araw-araw ang pag-ibig mo’y aking binabaon. Pinaghigpitan man’y iginagalang ko Ang desisyon at pagmamahal nang mga magulang mo, Sa ika-dieciocho ka pa daw pwedeng magka-novio, Nag-atubili, sumagot ako nang “opo”. Lahat daw nang inaantay at pinaghihirapan, Ay mayroong napakalaking kahalagahan, Kahit alinma’y sakit ay aking ginampanan, Upang sumunod lamang sa natatanging kasunduan. Kaya nandito ako ngayon, Na may pagmamahal at may mga pagtitiis na naipon, Nanabik sa pangako nang kahapon, Sa pangakong uuwi ka sa iyong selebrasyon, Ngayong ika-siyam nang Pebrero, Nais kong malaman mo na pag-ibig ko sayo’y ‘di magbabago, Nag-intay, nagtiis, nahirapan, ngunit ‘di napagod, Dahil umaapaw ang pagmamahal mula labas hanggang ubod.
Continue reading...
36
Nang makasabayan sa paglalakad, napatingin at napangiti Ang hubong sintido ay naghimok para mauna na pansinin Kapagkuwan ay kumaway sa kanya at lumapit Simpleng nagpakilala bilang kamag-aral Talastas niya na isang taon nauna sa kanya Naging mausisa tungkol sa mga **** Naisagot lang ay baka at siguro kahit balot ng kainitan ng puso Nang naghiwalay ay lalong nanabik Masigasig sa pag-aaral Nagrerepaso ng mga aralin sa bakasyon Isinabay din sa mga pagpupuri sa dikit ng gabi Sa kulay abo na panaginip ay lumaboy Maraming kumpul-kumpol ng mga orkidya at iba pang bulaklak Matao sa merkado subalit nakakabingi ang katahimikan Sa paglilibot, naging lila ang nasaging kagamitan Tumayo sa katre na pinaghihigaan Kahit wala pa sa ulirat parang nasa alapaap Umaangat kahit walang pakpak Nagbubunying pakiramdam sa taas
0
Jan 9, 2019
Jan 9, 2019 at 2:48 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #45
patawad patawad kung natakot ang mga balikat ko. kung wala silang lakas ng loob upang pasanin ang bigat ng mga kwento mo. alam nilang mangangalay sila at baka hindi ako patulugin sa sakit, sa pangamba, sa pag-aalala. nababahala ang kanan, ang kaliwa silang dalawa kaya patawad; patawad kung inalagaan ko ang lamya hindi mo makakapitan ang mga buto dahil sa rupok dahil sa walang kasiguraduhan dahil takot sila sa pusok hindi kongkreto ang pundasyon at inisip kong 'wag sila ialok sa'yo. kaya patawad; patawad kung walang tamis ang mga pangungusap. tinanan ka ng matatabang na salita sa kawalan at wala silang balak na bumalik. iniwan kang nakalutang sa ere; nag-iisip, nanabik sa ginhawang mailap. kaya patawad; takot lang ang mga balikat na ito na maging makasarili. ayaw lang nilang sumandig ka sa pader na nagdadalawang-isip. kaya kapag dumalaw muli ang gabi na kailangan **** ihilig ang sarili mo, handa na sila sumandal ka't makikinig ang mga ito.
0
Jun 7, 2020
Jun 7, 2020 at 9:27 AM UTC
Sandal
Pagsinta na ipinanganak sa buwan na kulang-kulang ang mga araw Kadalasan ay dalampu't walo at sa tuwing ikaapat na taon nagiging dalawampu't siyam Winawangis sa tagsibol ang panahon ng pagsilang Kaya magiliw ang hangin, bagong simoy hatid ng dalampasigan Ang dapyo ng Amihan simbanayad ng paghinga sa pumapagaspas na dahon sa bumabaluktot na sanga Dahan-dahan nang nanaog ang kaluwalhatian ng langit sa mga batang umiibig sa mga binatang naghihintay nang nanabik Sa sumasangang pag-irog dalawa o mahigit pang katipan marami ang nagugustuhan Walang wasto at tiyak na kamalian sa pagmamahal Di ang mayayabong bukirin at nagsitaasang gusali ang makapaghahadlang Maging ang mga naging bulag na ay matuwid kung lumakad sa daan Sa batas ng pag-ibig ang kalooban ang magtitiis kung magkasala ang damdamin ang maghihinagpis
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 1:47 AM UTC
Puso ng Pebrero I
Kahit isang sulyap lang sa langit ay di na matanaw, Daan-daang matatayog na konkretong kahon, pati anino nito'y ako'y napapaligiran. Tinatakpan ang malagintong sinag ng araw, maging ang hanging sana'y magpapaypay sa nagiinit na siyudad ay natakpan na. Nagbago na ang mundo. Bago na naga ang mundo. Pero nasaan na ang mundong kinalakihan at pinapangarap ko? Nanabik sa malawak na langit na noo'y tinitingala-tingala lang, na kunwaring inaangkin ko ito, na akin ito. Pero bago nga ngayon ang nakikita ko, matatayog na konkretong kahon, na humaharang sa tunay na paraiso.
0
May 22, 2015
May 22, 2015 at 4:14 AM UTC
BAGO
Biyaya: Lumabas ako’t nanatili sa aking kinaroroonan. Dinamdam ang bawat sandaling dumadaan, Na para bang ang bawat segundo’y aking inaasam. Isang halik mula sa langit at ako’y nanabik, Isang halik sa sinag ng araw at ako’y napapapikit, Isang halik mula sa hangin at aking linanghap. Ang mga ito nama’y biyayang pruweba ng aking pagkabuhay. Bawat halik mula sa langit ay parang nagpapaalala, Ng mga bagay na sa atin dapat ay mahalaga.
0
May 22, 2015
May 22, 2015 at 4:15 AM UTC
BIYAYA
Kahapon lang nag usap ang ating mga puso na parang dalawang taong nagmamahalan Ngunit bakit ngayon ay tila isang palaisipan nalang ang iyong paglisan? Ano ba ang hindi ko nagawa? Hindi ba ako makapag antay sa muli **** pagbalik o tila wala na talagang babalik? Masaya naman ako sa kung iyon ang iyong nais Pakiusap, Sa iyong muling pagtalikod Huwag na muling lumingon Huwag na muling magparamdam Ni kumaway upang mag paalam dahil ang puso, walang ibang batid, at sayo lamang nanabik.
0
May 29, 2018
May 29, 2018 at 12:45 AM UTC
Waiting Game
Bilang lang ang mga araw na nakakausap kita, Bilang lang ang mga oras na tayo'y nagkakasalamuha, Kadalasan nga wala pa, Ngusit sige lang, ganyan talaga. Hindi ka man makareply, Alam ko namang may dahilan, Iniisip na, "ahhh sa susunod nalang", Kaya nanabik tuwing magtatapos na ang linggong nagdaan. Isang gintong pagkakataon ang muli kang makausap, Sapagkat tayong dalawa, sa isa't-isa'y mailap, Kaya ginagawa ang lahat ng makakaya, Upang di masayang ang pagkakataong ito, kahit di ka kasama. Noon, ayos lang kahit di kita itext o tawagan, Sapagkat, nakakapag-usap naman tayo habang nasa daan, Ngunit may mga bagay talagang di mapipigilan, Kahit na ikinakalungkot, di naman mangingialam. Sa humigit kumulang limang buwan, Sa apat na libo at higit pang mga mensaheng pinagsaluhan, Nangyari lamang sa mga Biyernes, Sabado at Linggong ng mga buwan, Tatlong araw, tatlong araw ay sapat na aking kaibigan.
0
Dec 24, 2017
Dec 24, 2017 at 4:27 PM UTC
Biyernes, Sabado at Linggo
pinaglapit pinaglayo pinaglapit ulit ngunit muling pinaglayo nawili ang tadhanang makipaglaro sa pusong hindi takot sumubok. ang mga matang nagkatamaan, muling nagkatitigan bibig na sadyang napangiti nanabik na muli kang madampian. ngunit hindi, tama na ang minsang nagkasakitan, nakasakit at nakasagasa ng ilan. tama na ang mga pantasya na baka tayo talaga ang para sa isat-isa na baka tayo nga ang tinadhana. saiyong paglakad sa dambana at sa iyong panunumpa, sabi ko sa sarili, tama na. sa sobrang sanay ka nang masaktan, wala nang luhang umaagos sa iyong pisngi. sa sobrang sanay ka nang magparaya, hindi mo na alam kung paano ang sumaya. sa sobrang sanay kana sa pabugso bugso nyang dating at paglisan, hindi mo na alam kung paano ang maiwan. kaya tama na, mapagod kana, at huwag nang umasa sa mga kathang isip na nilalatag nya, kasama nya, ang lahat ng ito ay lilipas at mawawala, ng parang bula.
0
Jun 29, 2020
Jun 29, 2020 at 10:09 PM UTC
Bagong yugto
Sa'yo, ako'y nanabik. Sabik ako Sayong presensya kaya di na ako mag-aaksaya. Ako'y Iyong inaalala sa bawat segundo kaya iniwanan ko ang buhay na makamundo. Heto ako, patulong **** binago at kalooban Mo na ako'y lalago. Salamat sa Iyong pangako na di talaga napapako.
0
Jun 12, 2018
Jun 12, 2018 at 11:14 PM UTC
Sabik