Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
XIII Jun 2015
Ehem ehem!
Mic test, mic test
Ayan gumagana ang mikropono
Siguro naman makikinig kayo sa sasabihin ko

'Di ako nandito para makipagtalo
Kung sino mas gwapo, ako o si Piolo
'Di ako naghahanap ng gulo
'Di naman kasi ako palalo

'Di ako nandito para makipag-away
Nais ko lamang mag-aksaya ng laway
Pati na rin bumuhay ng patay
Na sa bawat isa sa atin ay nakaratay

Kasi sinabi nila na naiburol na ang mga salita
Nailibing na kasama ng mga tekstong sa eskwelahan ay ginawa
Hindi na nga daw naaayon ngayon
Sa tinutuntungan nating henerasyon

Pero, saglit, teka!
Pakinggan mo, ang ganda diba?
Kung paano magtugma ang mga salita
Kung paano magtugma ang mga letra

Kasi sabi nila ang korni tumula
Na namatay na lahat ng bayani, kasama ang mga makakata
Na hindi na uso 'to, hindi na tayo bata
Na nauuto ng mga **** na gumawa ng talata

Pero ano ba ang fliptop, ano ba ang rap?
Hindi ba nagmula din ito sa parehong ugat?
Walang kwenta ang melodiya kung walang liriko
Hindi masasabing awitin, kung walang mensahe ito

Kaya ito ang subukan mo
Isulat mo sa papel ang nararamdaman mo
Ang sarap sa pakiramdam na mailabas ang mga ito
At bumuo ng isang kwento

Gamit ang mga salitang akala mo'y walang kwenta
Magiging himig ang bawat pagtutugma
Ang iyong kwento ay magiging tula
Na mananatili kahit ikaw ay wala na
Argumentum Jul 2015
"KORNI"
Naglakbay,
naglibot,
naghanap ng mahabang panahong para sa araw na ito,
ngayon,
tadhana nga sigurong maituturing na ika’y muling matagpuan.

Ngayong
nagtagpo tayong muli,
hindi na mag-huhulus dili at papipigil pa,
hindi ko na pipigilan pa ang mga salitang nagpupumiglas sa aking bibig galing sa aking puso na sana ay noong simula pa lamang ay ibinugsu ko na.

Mahal kita,
hindi ko man maibibigay sayo ang isang perpektong relasyon na gaya ng ipinapangako nila,
patawad sapagkat ang tanging maiaalay ko lang ay ang aking katapatan at walang hanggang pagmamahal.
Wag mo akong kapootan sa pagiging duwag ko sa aking nararamdaman,
patawarin mo ako sa pagpapalipas ng panahon na wala akong ginawang paraan,
ngunit higit sa lahat, wag mo akong kapootan sa dahilang hanggang ngayon
ikaw pa rin ang aking mahal.

Nang ikaw ay nawala, ang buhay ko ay uminog sa matinding pagsisisi at panghihinayang,
kaya ngayon, hayaan mo akong iparamdam,
sabihin
at ipakita na ikaw
at ikaw lang ang tanging mahal.
Joseph Floreta Apr 2017
Mahal kita,
kahit na klepto ka. Ninakaw mo nga
ang puso ko,
ngunit ibinalik mo naman.
Sa’yo na ‘yan!
Sa’yong sa’yo na ‘yan!
Ano kaya mararamdaman mo kung may nag-******
ng phone mo
tapos after 3 or 4 months ibinalik ulit?
Confused ka syempre. Hindi mo alam kung magiging masaya ka pa dahil ibinalik sa’yo
‘yung dating iniingat-ingatan mo.
Siguro, oo?
Siguro, hindi?
Wala ka nang ****.
Pero sa pagmamahal, ibang usapan na ‘yun. Masaya ka na dahil sanay ka na sa kung anong meron ka ngayon…
na nasa iyo ang puso ko,
pero ibinalik mo rin. Ninakaw mo na ang puso ko,
sana dinamay mo na pati apelyido ko diba?.
Kahit hindi mo na ibalik.
Ilang beses na tayong na-</3,
pero naayos rin natin ‘yun.
Sabi ko nga sa sarili ko,
“Sana ‘di na ako nagmahal,
para lang 'di na ako masaktan pa.
Kaya lang,
makita lang kitang nakangiti,
handa na 'kong masaktan ulit.”
at sabi ko nalang rin na worth it lahat ng ‘to.
Ang nagbibigay ng liwanag sa bahay ko ay ang Zamcelco.
Ang nagbibigay liwanag naman sa buhay ko ay ikaw…
Mahal ko.
Ganern.
Hindi ko alam kung ano ang plano ko sa buhay ko bago ka dumating sa akin.
Go with the flow lang kasi ako,
Binigyan mo ako ng rason na mag-work hard para makasama kita.
Binigyan mo akong goal sa buhay.
Medyo mala-#AlDub
rin tayo eh.
Magkikita’t magsasama rin tayo sa tamang panahon.
Ang korni no?haha

May nagtanong sa akin kung posible bang mahulog sa taong 'di mo pa nakikita.
Kung sa kanal nga na 'di ko nakita habang naglalakad ako,
nahulog ako…
Sa’yo pa kaya?
Sa totoo lang,
hindi naman talaga ako mahilig magdasal dahil nakakalimot ako.
Pero simula nang makilala kita,
nagdadasal na ulit ako.
Natuto akong magpasalamat kay God na dumating ka sa buhay ko.
Pero ayun,
our souls were just meant to stop by for a while,
not forever siguro?
Pero kung para sa akin ka, para sa akin ka.
Kung hindi,
ipipilit ko talaga, haha..

— The End —