Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nalugmok" poems
Kahulugan  ng kaibigan Ano ng ba para satin Karamay da lahat ng oras Ating siyasatin Minsan ako'y nalugmok Siya  sakin ang umahon. Karugtong ng buhay ko Ikaw ang pintig ng puso ko Pagmamahal na hindi ko natamo Pinasibol mo sa puso buhay ko SALAMAT na kataga kulang pang Ipuri sayo. Munting sulat ko ay iyong basahin Tanging hiling ko'y wag kang mag bago sakin Nag uumapaw na galak ng puso ko Sana'y iyong madama rin.
0
Mar 2, 2014
Mar 2, 2014 at 7:53 PM UTC
KAIBIGAN
Nalugmok sa labis na kalungkutan, ako'y namulat sa katotohanan. Tila nagbago ang mga pananaw, ngayo'y pangarap ay di na matanaw. Mabibigat na balakid, lahat ay nalampasan ngunit bakit ang isipa'y nabagabag ng karanasan? Muling binalikan ang masalimuot na nakaraan, ibinaling ang tingin sa masahol na pinanggalingan. Nalason ang isipan sa pag-apaw ng damdamin ang hapdi at kirot, bumalik lahat sa akin Matagal na mula nang manghilom ang mga sugat ngunit nariyan parin bilang tanda ang mga peklat. Hindi ko labis maunawaan ang lungkot na nadarama Gulong gulo ang aking isip at hindi makapagpasya.. Tiyak na ang kahahantungan ko'y hindi kaaya-aya Hanggang sa dulo pa ba ako'y magpaparaya?
0
Jul 30, 2015
Jul 30, 2015 at 12:22 PM UTC
Ang bakas ng kahapon
Ikaw si "Ligaya" pero lungkot ang iyong dala Ikaw yung nagpapatunay na hindi lahat ng nakangiti masaya ikaw yung dating nagbibigay sigla kaso unti untiang nabura. Yung imahe mo na dating buo na palitan ng mga linya na sobrang gulo Di ko tuloy alam kung ikaw si ligaya o si lungkot sinamahan mo kong umakyat pero iniwan mo pag dating sa tuktok. Kumapit sa bisyo at doon nalugmok. napaaway, nag maoy, at doon nasuntok. Nasuntok ng katotohanan na wala kana at yung ligaya ni "Ligaya" ay nahanap sa iba Pero maligaya ako na maligaya kana kahit yung sarili kong ligayay mawawala na. sa dinamidami ng ligaya sa tulang to kabaligtaran ang nadarama ko. kasi nga ikaw si Ligaya pero lungkot ang dala mo.
0
Oct 23, 2016
Oct 23, 2016 at 11:48 PM UTC
Ang tula para kay Ligaya
Isang pagkakamali biglang nabura Nabura lahat ng tamang ginawa Isang pagkakataon ang ipinusta Ipinusta ang akala niya ay tama Tama ba na sabihing umalis ka? Umalis sa kadenang kinasusuplutan? Tama ba na sabihing lumipad ka? Kung putol na ang pakpak at wala ng liliparan? Humayo ka, lumaban ka, yan ang sabi nila O kay daling sabihin ng dilang matalinhaga Ngunit sa parehas na dilang iyon ka nalugmok Makalilipad pa ba ang napilayang lamok?
0
Jul 22, 2019
Jul 22, 2019 at 6:57 PM UTC
Putol na ang pakpak
Ako ngayon ay nalugmok Sa sulok nagmumokmok, Malalim na mga sugat Sa kahapo’y idinulot. Ako ngayon ay lumuha Ngunit hindi ako kawawa, Tumulo lamang ang luha Babangon rin ng kusa. Ako man ay nadapa Iginapos sa tanikala, Araw man ay mawala Sisikat pa rin sa umaga. Ako ngayon ay gagapang Papalayo sa pampang, Lilisanin ang hinanakit Sa dibdib na kay sakit. Ako ay magpapaalam na Sa mga sugat na alibugha, Magpapatuloy na ako Kakayanin ko ang mga ito.
0
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:24 AM UTC
PAALAM