Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nalito" poems
Sinusulat ko ito para aking matandaan Ang pangako na minsang sinundan Ng sakit at tampo ng nakaraan Pero hindi ito susundan ng sakit at kahihinatnan. Minsan aking pinangako na magiging okay lang ako Na lahat ng ito ay malalagpasan at makakalimutan rin Pero lahat pala ito’y napako, At napadaan lang sa daan na bako-bako. Daan na bako-bako, parang tayo. Di malaman kung san liliko, palagi nalang nakakalimutan at nahihilo, Kung ang damdamin ay pareho. Umasa ang isa at nagpaka-tanga, Sa pangako at pag-ibig kung san lahat ay nalito. Pangako. Sinusulat ko ito para aking matandaan Ang sakit na dinulot mo sa akin Mas masakit pa kesa sa paluhudin sa bilao ng asin At kalian man umasa na ikaw ay mapapa sakin. Pangako, salitang palaging napapako. Katulad ng tulang ito, parang pangako. Paulit-ulit sinasabi, ngunit nalilito at napupunta sa daan na bako bako Pero aking tutuparin, ang pangako na ito hangga’t sa kakayanin. Pero hindi kita tutularin, na ginawa ang pangako na parang bang kasing nipis ng asin.
0
Dec 3, 2015
Dec 3, 2015 at 5:44 AM UTC
Pangako
Nandito tayo sa unang parte na di ko alam kung paano naiwasto Hinihintay ang inaasam na pagbalik mo Tulad ng aso na nag-aabang sa paguwi ng kanyang amo Ikaw ang kalakasan at siya ding kahinaan ko Daig ko pa ang isang tanga sa pagiging uto-uto Nandito tayo sa iisang bangka ng ating paglalakbay Ako yung nagsasagwan ngunit ikaw yung unang nangalay Kaya pala nanlalamig na parang isang bangkay Ang mundong nilisan ay hindi na maipapantay Bulaklak na sabay itinanim ay simula ng mamatay Nandito na ako at hawak ang libro, ililipat na sa huling pahina Ang mga sigaw na naging mga bulong na sa hina Hirap na tiniis at pighating matagal ng gustong kumawala Nagwawala, nawawala, na parang ibong na sa hawla Dalawang pusong pagod, na kailangan ng mag-pahinga at huminga
0
Dec 10, 2016
Dec 10, 2016 at 11:57 PM UTC
Nandito. Nalito. Nahinto.
Ngunit walang kaparis ang hinahanap na piyesa Di mabibili gaya ng rubi't iba pang mamahaling bato Tuluyan man pinabayaan ito'y di mapapalitan ng bago Iisa lang ang puso ng saging sa mundo Ang pagitan ay sinagtaon sa kinatatayuan at mithiin Anggulo ng teleskopyo ay bahagya na pahilis Lumihis ang tanaw sa Polaris Paano matunton kung nalito sa direksyon Maabot kaya ng radyasyon? Guhitan nang matuwid ang Norte Kumakapit pa sa pinaglalaban ang pobre Sa dibinong galamay ng sansinukob ang tumulong para hagilapin ang nawawalang bituin at sulsihin tulad sa bahay-gagamba Maitim na imahe ay nananakal Tinangka na dakmain ito ngunit di masalat Kumalma at hinay hinay gumulong, inikot ang busol Naalimpungatan nang lumabas datapwat panaginip ang lahat Munting ninanais ay maisakatuparan kung ano ang nasa isip Nang hindi na makagalaw, susunduin ng awa At may aampon- habag ni Bathala Mamamayan ng Kanyang paraiso'y manunumpa
0
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 6:11 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #27
Yung natakot ka na Mahalin siya Yung natakot ka na Mawala siya Yung natakot ka na Sabihin sa kanya Yung natakot ka na Maunahan ka ng iba Yung natakot ka na Magbago ang samahan Yung natakot ka na Manghinayang sa pagkakataon Nakakatakot Lamunin lamang ng takot Nalito, di malaman ang gagawin Kung ito'y aaminin o hindi Hanggang sa wala ka nang ginawa Kundi matakot sa hinaharap At masabing *"Sayang, kung hindi lang ako natakot Edi sana, alam mo na ngayon"*
0
Sep 26, 2015
Sep 26, 2015 at 11:13 AM UTC
Takot
Pahinga ka muna Mukhang pagod kana Ilang milya na ba nalakad Bago ka tuluyang dito mapadpad Hindi mo kailangan parating mag-madali Tipong bawat araw na lamang ay nag-aatubili Sapagkat hindi ganiyan ang turo ng buhay Ika'y parati nasa unahan sa karamihan nakahiwalay Kung minsan dapat mo ring maranasan sa hulihan Nang malaman mo ang tunay na kahulugan Nang kasiyahan matapos ang tagumpay Kahit sugat-sugat ang katawan at ang paa'y pilay Pahinga ka muna Mukhang pagod kana Sa karera ng buhay Na 'di mo dapat itunuring na ganoong bagay Ayos lang mag-kamali Makailang beses mang maulit muli Dahil kung minsan kailangan mo matuto Mula sa pagkakamali na kung saan ka nalito Huminto ka ng sandali H'wag kang mag-madali Pakinggan ang pusong sumasambit Hindi mo kailangan lahat ng bagay ipilit Tandaan mo walang tunay na katagumpayan Sa isang tao na napipilitan Kaya ikaw na ay tuluyang huminto Nang dahil 'di talaga 'yan ang gusto
0
Dec 26, 2020
Dec 26, 2020 at 7:20 AM UTC
"Tigil na"
binalak kong baguhin ang isip mo at nang tumagal ako yung nalito kung saan ko ba ilulugar ang sarili ko sa'yo
0
Sep 1, 2019
Sep 1, 2019 at 12:27 PM UTC
Wala Sa Ayos