Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naghiwalay" poems
Isa Isang taong nasasaktan Isang taong umaasa Isang taong nagbigay tiwala Sa isang taong kanyang pinaka mamahal Isang pagiibigan na nabuo sa loob ng isang taon Isang magandang relasyon Nasira ng isang sigalot Isang pangakong bibitiwan Ng isang pusong umaasa Dalawa Dalawang taong pinagtagpo Dalawang taong nag-ibigan Dalawang taong nagbigay kulay Sa buhay ng isa't isa Dalawang pusong pinag-isa Dalawang labing nakangiti sa tuwina Dalawang matang lumuluha Dahil ang dalawa'y hindi na isa Tatlo Tatlong laruan na nagbuo ng pamilya Tatlong laruang ginawang anak ng dalawa Tatlong salita na nagbigay ligaya Sa pusong tatlong taon ng umaasa Kung may magmamahal pa ba? Tatlong minuto kapiling ka ay sapat na Upang mapawi ang lungkot at mapalitan ng ligaya Tatlong masasakit na kataga Ang naghiwalay ng landas ng dalawa Apat Apat na buwan ang hinintay Bago makamtan ang matamis kong 'OO' Apat, ang bilang ng letra sa isang salitang tawag mo sa akin Noong ika-apat na beses na tayo'y nagkasama doon ka nagtapat sa'kin Lima Limang buwan tayong isa Lima, ang sukat ng aking paa Na lagi **** pinagtatawanan Lima, ang bilang ng mga daliri ko Na lagi **** hawak-hawak Limang minutong yakap madalas **** ibinibigay Anim Anim ang bilang ng letra ng iyong pangalan Anim ang dami ng nais **** alagang hayop Anim ang bilang ng pagpunta ko sa inyo Higit pa sa anim na beses kong uulitin ito: Mahal pa rin kita Pito Pitong kontenenteng nais nating lakbayin Pitong araw sa isang linggo Mga araw na pinasaya mo ako Pitong bilyong tao sa mundo Ikaw ang pinili ko Walo Walo, isang numerong mahalaga sa'tin Walo, isang numerong ginagamit sa tuwing naglalambingan Walo kapag pinalitan ang huling letra ng 'a' Wala, parang tanga Siyam Siyam ang araw ng kaarawan ko Siyam ang numero sa likod ng tshirt mo Siyam katunong ng pangalan ng matalik kong kaibigan na nasaktan ko ng lubos Siyam and dami ng taon na bibilangin bago matupad ang pangarap nating dalawa Sampu Sampung taon mula ngayon Ipinangako mo sakin ang isang masayang buhay Sampung taeon mula ngayon haharap tayong dalawa sa altar Sampung taon, maghihintay ako Yan ang pangako ko
0
Dec 27, 2015
Dec 27, 2015 at 9:10 AM UTC
Mga Numero

Continue reading...
76
Sa mga sinambit **** salita Sa mga ngiting ipinakita Unti-unti, ako'y nabiktima Unti-unti ako'y nahulog na Oo gusto kita, pinili pa nga kita Minahal nga ata kita Ayoko lang aminin sa sarili ko Ayoko lang pakinggan ang puso ko Takot ang nangibabaw Takot masaktan Takot maiwan Takot na maging ikaw ang mundo Takot na mahalin ka ng todo Kasi sa pag-ibig, ganoon ako Buo, buong-buo Yung wala ng para sa sarili ko Yung lahat ibibigay ko Nagustuhan mo din naman ako diba? Ikaw naman ang unang nagsabi diba? Ikaw naman ang nagpakita ng interest diba? Ikaw naman ang nauna diba? May mga plano na nga ako Para sa iyo Para sa akin Para sa atin Kasi sa tingin ko handa na ako Handa na ako Pero wala Bigla na lang nagbago Wala na tayong magagawa Wala pa ngang "tayo" ay naghiwalay na tayo Sana totoong nagustuhan mo ako Sana totoo lahat ng ipinakita mo Sana totoo lahat ng sinabi mo Sana, sana, sana Hindi ako galit sa'yo Galit ako sa sarili ko Kasi pinili kita Kasi nagustuhan kita Ang huling hiling ko na lang sa'yo ay sabihin mo na ginamit mo lang ako baka sakali ay matauhan ako at ako na mismo ang lumayo
0
Jul 23, 2016
Jul 23, 2016 at 10:54 AM UTC
Huling Sayaw..
Habang ako'y lumalaki isang aral ang tumatak sa akin "Give your 101% sa lahat ng 'yong gagawin" Kaya sa bawat aktibidad ay binuhos ko ang lahat ng aking makakaya, Pati na rin sa pag-ibig ako'y nagmahal ng sobrang sobra. "Too much of something is bad" Yun nga ang sabi nila, Pero bat 'di 'to nanatili sa utak ko? Ganon ba 'ko nabulag sa pag-ngiti mo? Ano ba hinahabol ko dito,Kilig o saya? Bakit ang tanga tanga ko? Nung naghiwalay tayo'y pinangako ko sayo hihintayin ko ang araw na pwede kitang makasama, Pero bakit kita pinaasa? Naghanap ako ng iba at binalewala ang pangakong ginawa. At sa huli ako pa ang umiiyak, ako pa umaasa. Kung minahal nga kita ng sobra, ba't ko ginawa yun sayo? Sabi ako ng sabi sa iba " pre minahal ko siya ng sobra", pero totoo ba? Puro kasinungalingan lang ata laman ng lintik na bibig na to. May kahulugan ba ang "I love you" na sinasabi ko sa iyo? Bakit ang tanga tanga ko? Bakit ba ako gan'to? Pasensya na lang...Yun lang ang kaya kong sabihin na hindi kita niloloko. Malinaw na malinaw ang aking mga kamalian. Mas mabuti nga na di ako ang yong nakatuluyan. Sana makahanap ka ng iba na magiging totoo sayo...
0
Feb 16, 2020
Feb 16, 2020 at 10:20 AM UTC
Bakit ang tanga tanga ko?
Nang makasabayan sa paglalakad, napatingin at napangiti Ang hubong sintido ay naghimok para mauna na pansinin Kapagkuwan ay kumaway sa kanya at lumapit Simpleng nagpakilala bilang kamag-aral Talastas niya na isang taon nauna sa kanya Naging mausisa tungkol sa mga **** Naisagot lang ay baka at siguro kahit balot ng kainitan ng puso Nang naghiwalay ay lalong nanabik Masigasig sa pag-aaral Nagrerepaso ng mga aralin sa bakasyon Isinabay din sa mga pagpupuri sa dikit ng gabi Sa kulay abo na panaginip ay lumaboy Maraming kumpul-kumpol ng mga orkidya at iba pang bulaklak Matao sa merkado subalit nakakabingi ang katahimikan Sa paglilibot, naging lila ang nasaging kagamitan Tumayo sa katre na pinaghihigaan Kahit wala pa sa ulirat parang nasa alapaap Umaangat kahit walang pakpak Nagbubunying pakiramdam sa taas
0
Jan 9, 2019
Jan 9, 2019 at 2:48 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #45
Masaya ka ba? Masaya ka nga bang talaga? O itinatago mo lang ang lungkot na nadarama? Siguro Itinatago **** talaga Itinatago mo dahil sa takot Sa pangamba Na mahusgahan ka Na masaktan ka Ng kanilang mga salita Mga salitang Mas matalas Mas masakit At mas mahapdi pa Sa baon ng isang kutsilyo Natakot ka na siguro Sa paulit ulit nilang pagtapak sa buo **** pagkatao Napagod ka na siguro Sa walang katapusang sakit na nararamdaman mo Kaya sumuko ka na Oo Sumuko ka na Sumuko ka nang magkunwari Magkunwaring kaya mo pa kahit hindi na talaga Hindi na at hirap ka na Tumigil ka na Oo Tumigil ka na Tumigil ka nang magtiis Magtiis sa sakit na ang tagal **** ininda Kaya kung nasasaktan ka, Umiyak ka Umiyak ka kung may yumao sa pamilya mo Umiyak ka kung hirap ka na sa mga leksyong inaaral niyo Umiyak ka kung naghiwalay ang mga magulang mo Umiyak ka kung iniwan ka ng dapat sana'y sasakyan mo Umiyak ka kung nagkagalit kayo ng kaibigan mo Umiyak ka kung pinagalitan ka ng nanay o tatay mo Umiyak ka kung hinusgahan ka na naman ng kapitbahay niyo Umiyak ka lang Umiyak ka lang kung nasasaktan ang puso mo Umiyak ka sa mga balikat ko Umiyak ka hanggang maubos ang mga luha mo Umiyak ka hanggang mapagod ang mga mata mo Umiyak ka nang mailabas ang lahat ng nararamdaman mo Dahil bilib ako sayo Oo Bilib ako Bilib akong nakakaya **** itago lahat ng 'yan sa likod ng mga ngiti mo Bilib akong nakakaya **** magkunwaring ayos lang ang buhay mo Bilib akong nakakaya **** tiisin lahat ng nakakasakit sa puso mo Bilib akong nakakaya **** mabuhay araw araw sa mundong ito Kaya kahanga hanga ka Oo Kahanga hanga Dahil hindi lahat may tapang na tumagal sa mundong ibabaw Hindi lahat nakakayang tiisin ang mga taong mababaw Kaya kung ako sayo.. Magpakasaya ka dahil ang buhay ay iisa Huwag kang matakot sa mga taong tinatapakan ka Magpahinga ka kung pagod ka na Pero patuloy na bumangon upang lumaban pa Huwag matakot sabihin na nahihirapan ka Muli lang tumayo kapag nadapa ka Tumigil ka kung ayaw mo na Ituloy mo kung gusto mo pa Umiyak ka kapag nasasaktan ka Tumahan ka kapag tanggap mo na Ngumiti ka kapag handa ka na Handang salubungin ang bawat simula Basta tatandaan mo.. Bilib ako sayo kaya huwag kang susuko
0
May 31, 2018
May 31, 2018 at 11:54 AM UTC
Hindi ito kwentong pag-ibig

71
Tulala sa labas ng bintana. Matindi ang trapiko sa Manila. Busina dito, busina jan Habang bumubuhos ang matinding ulan. Madami tumatakbo sa isipan ko. Mga bakit at mga paano. Bakit natapos tayo agad? Bakit hindi mo ako pinili? Bakit ako lagi naiiwan? Bakit tayo naging ganito? Madami beses mo na din sinabi sa akin ang sagot. Paulit ulit ito sa utak ko. Sa mga sagot mo umugat ang mga paano. Paano kung hindi tayo naghiwalay? Paano kung ako pinili mo? Paano kung ako ang nangiwan? Paano ko hahanapin ang sarili ko? Paano kita papatawarin? Bumubuhos ang ulan. Hindi ko namalayan pumapatak na din pala ang mga luha ko. Pitong buwan na simula ng naghiwalay tayo Pero bakit para kahapon mo lang ako sinakatan?
0
Jun 13, 2018
Jun 13, 2018 at 7:53 AM UTC
Bakit at Paano
Ang namamagitan, Ang nasa gitna, Ang naghiwalay ng dalawang mundo, Ang naghiwalay sa ikaw at ako. Di ko alam kung ano ang sasabihin, Di rin alam kung ano ang gagawin, Sapagkat wala akong tapang na natitira, Sapagkat wala na akong maisip aking sinta. Di ko alam kung ano ito, Di ko alam kung bakit ganito, Di ko alam kung ano ang uunahin, Di ko alam kung ano ang iisipin. Kakausapin ba kita? O mananahimik na lamang ba? O Diyos ko, akoy tulungan mo, Bigyang linaw ang utak ko.
0
Feb 2, 2018
Feb 2, 2018 at 11:32 AM UTC
Pader
Lumipas ang Mga Taon, Sa sulyap ng isang mata, Mga sandali ng kalungkutan, At ang kagalakan ay lumipad. Mga taong mahal ko, Dumating na at wala na, Ngunit hindi tumigil ang mundo, At nagpatuloy kaming lahat. Hindi madali ang buhay, At ang mga pakikibaka ay naroon, Napuno ng mga oras na mahalaga ito, Mga panahong hindi ko lang pinansin. Nakatayo ako sa sarili ko, At natagpuan ko pa rin ang aking daan, Sa ilang gabi na napuno ng luha, At ang bukang-liwayway ng mga bagong araw. At ngayon sa katandaan, Ito ay naging napakalinaw, Mga bagay na nalaman ko na mahalaga, Hindi kaya kung bakit ako narito. At kung gaano karaming mga bagay, Na pinamamahalaang kong bumili, Hindi kailanman kung ano ang gumawa sa akin, Mas mabuti ang pakiramdam sa loob. At ang mga pagkabahala at takot, Ang araw na iyon ay sinaktan ako, Sa katapusan ng lahat, Gusto lang mawala. Ngunit kung gaano ako nakaabot, Sa iba kung kinakailangan, Ay ang tunay na panukala, Sa kung paano ako nagtagumpay. At kung gaano ko ibinahagi, Sa aking kaluluwa at puso, Sa huli ay, Ano ang naghiwalay sa akin. At kung ano ang talagang mahalaga, Ang aking opinyon ba sa akin, At kung o hindi, Ako ang pinakamahusay na maaari kong maging. At gaano pa karaming kabaitan, At mahal na maipakita ko, Bago sabihin sa akin ng Panginoon, Ito na ang oras ko.
0
Jun 13, 2020
Jun 13, 2020 at 2:04 PM UTC
The True Meaning of Life