Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"katuparan" poems
Wala akong alam sa pag-ibig Ngunit nang ikaw ay nahagip Alam kong ikaw na 'king iniibig Binigyan **** katuparan ang panaginip Na dati'y tinatamasa lamang sa pag-idlip Wala 'kong alam sa pag-ibig Bawat hinagpis kong pinunasan ng 'yong palad Ang mga labi **** nagsilbing liwanag na hubad At kulay sa buhay kong mapanglaw Kaya nga sabi sa sarili, ikaw na nga, ikaw Wala 'kong alam sa pag-ibig Kaya hinayaan kong mabulag mga mata kong singkit Na ikaw lang ang tinatanaw, walang pakialam sa sakit Kahit pa nung araw na hindi ka na lumapit Mga taghoy ko'y pilit kong iniimpit Wala 'kong alam sa pag-ibig Kahit malabo na ang pag-iisip Pinilit kong takbuhin ang distansya natin Kahit alam kong walang makukuha ni silip Sa paghabol sa taong ayaw na sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Musmos pa nang ika'y humangos sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Dinamdam ko ang pagtulak mo sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Tinanggap ko lang mga salita **** hagupit Wala 'kong alam sa pag-ibig Tinalo ng luha ko ang ulan ng bagyong mabagsik Wala 'kong alam sa pag-ibig Noon ay akala ko ikaw na ang nangyari sa'king pinakamasakit Wala 'kong alam sa pag-ibig Pinanood lang kita sa pagtakbo mo Nabingi lang ako sa mga pangako mo Marami ring oras ang inaksaya ko sa'yo At mahaba-haba rin ang nasulat kong 'to Ngayong natuto na akong tumayo sa mga paa ko, Ang punto ko lang ay napakawalang hiya mo!
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 8:39 AM UTC
Wala Akong Alam sa Pag-ibig
ito ay isang liham na isinulat ng buong tapat para sayo at para sakin maaring pag lipas ng panahon ay makalimutan ko ito at maaring mag laho ang liham na ito ng tuluyan nakalaan ang liham na ito sa taong mag tatago ng ating mga alaala habang siya ay nabubuhay simula ng makilala kita ay naakit ako sa maaaring maging sanhi at bunga nito sa simula, inakala ko ang katuparan ng aking mga pangarap ang bunga hindi nag tagal naisip ko ang paulit ulit natin pag uusap ay siyang bunga nito pagkatapos non' naniwala ako na ang simula ng aking bagong buhay sa ibang mundo ang bunga ngayon ko lang napag alaman kung ano ang tunay na bunga kung ang sanhi ay ang pagkakaroon ng lihim na pag mamahal sayo, ang bunga ay ang pagka-wala ng lahat sa buhay ko ang kinabukasan ko, ang panuntunan ko, ang mga taong malapit sa buhay ko, at maging ikaw hindi ko natitiyak ang mga mangyayari mula ngayon tuluyan na ba natin makakalimutan ang bawat isa? kung magpapatuloy ang mga alaala at habang buhay na pag durusa isa lamang ang hihilingin ko ang manatili ka sa puso at isip ko dahil katumbas ng walang hangang nararamdamang sakit ang mapag kaitan ng mga alaala mo at para sayo kung sakaling mabasa mo ang liham kong ito isa lamang ang dalangin ko, nawa'y hindi mo na malaman na ito ay para sa iyo.
0
Dec 28, 2018
Dec 28, 2018 at 4:32 AM UTC
Liham
Ayun,dalawang buwan na din pala ang lumipas. Pero parang taon na ang ating pinagsamahan. Yung mga usapan na minsan pareho din natin di inasahan pero yun din ang hantungan kaya masaya din na napagpaplanuhan. Mga pangarap na sa balang araw ay bibigyan natin ng katuparan. Kaya sa ngayon ang sakripisyo nang pagkakahiwalay ay abay nating nilalabanan. Ilang milya man ang ating agwat at Sierra Madre man ay nasa gitna ng ating daan hinding hindi naman natin nakakalimutan ang isat isa sa araw araw na nagdaan. Ang mundo ko ngayon ay napapalibutan ng palayan at mga simpleng mamayan ikaw naman ay nakikipagpatentero sa ka Maynilaan. Pero alam natin na darating araw na sabay nating pagsasaluhan ang agahan na aking pinagsikapan. Aaminin ko na may oras na gusto kitang kapiling upang hagkan lalo na kapag sa trabaho moy nahihirapan pero ganito talaga ang buhay aking mahal sadyang kelangan natin magtiis lumaban at magtulungan. At Sa pagsapit ng araw na tayo ay iisa na at si sinag at tala ay naglalaro na sana kasama natin sila at alala ng kanilang pagkabata. Dalawang buwan ay lumipas na at alam ko na mas mamahalin pa kita sa bawat araw buwan at taon na darating pa. Kahit pa ayaw mo kumain ng ampalaya at okra ihihiwalay ko pag ang ulam ay pakbet akin ang lahat ng tira.
0
Feb 21, 2016
Feb 21, 2016 at 8:36 PM UTC
Dalawang Buwan.
Bakit nga ba ang hirap sabihin sa'yo Ang pilit na sinisigaw ng puso ko? Ano ba'ng kinakatakot at iniiwasan ko? Iniiwasan ko ba'ng magmahal at masaktan O ang magmahal ng lubusan? Kung iba ba ang mahal ko Pagtingin ko pa rin kaya'y ganito? Bakit ba kasi sa lahat ng tao'y sa'yo ko pa Naramdaman ang ganito'ng klase ng saya? Ang kakaibang pakiramdam Na wala na'ng iba pa ako'ng kailangan? Sa tinagal-tagal ng panahon na tayo'y magkakilala Bakit kailanga'ng ngayon ko lang madama Na sadyang hindi na sapat na kaibigan lang kita? Kung sana kaya ko lamang ipaalam sa'yo, Kung sana naririnig mo ang bulong ng aking puso, Wala na sana'ng hihigit pa Sa saya ng puso ko'ng patuloy na umaasa-- Na sa isang sulok ng panahon Bukas, makalawa o maaaring ngayon May katuparan ang pangarap ko Na higit pa sa kaibigan ang maging pagtingin mo.
0
Mar 14, 2015
Mar 14, 2015 at 6:36 AM UTC
KATUPARAN
“I am not a teacher, but an awakener.” ― Robert Frost May mga walang alam na nagpapanggap na may alam. Mga nagmamarunong na akala mo ay mga pantas pero ang totoo ay masahol pa sa tunay na mga mangmang. May mga nagsusulat pero hindi marunong magmulat, kahit bulatlatin mo ang kanilang mga aklat na hindi magluluwat wala kang mapupulot, wala itong alamat kundi puro lamat. Ganito sila ‘pag iyong sinalat walang k’wentang bumanat. Ang mga panaginip ng isang paslit ay laging naghahanap ng katuparan tulad ito sa isang malawak na paliparan na ang mga tapakan ay tila walang hangganan. Ang banggaan ng mga saranggola guryon man o boka-boka ay sumasagisag sa sigla ng kamusmusan. Walang bobo, walang tanga at walang mahina ang totoo para-paraan lang para matuto ‘yan ang hindi alam ng mga ungas na nagtuturo. Natatandaan ko madalas na pinapatayo ako sa harap ng pisara kasi maingay daw ako at malikot. Madalas din akong mapalo kasi mahina ang ulo ko pagdating sa Matematika. Bakit ano’ng kadakilaan ba ang meron sa pananahimik at kelan pa naging pang-aliw sa puso at kaluluwa ang mga numero? Walang lumiligaya sa pagmememorya at hindi nakaka-ulol ang pagiging malikot at maligaya. **** ka ba talaga? Parang hindi naman, mas mukha kang tinderang tuliro na abala lagi sa pagbebenta ng yema, kendi at kung ano-anong sitsiriya. **** pangalawang magulang? Kaya pala mas mabagsik kapa sa tatay kong maton at mas masungit kapa sa nanay ko. Nagtuturo ka ba’ng talaga? Hindi naman, mas mahaba pa nga ang oras mo sa pakikipaghuntahan. Ang **** ay hindi lamang dapat na nagtuturo s’ya ay tagapagmulat din. Isang John Keating (teacher sa pelikulang Dead Poet Society) ang kailangan ng mga bata sa mundo. Nagmumulat hindi nagmamalupit, hindi kailangan na manghagupit at walang dapat na ipilit. Ang eskwelahan ay hindi pugad ng mga pipit. Matalino, magaling at matalas mag-isip ayos lang yan. Subalit punong-puno na ang mundo ng mga matatalinong walang pakinabang. Ang umibig at maging tunay na kapakipakinabang sa mundo at sa kapwa tao, ito ang dakilang aral na dapat na ipangaral. Walang silbi ang mga pagpapagal sa loob ng paaralan kung ang natutuhan mo lang ay kung paano kumita ng limpak-limpak na salapi. Kung ang alam mo lang sabihin ay Yes Sir at Yes Ma’am walang silbi ang iyong pinag-aralan. Nakakalat na sa lupa ang mga pipi na hindi marunong magsalita at magpahayag nang kanilang tunay na saloobin. **** na nagtuturo maliban sa hintuturo at nguso sana gamitin mo rin ang iyong puso.
0
Nov 15, 2017
Nov 15, 2017 at 10:19 PM UTC
****

Continue reading...
8
Sa bawat paggalaw ng iyong kamay Sa bawat paghampas ng kulay mula sa iyong kaluluwa Tila nilalason ang isipan ko Sinasabing kay ganda ng lahat ng mayroon sa’yo Hindi maikukubli sa aking mga salita Ang paghanga sa lahat ng kung sino ka Nangingislap ito mula sa ilaw Na nanggagaling mula sa pagkatao na pagmamay-ari mo Umaalab ka ngunit hindi mo pansin Mapapaso ang sinomang lalapit sa’yo Ngunit pipilitin nilang mahagkan ka Sapagkat ikaw ang katuparan ng pangarap nila Pinutol mo ang sarili **** mga pakpak Kaya naman hindi mo naaatim Ang yaring tayog na iyong taglay Kung makakalipad ka lamang sana Likas sa’yo ang nais mo Kumakatok ako’t nakikiusap Gumising ka, marikit na binibini At kamtan mo ang matagal nang nasa iyo
0
Sep 8, 2015
Sep 8, 2015 at 10:40 AM UTC
Ikaw Din Ang Siyang Nais Mo
Maraming salamat Sa mala alamat Na kwento ng ating pagmamahalan Na dati ay walang hangganan Nauwi sa hiwalayan Nauwi sa mahabang gabi ng iyakan Nasaktan tayo pareho Pero hindi ako sumuko Tatlong buwan nag-isip Ngunit ika'y nainip Hindi ko na nasagip Natangay na ng hangin na malakas ang ihip Maraming salamat Sa lahat lahat Sa kahinaan at kalakasan ko Tinulungan mo akong magbuhat Tinuruan mo akong tumayo Pinangako sayo ang hindi paglayo Binago ako ng ating pagmamahalan Mga pangarap nati'y nagkakaroon ng katuparan Ngunit pagmamahalan natin nagkaroon ng katapusan Hindi na din natin nagawan ng paraan Na ayusin at bigyan ng pagkakataon Nagkulang na ata sa oras at panahon Ikakahon ko na ang lahat ng ating alaala Itatago sa isang parte ng puso ko kung saan wala ka na
0
Oct 8, 2015
Oct 8, 2015 at 9:23 PM UTC
Salamat
Gising na naman ng alas dos ng gabi Hinihingal at pinagpapawisan ng sobra Mula sa isang bangungot ako’y nagising Nagising sa katotohanang parang bangungot din. Hindi mapigilang bumuhos ang mga luha Puno ng hinagpis mula sa kahapong mapait Bawat hikbi at buntong-hininga pilit pinipigil Habang nagkukumahog hanapin ang nawawala Damdaming nagtitimpi ay biglang pumutok Mga emosyong rumagasa ng walang habas Mula sa nasirang prinsa ng aking puso Umaagos papunta sa mga matang ayaw tumahan Hinahanap-hanap pa rin ang ‘yong haplos Pati mga halik na ibinuhos sa aking mga labi Unti-unting nawawala ang wangis mo sa ating kama Ang kamang nilisan mo nung ako’y iniwan mo Gabi-gabing iniisip ang mga dahilan Kung bakit dun pa sa ating kalungkutan Bigla mo na lang akong isinantabi’t iniwan Kahit pa nangako tayo ng walang hanggan Hinahanap-hanap pa rin ang ‘yong anino Mga bakas ng kahapong gustong balikan Ngunit kahit kailanman at ano man ang gawin Hinding-hindi ko na muling mararanasan Sana’y naririnig ang mga sigaw ng puso Na nagtitiis sa sakit habang nangungulila sa’yo Sana’y marinig muli ang mga salitang “Mahal kita” mula sa’yong mga labi Kaya nandito pa rin ako sa ating dulo Inaantay ang malabong pagbabalik mo Kahit ang puso’y nawawalan na ng pag-asa Pilit hinihiling ang katuparan ng mga “sana” Pag-ibig ko’y iyo pa rin Nag-aantay sa kamang unti-unting nilalamig Ang mga bisig na ang tanging nais Ang yakapin at hagkan kang muli
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 6:04 AM UTC
Alas Dos
Kung aking bubuklatin, Ang mga nakaraang pahina ng iyong mga awitin, Sigurado akong maalala mo ito at kakantahin, Pauli-ulit pang rerehistro sa utak at iisipin. Mahilig kang kumanta, Boses mo ay kakaiba, Mahilig ka ring gumala, Sa mga malalayong lugar na hindi na abot ng iyong mata. Sa trabaho ay seryoso ka. Minsan nakalimutan mo na ring ngumiti sa iba, Sa dami ng iyong ginagawa, Kami ay napapagalitan pa. Dedikasyon mo sa trabaho ay hindi matatawaran, Pero kahit na ikaw ay may posisyon na, Walang nagbago sa iyong nakaugalian. Ikaw pa rin ang taong madali naming lapitan. Ipagpatuloy mo ang ugali **** masaya, Upang bigat sa dibdib ay maibsan pansamantala, Mabigyang katuparan ang pangarap mo sa iyong bubuuing pamilya, Nang maging sandigan mo sa habambuhay na ligaya.
0
Aug 14, 2017
Aug 14, 2017 at 8:12 PM UTC
Bilang Ikaw
KULAM Sa ilalim ng langit Takipsilim ay naglulundo sa katapusan Kung saan ang langit lumulutang sa dagat At ang buwan ay unti-unting nanalamin Ang dulo ng punyal Sa punyos ay ikukudlit Ang patak ng dugo Ay magkukulay, sa bawat salitang isasambit Mangyayari ang dinadasal Ang bulong ay ang nakakabinging lintik Na maguguhit sa kalangitan Ngunit hindi uulan Lupa'y mabibiyak Manginginig ang mga bato Naniningas na sulat Katagang itinuturing katotohanan Katuparan ang bawat letra Ang kahulugan nito'y hindi malulupi Lahat ay makapangyarihan Kahit nakakubli man sa kadiliman Isang hiwagang bumabalot Sa sandaling hiram Sa sugat ay kukuha ng lakas na maglulupig sa liwanag
0
Jun 19, 2019
Jun 19, 2019 at 8:22 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #69