Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagpapakasaya" poems
Nakapag sulat na ako ng maraming tula, Tulang para sa iba ngunit para sakanya’y wala, Ang taong ini-alay ang buhay para lang sakin, Na minsa’y dinadaanan ko lang na parang hangin. Nakakalimutan na siya ang dahilan kaya ako’y buhay, Buong buhay niya ang kanyang ibinigay, Mga panahong ako’y nagpapakasaya, Habang siya’y nasa bahay nag-aalala. Ang oras at panahon ay napupunta sa iba, Ngunit sakanya ang mga ito ay para lang sa mga anak niya, Hindi mapakali dahil iniisip ang susunod na alis, Hindi ko namamalayan na sa aking pag-alis may isang taong nangungulila sakin ng labis. Inaantay ang aking pag balik mula sa eskwela, Ngunit sa aking pag dating hindi ko manlang siya makamusta, May mga oras na hindi nagkakaintindihan, Subalit sa huli ikaw ay kanyang pinapatahan. Mahal kong ina gusto ko iyong madama, Ang tulang ito ang magsisilbing paalala, Madami mang problema at tampuhan, Sa huli ikaw parin ang mahal kong ilaw ng tahanan
0
May 14, 2017
May 14, 2017 at 12:31 AM UTC
ILAW NG TAHANAN
Ang sabi ng mga madla Madaya ang tadhana Iibig ka na sa maling tao pa. Ngunit tadhana nga ba ang madaya O tayong mga tao lang talaga? Kay damot ng tadhana Ang taong gusto mo'y hindi makuha Bakit iyong iba wala namang ginagawa Samantalang ako'y halos umiyak na ng isang baldeng luha Hindi ka pa rin makuha Hanggang ngayo'y hinahangaan ka pa rin sa malayo Malabo mang mapansin mo Hindi mo man pansin ang presensya ko Narito lamang ako, Ipagdarasal ang kapakanan mo. Sana'y madali lang ipagsigawan Ang aking nararamdaman Ngunit alam kong tututol ang mundo Ilalayo ka sa akin ng mga tao Masasaktan lamang tayong pareho. Ang daya daya ni tadhana Ako ang unang nakahanap sa'yo Ngunit mas pinili **** mapunta sa malayo Nagkamali ako Lahat ng aking mga paratang ay hindi totoo Ikaw ang madaya Inibig kita ngunit sinira mo ako Nilisan mo ako at sumama ka sa malayo Iniwan mo ang kalahati ng puso ko Ang iba'y na sa iyo. Kaya madaya ka! Narito ako't balisa Habang ika'y nagpapakasaya Sa yakap ng iba. Madaya ka! Libo libong alaala Ang naging sandigan ko Upang ika'y bumalik at magmakaawa Magmakaawa na bigyan pa kita Bigyan ng pagkakataon na muli pang magsasama Naghintay ako ng iyong pagparito Ngunit malamig na hangin lamang Ang sumalubong sa akin. Hindi ka na maaaring bumalik pa! Bakit pa ako umaasa? Madaya ka!
0
Dec 15, 2019
Dec 15, 2019 at 7:25 AM UTC
Sino Ang Madaya?
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, Siguro'y dito na lang ako magpapaalam. Hindi ko alam kung kayang bumalik pa, Pero sana'y 'wag **** kalimutang minahal kita. Ang nais ko lamang ay 'wag kang saktan. Ngunit bakit hindi mo maintindihan? Hindi pa ba sapat 'yong ika'y gustong protektahan mula sa nagkukumawalang mala-Incredible Hulk kong nararamdaman? Ngayong ika'y nasa malayo na 'Wag mo sanang isiping ako'y nagpapakasaya Sapagkat sa 'twing naaalala kita, Parang ako ay dinadaganan ng sampung toneladang tela.
0
Aug 9, 2015
Aug 9, 2015 at 2:32 PM UTC
Tela
Nung ika’y umalis at lumisan At ako’y iwanan ng tuluyan Tanging sinabi sa sarili ko Kaya ko ‘to Nung nalamang ika’y nag-iisa At ako’y pilit na nagpapakasaya Sambit ng pusong nagpapalakas Kaya ko ‘to Nung bawat sakit ay pilit bumalik Bawat pagkukulang at bawat pasakit Tinibayan ang loob at sinabing Kaya ko ‘to Nung sumagi sa isip ang bawat alaala Sa bawat ngiti at bakas ng ligaya Pilit kong pinagiisipan Kaya ko ‘to? Nung ika’y hinahanap ng puso Sinisigaw sa bawat pintig nito Naguguluhan na ako Kaya ko ba? Nung nakikita kang masaya sa iba At sinampal sakin ang katotohanang Hindi ka na babalik pa Kaya ko pa ba? Nung napagtanto na ika’y mahal pa At sakin ay ayaw kang mawala Gusto kong isigaw sa mundo Hindi ko kaya ‘to Nung sa’yo ay nagsusumamo Nakikiusap na muling maging tayo Ngunit tuluyang binitiwan na ako Hindi ko na kaya ‘to Nung ika’y masaya na sa kanya At ako’y nilimot sa pag-iisa Tanging lumabas sa aking paghinga Ayoko ng ganito Ngayong tuluyan ka nang nawala Bakas mo ay pilit hinuhugasan Ngayon ko dapat isiping “Kaya ko ‘to” Sana’y makabangon na sa aking pagbagsak Tumungkod sa sariling mga paa at ituloy ang landas Pilit pinapaalala sa pusong nasawi Kakayanin ko ‘to Babangong muli sa bagong umaga Gigising sa katotohanang wala ka na Lalakad ng mag-isa kahit masakit Lahat ng ito’y pilit kakayanin
0
Sep 17, 2017
Sep 17, 2017 at 12:55 PM UTC
Kaya ko
Hindi ko lubos malaman kung saan na nga ba ang daan tungo sa walang hanggang kasiyahan Tila ako'y nabalot na ng walang katapusang kalungkutan Pakisabi naman sa akin ang araw kung kailan ito mawawakasan Patuloy na naghihinagpis Mga mata ay laging nananangis Kung iyong titingnan sa aking pisikal na kaanyuan malalaman mo ang pinagkaiba ng isang taong masaya at isang taong pilit nagpapakasaya. Oo, hindi ako ang taong kilala ninyo. Sa likod ng wangis na anyo, Sa kabila ng 'di mawaring agam-agam, Nananatili ang isang kabuuan ng pagkatao na kahit kailan, hindi ko ninais maramdaman. Oo, isa akong halimuyak ng bulaklak sa inyong paningin pero, Ni minsan hindi nagawang pitasin at nanatiling nakasulyap sa katimyasan. Isa lamang akong atraksyon na pinipiling lapitan. Isang anino sa pisikal na anyo.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:00 AM UTC
Sino... ako?