Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"malilimot" poems
Matulog ka hirang / at kata'y tutulak Sa landas ng gabing / humahalimuyak Doo'y tutuparin / ng ating pangarap Lahat ng pagsuyo't / pag-ibig na hanap Kata'y aaliwin / ng mga kundiman At patutulugin / ng hanging mahinay Pag-ibig ang ating / magiging himlayan Sa harap ng tala't / mga bulalakaw Sa landas ng tuwa / kata'y matutulog Lilipas ang hirap / lahat malilimot Lalaya ang diwa't / mga bungang-tulog Sa tulong ng gabing / lipos ng pag-irog Kata'y maglalampong / nang buong hinahon Wala ni sinuman / ang makatututol Huhuni't aawit / ang lahat ng ibon Titigil ang luhang / sa mata'y nanalong Lamang ang hangad ko'y / iyong mamalasin Ang aking pintuhong / hindi magmamaliw Sukat na sa akin / na iyong ibigin At kung ibigin ma'y / umibig ka giliw! Tena at humimbing / sa gabing tahimik Na nilalambungan / ng nunungong langit Mga puso'y sabay / na mananaginip Sa awit ng isang / hele ng pag-ibig
0
Jul 18, 2016
Jul 18, 2016 at 7:20 AM UTC
Hele ng Pag-ibig
Kung gustong magpatuloy Burahin ang nararamdaman Kung gustong mabuhay Burahin siya sa iyong isipan Tamang daan ay alam na alam na ito na dapat ang ginagawa pero pinipili pa ring maging masaya kahit sa dulo alam naman nating talo na Masaya pa bang ituturing, Kung ang sakit ay nandoon rin? Masaya ka bang ituturing, Kung sa gabi'y mata mo ay lumuluha rin? Tunay sa ligaya Di talaga sa materyal na bagay makikita. Mata ng iyong sinisinta na sa iyo nakatulala Anong ligaya ang madarama. Panandaliang ligaya nga naman Panandalian lang ang lahat Pang matagalang sakit at poot Naman ang sa iyo'y idudulot Hahayaan mo na lang ba na gano'n? Kung ligaya ay minsang panandalian Malamang lungkot at paghati ay panandalian lang din. Ngunit haba ng dulot ng ligaya ay di masusukat Lungkot na naramdaman ay tiyak malilimot mo na. Tunay ngang pag-ibig ay magulo Hindi ko maintindihan Bakit kapag nasasaktan ka'y ayos lang? Hindi ko maintindihan Kapag nama'y masaya ka, babawiin rin lang Hindi ko maintindihan Maaari bang madali na lang ang lahat? Pag-ibig ay talagang magulo Pagkat kulay nito'y halo-halo. Mundo ay napapaikot gamit ng pag-ibig na ito, Sabi nga ng maraming nakaranas na nito Hindi ka matututo umibig Kung di ka masasaktan. Sakit sa pag-ibig ay normal Pagkat ikaw ay nagmamahal.
0
Oct 20, 2015
Oct 20, 2015 at 3:01 AM UTC
Puso't Utak, Nag-uusap (A Collab with Patricia Jhors Alabat)
Nagtago ang mga parilya sa kalupaan Habang sila'y kusang nagpahimlay sa pagsisilbing lakas t tuntungan Siguro, naisip din nilang ayos lang mapasailalim Kung ito nama'y marangal at bubuo sa bukas at ngayon. Habang sila'y sama-samang ipinagbibigkis Ay mas lalo silang nakatatamo ng sugat mula sa isa't isa Hindi nila ininda ang dumi o kahit na ang agos Na posibleng yumurak sa kanilang mga pagkatao. Sa aking pagtingala mula sa pagkasisid sa kalaliman ng kanilang mga adhikain Ay nasasaksihan ko ang pag-usad ng mas matitibay pang haligi Na dito sa ating baya'y may iilan ding tunay na tatayo At nanaising maging tuntungan ng iba para sa higit na pagsulyap sa araw Sila'y kapit-bisig sa pag-aalay ng dugo't pawis Para sa ikuunlad ng kabuuan. At unti-unting mahuhulog na tila nagkakalansingang mga barya Ang mga may buo ang loob. At sa pagbibilang ko ng mga araw ay walang pakundangan silang magiging isa At malilimot na rin ng iilan na minsan, sila'y may pagkakaiba -- Na minsan, sila'y pinulot at hinugasan At ngayon sila'y nagbago mula sa pagiging kupas na larawan.
0
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 9:58 PM UTC
Buhos
Pagbabadiya sa panibagong giyera Ako ay alipin na ng kaba Sa iyo ba ay mahalaga na Ako na naghihikahos sa dusa? Yugtong panibago, babago sa mapait na buhay Sugal sa kapalaran, pambili ng matatag na gabay. Bago pa man sarili ay ilisan Ako ay iyong na ring hagkan Mahina pa ang aking damdamin Na kaya pang itaboy ng hangin. Mahahalagang salita na bulong mo sa akin Hindi malilimot ang boses **** malambing. Sa aking pagkakasala, lahat ay iyong patawarin Magulong sanlibutan lang ang gumagambala sa'kin. Ako na hirang mo, mapa~gabang
0
Jan 5, 2019
Jan 5, 2019 at 12:12 PM UTC
Bigo
Marahil di n’yo po tanto Halaga ng leksyon ninyo Bawa’t tula, gintong puro Pag-ibig sa wikang Pino Bawat talatang piniho Nagbukas ng mata’t ulo, Florante’y bayaning nobyo Laura’y bayang Pilipino Gurong minahal, idolo Parang anak kami, oo Kahit iba’y magugulo Di malilimot, Mam Lojo . . .
0
Oct 24, 2017
Oct 24, 2017 at 9:10 AM UTC
Mga Dalit Para sa Isang **** sa Pilipino
Salamat sa hinanakit Salamat sa sakit Salamat sa pait Natuto akong muling kumapit Ang mga paa ko ay muling lumapit At natutunan ko na sa tamang tao, ako ay sasapat Hindi kailangang ipilit O sa mabubulaklak na salita ang dila ay magkapili-pilipit Iaaalay nang buo ang marami pang tula at awit Sa tamang tao, ako ay sasapat Hindi na hadlang ang agwat Mas pinatunayan na walang mahirap basta’t tapat Ngayon ay maiaalay na ang mga sulat Sa tamang tao, ako ay sasapat Hindi kami apat Walang mga kaibigang sa pagtatago at panloloko’y kasabwat Malilimot na ang hinanakit Mapapawi na ang sakit Mawawala na ang pait Dahil sa tamang tao, ako ay sasapat
0
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 10:21 PM UTC
kismet
hindi ko malaman kung saan papunta ang pinili kong daan hindi ko mawari ang sidhi at ang pag-iisip kong hati bakit kailangang pumili? saan? tangan ramdam, saktan sinubukang umikot sa eskinitang baluktot kailanma'y 'di ko malilimot na doon ko nakita ang sagot
0
May 9, 2015
May 9, 2015 at 12:33 PM UTC
Daluyan