Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maamo" poems
Noong ako'y nasa elementarya, Ang pag-ibig para sa akin ay mahiwaga. Hindi ko maintindihan Kung ano nga ba ang kahulugan. Marahil hindi ko pa nararanasan Ang umibig at ibigin ng lubusan Ngunit mayroong dalawang tao Ang sa akin ay nagturo; narito ang kwento. Maganda at payapa Ganiyan ilarawan ng dalaga Ang kaniyang mundo noong wala pa ang binata Hindi lubos akalaing sa isang iglap ay mawawala. Wala pa sa isipan ng dalaga Ang pag-aasawa Hanggang sa dumating ang binata Nagsimula ng mangarap na sila'y maging isa Hindi niya alam ang kaniyang motibo Kung ito ba'y pagpapanggap o totoo Basta't ang alam niya siya ay masaya Kung panaginip man ay ayaw na nitong magising pa. Ang babae ay nalinlang Sa mukha ng isang lalakeng nilalang Kaniya siyang binusog ng mabulaklak na salita Ang lalake ay labis na natutuwa Nagtagumpay ang plano Sa likod ng kaniyang mukhang maamo Dala nito'y tukso Ang babae ay nabulag sa kaniyang panlabas na anyo. Kaniyang ibinigay ang lahat Pati ang mga bagay na hindi dapat Hindi inisip ang bukas Ngayo'y nagsisisi sa naging wakas Sa tagal ng kanilang pinagsamahan Mauuwi rin pala ito sa hiwalayan Nagdaan ang mga araw Ang lalake ay hindi na muling tumanaw. Umalis na ng tuluyan Mag-isa na lamang siyang nagduduyan. Ang nasa kaniyang isipan, Ay ang bata sa kaniyang sinapupunan. Ang babae sa tula ay ang aking matapang na ina Ang lalake sa tula ay ang aking duwag na ama Si babae na takot masaktan ngunit piniling lumaban Si lalake na duwag ngunit nagtatapang tapangan. Ako ang naging bunga Ng kanilang pagsasama Sa katunayan Ako ay bunga ng kasalanan.
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 10:01 AM UTC
I. MATAPANG AT DUWAG: Ang Babae At Ang Lalake
Noong ako'y nasa elementarya, Ang pag-ibig para sa akin ay mahiwaga. Hindi ko maintindihan Kung ano nga ba ang kahulugan. Marahil hindi ko pa nararanasan Ang umibig at ibigin ng lubusan Ngunit mayroong dalawang tao Ang sa akin ay nagturo; narito ang kwento. Maganda at payapa Ganiyan ilarawan ng dalaga Ang kaniyang mundo noong wala pa ang binata Hindi lubos akalaing sa isang iglap ay mawawala. Wala pa sa isipan ng dalaga Ang pag-aasawa Hanggang sa dumating ang binata Nagsimula ng mangarap na sila'y maging isa Hindi niya alam ang kaniyang motibo Kung ito ba'y pagpapanggap o totoo Basta't ang alam niya siya ay masaya Kung panaginip man ay ayaw na nitong magising pa. Ang babae ay nalinlang Sa mukha ng isang lalakeng nilalang Kaniya siyang binusog ng mabulaklak na salita Ang lalake ay labis na natutuwa Nagtagumpay ang plano Sa likod ng kaniyang mukhang maamo Dala nito'y tukso Ang babae ay nabulag sa kaniyang panlabas na anyo. Kaniyang ibinigay ang lahat Pati ang mga bagay na hindi dapat Hindi inisip ang bukas Ngayo'y nagsisisi sa naging wakas Sa tagal ng kanilang pinagsamahan Mauuwi rin pala ito sa hiwalayan Nagdaan ang mga araw Ang lalake ay hindi na muling tumanaw. Umalis na ng tuluyan Mag-isa na lamang siyang nagduduyan. Ang nasa kaniyang isipan, Ay ang bata sa kaniyang sinapupunan. Ang babae sa tula ay ang aking matapang na ina Ang lalake sa tula ay ang aking duwag na ama Si babae na takot masaktan ngunit piniling lumaban Si lalake na duwag ngunit nagtatapang tapangan. Ako ang naging bunga Ng kanilang pagsasama Sa katunayan Ako ay bunga ng kasalanan.
Continue reading...
48
Alaala ang pinakamalapit na tugma Ng mga tala. Kapahina ang kakambal nitong Pinakamapait na salita: Pangungulila. Nang pagtingala Sa buwan na ningas ng maamo **** mukha. Kaya, sa kawalan ay mapapako. Mapagtatantong Bituin ka sa apat kong dako. Hilaga, Kanluran, Timog, at Silangan. Doon kita matatagpuan. Ikaw, ang siphayo ng malamig na gabing pinili kong makasanayan. Ikaw na siyang unan, kumot, at hanap-hanap kong dantayan. Ikaw, ang pinakamataimtim na bulong sa mga bulalakaw. Ang nag-iisang hiyaw. Na kung hahamunin man akong bigyang-kahulugan ang salitang balang-araw, Ang isusulat kong depinisyon ay ikaw; Ang pinakainaabangan kong bukas Matapos sariwain ang kahapon at nakalipas. Ikaw ang uniberso. Wari'y ang lawak ng kalawakan Maging ang mga kislap nitong hindi pa natutuklasan ninuman, ay hindi sasapat kung ikaw ay aking ilalarawan. Ikaw na napiling pag-alayan ng pag-ibig na matagal kong inipon at iningatan. At wala akong ibang maramdaman Kundi matuling ikot ng mga planeta At mga nagbabanggaang kometa. Subalit hanggang kailan? Mahal, kapos ang haba at katahimikan ng gabi para lamang pakinggan ang dalawang pusong nagsisimulang bumuo ng kanilang istorya. Araw ay marahang pinasisingkit na ang mga mata. Umaga na subalit mahal pa rin kita. Sinta, tinatangi kita. -wng
0
Jun 12, 2016
Jun 12, 2016 at 7:55 AM UTC
Iniibig Kita
Dumaan saglit sa bilihan ng damit Kahit sakto ang dala ay aking pinilit Pagkat pawis ay malala dahil mainit Sa pagkikitang ito lahat ay sulit. Sa harap ng salamin maiging sinipat Kung okay ang buhok at marapat Konting talsik ng pabango sa kwelyo Hindi muna ko maninigarilyo. Upang ako'y perpekto sa pagdating Lahat ay maayos sa iyong paningin, hinahanap hanap ang 'yong awitin Ng boses **** maliit ako'y bitin. Nagmamadali at baka mahuli Ayokong maghintay ka aking binibini Kahit hasel sa lahat basta dumating Sinira ang ipon para may pang sine. Kamusta ka na? Kumain ka na ba? Unti unting pinaplano ang sasabihin. Sa paglalakad ako'y napapaisip Ano ang uunahin, saan papupuntahin Sa di kalayuan aking nakita Maamo at maaliwalas **** mukha Sabay nagising sa katotohanan Sa noo ko ay biglang pinawisan. Nang biglang nauntog sa totoo Na ito ay panaginip lamang Hawak ang lakas ng loob Napalunok at parang.. Nabilaukan sa pagkakita Sa kamay **** may humawak Sa di bandang kalayuan Pumatak ang luha ng uwak At sabay bati ng kamusta Habang hagkan ka at yapos Ako ay kinakain ng sistema Ng matinding pagseselos At binalewala ang pagpapakilala Sa kasama mo'y ikaw'y hinayaan Sigaw ng puso'y nagaklas Batid na "Dapat ako ang nandiyan".
0
May 23, 2016
May 23, 2016 at 8:51 AM UTC
Hasel
"TAHIMIK!" sigaw ng mga nasa itaas, mga taong gumagawa ng batas, ngunit ang hustisya'y hindi patas, 'pagkat sa kanila ang batas ay may butas. "TAHIMIK!" sigaw ng mga may kapangyarihan, mga taong inaasaahang maging huwaran, sa panahon na sila'y ating kinakailangan, ang tanging naitatanong ay "saan?" "TAHIMIK!" sigaw ng mga mapagmanipula, mga taong ginagawang hanapbuhay ang pulitika, pondong mga winawaldas at nawawalang parang bula ang mga sagot ay tanging paghuhula. "TAHIMIK!" sigaw ng mga ayaw sa kritisismo, mga takot sa hinaing at nagrereklamo, mga tutang kinain ng koloniyalismo, sa ibang bayan sila ay tila maamo. ngunit sa kabila ng lahat ng pagtatahimik, patuloy kang umimik, sa hustiya at paglaban ay maging sabik, sa mga mapanakot huwag magpapitik. ipagpatuloy ang pagiingay, sa masa ika'y sumabay, magising ka sa iyong malay, pagkamakabayan huwag sanang mawalay. huwag **** hayaang kunin ang boses natin, 'pagkat ang pag-aaklas ay pilit na isinalin-salin, mag-salita ka pa rin, hindi lang para sa'yo kundi para rin sa akin. ialay ang mo ang salita mo sa mamayan, ikaw ang maging tunay na huwaran, susunod na henerasyon iyong ipasan, mag-ingay sa kahit anong paraan. "TAHIMIK!" ani ng taong bayan, sawa na sa pagmamanipula na naghahari-harian. "TAHIMIK!" ani ng mga mamamayan, tandaan na laging buksan ang mata at isipan.
0
Jul 3, 2020
Jul 3, 2020 at 5:22 AM UTC
tahimik
Naglalaro tayo, Pero hindi parang biro. Mayroong taya, Pero hindi alam kung sino. At walang tayo, Pero sana’y parehas na manalo. Sisilip ang pusong walang pagkukunwari. At sa tikas at dunong ng iyong pananampalataya, Pawang gabay sa nauuhaw na sandali. Ang baryang sentimo’y itinabi nang kusa, Pagkat umuusbong ang pagsinta Sa para sanang taglagas na paghinga. Nais kong siyasatin ang maamo **** mukha At ang pagkukumbaba’y batid kong patas at di ulila. Iyong mga kamay, yapos silang mga uhaw At ang tula’y binalot ng pakikipaghimagsikan. Dukha ang pag-ibig ko, Bagkus hindi mamamalimos. At sa mala-larong pag-iibigan, Magwawagi rin tayo. Sapat na ang nalalabing mga sandali’t Armas nati’y ibibigkis pa rin sa Langit. Pagkat hindi lilisanin ang Harding may bukal ng pag-ibig. Tataya ako’t hindi ka muna gigisingin Sa himbing ng paghikbi’y, ako’y gapos ng katotohanan. Sinta, hintay lamang; pagkat matatapos din ang laro Gigising tayong muli’t bibihisan ng pagsuyo.
0
Mar 29, 2016
Mar 29, 2016 at 10:28 AM UTC
Hide and Seek
Sinasaktan ka lang n'ya. At hindi sa paraan ng salita. Pisikal. Sinasaktan ka lang n'ya. At masakit na hindi ka n'ya sinasaktan sa paraang alam kong mas masakit, damdamin. Dahil kahit ano pang sabihin ng iba na mas masakit masaktan ang damdamin kaysa pisikal, ay mas gugustuhin kong umiyak ka dahil minura o sinisi, kaysa sakal sa leeg at sugat sa labi. Masakit, kung iisipin ang suntok sa mukha, o harangan ang paghinga sa pamamagitan ng unan. Masakit, na sa lahat ng sasaktan ay ikaw pa. Prinsesa, inalagaan ng ilang taon bilang kaibigan upang makita lamang ang mga pasa sa braso, sugat sa puso, mukhang maamo na nilamon ng pait. Pero nakaka ngiti pa rin sa akin na para bang walang nangyari. Higpit ng yakap na para bang walang sakit na iniinda. Tawa na kay lakas na wari mo'y hindi umiyak kagabi. Gabi-gabi kong iniisip kung anong ginagawa mo, hindi, kung anong ginagawa n'ya sayo. Dahil bukod sa saya na naibibigay n'ya sa bawat halik, o yakap, o talik ay mas nangingibabaw ang sakit mula sa suntok, sampal at sigaw. Pero sa sulok ng aking utak ay mas mapapasaya kita. Oo, naisip ko na ito dati, at mas iniisip pa ngayon. Alam ko namang malabo ang mga pangyayari dati pero mas lumilinaw na ngayon. Sa mga panaginip lang dati nangyayari, isasabuhay na ngayon. Mahal kita at hindi ka dapat mapa sa kanya. Dahil una pa lamang kitang nakita , ay akin ka na.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:54 AM UTC
276
Sayong paglalakad sa kalagitnaan ng daan ika'y nakita Mga mata **** mapungay at mukhang **** maamo Posturang natural at ngiti **** hindi nagbabago Na para bang lagi akong tinutukso O bakit ka ganyan, binibini? Para bang sa 'yong mga mukha ay walang problemang namumutawi Kada salubungan ng ating mga mata ay talaga namang pagod ko ay napapawi Nagsusulat ako ng bigla kang dumaan saking harapan Ako'y napatingin at napahinto sa aking lugar na ginagalawan Para **** niyanig ang mundo kong tahimik Puso kong parang gustong muling umibig Handa kong ika'y haranahin at gawan ng isang awit Ngunit paano pala kung puso mo ay meron ng nag mamay-ari? Mga bagay sa aking isipan na nawari Hanggang tingin nalang ba ako sayo Kahit na parang ako'y pinana na ni kupido? Handa akong sumugal malaman mo lamang na ang pag ibig ko ay tunay Nais mahagkan ka at mapakilala saking Nanay Mga mata kong kislap ay talaga namang tunay Kaya sana hayaan mo kong iyong buhay ay bigyan ng kulay Magpapakilala ako sayo ng walang pag iimbot Irerespeto ka kahit magsuot ng maigsing saplot Unang hakbang ng puso mo'y maabot Ihahatid sundo sa inyo pag uwi sa tahanan Hindi ka hahayaang mabastos ng kung sino sa daan Liligawan pati iyong mga magulang, Nangangako sa magandang intensyon at hindi magkukulang Sa Itsura man ako'y salat Akin nalang ibabawi sa matatamis na sulat at ugaling tapat
0
May 24, 2018
May 24, 2018 at 2:22 AM UTC
MARIKIT
Sa mata nila, ako'y walang saysay Sa mata nila, ako'y walang boses Sa mata nila, ako'y walang karapatan Sa mata nila, ako'y isang pagmamay-ari Hanggang kailan ko tatamuhin ang ganitong katayuan Ang pakiramdam na para bang wala akong kahalagahan Dahil sa ako'y mahina, maamo't inosente ay wari bang inaangkin n'yo na ang katauhan ko? At sa hindi inaasahang pagkakataon itinaas Mo ang mga gaya namin at sinabing sa amin naghahari ang Diyos, lumundag ang puso ko sa tuwa Pinatayo mo kami sa kagitnaan ng mga mas may dunong at kapangyarihan Ang pagkilala mo at pag-ibig mo sa bawat isa Lalong lalo na sa mababang gaya namin ay tunay naming 'di maarok Sa pamamagitan namin, binasag mo ang tradisyong nagpapaalipin at inimulat kami sa tunay na kahulugan ng kapakumbabaan at nang tunay na kahulugan ng kaharian ng Diyos sa iyong halimbawa at aral, maraming nagulantang.. Hinayaan mo kaming lumapit sa Iyo At ikinintal ang iyong iniwika Na ang sinumang 'di tumulad sa isang maliit na bata sa pagtanggap sa paghahari ng Diyos ay hindi mapapabilang sa mga taong pinaghaharian niya.
0
Nov 19, 2019
Nov 19, 2019 at 12:39 AM UTC
Ang Batang Gaya Ko
Gabi-gabi kitang pinapangarap aking mahal Sanhi marahil ng pusong kung umibig ay hangal Regalo ka ng tadhana, hindi naman pwedeng buksan Maamo **** muka sa diwa lang maaaring masdan Rehas ang katumbas ng ating pagibig, hindi pa malayang ipagsigawan Ako'y nananalig laya nati'y ibibigay sa panahong wala ng alinlangan
0
Aug 19, 2020
Aug 19, 2020 at 9:59 AM UTC
Pangarap Muna
di naman kita hinanap, kusa ka lang dumating may dalang perpeksyon, at kumplikasyon ngiti **** matamis pala ay lason pusong walang imik, bigla **** kinatok ngayong handa na sayo, bigla **** nilugmok mukha **** maamo, ugaling nabubulok kulongang walang harang, pader ng kasinungalingan pilit inakyat, tahasang binagsak ngayon ay malaya, pero ang saya pa din ay wala -bilibid
0
Aug 7, 2017
Aug 7, 2017 at 3:57 AM UTC
Bilibid
Konting konti nalang ba?, O sa kunting yan maudlot pa, Saglit palang man din tayo Nagkakilala, ngunit akoy punong punot binuo mo na. Labis na tuwa ang nadarama sa mga alaalang kahapon lamang nagawa,ngunit ito ba ay kalabisan? O dapat lang? **** sagot o tadhana. Nasa sulok kagabi, pinagmamasdan ang nagiisang larawan mo sa cp, ng may ngiti, naka titig sa maamo **** mukha't, nangangarap na mahawakan ang iyong mga pisngi't mayakap ka kahit konting sandali. Hanggang pangarap na lamang ba? Mali ba na pangarapin ka? Mali bang magmahal kung alam **** siya na nga? Sana tama nga!
0
Mar 12, 2021
Mar 12, 2021 at 12:43 PM UTC
Sana