Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Maria Navea Mar 2019
Naaawa ako saiyo, Binibini
Karumaldumal ang pamamaslang na iyong sinapit
Luha mo’y nagpaparamdam ng hapdi
sa pag tulo nito sa iyong mga pisngi.

Ginahasa ka ng sarili **** pinuno
Minulestya ka at pinagsamantalahan
Ibinenta ka sa banyaga na parang isang bayaring babaeng matatagpuan mo sa daan.

Ninakawan ka ng sarili **** tagapaglingkod
Binigyan mo na ng palay at lupain
Ngunit ang hindi na para sakanila’y nagawa pang angkinin.

Pamilya mo’y nagawa kang saksakin sa iyong likod
Sa kanilang pananahimik at hindi pagkinig
Sigaw **** “tulong”, sa lakas ika’y nawawalan na ng tinig; at
Sa pananatili nilang pagpikit sa mga karumaldumal na katotohanang sa harapan nila’y nakahain.

Ipagpaumanhin mo ang mamamayan mo, Binibini
Tao mo’y masyadong nasilaw sa kayamanang iyong binahagi
Pasensya ka na at sila ay naging makasarili
Hindi nila inisip ang dulot nilang hinagpis.

Binibini,
Sa kahit anong gamot ang iyong ipahid sa mga sugat **** natamo
Malinaw na hustisya ang sigaw ng puso at isipan mo
Hustisyang malabo mo nang maabot
Sapagkat tunay kang hindi inibig ng tao
Kundi ginawa ka lang instrumento sa pagkamit ng kanilang makasariling plano.
Pluma Mar 2015
Kaya Mo Ba Akong Panagutan?



Nilason mo ako ng iyong mapanlinlang na balat-kayo.
Pinaniwala sa mga mapanuksong katagang pagbabago.
Hinayaan ko ang labi **** puno ng kasinungalingan,
Na dungisan ang aking minamahal na bayan.


Naging biktima ako sa kulungan **** puno ng promiso,
Isang harding pinamamahayan ng mga bulaklak galing sa impyerno.
Ako’y bingi’t takip-mata sa reyalidad ng iyong tunay na pagkatao.
Mistulang manikang salat sa kasarinlan; kumukubli, nagtatago.


Ginawa mo akong biktima ng iyong kasakiman!
Mga anak ko’y ginamit mo para sa iyong makasariling kaligayahan.

Isa kang malaking hipokrito sa sarili **** lipunan!
Labis na Kinasusuklaman, Higit na Kinamumuhian.
What if our country (Inang Bayan) could actually talk?
Marge Redelicia Jan 2014
Hindi ba umaabot sa langit
Ang mga panalangin
Na binubulong ko sa hangin?
Masyado ba Kayong
Malayo
Para makita
Ang mukha kong
Nalulunod sa luha?

Habang Kayo ay
Walang imik, walang kibo
Ako ay napupuno
Ng mga problemang walang solusyon
Ng mga tanong na walang sagot.

Pero sa aking pagsapit
Sa kailaliman, kadiliman
Doon ko lang natanto
Ang dahilan kung bakit
Ako'y tila inyong
Tinaguan, tinalikuran

Dahil sa inyong
Nakakabinging katahimikan
Ako ay nagising
Sa aking napakahabang idlip
Kung saan nilamon ako
Ng aking mga
Makasariling panaginip.
Namulat ang mga
Nagbubulag-bulagang kong
Mga mata sa
Katotohanan, kalayaan
Na nasa harapan
Ko lang pala.

Doon ko rin lang naalala
Na mahal Niyo pala ako
At walang ibang tunay na ligaya
Kundi mahalin din Kita
At tsaka,
Natuto na akong
Maghintay ng may
Karunungan at
Umindak sa sayawan
Sa kabila ng Inyong
**Nakakabinging katahimikan.
It feels great to be back after a long writing hiatus.
Marge Redelicia Jun 2014
TNT
Ang mga bati mo
Ay laging may ngiti
At ang bawat bulaslas ng iyong labi
Ay may kasamang tawa
Na kay tamis sa pandinig
Pero
Nung tiningnan ko
Ang iyong mga kumikinang na mata
Aking napansin na ang mga ito'y sanay
Na pala sa luha at nung
Hinawakan ko
Ang iyong mga matipunong kamay
Naramdaman ko na ikaw pala'y
Nanginginig
Sa takot at galit

Ewan ko sa 'yo pero
Hindi ko na matiis ang iyong hinagpis.


Lumabas ka na sa iyong pagtatago.
Walang ikabubuti
Ang iyong makasariling pagsasarili
At
Higit sa lahat
Huwag na huwag
**** kakalimutan
Na ako ay para sa iyo at
Nandito lang ako palagi.
G A Lopez Apr 2020
Sino dito ang naniniwala sa pag-ibig?
Sino dito ang hindi na naniniwala sa pag-ibig?
Sino naman dito ang hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng pag-ibig?
Sino naman dito ang may alam ngunit hindi pa handa para sa pag-ibig?; alamin na natin

Hindi ito matatawag na pag-ibig kung ika'y inilalagay,
Sa pagsuway.
Hindi ito ang tamang pagmamahalan
'Pagkat ito ay makasariling desisyon at makasalanan.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang sa umpisa matamis
Ang tunay na pag-ibig ay nakapagtitiis
Ang tunay na pag-ibig ay nagsasakripisyo
Ang tunay na pag-ibig ay tumutupad ng pangako.

Ngayon kaibigan
Maaari mo na bang sagutan
Ang aking katanungan
Ang talata sa unahan
Ito po ang katuloy ng aking tulang pinamagatang " I. MATAPANG AT DUWAG: Ang Babae At Ang Lalake "
Suportahan po natin ang isa't isa HAHAHAHA
Kichiya Hayashi Mar 2019
kay tagal ko ng naglalakbay
paikot ikot
di wari
kung saan ang tamang tungo
dulot ng matinding ngalay
ang aking mga nagbubutil na pawis
patuloy na dumadaloy sa aking pisngi
ngunit tila ang aking mga panunuyo ay iyong pinagsasawalang bahala

tuwing sasapit ang dapit hapon
tumatanaw ako sa mga ulap at tala
aking minimithi at pinakahihiling kay Bathala
ay iyong makamit ang kaligayahan at kalayaan
pagkat lubos kitang iniibig
nais kong pakawalan at ipasantabi
ang aking makasariling damdamin

sinta ko, kung hindi ka liligaya sa aking piling
marahil ay hindi na ako ang inaasam ng iyong puso

walang humpay at tila walang katapusan
ang sakit na mawalay ka sakin
ngunit may mga bagay na wala tayong kontrol

mismong
tadhana ang nagdikta
ngunit hindi ko magawang makapagpaalam

— The End —