Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
christine Apr 2015
kayo na ba?
nakita ko na siya
bagay kayo

sabi mo,
parang hindi naman

kamusta ka na ba?
di na kita nakikita
uso rin sakin mag-alala

di ka naniwala kaya sabi mo,
parang hindi naman

dito ka lang
para masaya
baka mahal na kita

sabi ko,
parang hindi naman

nandito ka
ako
tayo

pero bat parang hindi naman
katangahan at iba pang kwento ng kagaguhan bow
Jan C Nov 2020
Hindi ako tanga para maghanap ng iba,
Hindi ako gago para ipagpalita ka.
Walang motibo mag hanap ang mga mata,
Hindi makikinig sa tukso ng kapwa.

Wag mo ako bigyang motibo para iwanan ka.
Hindi ako normal mag isip tulad ng iba.
Masakit makita na sumasaya ka na sa iba,
Hindi na nga pala ako ang dahilan ng iyong saya.

Nakakatuwa nga namang isipin na ngumingiti ka pa.
Nakakagaan sa pakiramdam malamang masaya ka.
Ngunit kamusta nga ba ang isa?
Sana dinadalaw at may halaga.
mahal
masanay ka na
sa mga bati sa umaga,
sa kamusta,
sa nakauwi ka na ba,

sa mga tula,
sa mga tamang tugma,
at huwag kang mag-alala

hindi lang 'to sa umpisa
dahil hangga't nandiyan ka
hindi ako mauubusan ng mga salita.
Random Guy Oct 2019
isang linggo na
mula noong una
mo akong kausapin ulit
makalipas ang walong taon
kamusta
ano na
tanda mo pa ba
saya
sakit
lungkot
palitan ng alaala
na tila ba nakalimutan na
pero hindi pa pala
dahil sa likod ng mga nakwentong pangyayari
ay kabisado pa ang bawat detalye
at ngayon
isang linggo na
mula noong una
mo akong kausapin ulit
makalipas ang walong taon
at ang mas nakapagtataka
at ang mas nagpapasakit sa puso kong masakit na
ay kung paanong tila mas mabagal ang oras
ng isang linggo
kaysa sa walong taon
Randell Quitain Feb 2018
sa tuwing ako'y gigising,
pansin mo aking hiling,
sa "kamusta aking giliw?"
pag-ibig 'di magmamaliw.
xxx Nov 2018
Sasanayin kita
sa mga bati sa umaga
sa kamusta,
sa nakauwi ka na ba,

sa mga tula,
sa mga tagping tugma,
at wag kang mag-alala

hindi lang 'to sa umpisa
Ano bang meron
sa’ting dalawa?
Na pati ako'y
naguguluhan na
Mga matatamis na salita
Hindi ko alam kung totoo na ba
Sabihin mo pagka’t
Akoy unti-unting
nahuhulog na.
HoneyPotter Feb 2018
Gusto kong sabihing masaya ako
sa gitna ng gabi'y nagkausap tayo
kung paano mo sabihing
kamusta na ako
Kung paanong naging matamis
pakinggan ang pangalan ko.
Diba dapat normal lang
na marginig ang pangalan mo?
Ngunit bat pag galing sa labi mo
napapatalon ang puso ko.
Sitan Sep 2020
Kamusta
tila wala na mga kislap ng iyong mata
marahil magmula ito ng iwan kita
mula ng akoy umalis araw araw na kong nagtaka

maari pa ba kitang tawaging sinta?
malamang ikay malungkot at nagdurusa
alam ko naman na tinuring kitang walang kwenta
at kahit anong hingi ko ng tawad ay di mo na ibibigay pa

magmula ng ikay aking sinira
palagi ka nalang malungkot at tulala
puro ako pagsisisi ngunit alam kong wala ng magagawa pa
iniwan ako sapagkat wala na akong tamang ginawa

tila ilusyon nalang gawa ng alak ang ating masasayang alaala
kahit anong aking gawing ikay di na muli makakasama
masyado ng madaming pighati ang iyong nadama
ang dating malakas at matayog na tao ay isa nalang memorya

patawad sa akin sarili para sa lahat ng nawala
magmula noon ay ikay nagdurusa
hayaan mo at akoy hindi na hihiling na ikay magbalik pa
maging masaya ka sana hanggang sa ating muling pagkikita
Brielle Dec 2023
Ang buhay ay parang isang nobela,
May mga karakter na papasok sa kwento mo,
Meron silang layunin na gagampanan
Pero hindi magtatagal, sila'y lilisan rin.

Unang kabanata, nandyan na ba sila?
Anong klaseng karakter kaya ang isinulat ng manunulat?
Maisasama ko kaya sila sa kwento kong maulap?

Pangalawang kabanata, meron pa pala.
Anong klaseng aral kaya ang hatid nila?
Hanggang dulo na ba sila?

Pangatlong kabanata, ay dinagdagan pa pala niya.
Hindi ka ba nauubusan ng iisipin, aking manunulat?
Kailan ka kaya mapapagod?

Pang-apat na kabanata, may bago ng pahina.
Anong usapan kaya ang magbibigay kulay sa pahinang ito?
Ikaw at ako, siguro.

Pang-limang kabanata, dagdagan mo pa.
Anong suliranin naman kaya ang maisusulat mo manunulat?
Sana, wag mo akong pahirapan.

Pang-anim na kabanata, kamusta ka na kaya?
Maitutuloy mo pa kaya ang pahina?
Tinatamad ka na bang magsulat?
O naubusan ka na ng tinta?

Pang-pitong kabanata, ang saya.
Salamat manunulat sa pahinang ito,
Patuloy mo pa kaya akong bibigyan ng biyaya? Para matuloy ang ligaya?

Pang-walong kabanata, kay saya naman sa isang nobela
Ang manunulat na ang bahala,
Bahalang mag plano kung anong mangyayari sa kabanata.

Pang-siyam na kabanata, nasa gitna na ba?
Nasa simula pa ba tayo, manunulat?
Kailangan ka kaya mapapagod sa pag-uulat?

Pang-sampung kabanata, bakit naman ganon manunulat?
Ang dami mo namang binigay na problema,
Simple lang naman ang hiniling ko,
Na wag mo akong pahirapan.

Ikalabing-isang kabanata, may tutulong kaya?
"Sino kaya ang tutulong sakin?" Napaisip ang karakter
Manunulat, bibigyan mo pa ba siya ng ligaya?

Ikalabing-dalawang kabanata, saan pa ba patungo ang nobelang ito?
Lahat ng karakter ay lumilisan na,
At nag-iisa na ang pangunahing karakter
Maawa ka naman, aking manunulat.

Ikalabing-tatlong kabanata, may katapusan pa ba ang nobelang ito?
Napapagod na ako, aking manunulat
Bigyan mo naman ako ng pahinga.

Tama na, manunulat.
Nagsusulat pa ba tayo dito ng nobela?
Bakit lahat sila'y lumisan na?
Akala ko ba, hanggang dulo na sila?

Teka, nasa loob ba ako ng nobela?
O sinasalamin ko lang ang sarili ko sa isang nobelang nabasa ko
Tama nga ako, ang buhay ay parang isang nobela,
May sarili itong simula, gitna at wakas
Na akala natin ito'y patuloy na mag-uulat

Naalala ko nga pala,
Ako nga pala ang sarili kong manunulat
Ako ang mag-uulat sa buhay kong maulap
Naalala ko, tayo nga pala ang gumagawa sa sarili nating kahulugan.

Hindi mo naman makikita ang kahulugan mo,
Kung hindi mo bubuksan ang isip mo
At kung hindi mo dadamdamin ang puso mo.

Oh sige na aking manunulat,
Ituloy mo na ang iyong pag ulat
Sa karakter na nais **** bigyan ng kahulugan,
Sa karakter na nais **** maulat.
Sa iyong sariling nobela.
Faye Feb 2020
Nagsimula sa isang kwentuhan
Hanggang umabot sa biruan
Nakangiti, nakatawa na parang walang problema
Lumulutang sa ulap na may saya.

Minsan sa pag-uwi magkasabay
Nakaalalay at hawak hawak ang aking kamay
Ang iyong labi na ma pula-pula
Ang mga matang kumikinang sa akin ay nakatingin pa.

Dumating ang gabi ikaw ang iniisip
"Kamusta na siya?" yan ang nasa isip
Agad-agad kinuha ang telepono
Tinawagan na walang alinlangan ang maginoo.

Hindi namalayan umabot na ng umaga
Mga kwentuhang napakasarap sa tenga
Mga halakhakan at tawanan nating dalawa
Basta't kausap ka, walang lungkot na madarama.❤️
Anton Jun 2020
🖋//me

Kamusta kana?
Balita ko'y masaya kana
Nakakalungkot lang isipin na pag aari kana nang iba
Subalit wala akong magawa,
Dahil pinalaya kita

Masakit na makita kang kasama nya
Labis na nag dudusa sa aking nagawa
Iniisip na sana pinahalagahan kita
Di sana masaya tayo sa paling nang isa't isa

Patawad kung napagod ako
Kung mas pinili kong sumuko
Hinayaan kitang maglaho
At ngayo'y, heto ako
Umaasa sa salitang TAYO
na hindi na magkakatotoo

Sana pala pinaglaban kita
Sana pala hindi na ako kumawala
Sa pangako nating dalawa
Kase mahal, masakit pala
Masakit parin pala
Tama nga ang sinasabi nila
Na makikita mo lang ang tunay na halaga
Pag ito'y tuluyang nawala

Gusto ko mang' bawiin ka
Pero hindi ko magawa
Kase kita naman sayong mata,
Na masaya kana sakanya
Kaya kahit mahal kita,
Handa akong sumuporta
Sa taong gusto mo
Habang ginugusto kita.
#ManunulatPh.
#REPOSTED
Rison Feb 7
(Gawa ni: Rison)

Kamusta ka na aking liyag
Nawa’y ayos ka lang kung saan ka nag lalayag
Hindi madaling mag-isa
Lalo’t sa ganitong gabi ikay nag iisa


Alam kong hindi madali ang iyong ginagawa
Kaya, sa tuwing iyong nagagawa
Ika’y mag tiyaga, mag tiwala
Walang humpay makuha lang ang tagumpay


Hindi mo pa man ako kilala ng lubos
Eh, handa naman akong mag pakilala sayo kahit laway maubos
Nag simula ang istorya sa taas ng kandila
Hinde matatapos kahit upos nito’y mawala


At hanggang sa iyong pag-uwi
Makapag pahinga ka muli
Pahingang karapat-dapat sayo
Kaya sinta, kontento kahit nakatingin lang sayo

— The End —