Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maidlip" poems
Balanseng pakikibaka, Ito ang araw araw na ipinamulat sa akin Ng pang araw araw ko ding pagtira Sa mundong hindi naman timbang ang hustisya Magkabilang panig na inaasahan ng lahat Na sana'y magpantay ang timbangan Ngunit ang katotohanan? Likas nang mas mabigat ang kabila Kaysa sa nasa kabila. Lahat daw ay pantay pantay Sabi ng matandang kasabihan Ngunit para sa akin? ‘Yan ay isang malaking kalokohan Wala pa namang naging malinaw na paliwanag Sa uugod-ugod na paniniwalang iyan Nakakapagod pantayin ang mga bagay-bagay. Sa kadahilanang hindi naman pantay pantay ang layunin ng bawat nilalang Sa lipunang, Kailanma'y hindi na magiging patas Sa mundong, Kailanma'y hindi na bababa ang mga nawili na sa itaas, Sa daigdig, Na ang nasa ilalim ay lalo pang nadidiin Paano pang mag-aabot ang langit at lupa Kung mananatiling bakante ang gitna Kung ang biktima ay lalong inaakusahan At ang may sala ay patuloy na hinahangaan O lupa kong hirang, o Inang kong Bayan Tayo ba’y ang mga walang kapaguran panaginip? Hanggang kailan tayo maaaring maidlip? Tayo ba’y ang mga hindi natutulog na batis? Hanggang saan tayo padadaluyin ng mga agos ng hinagpis? Tayo ba'y ang mga sigaw Sa kwebang walang alingawngaw? Hanggang kailan tayo magtitiis Sa 'di makatarungang ''Mga Bulong ng Hapis''. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 5:34 AM UTC
Mga Bulong ng Hapis
Higit isang taon na rin ang nakalipas Nang lisanin ang bansang Pilipinas Upang subukan ang buhay Sa lugar na kung tawagin ay Dubai Naalala ang galak ng pagpunta dito   Nang sa kalaunay puro na reklamo Paano naman kasi ang mga Arabo Minsan lang maligo sa isang linggo Dagdag pa ng klima na sobrang init Pawis mo'y abot hanggang singit   At kung taglamig naman ay pumasok Gusto mo na lng mamaluktot sa isang sulok   Pagkain na amoy pa lang aayaw ka na   Kahit gutom mawawalan ka rin ng gana Babae nila'y nakasuot ng itim na bestida Pati lalake rin ay nagsusuot ng palda   Pero kahit ganun ang katulad nila Gusto ko ang kanilang pananampalataya Sa diyos na tinatawag nilang Allah May oras talaga pag nagdarasal sila   Akala ng marami buhay dito ay maganda Di lng nila alam kami'y nangungulila Sa pagmamahal na ipinabaon   Ng mahal na makikita lng pagkatapos ng ilang taon Tila ang bilis ng mga pangyayari May mabuting resulta kaya sa bandang huli Lahat ng sakit, pagod at pighati   Mapagsilbihan lang ang mga ibang lahi Kung lahat ng ito'y isang panaginip Ayoko na talagang maidlip Hay... buhay Dubai nga naman Sana nga may patutunguhan...
0
Jan 18, 2016
Jan 18, 2016 at 3:38 AM UTC
Buhay Dubai
Ang luhang pilit na kinukubli, bumuhos, parang talon Sa mga pisngi kinikimkim, hanggang sa pusong humihinahon Mga kamay halukipkip, ang bibig ay takip-takip Sariling Hikbi, ayaw marinig ang nais, habang buhay na maidlip Ngiti nga'y naglaho, maskara'y nawala Masasayang halakhak, bulaklak na nalanta Pusong pinilit mabuo, maging bato Nadurong sa isang pagkakataon... Sa ala-ala mo Ang malayang paglalakbay ay sinubok kong mag-isa Inilayo ang puso ko, sa iyo ng aking mga paa... Pinilit na wag lingunin ang nakaraan Mga mata ay tinakpan, sarili'y piniringan Tainga'y pinilit takpan, madiin, madiin Na kahit bulong ng puso, di ko na kaya dinggin Ngunit ang damdamin, sumisigaw, humihiyaw Maliwanag, malinaw, malakas na bulong ay ikaw Ngayon gabi, sa pagtulog, halika sa panaginip ko Sa panagip baka doon, tayo magkatotoo Halika, mahal, halik sa tabi Tulungan mo akong palayain ko ako...
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 2:52 AM UTC
KUBLI
Naiilang ako sayo Wag mo akong tingnan sa mata! Takot na takot na ang puso Sayo ba'y muling aasa? Natataranta itong isip Nais ko na munang maidlip Ngunit sa aking pag gising, Ramdam ko pa rin ang pagkalasing Sabihin mo nga! Ilang bote pa ba ng GIN?
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 4:47 AM UTC
RED HORSE
Sa bawat paglipad ng diwang mapanglaw, handang mararating ang di masasaklaw, wari'y walang pagal yaring paglalakbay, kahit saang sulok ng sansinukuban. At saang dako man akong magmamasid, ikaw bukod tanging nakita ng isip, kung masilayan man ang loob niring dibdib, laging larawan mo ang ninitang wangis. At sa pagkahiga't hanggang sa maidlip, ikaw yaring dalaw sa hapo kung isip at ang laging huling mutawi ng bibig; "Makapiling nawa, kahit panaginip". At sa pamimitak ng bukang liwayway, tanging hinihiling na masisilayan, ang iyong pagngiti kahit sulyap lamang at di ipagkait ang sigla sa araw. ©Raffy Love Canoy |April 2020|
0
May 10, 2020
May 10, 2020 at 8:05 AM UTC
Sigla sa Araw
Nung nakilala kita ligaya'y umapaw Di maitago ngiti sa araw-araw Bawat pag-uusap natin ay damang-dama Puso'y sumisigaw sa tuwing ika'y kasama Walang oras na di kita inisip Tila di na nais pang maidlip Ngunit napagtanto kong ako'y mali Nang malaman kong di ako ang napili Pag-ibig mo'y laan sa nakaraan Di sakin na nasa iyong harapan Lungkot at sakit pumalit sa saya Nung panahong ika'y aking naging akala.
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:53 AM UTC
Akala