Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"masilip" poems
"Lihim" Kitang-kita ang iyong mga ngiti Malabo na ipakilala ko ang aking sarili Ako’y ni hindi man lang makapapantay sa kung ano ka Sa mata ng marami ika’y kakaiba Saaki’y napakasimple **** tao Dumaan saaking buhay at ako’y napatitig sayo Alam kong isa kang liwanag sa gabi Kay’hirap mapalapit sa tulad kong dyan lang sa tabi-tabi Lihim na binabasa ka Ngunit kailanma’y hindi makakapagsalita Marahil hindi mo alam na ikaw ito Ngumiti ka nga riyan ng ako’y mahanap mo Hindi na mahalaga na iyong maramdaman Sa isipan at salita ika’y nilalaman Simpleng hangin mula sa iyong paggalaw Bawat bagay saiyo’y sadyang aking pinipilit matanaw Minsan sa gabi’y napapaisip Buhay ko ba’y nais **** masilip Isa ka sa kulay ng aking bahaghari Baka nais mo akong makilala kung sakali Subalit ang tulad ko’y tahimik lamang Masaya at kumpleto na makita ka lang Pag-aalala ko sa tuwing ika’y nasasaktan Hiling huminto sa pag-iyak at ika’y pupuntahan Tuwing pakiramdam mo’y ika’y walang halaga Huwag kang humiling pa ng iba Saaki’y isa kang mahalagang parte ng isang tula Ikaw ang inspirasyon sa bawat isip ng gumagawa Iniingatan sa bawat oras upang mapanatili sa isip Kahit sa mga mahiwagang salita man lang ika’y mapalapit Sa ulap boses mo ang liwanag Malamig at malambing na tinig ay syang paliwanag Ika’y hinahangaan sa simpleng bagay Maaring marami nito sa iyong buhay Hanggang sa ako’y mapaupo na sa aking upuan Iniisip ang isang tao na labis kong hinahangaan Sana’y huwag kang saktan ng mga taong nakapaligid Utak kong minsa’y kumikitid Bawat paghinga mo saaking isip ay nagpapalawak Ikaw ma’y bumagsak, ligtas ka dahil ako’y handang humawak Imposible mang kamay mo ay maparito saakin Makaramdam man ng kakaiba, handa kitang mahalin
0
Jan 23, 2019
Jan 23, 2019 at 6:57 AM UTC
Paghanga Part 1 "Lihim"

Continue reading...
43
Heto ako ngayon, punum-puno ng ngiti Isang balatkayo na mananatili Habang ako'y takot, ngayo'y walang lakas Tahakin, suyurin, maulap na bukas Masdan mo ang labi na nag-aanyaya Ng isang masayang puso ko at diwa Subalit kung masilip ang puso kong pagal Lakas at tatag ko'y di na magtatagal Halika't yakapin ang aking alindog Masdan at lapitan, aking niluluhog Sana makita mo ang bawat bahagi Naluray na laman, dito sa 'sang tabi Durog na ang dibdib, maging ang isipan May bukas pa kayang sa 'ki'y nakalaan? Masdan ang palad kong natigmak sa dugo Halika't subukang gamutin ang puso Tayo na't maglakbay, ang diwa kong tulog Panaginip sana'y saya ang idulog Maging totoo ka't isayaw mo, sinta Magsaya sa gabing pag-ibig ang dala.
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 9:08 AM UTC
PANAGINIP
#102516 Umakyat ako, masilip Ka lang. At habang umaakyat ako, Nagtitimpla ako ng mga salita -- Sa isip ko, pinagmamasdan Kita At lalo akong nabibighani Sayo. Magkahalong kaba at takot -- Kabang harapin Ka at takot Na hindi kita masilayang muli. At pag nahulog ako, Kahit pa sa tingin ko'y napakalayo Mo; Sana'y masalo Mo pa rin ako. "Ang ganda Mo," Sana nga ihipan ng hangin ang bawat kataga. Nagliliwanag Ka, lantad ang kagandahan Mo. Aakyat akong muli, Yung mas mataas, yung mas nakakapagod. Alam kong di kita kayang abutin, Pero sapat na saking magtagpo tayo.
0
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 8:04 AM UTC
Admirer
Bakit ang umaga'y salaming nagniningning At ang aking gabi'y sineng walang tabing? Bakit ang magdamag ay tila araw mandin Na kung di masilip ay tila kulang pa rin? Sa oras na laging kita'y maalala Balintataw manding anyo mo'y makita; Ngiti ng puso ko'y anghel ang kapara Dala ng pagsuyong ikaw ang may likha. Di man naglalayag ang anyo kong lugod Naglalakbay naman sa aking pagtulog; Diwa at puso ko'y nawalan ng takot Laging ako't ikaw yaong nasasangkot. Saang mundo kayang di ka mamamasdan? Wala nga sapagkat tanging ikaw lamang; Takbo ng panaho'y di namamalayan Basta't laging ikaw itong kaulayaw. Daigdig mang ito'y tuksong kumakaway Kung tayong dalawa'y landas na makulay; Musika ng puso ay aalingawngaw Mundo'y paraisong doo'y laging ikaw! English Version: You Will Always Be There Oh, why each morning is like a bright looking glass And my night's like a theater without a curtain? Tell me why an overnight seems like a new day That when I can't see you, life seems so uncertain? Each moment that I cannot see you, my dearest Even your shadow is always enough for me My heart always smile like that of an angel's beam Brought by this precious love only I could see. Though I couldn't reach you with these frail arms and hands I can still touch you, my dear, in my cherished dreams My mind and my heart, they were strong, I'm not afraid Only you and I, we can get through the extremes. In what kind of world does this heart couldn't see you If there's only one image in these eyes of mine? Our time is running fast and yet we cannot feel When you're here beside me, I will always be fine. If this world of ours is a waving temptation It would still be a bright path when we truly care Rhythm of our hearts will echo and resonate A place is paradise where you'll always be there!
0
May 23, 2014
May 23, 2014 at 11:39 AM UTC
DOO'Y LAGING IKAW (You Will Always Be There)

42
Ibabaon sa limot ang inaasam Sa pagpikit ng mata'y di mapakali Ang malikot na lagyo dumikit sa kumot na pantabon Nahihiya na makita na duguan Alisan sana ng pandamdam Sa karsel masilip ang sulat Di maipalabas sa kinalalagyan Inekisan ang mga araw noong sa bilangguan Sona ng mag-uumpisang kalbaryo Nakiusap na madala ng hangin Ang Antigong pag-ibig ay kumukurap Madudulas ang babaeng di marunong makiramdam Matisod nang kanyang malaman Naaagnas nang labing-isang taon, Maghihintay hanggang sa malagutan Ibahin ang pananaw sa sanlibutan Mga bagay na nakakasiya ay ito rin ang sanhi ng paglagapak Hayaan ang oras na lumipas Maghintay sa uusbong na babala Bago dumating sa hantungan ay gumala Kailan mailadlad ang dahilan ng pananangis Sa tuwing sumisipol, sumisingit ang rekyem Kung may siruhia't kapalit sa nabasag na pangarap ay madaling ngumiti kahit na kay pait
0
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 7:23 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #26
At dagli na hinalikan Ang namamalirong mga labi niya'y sabik sa unang karanasan Ang sagot ay ang ginoong unang nagpatibok sa kanya ang unang hinalikan Ngunit huli na ang lahat Magpapakasal na sa ibang lakan Sapagkat ang pamilya'y pinagkasunduan Simula pa ng pagkabata, naipakilala na ang nakatadhanang nobyo na mag-aangkin ng kanyang puso Hambog na binata'y sa kanya ang sasal ng kasayahan sa mundo Gaya ng karamihan ay nanligaw din ang pasikatero bago nakuha ang minimithi Sadyang mailap ang pagmamahalan ng mababang uri Ngayon iba na sa kanya ang nagmamay-ari Nang nagkaisang dibdib na'y nawalan ng pag-asa Kahit masilip sa tuwi-tuwina at maibulong ang pintuho sa reyna Bukang-liwayway sa akalang nag-uumaga Takipsilim palang naduhagi sa bawat araw at sa susunod pa Ang hinihingi'y ay ang pag-amin Sa kanya na ang desisyon Mag-iiba sana ang kapalaran sapagkat matimyas ang kanyang pag-irog Kayang iwanan ang karangyaan kapalit ng pag-ibig
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 8:28 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #54
‎Sa dilim ng gabi, ako’y nag-iisa, ‎Bawat sigaw, sa hangin lang nadadala, ‎Walang kamay na sa luha’y sumasalo, ‎Pag-ibig ko’y nauwi sa pagkalaho ‎ ‎Isinaboy ko, lahat ng kayamanan, ‎Ngunit sa’yo’y tila ako’y ‘sang dayuhan, ‎Damdami’t pusong  kong walang pag-iimbot, ‎Na kahit minsan, ‘di mo man lang sininop. ‎ ‎Lahat ng araw, inalay ko’t sinuko, ‎Ngunit kapalit katahimikang ginto. ‎Ako’y abo na tinangay ng unos mo, ‎Pagod na, sinta, sa laban **** mapanlo. ‎ ‎Ngayo’y puso ko’y bato na’t nanlalamig, ‎Pag-ibig ay libing sa hukay ng lamig. ‎Hindi na muling huhubog ng pag-ibig, ‎Sapagkat minsan, wasak na’y di masilip. ‎
0
Aug 10, 2025
Aug 10, 2025 at 1:06 PM UTC
Hukay ng Lamigwasak
112522 Sabihin Sa'kin ang tangan **** pangamba, Mga alinlangan o maging pagdurusa. At sa bawat patak ng luhang walang salita’y Ako mismo ang marahang hahagkan Sayo — Lalapit nang kusa’t aagapay Kahit ako mismo ang naghihingalo. Ihipan man ng Sandali Ang apoy **** patay-sindi Ay hindi magmamaliw ang pagtingin ko’t pagkabighani. At walang ibang nanaisin Kundi masilip ang Iyong mga ngiti — Mga ngiti **** simula’t sapul ay nakakakiliti. Lulan ng iyong mapupungay na mga mata Ay ligaya sa puso Kong Tanging ikaw ang pagsinta. Kaya maging sa pagbilad mo sa araw ay kumikinang ka— Nag-uumapaw ang kagandahang hindi masakit sa mata. Sa bawat pitik ay umiindak Ka Musika ng kahapon ay nasasapawan na Ngunit ang sining Sayong mukha’y Namumutawi pa rin sa pagningning. Ikaw ata ay Bituin At maging sa umaga’y kumikislap pa rin. Ligaya ang makapiling Ka Lalo pa’t ako ang napiling maging Katipan. Ngunit sa pagkumpas nang paulit-ulit Ng kamay ng orasan, Paminsan ay ayaw ko nang lisanin Ang larawan ng nakaraan. Unti-unti akong namumulat Buhat sa pananaginip ng gising. Pira-pirasong alaala’y Kusa na namang nababahiran ng dilim — Dilim sa paningin, Dilim na walang katapusan ang mithiin.
0
Nov 24, 2022
Nov 24, 2022 at 8:13 PM UTC
Pipi(to) na Ngayon